Rocket PASALAMPAK na nakaupo si Rocket sa kanyang sala habang nakasandal ang likod sa armrest ng sofa. May hawak siyang bote ng rum na nangangalahati na ang laman. Direkta siyang umiinom sa bote. Wala siyang pakialam sa paligid. Lalo na sa itsura niya. Bukas na ang butones ng suot niyang white long sleeve polo. Suot pa niya mula kahapon ang rug jeans niya. Wala siyang sapin sa paa. Hindi niya alam kung saang lupalop ng parte ng bahay niya naihagis ang pares ng sapatos niya na basta na lamang niyang ibinato pagkauwi niya kagabe. Mariin siyang pumikit saka muling tumungga sa hawak niyang bote. Baliwala sa kanya kung mapait man ang iniinom niya. Tatlong gabi na din siyang mag isang nagpapakalunod sa alak. At ngayong umaga alak agad ang inuna niya. Pakiramdam niya malapit na siyang mabali

