Synopsis

204 Words
Rocket Eon Escobar Isang isnaberong doktor si Rocket. Hindi siya basta nagsasalita lalo na kung wala namang kwenta ang pinag-uusapan. Para sa kanya mahalaga ang bawat minuto, sa halip na mag-aksaya lang ng laway sa mga taong puro tsismis lang naman ang alam gawin sa buhay. Hindi siya mag aaksaya ng panahon lalo na sa uri ng trabaho niya. Sa ganitong ugali ng binatang doktor. Walang tao ang hindi nasisindak sa awra niya ng pagiging seryoso. Kahit ang mga kababaihan ilag sa kanya dahil sa pagiging isnabero niya. 'Yung iba ngang mga babae, tingnan lang niya tumitiklop na, na parang maamong tupa. Pero iba si Jcob Shein Farresco, kahit kailan hindi pa siya nasindak sa itsura at awra ng gwapong doktor na si Rocket. Sa katunayan nasisiyahan siyang kinakausap ang binata. Isang usapan kung saan magaganap ang mga bagay na gusto niya. Ang mabwesit ito at mairita sa kakulitan at kadaldalan niya. Na nangyayari naman. Sa katunayan sa sobrang pagkairita sa kanya ni Rocket, kulang na lang ihagis siya nito sa isang malalim na balon saka siya tatabunan ng lupa para hindi na nito marinig ang kaingayan niya. "Kawawa naman si Rocket, maagang tutubuan ng uban dahi sa isang makulit na bata."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD