Chapter 17:

1503 Words
Maaga pa lamang ay nakauwi na si Archer sa kanilang bahay. Tatlong araw siyang naka-off duty, mas maikli kumpara sa mga nakaraang off duty niya. Kung tutuusin, ayaw niya nga sanang mag-off duty, pero kailangan niya ring gamitin ang mga araw na iyon. Isa pa, wala rin sana siyang planong umuwi at gusto niyang manatili na lamang sa mansion kahit naka-off duty siya. Ngunit naisip niyang samantalahin ang pagkakataon para mabisita ang kanyang lolo at ang kanyang nakababatang kapatid. Kaya kahit na ilang araw nang may bumabagabag sa kanyang isip, ay itinuloy pa rin niya ang pag-alis sa mansion. Samantala, wala man lang ideya si Patrisha na umalis si Archer sa mansion. Nalaman lamang niya iyon nang bumaba siya para sa almusal at nang mapansin niyang wala ito roon. “Nasaan po si Archer?” mahinang bulong niya sa isa sa mga kasambahay. Hindi niya napigilan ang sarili na magtanong. “Umuwi po siya sa kanila kaninang madaling-araw, Miss Patrisha,” mahinang sagot ng kasambahay. “Umuwi?” “Opo. Three days po ang off niya.” “Ah… ganoon po ba? Sige po, salamat po.” Tatlong araw na wala ang lalaki. At naisip niyang mas mabuti na rin iyon. At least, sa loob ng tatlong araw na iyon ay hindi na niya kailangang umiwas dito. Hindi niya rin kailangang maramdaman ang kakaibang kaba sa tuwing nagkikita sila. Nang hapon ding iyon ay sumama si Patrisha kay Don Carlo sa resort. May ilang bagay na kailangang asikasuhin si Don Carlo, kaya naisip nitong isama siya. Bukod doon ay may darating din itong bisita roon na nais nitong ipakilala sa kanya. Nang makarating sila sa resort, agad silang nagtungo sa isang private lounge kung saan nakatakda ang pagdating ng kanilang bisita. Ilang sandali lang nang bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki kasama ang dalawang tauhan nito. Agad na napatingin si Patrisha sa bagong dating. Tantiya niyang nasa late twenties o early thirties ang lalaki. Matangkad ito, maayos ang postura at nakasuot ng dark blue polo shirt na nakatupi hanggang siko ang manggas. Simple lamang ang suot nito, ngunit halatang mamahalin ang relo at sapatos. May kumpiyansa rin sa kilos nito na hindi mayabang tingnan. Nang makita nito sina Don Carlo ay agad itong ngumiti. “Don Carlo.” Tumayo si Don Carlo at sinalubong ang lalaki. “Mayor Benjamin. Mabuti at nakarating ka.” “Of course. I wouldn’t miss this meeting.” Nagkamayan ang dalawa bago napatingin si Benjamin kay Patrisha. “This must be your granddaughter.” Ngumiti si Don Carlo. “Yes. This is Patrisha.” Tumayo si Patrisha at magalang na ngumiti. “Nice to meet you, Mayor.” “Benjamin is fine,” mabilis nitong sagot bago siya nginitian. “And it’s nice to finally meet you, Patrisha.” Napansin ni Patrisha ang bahagyang pagbabago sa tono nito. Hindi iyon katulad ng karaniwang pakikitungo ng mga taong unang beses pa lamang siyang nakikita. May halatang paghanga sa mga mata ng lalaki. “Finally?” tanong niya. Tumawa nang bahagya si Benjamin. “I've been hearing about you from Don Carlo.” “Really?” “Hmm.” Tumango ito. “Pero hindi niya sinabi sa akin na ganito ka kaganda.” Napatawa nang bahagya si Patrisha dahil sa diretsahang papuri ng lalaki sa kanya. “Thank you.” “I'm just being honest.” Napailing si Don Carlo habang nakangiti. “Benjamin, behave.” “I'm behaving,” natatawang sagot ng lalaki. “Nagbibigay lang ako ng compliment.” Bahagyang napangiti si Patrisha. Hindi niya alam kung bakit, pero hindi siya naiilang sa lalaki. Marahil dahil komportable itong makipag-usap sa kanya at hindi ito mukhang nag-aalangan na ipakita ang interes nito. Umupo silang tatlo sa paligid ng maliit na mesa. Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Benjamin at inilabas ang ilang dokumentong dala nito. “As I mentioned during our last conversation, we’re finalizing the plans for the tourism festival,” wika ni Benjamin habang inilapag ang mga dokumento sa mesa. “We’re expecting more visitors this year, so we’re hoping to work with several major establishments in the area.” Tumango si Don Carlo habang tinitingnan ang mga papel. “I’ve already spoken with Mr. Ramirez about the sponsorship. The resort can provide accommodation for some of the guests and officials, as well as one of the venues for the activities.” “That would help us a lot,” sagot ni Benjamin. “We’re also planning a