Nagising ang diwa ni Ezrah sa pamilyar na amoy ng mga pinaghalong dahon at likido. Hindi pa man niya tuluyang naimumulat ang mga mata ay alam na niya kung nasaan siya. Naalarma siya. He was automatically on full defense mode. Umigkas siya paupo. Pero mga pamilyar na kamay ang pumigil sa tangka niyang pagbangon. Nakaupo ito sa gilid ng kama at nakatunghay sa kanya. “Scylla? Ano ang ginagawa natin dito? I know this place.” Inilibot niya ang tingin sa paligid. The place looked nothing out of the ordinary apartment unit. Makailang beses na rin siyang nakapunta sa lugar na iyon. “Of course you know this place,” singit ng isang boses mula sa pintuan. “Magtatampo ako kung sasabihin mong hindi pamilyar sa iyo ang bahay ko.” “Astrid…” sambit niya sa pangalan nito. May hawak na batong kakulay n

