Chapter 19:

1836 Words
“Mukhang masaya ang date mo.” Paulit-ulit na naglalaro sa isipan ni Patrisha ang mga salitang iyon na binitiwan ni Archer kagabi. Dahil dito, hindi siya nakatulog nang mahimbing at napuyat na naman. Hindi niya alam kung bakit, pero pagdating talaga kay Archer ay palagi na lamang siyang naaapektuhan nito. Pagbaba niya mula sa kanyang silid ay kaagad siyang nagtungo sa dining area upang mag-almusal. Doon ay nadatnan niya ang kanyang anak na masayang nakikipagkuwentuhan sa kanyang lolo. Naroon din sina Nanay Lucy at Mang Ben. “Mommy!” masayang tawag ni Eros nang makita siya. Dahil sa masiglang pagtawag ng bata ay napalingon sa kanya ang lahat. Nakangiti niyang niyakap ang anak nang tumakbo ito palapit sa kanya. “Kumusta ang tulog mo? Maaga ka bang hinatid ni Benjamin kagabi?” Napaangat ang tingin niya kay Don Carlo nang magtanong ito sa kanya. Sasagot na sana siya rito nang bigla niyang marinig ang kalansing ng mga kubyertos mula sa kusina. Napalingon siya sa pinanggalingan ng ingay at doon niya napansin si Archer na abala sa paghahanda ng pagkain. Hindi niya namalayang naroon pala ang binata. “Kuya Archer is cooking breakfast, Mommy!” masayang singit ni Eros habang nakatingin sa kanya. Napatingin siya sa anak. “G-Ganoon ba?” Masiglang tumango si Eros sa kanya. “I asked him to cook our breakfast. I want Kuya Archer's fried chicken again!” Napailing si Patrisha at napangiti sa narinig. Maging ang kanyang lolo ay natatawa habang pinagmamasdan ang apo. “Parang mas gusto na yata niya ang luto ni Archer kaysa kay Lucy,” natatawang komento ni Don Carlo. “Nanay Lucy's fried chicken is delicious, but Kuya Archer's is the best!” pagmamalaki ni Eros. “Eh, paano na 'yan, Lucy? Baka mawalan ka na ng trabaho,” biro ng matanda. “No, Lolo Two! I still want Nanay Lucy. I love her because she plays with me whenever Mommy is busy,” muling singit ni Eros. Muli silang nagtawanan, habang si Patrisha naman ay napatingin kay Archer na abala pa rin sa pagluluto. Nakasuot ito ng simpleng T-shirt at pantalon, at tila walang pakialam sa mga nagaganap sa dining area. Makalipas ang ilang sandali ay natapos na rin si Archer sa pagluluto at paghahanda ng pagkain. Inilapag niya ang mga ito sa mesa bago umupo sa kabilang bahagi, sa tapat ni Mang Ben. Nang maihain na ang lahat ng pagkain ay nagsimula na silang kumain. Masaya pa ring nagkukuwentuhan sina Don Carlo, Eros, Nanay Lucy, at Mang Ben habang si Patrisha naman ay tahimik na kumakain. Paminsan-minsan ay napapatingin siya kay Archer na tahimik ding kumakain sa kabilang bahagi ng mesa. Sa isang pagkakataon ay hindi sinasadyang nagtagpo ang kanilang mga mata. Agad na umiwas ng tingin si Patrisha at ibinaling ang atensyon sa kanyang pagkain. Hindi niya alam kung bakit parang bigla siyang naging conscious sa presensya nito. Ilang sandali pa ay muli siyang napatingin sa direksyon ni Archer. At muli niya itong nahuli na nakatingin sa kanya. Napakurap siya dahil doon. Pero sa pagkakataon na iyon ay hindi umiwas ng tingin si Archer. At sa halip ay diretso lamang itong nakatingin sa kanya, na tila walang balak na itago ang ginagawa nito. Bahagyang kumunot ang noo ni Patrisha bago siya muling umiwas ng tingin. Kanina pa niya napapansin ang mga tingin ni Archer sa kanya, pero hindi niya maintindihan kung bakit ngayon ay parang wala na itong pakialam kahit mahuli niya itong nakatingin sa kanya. Samantalang noong mga nakaraan ay halos hindi nito magawang titigan siya nang diretso, pero ngayon ay matapang na nitong pinananatili ang mga titig sa kanya. “By the way, Patrisha…” Napatingin siya kay Don Carlo nang magsalita ito. “How was your date with Benjamin last night?” Bahagyang natigilan si Patrisha. At mula sa kabilang bahagi ng mesa ay bahagyang kumilos si Archer. Hindi iyon napansin ng iba, pero napansin iyon ni Patrisha. “It was okay,” maikling sagot niya. “Okay lang?” tanong muli ng kanyang lolo. “Akala ko naman masaya ka.” “He was nice,” sagot niya. “We had a good time.” “Did you enjoy his company?” She nodded. “Yes. He’s easy to talk to.” “Good.” Ngumiti si Don Carlo. “At least, hindi ka nabagot.” “Of course not.” “Did he treat you well?” “Yes, Lolo. He did.” “That's good to hear.” Muling kumain si Patrisha, ngunit ilang segundo lamang ang lumipas ay naramdaman niyang muli ang mga tingin sa kanya. Hindi na niya kailangang mag-angat ng mukha para malaman kung kanino iyon. Dahil sigurado siyang ang mga mata ni Archer ang nakapako ngayon sa kanya. Napahigpit nang bahagya ang hawak niya sa kutsara bago siya naglakas-loob na sumulyap dito. At tama nga siya. Nakatitig na naman ang lalaki sa kanya. At gaya kanina ay hindi ito umiwas kahit pa tapunan niya rin ito ng tingin. Sa halip, nanatili lamang ang mga mata nito sa kanya na para bang hinihintay nito na siya mismo ang unang umiwas. At iyon nga ang ginawa niya. Muli niyang ibinaba ang tingin sa kanyang pagkain. DUMATING ang weekend nang mas mabilis kaysa sa inaasahan ni Patrisha. Nang araw na iyon ay maaga siyang naghanda para sa napagkasunduan nilang pagkikita ni Benjamin. Sa pagkakataong ito, hindi na siya nagpasundo rito. Nagkasundo na lamang sila na magkita sa mismong restaurant na kanilang pupuntahan. Pagdating ni Patrisha sa restaurant, agad siyang dinala ng staff sa reserved table ni Benjamin. Naupo siya roon at paminsan-minsang tinitingnan ang oras sa kanyang cellphone. Masyado yatang napaaga ang pagdating niya sa restaurant. Nangangamba siyang baka isipin ni Benjamin na masyado siyang excited sa muli nilang pagkikita. Ilang sandali pa ang lumipas nang bigla na lamang may isang lalaki ang biglang tumigil sa harap niya. Agad siyang nag-angat ng tingin sa pag-aakalang si Benjamin na ito, pero natigilan siya nang makita kung sino ang nasa harapan niya ngayon. “Archer?” kunot ang noo na tanong niya rito. Walang anumang emosyon sa mukha ng lalaki habang nakatingin ito sa kanya. “A-Anong ginagawa mo rito?” “Ikaw ang dapat kong tanungin niyan,” sagot ni Archer sa kanya. “What?” Mas lalong kumunot ang noo niya. “Anong ginagawa mo rito?” Napasinghap siya. Hindi niya maunawaan ang lalaki. Bigla na lamang itong sumulpot sa harapan niya, suot ang walang emosyon na mukha nito habang malamig ang pagsasalita nito. “I’m meeting someone here. Okay na?” “You’re meeting that asshole?” Namilog ang mga mata ni Patrisha sa gulat nang marinig ang pananalitang iyon ni Archer. “What? Anong itinawag mo sa kanya?” hindi makapaniwalang tanong niya sa lalaki. Sa isang iglap, nakita niya ang kakaibang emosyon na sumilay sa mga mata ni Archer. Sandali lamang iyon, ngunit sapat para mapansin niya. Hindi niya lang alam kung tama ba ang pagkakaintindi niya sa nakita niya ngayon sa lalaki. “Umalis na tayo rito. Hindi ka dapat nakikipagkita sa lalaking iyon,” seryosong sabi ni Archer. Why did he have to come all the way there just to take her home? “Teka. Ano bang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan. Why are you telling me to leave?” Saglit na nanahimik si Archer habang nakatitig lamang sa kanya. Para bang pinag-iisipan nito kung paano sasabihin ang gusto nitong sabihin. “Because I know what kind of man he is,” sa huli ay sabi nito sa kanya. Muling napakunot-noo si Patrisha. “What do you mean?” “Hindi siya ang taong iniisip mo.” Huminga nang malalim si Patrisha bago siya nagsalita. “Benjamin has been nothing but nice to me. So, what's wrong with him? You barely know him.” “I know enough.” Napailing siya. “And what exactly do you know about him?” Hindi agad sumagot si Archer. Sa halip, kinuha nito ang cellphone mula sa bulsa ng pantalon nito at ilang segundo itong may pinindot bago muling tumingin sa kanya. “Look at this.” Inilapit nito ang cellphone sa kanya. Napatingin si Patrisha sa screen at agad na kumunot ang noo. Isang larawan iyon ni Benjamin na nakaupo sa isang restaurant kasama ang isang babaeng hindi niya kilala. Magkalapit ang dalawa, at kapansin-pansing komportable ang kanilang kilos sa isa't isa. “What is this?” “Benjamin.” “I know that's him,” matigas niyang sagot. “I mean, who is she?” “Hindi ko rin alam.” Napatingin siya rito. “Then why are you showing me this?” Hindi sumagot si Archer. Sa halip, nag-swipe ito sa screen. At isa pang larawan ang bumungad sa kanya. Katulad ng naunang larawan, ay may babaeng kasama si Benjamin. Nag-swipe ulit si Archer sa screen nang ilang beses at pare-pareho ang kuha ni Benjamin, kasama ang iba’t ibang babae. Sa mga larawan na iyon ay makikitang tila napakasaya ni Benjamin at napakakomportable sa mga babaeng nakakasama nito. May nasa restaurant, may nasa café, at mayroon ding tila kuha habang magkasama silang naglalakad. Unti-unting nawala ang kunot sa noo ni Patrisha at napalitan iyon ng pagkalito. “Are you saying he's dating all these women?” “Hindi ko alam kung ano ang tawag niya sa relasyon niya sa kanila,” malamig na sagot nito. “But you're not the only woman he's meeting.” “Where did you get these?” “I've been looking into him.” “Why?” Hindi kaagad sumagot si Archer. Sa halip, ibinaba nito ang cellphone at seryosong tumingin sa kanya. “Because he's not what you think he is.” Napailing si Patrisha. “Archer, maybe they're just his friends.” “Sa mga larawan na iyon, tingin mo kaibigan niya lang ang iba’t ibang mga babae na iyon?” Sandaling natahimik si Patrisha bago marahan na tumayo at tuluyang humarap kay Archer. Hindi niya alam kung ano ang mas nakakagulat—ang mga larawang nakikita niya o ang katotohanang napakalaking effort ang ginawa ni Archer para malaman ang tungkol kay Benjamin. “Why would you even do this?” pagkuwan ay marahang tanong niya rito. “Because I don't want you to get hurt.” Hindi niya alam kung bakit, pero mas mabilis ang t***k ng puso niya matapos marinig iyon. Hindi na malamig ang mga mata nito gaya kanina. May kung anong emosyon na naman siyang nakita roon—isang bagay na hindi niya matukoy, ngunit sapat para lalo siyang malito. “H-Huh?” tanging naiusal na lamang niya. “Sumama ka sa akin… at huwag ka nang makipagkita pa sa kanya.” Patrisha stared at him. For the first time, she began to wonder if she had completely misunderstood him. Maybe Archer wasn't as indifferent as she thought. Maybe all those times he looked away, all those times he remained quiet, all those times he acted as though her presence didn't affect him—maybe she had been wrong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD