“Mukhang pinaghandaan mo talaga ang gabi na ito, ah,” nakangiting sabi ni Don Carlo habang pinagmamasdan si Patrisha na inaayos ang laylayan ng kanyang damit.
“Lagi naman po akong handa, Lolo,” natatawang sagot ni Patrisha.
“But you do look a little different tonight,” komento ng matanda, bakas ang katuwaan sa mukha nito.
“Different how?”
“Mas maganda ka ngayon. Mukhang excited ka sa date ninyo ni Benjamin.”
Napailing si Patrisha habang natatawa. “Lolo naman! It's just a date.”
“Wala namang masama roon, Hija. In fact, I'm happy that you're finally giving Benjamin a chance. Mabait na bata iyon, at kilala ko ang pamilya niya.”
“Alam ko naman po, Lolo.”
“Good. I hope you two get along well.”
Napangiti si Patrisha sa tuwa ng kanyang lolo. Halata naman kasing natutuwa ito sa nalalapit nilang pagkikita ni Benjamin.
Ilang sandali pa ay narinig na nila ang tunog ng isang sasakyang humihinto sa labas ng mansion.
“Looks like he's here.”
Agad na napatingin si Patrisha sa salamin.
She had chosen a simple yet elegant dress for the occasion. She didn't want to look as though she had spent too much time preparing for the date, even though she had changed outfits three times before finally settling on one.
She took a deep breath before walking downstairs with Don Carlo.
Pagdating nila sa labas, nakita niya agad si Benjamin na kabababa lamang ng sasakyan.
“Good evening, Don Carlo.”
“Good evening, Benjamin.”
Magalang na nakipagkamay si Benjamin sa kanyang lolo bago ito bumaling sa kanya.
“Hi, Patrisha.”
“Hi.”
Ngumiti ito sa kanya.
“You look beautiful.”
Bahagyang napangiti si Patrisha. “Thank you.”
“I’ll bring her home safely,” pagkuwan ay sabi ni Benjamin kay Don Carlo.
Nakangiting tumango ang matanda bago tuluyang sumakay si Patrisha sa kotse.
Pagkasara ni Benjamin ng pinto, umikot ito sa kabilang bahagi at sumakay rin sa driver's seat. Maya-maya, pinaandar na nito ang sasakyan at tuluyan na silang umalis.
Sa unang bahagi ng biyahe ay hindi gaanong nagsalita si Patrisha. Paminsan-minsan ay sumisilip lamang siya kay Benjamin na abala sa pagmamaneho.
“So,” Benjamin broke the silence. “How are you adjusting to being back here in the Philippines?”
“Honestly?”
He nodded.
“I'm still trying to figure that out.”
“After five years in New York, I guess coming back here must feel different.”
“It does.” She looked out the window. “Everything feels familiar, but at the same time, it feels like I'm seeing everything for the first time.”
“Do you miss New York?”
“Sometimes. I miss my friends there, too.”
“Then why come back?”
Patrisha shrugged lightly.
“My parents wanted me to come home.”
Benjamin glanced at her before turning his attention back to the road.
“And you agreed?”
“I didn't really have much of a choice.”
He smiled. “Still, you could've said no.”
“I could have.”
“But you didn't.”
Patrisha looked out the window.
“I guess part of me wanted to come back, too.”
“Even after being away for so long?”
She nodded. “Yeah. There are things I missed.”
“Like what?”
“The food, the beaches, my friends, and of course, my grandfather.” She paused. “Maybe just being here, too. I don't know.”
Benjamin smiled.
“Sounds like you're slowly getting used to it again.”
“Maybe.”
“Give it a few more days. You'll probably start complaining about the heat.”
Patrisha laughed.
“I already am.”
“I knew it.”
Pareho silang napatawa, at sa sumunod na ilang minuto ay napunta na sa mas simpleng bagay ang kanilang pag-uusap—tungkol sa New York, sa mga lugar na madalas puntahan ni Patrisha roon, at sa ilang pagbabago na napansin niya simula nang makabalik siya sa Pilipinas.
Nang banggitin ni Benjamin kung gaano kapayapa ang lugar kumpara sa siyudad, hindi niya maiwasang maalala si Archer.
Hindi niya alam kung bakit bigla na lamang itong pumasok sa isip niya.
Naalala niya ang tahimik na binata. Ang seryoso nitong mukha. At ang mga mata nitong madalas na umiiwas ng tingin sa kanya.
Bahagya siyang napakunot-noo at muling ibinaling ang tingin sa labas ng bintana. Bakit ba niya naiisip na naman si Archer?
Mabilis niyang ipinagpag ang kaisipang iyon.
“Anyway,” sabi niya habang muling ibinaling ang tingin kay Benjamin, “saan ba tayo pupunta?”
Ngumiti si Benjamin.
“It’s a surprise.”
“A surprise?”
“Yes.”
Napataas ang isang kilay ni Patrisha.
“Should I be worried?”
“Not at all.”
Napangiti siya.
“Okay. Now I’m curious.”
Benjamin brought her to a quiet restaurant overlooking the sea. It wasn't overly crowded, and the atmosphere was peaceful enough for them to actually talk.
Nag-order sila ng dinner at sa unang ilang minuto ay nagkuwentuhan muna tungkol sa mga simpleng bagay.
Napag-usapan nila ang tungkol sa dating trabaho ni Patrisha bilang isang modelo, ang pagiging mayor ni Benjamin, at ang kani-kanilang buhay.
Hindi inaasahan ni Patrisha na mae-enjoy niya nang ganito ang pakikipag-usap kay Benjamin. Hindi naman kasi ito pilit na nagpapa-impress sa kanya. Hindi rin ito panay ang papuri sa kanyang hitsura o pagkukuwento tungkol sa mga naabot nito sa buhay. Simple lang itong nakikinig sa mga kinukuwento at sinasabi niya. At sa tuwing nagsasalita siya, ramdam niyang binibigyan siya nito ng atensyon.
Nang dumating ang kanilang mga in-order na pagkain, biglang nagtanong si Benjamin.
“Can I ask you something?”
“Sure.”
“You have a son, right?”
Sandaling natigilan si Patrisha habang hawak ang baso niya.
“Yes.”
Tumango si Benjamin.
“I hope you don't mind me asking.”
“It's okay.” Huminga muna siya nang malalim bago muling nagsalita. “I actually wanted to tell you myself.”
“Tell me what?”
“That I'm a single mother.”
Nanatiling tahimik si Benjamin.
Saglit na napaisip si Patrisha kung nasobrahan ba siya sa pagsasabi. Ilang beses na rin kasi niyang nakita ang ganoong reaksyon mula sa mga lalaki.
Sa tuwing malalaman ng mga ito na mayroon siyang anak, bigla na lamang nagbabago ang pakikitungo ng mga ito sa kanya.
May mga lalaking unti-unting lumalayo. Ang iba naman ay nagtatanong ng mga bagay na hindi naman niya gustong pag-usapan. At mayroon ding basta na lamang nawawala nang walang anumang paliwanag.
Ano’t ano pa man ay sanay naman na siya sa mga ganoong klaseng lalaki.
“My son is five years old,” pagpapatuloy niya. “His name is Eros.”
Maya-maya ay ngumiti si Benjamin.
“That's a nice name.”
“Thank you.”
Sandaling natahimik si Patrisha bago muling nagsalita.
“I hope you don't see me differently now that you know I have a child.”
Bahagyang kumunot ang noo ni Benjamin. “Why would I?”
“I'm just saying. Some men aren't exactly comfortable dating a single mother.”
Benjamin smiled faintly. “Well, I don't see any reason why I should be.”
Napatingin si Patrisha kay Benjamin. Hindi niya inaasahang ganoon kadali para rito ang tanggapin ang sinabi niya.
“So, you're okay with it?”
“Of course. Having a child doesn't make you less deserving of a date.”
Hindi agad nakasagot si Patrisha. Unti-unti siyang napangiti sa narinig.
“That's... surprisingly nice to hear.”
“Why?”
“Because some men don't exactly feel the same way.”
Bahagyang lumambot ang ekspresyon ni Benjamin.
“Then those men are missing out.”
Mahina siyang natawa.
“That's quite a line.”
“I'm not trying to flirt.”
“Really?”
“Not entirely.”
Muli siyang natawa.
Sa hindi malaman na dahilan, magaan ang pakiramdam ni Patrisha habang kausap si Benjamin. Hindi niya kailangang mag-isip nang husto sa bawat sasabihin o mag-alala kung ano ang magiging reaksyon nito.
Hindi rin agad nagtanong si Benjamin tungkol sa ama ni Eros. Hindi nito tinanong kung bakit siya naging single mother o kung ano ang nangyari sa pagitan nila ng ama ng kanyang anak.
Tinanggap lamang nito ang sinabi niya.
Gayunpaman, makalipas ang ilang sandali ay maingat din itong nagtanong.
“What about Eros’s father?”
Bahagyang nawala ang ngiti sa labi ni Patrisha.
“There’s nothing between us. We were never together.”
Tumango lamang si Benjamin at nagustuhan iyon ni Patrisha, na hindi na ito nagtanong pa ng ibang detalye.
“That's all I need to know,” sabi nito.
“You're not curious?”
“Of course, I am.”
Napataas ang isang kilay niya.
“But I'm not entitled to know everything about your past just because we're having dinner.”
Hindi inaasahan ni Patrisha ang sagot nito. Napangiti siya habang nakatingin dito.
“Benjamin?”
“Yes?”
“You're actually quite nice.”
Natawa ito sa sinabi niya.
“I'll take that as a compliment.”
“It is.”
Ilang sandali pa ang lumipas nang matapos na sila sa pagkain.
Matapos magpaalam sa staff ng restaurant, lumabas na sila at nagtungo sa sasakyan ni Benjamin. Binuksan nito ang pinto para kay Patrisha bago ito sumakay sa driver's seat.
Maya-maya, umandar na ang sasakyan at nagsimula na silang magtungo pabalik sa mansion.
“I'd like to see you again,” maya-maya ay biglang sabi ni Benjamin.
“Huh?”
“Kung okay lang sa’yo.”
Napangiti si Patrisha. “Oo naman. Okay lang sa akin.”
Nakita niya ang pagkatuwa sa mukha ng lalaki sa naging sagot niya rito.
“Thank you for tonight,” saad ni Patrisha nang huminto ang sasakyan sa tapat ng gate ng mansion.
“I should be the one thanking you. I had a good time,” ani Benjamin.
Bumaba si Benjamin sa sasakyan at umikot sa kabilang bahagi upang pagbuksan si Patrisha ng pinto.
Pagkababa ni Patrisha, humarap si Benjamin sa kanya.
“Good night, Patrisha.”
“Good night.”
Ngumiti ang lalaki bago muling sumakay sa sasakyan.
Nakatayo lamang si Patrisha habang pinagmamasdan ang unti-unting paglayo ng sasakyan ni Benjamin.
May ngiti pa rin sa kanyang labi nang magsimula siyang maglakad papasok sa mansion.
Ngunit unti-unting nawala ang ngiti niya nang mapansin ang isang taong nakatayo malapit sa gate. Isang pamilyar na pigura.
Napahinto siya sa paglalakad nang mapagtanto kung sino iyon. Hindi niya inaasahang makikita niya ito ngayong gabi.
Nakatayo si Archer sa tabi ng isang sasakyan habang may bitbit na bag. Gaya ng dati, wala pa ring mabasang emosyon sa mukha nito.
Saglit lamang na natigilan si Patrisha habang nakatitig dito. Hindi niya maipaliwanag kung bakit biglang bumilis ang t***k ng kanyang puso nang makita ang binata.
Pagkatapos ay napansin niyang napunta ang tingin ni Archer sa kalsada. Sa direksiyong pinanggalingan ng sasakyan ni Benjamin.
“Nandiyan ka na pala.” Siya na ang unang nagsalita sa kanila. Ayaw niyang maging awkward sa harap ng lalaki.
Ibinaling ni Archer ang tingin sa kanya. Agad na nagsalubong ang kanilang mga mata. Sa maikling sandaling iyon, tila may kung anong nakita si Patrisha sa mga mata ng binata—isang bagay na hindi niya maipaliwanag.
Ngunit mabilis din iyong naglaho.
“Mukhang masaya ang date mo.”
Napakurap si Patrisha.
“Ha?”