Hindi pa sila nakakalayo nang tuluyan sa gusaling pinanggalingan ay napaigik na si Ezrah. Inalalayan agad siya ni Scylla. “A-akala ko ba pinagaling ka na ni Astrid?” garalgal ang boses nitong tanong. He smiled faintly at her and patted her gently on the head. “I’m fine. The sacred spells can really be lethal for us. Pero may paunang lunas nang ibinigay si Astrid. All I have to do is survive the night.” Nanlaki ang mga mata nito. “Ibig sabihin hindi pa tiyak na gagaling ka at may posibilidad pang—” “Shush. Tonight isn’t a good time to die. Mainit ang hangin at wala man lang kaayusan ang hitsura ko. I would, at least, want to look presentable when I finally face death,” he joked, trying to make light of the situation. “Ezrah!” He laughed a little despite the pain in his ribs. “Kailang

