Chapter 6

1895 Words
“Good morning, Lolo Two!” masiglang bati ng batang si Eros kay Don Carlo nang dumating ito sa hapag-kainan kasama si Patrisha. “Good morning, too, Hijo,” ganting bati naman ng matanda saka lumapit si Eros dito upang magbigay galang sa pamamagitan ng pagmamano. Agad na kinatuwaan ng matanda ang bata dahil doon. “Mukhang maganda ang gising ng bata,” anito sabay balin kay Patrisha. “Ganyan po siya tuwing umaga. Palaging maganda ang gising,” nakangiti at proud na tugon naman ni Patrisha kay Don Carlo saka ito naupo sa bakanteng silya sa tabi ng anak. “Eh ikaw? Kumusta ang tulog mo, Hija? Nakapagpahinga ka ba ng maayos sa unang gabi mo dito?” tanong naman ni Don Carlo kay Patrisha. “Opo. Nakapagpahinga naman po ako ng maayos,” magalang at nakangiting tugon ni Patrisha kay Don Carlo saka sila nag-umpisa sa pag-aagahan. “Mabuti naman kung ganoon.” “Kayo po? Mukhang ginabi na po kayo ng uwi dahil sa trabaho.” Marahang tumango si Don Carlo sa tanong ni Patrisha habang ngumunguya ito ng pagkain. “Sa tingin ko dahil sa edad ko kaya hindi ko na kaagad natatapos ang mga kailangan kong gawin. Pasensya na kung hindi ninyo ako nakasalo ng hapunan sa unang gabi ninyo dito.” “Nauunawaan ko po, Lolo. Wala po kayong dapat na ihingi ng pasensya,” saad ni Patrisha sa matanda saka siya nagpatikhim. “At sa tingin ko po ay kailangan ko ng magsimula na tumulong sa inyo—” “Darating din tayo diyan, Hija. Sa ngayon ay mas makakabuting mag-relax ka na muna dito kasama ang anak mo. Tutal ay kababalik n’yo lang din naman ng bansa,” mabilis na putol ni Don Carlo sa sinasabi niya na ikinatikhim niya. Palibhasa’y hindi din nito alam na ilang araw na silang naririto sa bansa ng kanyag anak. At hindi siya sanay ng walang ibang pinagkakaabalahan o walang trabahong ginagawa. Dahil sa New York ay wala siyang ibang ginawa kung ‘di ang abalahin ang sarili sa pagtatrabaho para sa kanila ng kanyang anak. “Pero, Lolo. Masyado po kayong madaming tinatrabaho dito kaya gusto ko pong makatulong. At isa pa ay gusto din naman talaga ni Daddy na magtrabaho ako sa inyo kaya niya po ako pinauwi dito—” “Saka mo na isipin ang trabaho, Hija,” nakangiting putol muli ni Don Carlo sa kanya. “Gusto kong magkaroon ka muna ng free time para sa inyo ng anak mo dahil alam ko namang naging abala ka sa ibang bansa.” Nakagat na lamang niya ang ibabang labi niya at hindi na muling tumutol pa sa kagustuhan ng matanda. Ilang sandali pa ang lumipas nang matigilan si Patrisha sa biglaang pagdating ni Mang Ben kasama ang pamangkin nitong si Archer Sebastian, na siyang driver at personal bodyguard ni Don Carlo. Kaagad na dumapo at nagtagal ang mga tingin niya sa lalaki habang ang lalaki naman ay derestyo at tahimik na nakatingin lamang kay Don Carlo. “Magandang umaga po, Don Carlo! Magandang umaga, Miss Patrisha,” masiglang bati ni Mang Ben sa kanila. Gumanti naman siya ng bati dito sa pamamagitan ng marahang pagngiti. Habang kinawayan naman ito ng anak niya kaya naman nakangiting kumaway din pabalik si Mang Ben sa anak niya. Pagkatapos no’n ay ibinalik niya ang kanyang mga tingin sa binatang si Archer na nananatiling hindi nag-aabalang tapunan man lang siya ng tingin. Na para bang walang ibang tao doon kung ‘di ang kanyang Lolo lamang. Marahang binitiwan ni Don Carlo ang kanyang mga kubyertos saka niya inabot ang basong may laman ng tubig upang inumin ang laman no’n. Pagkatapos ay marahan siyang tumayo na agad na ikinapagsalita ni Patrisha, “Tapos na po kayo?” Marahang ngumiti si Don Carlo kay Patrisha kasabay ng pagtango nito. “May kailangan akong puntahan—” “Nang ganito po kaaga?” mabilis na putol ni Patrisha kay Don Carlo na tinanguan ulit ng matanda. “Sa trabaho po ba ulit iyan?” “Oo, Hija. Pero sasaglit lang ako at babalik din ako kaagad dito.” Sandaling nilingon ni Don Carlo ang batang si Eros saka muling ibinalin ang tingin kay Patrisha. “At katulad kahapon, kung may kailangan ka ay ipagbigay alam mo lang kay Mang Ben o sa ibang kasambahay dito,” bilin pa nito sa kanya. Marahang tumango si Patrisha kay Don Carlo saka niya muling sinulyapan ng tingin si Archer na nananatiling kay Don Carlo lamang nakatingin. Hindi niya alam kung nananadya ba ang lalaki sa hindi pagpansin o pagtingin man lang nito sa kanya. Hanggang sa tuluyan na nga itong umalis kasunod ni Don Carlo. “Have you eaten yet?” Napalingon si Patrisha kay Eros na kinakausap si Mang Ben. “Ito na naman tayo, ini-english mo na naman ako,” natutuwang komento ni Mang Ben kay Eros. “You don’t want me to speak in English?” “Yes, I do not want. Ayaw ko because I am mahina in English,” masikap na tugon ni Mang Ben kay Eros na siyang marahang ikinatawa ni Patrisha. Mukhang napagtyatyagaan ni Mang Ben ang anak niya dahil ilang saglit lang ay nakita niyang magkatabi na ang dalawang ito. Nang matapos sila sa pag-aagahan ay naisipan ni Patrisha na tumulong sa mga kasambahay sa paglilinis at pagdidilig ng mga halaman sa garden ng mansion. Abala naman kasi ang kanyang anak sa pakikipaglaro kay Mang Ben at wala siyang ibang maisip na gawin. Pakiramdam niya ay mabuburyo siya ng husto kung mahihiga lamang siya sa kanyang kwarto, o ‘di kaya’y magpapalakad-lakad lamang doon. Isa pa ay mahilig din kasi siya sa iba’t ibang klase ng bulaklak kaya naman nag-eenjoy siya sa pagdidilig sa mga ito. Lumipas ang ilang sandal, habang abala siya sa kanyang ginagawa ay bigla na lamang siyang nilapitan ng kanyang anak at niyakap siya nito sa kanyang binti. “Yes, Baby?” Marahang niyang binitiwan ang hawak na pandilig saka siya pumantay sa kanyang anak upang tingnan ito ng mabuti. Namumula-mula ang mga mata nito dahil sa patuloy nitong pagkuskos. “Bigla po niyang ibinigay sa akin ang laruan niya saka siya tumakbo sa inyo dito,” paliwanag ni Mang Ben sa kanya sa biglaang pagdating nito. Nakangiti niyang hinagkan at kinarga ang anak. “Okay lang po. Kapag ganito po siya ibig sabihin ay inaantok po siya.” “Ah, ganoon po ba?” “Iaakyat ko lang po siya sa kwarto niya para patulugin,” magalang na paalam niya sa matanda saka niya iniakyat at ipinasok sa kwarto ang kanyang anak. Sa tuwing napapagod sa paglalaro si Eros ay palagi itong biglang lumalapit at yumayakap sa kanya, senyales na inaantok ito at gustong magpakalong sa kanya. Bukod kasi kay Nanay Lucy ay siya lamang din ang nakakapagpatulog sa anak. Hindi namalayan ni Patrisha na nakatulog din siya habang pinatutulog niya ang kanyang anak sa silid nito. At nagising na lamang siya nang marinig ang tinig ng anak na tila ginigising siya nito. Kinusot niya ang kanyang mga mata habang pilit na nagmumulat upang tingnan ang anak. “Mommy, I want to eat fried chicken.” Bumangon si Patrisha at naupo mula sa pagkakahiga. “Are you hungry, Baby?” “Yes, Mommy. And I want to eat fried chicken.” Marahang napabuntong hininga si Patrisha sa request ng anak dahil wala naman itong ibang kinakain na fried chicken maliban sa luto ni Nanay Lucy at sa luto ng paborito nitong fast-food restaurant. Kahit ang sariling luto niya ay hindi nito kinakain. At ang problema niya ay hindi niya alam kung saang lugar ba dito mayroong fast-food restaurant na paborito ng kanyang anak. “You want me to cook fried chicken for you, Baby?” masuyong tanong niya sa anak na mabilis na inilingan ng bata. “I want Nanay Lucy to cook my fried chicken.” “But… you know that Nanay Lucy is not here yet—” “Then maybe we can buy some at my favorite fast-food restaurant,” mabilis na putol sa kanya ng kanyang anak habang may pagmamakaawang tingin ito sa kanya. Sandali siyang natigilan dahil doon at sa huli ay napahigit ng malalim na paghinga saka sumagot sa anak. “Okay, Baby. Mommy will buy you fried chicken.” “Yehey!” tuwang-tuwa sabi ng anak saka siya nito niyakap. Mabilis na nag-ayos si Patrisha at nagpalit ng maayos na damit. Pagkatapos ay lumabas siya ng silid kasama ang anak. Nakita sila ni Mang Ben at agad na nilapitan. “May pupuntahan po ba kayo, Miss Patrisha?” “Mang Ben, may malapit po bang fast-food restaurant dito? Naghahanap po kasi si Eros.” “Ay naku, Miss Patrisha! Nasa bayan pa po ang mga fast-food restaurant. At para marating iyon ay halos dalawang oras po ang magiging biyahe.” “Ganoon po katagal?” manghang tanong niya sa matanda. “Opo. Kung gusto po ninyo ay iutos na lamang po natin iyan sa ibang kasambahay—” “Naku, hindi na po, Mang Ben. Ako na lang po ang magpupunta sa bayan,” mabilis na putol niya dito. Hindi naman kasi siya sanay na palaging nag-uutos sa kasambahay. Dahil noong nasa abroad siya, hindi niya kinaugaliang palaging utusan si Nanay Lucy doon. Kapag kaya naman niyang gawin ay siya na talaga ang gumagawa at hindi niya na iyon para iasa pa sa iba. “Sigurado po kayo? Pero malayo po iyon—” “Okay lang po. Isa pa ay may mga kailangan din po akong bilhin sa bayan,” putol niyang muli kay Mang Ben. “Kung pwede po ay pakibantayan na lang po muna si Eros para sa akin.” “Pero, Miss Patrisha. Baka po kasi magalit si Don Carlo kung aalis po kayo ng mag-isa—” Natigilan si Mang Ben sa pagsasalita sa biglaang pagdating ng isang sasakyan. Sabay silang napalingon doon hanggang sa inilabas no’n ang binatang si Archer Sebastian at pinagbuksan si Don Carlo ng pinto. “Lolo Two!” masayang bati ni Eros kay Don Carlo kasabay ng pagsalubong nito ng yakap. Mabilis na kinatuwaan ng matanda ang bata at hinagkan pabalik saka siya nito binalingan ng tingin. “Nakabalik na po pala kayo,” bati ni Patrisha sa kanyang lolo. “Bakit, Hija? May problema ba?” “Pupunta po kasi ako sa bayan dahil nagca-crave si Eros ng paborito niyang fried chicken. Hindi po kasi siya kumakain ng ibang lutong fried chicken maliban sa luto ni Nanay Lucy o sa luto ng paborito niyang fast-food restaurant.” “Ganoon ba? Bakit hindi mo na lang ‘yan iutos sa ibang kasambahay?” tanong ni Don Carlo sa kanya. “Hindi na po, Lolo. Ako na lang po. Kaya ko naman pong magpunta mag-isa sa bayan.” “Kung sa bagay, maganda din iyon na nagiging pamilyar ka dito. Pero hindi ko hahayaan na mag-isa ka lang lumakad,” saad ng matanda. “Po?” Nakangiting binalingan ng tingin ni Don Carlo si Archer na nasa tabi nito. “Ipag-drive at Samahan mo ang apo ko sa pupuntahan niya.” Namilog ang mga mata ni Patrisha saka siya napatingin sa lalaki, na ngayon ay nakatingin din sa kanya. “Okay po. Sasamahan ko po siya,” magalang na tugon ni Archer kay Don Carlo habang nakatitig sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD