“Anong ginagawa mo dito?” nagtatakang tanong ni Alaysha nang makita si Ronald sa harap ng building ng apartment niya. Tila ba hinihintay nito ang paglabas niya. Hindi siya makapaniwalang nakikita niya ngayon ang dating boyfriend. Ilang linggo din kasi niya itong hindi nakita at hindi ito nagparamdam sa kanya kaya akala niya ay tumigil na ito at naka-move on na. Gwapo pa din ito hanggang ngayon, maliban sa malalim nitong mga mata na halatang ilang araw na hindi natutulog. Nakikita niya din ang pagod sa mukha nito. “Nagda-drugs ka ba, Ronald?” Hindi niya mapigilan na itanong ‘yon dahil sa itim ng ilalim ng mga mata nito. “Hindi, ah. Paano mo naman nasabi ‘yon?” “Eh, ang lalalim ng mga mata mo, eh. Para kang naka-drugs.” Napahawak naman ito sa ilalim ng mga mata niya. “Ah, ito ba? Kulang

