Malayo na ang kinaroroonan nila ni Ezrah ay patuloy pa rin sila sa pagtakbo, nangangamba na baka mahabol pa rin sila ng mga anghel. Bumigay ang mga tuhod niya at sumadsad siya sa lupa. He coughed blood. Pinahid niya iyon gamit ang likod ng kamay. Bumakas ang matinding pag-aalala sa mukha ni Scylla. Lumuhod ito at niyakap siya. Walang ampat ang paglandas ng luha sa pisngi nito. “Hindi tayo susuko, Ezrah, kaya kailangan mong kumapit. Hindi mo ako iiwan. Haharapin natin ang lahat ng ito nang magkasama.” Malungkot ang ngiting sumungaw sa mga labi niya. Hinaplos niya ang pisngi ng dalaga. “Mahal na mahal kita, Scylla. Ikaw lang ang inibig ko noon, ikaw pa rin ngayon.” Inabot niya ang kamay nito at ipinatong sa ibabaw ng dibdib niya. “Alam mo bang noon pa tumibok ang puso ko? Noon pa nang una

