Shein NAKATITIG si Shein sa mukha ni Brave. Halata sa guwapong mukha nito ang lungkot. "Okay ka lang ba?" Tanong niya sa binata sa nag aalalang tono. Tumingin sa kanya ang binata saka masuyo nitong hinawakan ang mga kamay niya na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Kasalukuyan silang nasa bahay nito at naghahapunan. Pag kauwi nito galing opisina bigla na lang naging kakaiba ang kilos nito. Bagay na ipinagtaka niya. Napakurap siya ng magsalita ang binata. "Nag aalala lang ako sa kalagayan ng kapatid ko. Gusto ko syang puntahan sa ospital pero sigurado akong itataboy nya lang ako. Malaki ang naging kasalanan ko sa kanya." Wika nito na kababakasan pa din ng lungkot. Naawa siya sa binata. Gusto lang naman nitong proteksiyunan ang kapatid nito. Pero ito pa ang napasama. Masyado din kasing matig

