Nagising si Dylan mula sa isang masamang panaginip. Habol-habol niya ang hininga nang makabangon habang pinagpapawisan. Pinunasan niya ang pawis saka napasuklay sa buhok. Pakiramdam niya ay totoo ang panaginip niya. Nakahinga na lang siya nang maluwag dahil nagising siya sa isang masamang bangungot. Ilang taon na ang nakakalipas at ngayon lang siya ulit nanaginip nang tungkol kay Nine. Napanaginipan na naman niya ang araw ng kasal nila noon. Nakikita niya na naman si Nine sa panaginip niya na kinukuha sa kanya ni Jerome, mula sa kanila ni Dyne. Napapailing na lang siya. Matagal-tagal na din na wala siyang balita tungkol kay Nine. Apat na taon na ang nakakaraan at hanggang ngayon ay hinahanap niya pa din ito pero hanggang ngayon ay wala pa din siyang balita tungkol dito. Hindi niya alam