livelihood program for some of the local residents. Small businesses, food stalls, handicrafts, and other products that we can promote during the festival.” “That’s a good idea,” komento ni Don Carlo. “Tourism shouldn’t only benefit the big businesses. The locals should benefit from it, too.” “That’s exactly what we’re hoping to achieve.” Sandaling natahimik si Don Carlo habang muling tinitingnan ang mga dokumento. “I can provide additional funding for the livelihood program,” sabi nito. “But I want it properly organized. We can’t just give people money and leave them on their own.” “Agreed,” sagot naman ni Benjamin. “We’re planning to provide training as well.” Tumango si Don Carlo. “Good.” Napatingin si Patrisha sa dalawa. Tahimik lamang siyang nakikinig, ngunit interesado rin naman siya sa usapan. Lalo na nang marinig niyang may mga planong tulungan ang mga lokal na residente. Maya-maya ay nagsalita si Don Carlo. “That’s actually one of the reasons I brought Patrisha with me today.” Napatingin si Patrisha sa kanyang lolo. “Ako po?” “Yes.” Tumingin si Don Carlo kay Benjamin. “I’ve been thinking of letting her handle some of our family’s charitable projects. She has the time for it, and I think it’s about time she started getting involved in something more meaningful.” Bahagyang napataas ang kilay ni Patrisha. “Lolo…” “What?” nakangiting tanong ni Don Carlo. “You need something to keep you busy.” “Busy naman ako.” “Shopping and going to the beach don’t count.” Napailing si Patrisha, ngunit napangiti rin siya. Samantala, natawa naman si Benjamin. “I think she’d be good at it.” Napatingin si Patrisha kay Benjamin. “You think so?” “I do.” Muli itong ngumiti kay Patrisha. “And I’d be happy to work with you if you decide to take the project.” May kakaibang diin sa sinabi nito na hindi nakaligtas kay Patrisha. Ngumiti lamang si Patrisha. “We’ll see.” “Take your time,” sagot ni Benjamin. “Although, I wouldn’t mind having another reason to see you around.” Napatingin si Patrisha sa lalaki nang bahagya. Diretso lamang itong nakatingin sa kanya, at walang kahit kaunting pagtatangkang itago ang interes nito. Hindi tulad ni Archer. Napaisip siya nang sandali. Kung si Archer ay halos hindi man lamang siya matingnan nang diretso, ang lalaking nasa harapan niya ngayon ay kabaligtaran nito. Halatang interesado ito sa kanya at hindi niya kailangang hulaan pa. Maya-maya ay natapos din ang pag-uusap tungkol sa tourism festival at livelihood program. Tumayo si Don Carlo upang saglit na kausapin ang isang staff sa labas ng lounge, dahilan upang maiwan sandali sina Patrisha at Benjamin. “So…” Benjamin broke the silence. “Are you free this weekend?” Kaagad na napatingin si Patrisha sa lalaki. “Why?” “I’d like to take you out for dinner,” diretsong sagot ni Benjamin. Bahagyang napangiti si Patrisha dahil doon. “Is that a date?” matapang niyang tanong. “If you want it to be,” prenteng sagot naman ni Benjamin. Napatawa siya nang mahina. “You’re pretty straightforward.” “I don’t see the point in pretending I’m not interested.” Saglit siyang natahimik sa sinabi ng lalaki. At kaagad niyang naisip si Archer. Iyon ang eksaktong kabaligtaran nito. Kanina pa nga ay nahuhuli niya si Benjamin na nakatingin sa kanya. At sa tuwing nagkakatitigan sila, hindi ito umiiwas. Sa halip, nginingitian pa siya nito. At nang mga sandaling iyon ay naisip ni Patrisha na baka mas mabuti nga kung bigyan niya ng pagkakataon ang isang lalaking hindi niya kailangang habulin para lamang mapansin siya. “Okay,” pagkuwan ay sagot niya. Bahagyang lumawak ang ngiti ni Benjamin. “Okay?” “Yes. Let’s have dinner together this weekend.” “Good. I’ll make sure it’s a dinner worth saying yes to.” Hindi napigilan ni Patrisha ang sarili niyang ngumiti. Hindi niya inaasahan na magiging ganoon kadiretso si Benjamin sa kanya. At sa totoo lang, wala rin naman siyang nakikitang dahilan para tumanggi rito. Marahil, ito na rin ang pagkakataon para tuluyan niyang ilihis ang isip niya kay Archer. Kung may isang lalaking malinaw na interesado sa kanya, bakit niya gugugulin ang oras niya sa isang lalaking ni hindi man lang siya kayang tingnan nang diretso? Mas mabuti pang ibigay niya ang oras niya sa isang taong kusang nagpapakita ng interes sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD