Naggising si Scylla sa mahihinang ungol ni Ezrah. Pawis na pawis ito at nagsasalubong ang kilay kahit nakapikit ang mga mata. Akala niya ay okay na ito kanina pero bakit nagkakaganito na naman ito? “Ezrah?” Sinalat niya ang noo nito para lang mapasinghap. Nag-aapoy ito sa init. Akala ba niya ay tumalab na rito ang ibinigay na lunas ni Astrid? “Scylla… Scylla…” “Nandito lang ako sa tabi mo. Ano ang nararamdaman mo?” “It’s freezing cold.” Napahugot siya ng malalim na paghinga. Ano ang gagawin niya? Nagulat siya nang magmulat ng mga mata si Ezrah. Itim na itim ang mga mata nito maging ang bahaging puti. The blood vessels around his eyes had become visible. And then his pupils became fiery red. “Nasa malapit na sila! We have to go!” “Pero inaapoy ka ng lagnat!” “W-we can’t just sit her

