Prologue

628 Words
NAKAHAWAK si Shein sa kanyang tiyan habang mahinang humahagikgik. Gusto niyang tumawa ng malakas pero pinigilan niya ang sarili. Ayaw niyang malaman ng iba na naroon siya sa isang sulok habang nakatago dahil sa kalukohang ginawa niya. Nilagyan lang naman niya ng patay na ipis ang bulsa ng lab coat ng guwapong doktor ng pamilya nila. Kasalukuyan itong kumakain sa dining table sa bahay nila habang kasalo ang kanyang pamilya. Katatapos lang nitong suriin ang ama niya. Ang ama niya na halos panay ang daing sa sumasakit nitong balakang. Na kung tutuusin ay hindi naman talaga nito magiging problema kung sumusunod lang ito sa Mama niya na inumin sa oras ang mga inirereseta ditong gamot. Hay! Sa bagay hindi rin niya masisisi ang ama. Halos pareho din kasi sila ng ugali. Lalo na pagdating sa pag-inom ng gamot. Noon ngang sumakit ang tiyan niya kung saan-saan pa siya nagtago sa sulok ng bahay nila, wag lang ipilit ng Mama niya na painumin siya ng gamot. Ganun siya katakot. Ayaw na ayaw niya sa mga gamot. Pero gustong-gusto naman niyang nakikita na naiirita at nabubwesit sa kanya ang binatang doktor ng kanilang pamilya. Muli siyang humagikgik ng mahina ng makita niya na nag-iba na ang itsura ng binatang doktor. Tumayo ito at narinig pa niyang nag paalam sa mga magulang niya na gagamit lamang ng banyo. Natatawa na lang siya sa isang sulok. Nang subukan naman niya itong sundan, siniguro niya na hindi siya nito mapapansin. Sinundan niya ito hanggang sa banyo. Sapo niya ang tiyan habang pinipigil na huwag tumawa. Mahirap na, baka mapansin pa siya ng binata. Marahan ang naging hakbang niya habang palapit sa pintuan ng banyo, at ng akma na siyang sisilip hindi niya inaasahan ang biglang paghatak ng binata sa kamay niya. Muntik pa siyang mapatili kung hindi lang nito natakpan ang bibig niya. Puno ng kaba ang puso niya ng basta na lamang siya nitong isandal sa tiles na dingding ng banyo. Takip-takip pa din nito ang bibig niya. Pero wala doon ang atensiyon niya kundi sa mga mata nito na matalim na nakatingin sa kanya. "Alam mo ba kung ano ang parusa sa mga batang pasaway na katulad mo? Inilapag ko lang saglit ang lab coat ko nalagyan mo na agad ng isip. Pasaway ka talaga." Napalunok siya ng mas tumalim ang tingin nito sa kanya. Pero siya si Jcob Shein, at hindi siya basta nasisindak lang sa pagtitig nito. Nagpumilit siyang kumawala sa pagkakahawak nito pero dahil mas malaki ito sa kanya at matangkad hindi rin siya makawala. "Kanina pa ako naiirita sayo, alam mo ba 'yon?" Bigkas nito sa matalim na tono na ikinapiksi niya. Sinubukan niyang kagatin ang kamay nito para makawala dito. At dahil sa ginawa niya dumistansya ito sa kanya ng bahagya. Sinamantala niya iyon at agad na lumayo dito. Pero ang tangka sana niyang paglabas ay hindi rin niya nagawa ng muli na naman siya nitong hatakin pabalik at isandal sa dingding. At ang mas nakakagulat sa ginawa nito, ay ang biglaang pag angkin ng labi nito sa labi niya. Nanlaki ang mga mata niya sa pagkabigla. Lalo na ang naging reaksiyon ng katawan niya habang nararamdaman niya ang paggalaw ng labi nito sa labi niya. Bumilis din ang t***k ng puso niya at sa bawat paglipas ng mga segundo. Unti-unti niyang nararamdaman ang paggalaw ng labi niya at marahang pagpikit ng mga mata niya. Iyon ang una niyang halik. Ang sarap sa pakiramdam na hinahalikan siya ng binata. Para siyang idinuduyan. Iyon nga lang mabilis ding naglaho ang pakiramdam niyang iyon ng dumistansya sa kanya ang binatang doktor at pakatitigan siya ng matiim habang sinasabi sa kanya ang mga salitang sana hindi na lang niya narinig. Masakit kasi. saharazina
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD