Chapter 2

2015 Words
Shein MALAPAD na nakangiti si Shein habang nakatingin sa lalake na kanina pa niya inaantay na lumabas sa lungga nito. Kanina pa siya nakatayo malapit sa kotse ng binatang doktor ng pamilya nila. Si Dr. Rocket Eon Escobar. O mas kilala bilang Dr. Ree. Iyon nga lang kahit minsan hindi pa niya tinawag ang doktor sa mga katawagan dito ng mga nagiging pasyente at mga nakakakilala dito. Para sa kanya mas bagay dito ang Eon kaysa Ree o Rocket. Napangisi na siya ng tuluyan ng matanaw ang binata palapit sa kotse nito kung saan siya malapit na nakatayo. Nakangiti siyang naglakad palapit sa doktor. "Dr. Eon Kamusta?" Bati niya sa binata na halatang hindi natutuwa na makita siya. Masungit na naman kasi ang tabas ng mukha nito. At alam niyang siya ang dahilan. Pero siyempre, gustong-gusto rin naman niya ang nakikita niyang pagbabago sa awra nito. Sa katunayan iyon ang lagi niyang ginagawa. Ang bwesit-in ito. Nasisiyahan siyang makita na naiirita ito sa kanya at halos isumpa na siya na sana maglaho na lang siya sa mundo. Ewan ba naman niya, kahit siya hindi rin sigurado kung matatagalan niya ang ugali ng binata. Ang gusto lang talaga niya ay magkaroon ng kulay kahit kaunti ang buhay nito na kulang na kulang talaga sa sigla. Sayang ang kagwapuhan ni Doc Eon kung lagi itong nakasimangot at parang lagi na lang may kaaway sa sobrang seryoso. Sa totoo lang, hindi naman talaga niya maiisipang guluhin ang binata kung hindi niya ito nakilala matapos ianunsyo ng ama niya na hindi na si Dr. Escobar na ama nito ang magiging family doctor nila. Noong una niyang makilala ang binata, nasungitan na agad siya dito. At malaking bahagi ng isip niya ang naghisterikal. Tutol na tutol siya sa ugaling ipinapakita nito hindi lang sa pamilya niya kundi maging sa ibang tao. Sobra itong seryoso at hindi man lang marunong ngumiti. sayang gwapings pa naman. Nang tanungin naman niya ang ama, ganun na daw talaga ito simula pa man nang maging doktor. At dahil nga hindi niya gusto ang ugali nito. Gumawa na siya ng hakbang para kahit paano magkakulay naman ang buhay nito. Mula sa pagiging seryoso, gagawin niya ang lahat mapangiti lang ito. 'Yung ngiti na galing sa puso at hindi dahil napipilitan lang. At sana magtagumpay siya sa gagawin. Kasi aminin man niya o hindi takot din siya at laging kinakabahan pag nasa malapit ito. Sadyang sanay lang siyang magtago ng emosyon niya. "Doc, pwedeng makisabay? Hindi kasi ako nasundo ng driver ni Dad, saka gabi na din kas-." "Mag taxi ka." Putol nito sa sinasabi niya at akma na sanang sasakay sa kotse nito ng pigilan niya. Kulang na lang mapangiwi siya dahil sa pagdilim ng mukha nito ng lingunin siya, pinigilan lang niya ang sarili sa pamamagitan ng pagngiti. "Sige na naman Doc. Promise behave lang ako." Nag beautiful eyes pa siya para effective. Kaso sadyang matigas din ito. Sa kagustuhang makisakay, nagkusa na siyang buksan ang pinto ng kotse nito. Kaya lang bigla na lang siya nitong hinila. Hinila siya nito hanggang sa marating nila ang kalsada kung saan may mga dumadaang taxi. Nang may makita itong isa, agad nito iyong pinara at saka siya isinakay. Kumuha pa ito ng pera sa pitaka tapos ibinayad iyon sa mamang driver. "Pakihatid po sya sa Sky Village." Kausap nito sa driver na ikinanguso niya. "May kotse ka naman bakit kaya hindi mo na lang ako isabay? Makakamenos ka pa sa pamasahe." Nakangusong aniya na ikinalingon sa kanya ng binata. Masama ang tingin nito sa kanya habang ang driver ay nakangiti naman. "May kotse naman po pala kayo Sir. Ihatid nyo na lang po si Miss ganda." Napangiti siya sa suhestiyon ng driver, pero agad din iyong napalis ng mas lalong sumama ang tabas ng mukha ng binatang doktor. "Out!" Napangisi siya at mabilis nang lumabas ng taxi. Wagi! Yehey! Mahirap na baka magbago pa ang isip nito. Nang makasakay siya sa kotse ng binata, halos magdiwang siya sa tuwa dahil nanalo na naman siya laban dito. Matigas ang ulo vs masungit na doktor na super gwapo. Hihi.. "Wag kang maingay!" Nakagat niya ang ibabang labi ng sawayin siya nito. Narinig pala nito ang pagtawa niya. Dahil mukang beast mode na ito, nanahimik na lang muna siya. Mamaya na niya ito kukulitin. Baka mamaya kapag nag-ingay siya sipain na lang siya nito palabas ng kotse. Ilang minuto palang silang nasa biyahe ng lumiko ito pakanan sa isang grocery store. Nagtaka pa siya ng mabilis itong bumaba. Napilitan tuloy siyang sumunod. "Teka Doc Eon! Hintay naman!" Napahinto siya sa paghakbang ng lumapit ito sa kanya at inis siyang tiningnan. "Ayoko ng makulit, antayin mo na lang ako sa kotse may bibilhin lang ako." Masungit na sita nito sa pagsunod niya, matapos ay muli ng tumalikod. Magsasalita pa sana siya ng muli itong humarap. "At pwede ba tigilan mo na ang pagtawag sakin ng Eon. I have a name and it's Rocket not Eon." Naitikom niya ang bibig ng pukulin na naman siya nito ng masamang tingin. "So sungit!" Nakalabing salita niya ng mawala sa paningin ang binata. Hmp, mas bagay pa din sayo ang Eon! Eon! Kontra ng isip niya matapos siyang punahin ng binata sa pangalang itinatawag niya dito. Dahil mukang ayaw talaga nito ng may kasama mas pinili na lang niya ang bumalik sa kotse. Pero dahil matagal-tagal din ito bago bumalik, nakatulog na tuloy siya. Nagising na lang siya ng makita na papasok na ang kotse ng binata sa Sky Village. "Malapit na tayo." Wika nito. Pero hindi niya pinansin ang sinabi nito. Nang lingunin niya ang back seat nakita niya roon ang mga pinamili nito sa grocery. "Ang dami mo palang pinamili? Kumain kana ba Doc?" Hikab na tanong niya na hindi naman nito sinagot. Nang humarap siya sa daan nakita niyang malapit na itong lumiko sa eskinita kung saan ang bahay nila. "Doc, iliko mo ang kotse sa bahay mo." Utos niya na ikinabuga nito ng marahas. "Wala akong oras sa mga kalukohan mo." Makikita ang inis sa mukha nito. Pero hindi niya iyon binigyang pansin. "Ipagluluto lang naman kita eh, bayad sa pagsakay ko dito sa kotse mo." Panghihikayat pa niya. Nang lingunin niya ang binata halata ang pagod sa mukha nito at pilit lang iyong nilalabanan. Kung tama ang iniisip niya hindi pa ito kumakain. Aksaya pa sa oras kung magluluto pa ito para sa sarili. Sa halip na ilaan sa pagpapahinga. "Sige na Doc, promise ipagluluto lang kita tapos uuwi na ako. Sige na, papayag na 'yan! Papayag na 'yan!" Masayang pangungulit niya habang sinasabayan ng palakpak ang sinasabi. Liningon siya ng binata pero hindi naman ito nagsalita. Napangiti na lang ulit siya ng hindi ito lumiko sa eskinita pauwi sa bahay nila. Sa halip dumiretso ito papunta sa deriksiyon ng bahay nito. Ilang blocks lang naman ang layo ng bahay nito sa bahay nila. Nasa iisang village lang din sila nakatira kaya hindi na siya mag aalangan na magpagabi ng uwi. Kahit pa sermunan siya ng ina kasi pasado alas nuebe na. Mabilis siyang nagtanggal ng seatbelt ng huminto ang kotse ni Doc Eon, sa harap ng bahay nito. Akma sana niya itong tutulungan sa pagbitbit ng mga pinamili nito ng kunin nito iyong lahat. Sumunod na lamang siya sa binata hanggang sa makapasok sila sa loob ng bahay nito. Sumunod din siya dito sa kusina. Tinulungan na din niya ito na ilagay ang mga stock nito ng pagkain sa freezer. Ang iba na hindi kailangang ilagay sa loob ng ref. Inilagay niya sa cupboard. At ng sabay silang matapos hinayaan niyang makapagpahinga muna saglit ang binata. "Labas kana Doc, tatawagin na lang kita pag natapos na akong magluto." Salita niya habang tulak-tulak ito palabas ng kusina. "Ang kitchen ko wag mong sunugin." Bilin nito na ikinasimangot niya. "Hindi noh!" Nang makalayo ito, saka palang niya sinimulan ang pagluluto. Sa totoo lang kahit makulit at pasaway siya. May silbi pa din naman siya sa lipunan. Marunong siyang magluto. Sa katunayan nagbabalak pa nga siyang magpatayo ng sarili niyang restaurant kahit sa maliit na kapital lang. Kaso kaunti palang ang perang naiipon niya. Ayaw din naman niyang humiram ng pera sa mga magulang. Gusto niyang may marating sa sarili niyang paraan ng hindi humihingi ng tulong sa pamilya niya. At alam niyang makakaya niya iyon basta magsumikap lang siya. Kahit paano naman malaki ang sinasahod niya sa pinapasukang kumpanya. Nagtatrabaho siya bilang back up photographer sa isang modeling agency. Ang kinikita niya roon ay inilalaan niya sa pag-iipon, para maipatayo na niya ang pinapangarap niyang restaurant. "Sasarapan ko ang pagluluto, para si Doc Eon, ang una kong maging costumer." Masayang salita niya. Matapos ay masigla na siyang nagluto. Nang matapos siya saka palang niya tinawag si Doc Eon. Lumabas naman agad ang binata sa kwarto nito. At habang pababa ito ng hagdan hindi niya mapigilan ang hindi mapatulala sa kagwapuhan nito. Naka suot lang ito ng gray na sando at light blue na khaki short. Kahit hindi ito nakapostura ng damit na isinusuot nito sa ospital, hindi pa rin maikakaila na kayang-kaya nitong humilera sa mga modelong nakakasalamuha niya sa trabaho. So gwapo. Ang matcho pa, sarap papakin. Hmm.. "Hindi mo ba sinunog ang kusina ko?" Saka palang siya napakurap ng makitang nakalapit na pala sa kanya ang binata. Agad siyang nag-iwas ng tingin at palihim na napalunok habang tinutuyo ang sariling laway. Nakakahiya! Kulang na lang maglaway siya sa harapan nito. Kung anu-ano pa ang mga naiisip niyang kalukohan. "Kain kana Doc, masarap 'yung niluto ko." Ani na lamang niya matapos mapakalma ang sarili. Tumalima naman ang binata. Sinundan niya ito sa kusina at kabadong pinanood ang mukha nito habang nakatingin sa pagkaing inihain niya sa mesa. "Hindi ko alam kung magugustuhan mo, saka di ko din natanong ang gusto mong ulam kaya tatlo ang putahing niluto ko." Paliwanag niya. Nang makita niya ang reaksiyon nito napakagat labi na lang siya ng lingunin siya ng binata. "Tatlo? Anong akala mo sakin bibitayin? Sa tingin mo kaya ko itong ubusin lahat?"Mariin niyang nakagat ang ibabang labi dahil sa paninermon nito. Mukang hindi nito nagustuhan ang ginawa niya. Bakit naman kasi tatlong putahe pa ang niluto niya? Pambihira ka Shein! "Kung gusto mo ilagay mo na lang sa ref yung matitira mong ulam, para pwede mo pang kainin bukas." Suhestiyon niya na ikinabuga nito ng marahas. "Hindi ako kumakain ng leftover. Ayokong magkaroon ng digestive problem, ma-food poison, magka acidity at ang pinakamalala diarrhea." "Ang dami mo namang sinabi, eh kalimitan namang kinakain ang mga leftover food." Komento niya sa sinabi nito. Akala niya wala na itong sasabihin pero meron pa pala. "May mga tao kasing hindi alam ang masamang epekto sa katawan ng leftover food. Lahat ng mga leftover nagko-cause ng bacteria na nakakasama sa katawan ng tao. Kaya nga madalas maraming nao-ospital dahil sa pagsakit ng tiyan. Nasusuka dahil na food poison, na nauuwi sa dehydration. At nagiging acidic na tumatagal ng maraming taon. Dahil sa panay na pagkain nila ng mga tirang pagkain." Mahabang litanya nito, pero naupo na rin naman matapos siyang paliwanagan patungkol sa mga bahaw na pagkain. Nang makaupo ito tumingin ulit ito sa kanya. "Sit, kumain ka muna bago ka umuwi." Tumalima naman siya at nagsandok na din ng pagkain. Hindi pa muna siya sumubo dahil nakatingin siya sa binata na abala na sa pagkain. Hinihintay kasi niya ang komento nito sa niluto niya. Ang kaso nangangalahati na ang pagkain nito sa pinggan, wala man lang itong sinasabi patungkol sa luto niya. Napasimangot na lang siya saka sinimulan ng kumain. Sinabayan na lang niya ang maganang pagkain ng binata. Nang matapos sila saka palang siya nito hinatid sa bahay nila. "Salamat Doc." Nakangiting aniya sa binata na tumango lang at hindi na siya hinayaang magsalita pa ulit dahil pinausad na nito ang kotse. "Sungit!" Pahabol na salita niya matapos nitong makaalis. saharazina
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD