Chapter 1

1208 Words
Rocket MASAMA ang pakiramdam ni Rocket ng bumangon siya sa higaan. Masakit ang likod niya. Wala pa siyang tulog dahil tatlong pasyente ang inoperahan niya nang nagdaang gabi. Pagkatapos ay nagtungo pa siya sa bahay ng mga Farresco, para i- check-up ang may bahay ni Mr. Farresco na tatlong araw ng nakakaranas ng ubo. Mabuti na lang at wala naman itong ibang sakit kaya niresetahan na lamang niya ng gamot para gumaling ang ubo. "F*ck!" Mahinang mura niya ng kumirot ang likod niya. Alas diyes na ng umaga pero daig pa niya ang isang call center agent dahil sa puyat. Mula hapon hanggang gabi ang duty niya sa ospital na pinapasukan. Sa umaga ay nasa sarili naman niyang clinic na ipinatayo niya noong matanggap niya ang mana sa yumao niyang Lolo. Kung tutuusin marami naman siyang pera, kahit hindi siya magtrabaho mabubuhay siya. Ang kaso masyado talaga niyang mahal ang trabaho niya kaya hindi siya bumibitaw sa pagiging doktor. Isa pa, sa pamilya nila tanging siya lang ang naka mana sa propesyon ng yumao niyang lolo at sa ama niya na ngayon ay matanda na. Gusto na lang niyang ipagpatuloy. Muli siyang napamura ng hindi lang likod niya ang sumakit. Kundi maging ang ulo niya. Bukod dun ay nakakaramdam na din siya ng gutom. Kahapon pa ang huling kain niya. Malalim siyang napabuntong hininga habang hilot ang balikat. Naglakad siya papunta sa kusina at ng makarating doon sunod-sunod na naman siyang napamura. Wala na siyang stock ng pagkain! Siya lang yata ang mapera na nauubusan ng stock. Puro tubig na lang ang makikita sa loob ng freezer niya. Naihilamos niya ang kamay sa mukha ng pati sa cupboard ay wala din siyang mahagilap kahit tinapay. What a wonderful day Rocket! Napailing na lang siya sa inis at kahit masama ang pakiramdam nagpasya na lang siya na kumain sa labas. *** NAGLALAKAD si Rocket ng may malakas na tumawag sa pangalan niya. Kasalukuyan na siyang nasa ospital. Sinikap pa din niyang pumasok kahit nananakit ang katawan. "Dr. Ree! Hinahanap po kayo ng pasiyente sa room 2207." Napahinto siya sa paglalakad ng marinig ang sinabi ng isa sa mga nurse na madalas na umaalalay sa kanya sa pagra-rounds sa mga pasyente niya. "I'll visit him later." Tipid niyang sabi na ikinatahimik nito. Sa lahat ng mga nurse na nakakasalamuha niya sa ospital, isa lamang ito sa mga nakakabasa sa ugali niya. Kapag nagsalita na siya hindi na niya iyon uulitin. Alam din nito na dapat na itong tumahimik lalo na kung wala na itong iba pang sasabihin. Nagsasalita lang din ito at nakikipag-usap sa kanya kung importante iyon at tungkol sa trabaho. Sa loob ng ospital kilala siya bilang tahimik at masungit na doktor. Hindi siya basta nagsasalita kung hindi rin lang importante. Para sa kanya mahalaga ang bawat segundo. Aksaya lang sa oras ang makipag-usap o saglit na makipagkwentuhan sa mga doktor sa ospital. Maging ang ngumiti hindi rin niya ginagawa. Posible din kasi na iyon ang maging mitsa para lagi siyang lapitan ng mga nurse. May isa pa nga siyang katrabahong doktor na palaging pinupuna ang hindi niya pagsasalita at pagngiti. Sayang daw na natutuyuan lang siya ng laway sa hindi pagsasalita. Kawawa din daw ang mga babaeng may crush daw sa kanya dahil sa pagiging isnabero at masungit niya. Isang bagay iyon na hindi na niya pinapansin pa. Wala naman siyang pakialam kahit marami ang ilag sa kanya. Ang gusto lang niya ay magampanan ang trabaho niya. Sa halip na mag aksaya ng oras sa pakikipagkwentuhan at pakikipagdaldalan. Ilalaan na lamang niya ang panahon sa mga pasyente niya na mas nangangailangan ng atensiyon niya. Naging tahimik ang buhay niya sa ganoong gawi. Walang problema at wala siyang inaalala. Nasanay na siya sa ganoong buhay at wala siyang balak na baguhin ang nakagawian na niya para lang magpa impress sa iba. Isa pa, kahit paano may mga kaibigan pa naman siya na nakakasalamuha. Mga kaibigan na alam niyang tanging nakakaintindi sa takbo ng isip niya. Nagtuloy-tuloy na siya sa paglalakad hanggang sa marating niya ang sariling opisina. Nang simulan niya ang paggawa ng reports para sa mga hospital records ng mga pasyente niya, bigla na lang may bumulabog sa kanya. "Na saan si Keejel? Ilabas mo sya!" Sa halip na masindak sa malakas na boses ng asungot niyang bisita. Ipinagpatuloy lang niya ang ginagawa. Pero mukang wala itong balak tumigil hangga't hindi nito nasisira ang araw niya. Lumapit pa ito sa mesa niya at kinalampag iyon ng dalawa nitong kamay. "Na saan sabi si Keejel eh?! Ilabas mo sabi sya!" Sigaw ulit nito na ikinairita niya. Tumingin siya kay Marika. "Hindi ko alam kung na saan sya." Tumalim ang titig sa kanya nito dahil sa isinagot niya. "Kapag nalaman ko lang na itinatago mo sya guguluhin talaga kita at hindi kita titigilan." Malalaki ang hakbang na nilisan nito ang opisina niya. Nailing na lang niya ang ulo dahil sa inasal ng dalaga. Wala talaga itong magawa kundi ang guluhin siya. Kung bakit naman kasi kailangan pa itong pagtaguan ng kapatid niya. Siya pa tuloy ang naiipit sa sitwasyon. Kaya ayaw din niyang nakikipag relasyon. Feeling kasi ng mga babae makukuha nila lahat ng gusto nila. Gusto nila na sila ang laging pinagbibigyan. Ayaw nila sa relasyon ang nilalamangan. Naaartihan din siya sa mga babae. Ayaw niya sa maingay at panay ang salita ng wala namang kakuwenta-kwentang bagay. Ayaw niyang makipagrelasyon sa isang babae na kaugali ng mommy niya. Puro pagsha-shopping at pagwawaldas ng pera ang alam sa halip na alagaan at mahalin ang ama niyang kailangan na ng kalinga dahil matanda na. Sa ilang taong pagtatrabaho niya bilang doktor, halos lahat ng mga babaeng nakakasalamuha niya sa trabaho. Katulad ng mommy niya. Maluho, maarte, maingay, madaldal at mahilig magpapansin sa mga katulad niya. Parang kagaya din ng mga babae ng kaibigan niyang si Topas, na sanay sa maraming putahe. Alam niyang magulo ang relasyong pag-ibig ni Keejel kay Marika. Iyon ang naiisip niyang dahilan kung bakit para itong mga bata na nakikipaglaro ng tagu-taguan. Isa din sa mga ayaw niya. Ang makulong sa isang relasyon na wala namang pagmamahal. Alam niya kung gaano kagusto ni Marika ang kapatid niya. Wala itong ginawa kundi habulin at kulitin ang kapatid niya na sanay din sa maraming babae. At pati siya nadadamay sa kakulitan ni Marika. Sa kulit kasi nito, pati trabaho niya nadadamay. Hindi nga niya alam kung saan ito kumukuha ng lakas, araw-araw para kulitin lang siya. Maiksi pa naman ang pasensya niya. Malapit na iyong maubos. Kaunting-kaunti na lang. Wag lang sana siyang bulabugin ni Keejel, dahil talagang masasapak niya ang kapatid. Ayaw na niya ng dagdag na kunsumisyon. Punong-puno na siya kay Marika palang. Napabuga siya ng marahas bago muling ipagpatuloy ang ginagawa. Natapos din naman siya, iyon nga lang nakalimutan na naman niyang kumain sa tamang oras. Napabuntong hininga na lamang siya bago lumabas ng opisina niya. Mukang mapipilitan siyang dumaan muna sa grocery store. Baka bukas wala na naman siyang mahanap na pang agahan kung hindi pa siya mamimili. Palapit na siya sa kanyang kotse ng makita niyang palapit sa kanya ang isa pang nagpapasira ng araw niya. "Dr. Eon, kamusta?" saharazina
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD