Papasok na sana sa elevator si Alaysha nang may mapansin siya kaya naman hindi na siya tumuloy sa pagsakay. Lumapit siya sa isang bata na sa tingin niya ay mukhang nawawala. Nakatingin-tingin kasi ito sa paligid na tila parang may hinahanap. Isa itong batang babae na sa tingin niya ay mga nasa apat o limang taon. Mahaba, at kulot ang buhok nito at may maputing balat. Sa itsura pa lang nito ay alam na niyang anak ito ng isang mayaman. Naku, naku! Ganitong bata ang tipo ng mga kidnapper. “Hi, little girl.” Napatingin ito sa kanya saka ngumiti. “May kasama ka ba or are you lost?” Napatingin siya sa paligid at wala naman siyang nakikitang ibang tao dahil office hour na din. Pumantay siya dito. “Hindi mo ba alam na delikado na mag-isa ang isang bata at lumalabas ng walang kasama? Lalo na’t k

