Chapter 4

1907 Words
“Healthy po ba si baby, Doc?” tanong ni Dylan sa Doctor habang in-ultrasound si Nine. Napapangiti na lang si Nine habang nakatingin sa binata na masayang nakatingin ngayon sa monitor kung saan nakikita nila ang anak niya. Ngayon ang ultrasound niya at hindi pumasok sa trabaho si Dylan para lang samahan siya. Sinabi na niya dito na ayos lang na hindi siya nito samahan lalo na’t naiisip niyang wala naman itong responsibilidad sa kanya dahil nagpapanggap lang naman itong ama ng anak niya. Pero nagpumilit pa din itong samahan siya. Kahit anong pigil niya din ay ayaw talaga nitong magpapigil kaya wala na siyang nagawa. Gusto daw nito na makita ang anak niya at malaman ang gender nito dahil magwa-walong buwan na ang tiyan niya at pwede na nilang malaman kung ano ang gender ng baby niya. Napapailing na lang siya sa binata. Mas excited pa ito sa kanya. “Yes. The baby is healthy. It was a healthy baby girl.” Pareho silang natigilang dalawa ni Dylan sa sinabi ng Doctor. “Baby Girl? Babae po ang anak ko, Doc?” hindi makapaniwala niyang tanong. “Yes. It was a baby girl.” Nagkatinginan sila ni Dylan. Hawak nito ang kamay niya at malaki ang ngiti. “Magkakaroon na tayo ng prinsesa, Babe.” Namula ang mukha niya nang halikan nito ang kamay niya at sa tinawag nito sa kanya. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa din siya sanay na tinatawag siya nitong babe. “Sana maging kamukha mo para maging kasing ganda mo siya.” Napakagat-labi naman siya dahil sa kinikilig siya sa sinabi nito pero sa kabilang banda ay nalulungkot siya. Kung ang boyfriend niya kaya ang kasama niya ngayon ay magiging ganito din kaya ito kasaya kapag nalaman ang naging gender ng anak nila? Napasana siya na ito sana ang kasama niya ngayon pero alam niyang hanggang hiling lang ito dahil iniwan na siya nito. At maswerte siya dahil may isang Dylan na tinulungan at pinanindigan siya. Iwinasik niya sa isip ang mga sana na ‘yon dahil alam niyang imposibleng mangyari ‘yon. “Dahil isa’t kalahating buwan na lang ay manganganak ka na ay kailangan mong mas maging maingat para maiwasan ang early labor, okay?” payo sa kanya ng Doctor. Tinulungan siya ni Dylan na umupo mula sa pagkakahiga. “Ipagpatuloy mo lang ‘yong niresita kong vitamins, kumain ka ng mga masustansyang pagkain.” “Yes, Doc,” si Dylan ang sumagot. “Sisiguraduhin ko na magiging maayos si Nine at magiging healthy ang baby namin,” sabi nito saka hinaplos ang tiyan niya. Hindi niya maiwasan na mapangiti sa tuwing ginagawa ‘yon ni Dylan sa tiyan niya. Kahit na hindi nito anak ang pinagbubuntis niya ay masaya pa din ito at excited. “That’s good to hear, Mr. Dewis.” Tumingin ito sa kanya. “Ang swerte mo sa asawa mo, Nine.” Nahiya naman siya sa sinabi nito. “H-Hindi pa po kami mag-asawa, Doc.” Natawa naman ito. “Oo nga pala. Nakalimutan kong magiging mag-asawa pa pala kayo. Kailan ulit ang kasal niyo?” “Ilang buwan pagkatapos manganak ni Nine, Doc. Invited po kayo,” nakangiting sabi ni Dylan. “Sure. Sabihan niyo lang ako at pupunta ako.” “Sige, Doc. Thank you, at mauna na kami.” Kinuha na ni Dylan ang bag niya at ito na mismo ang nagdala saka inalalayan siya sa paglalakad. “Be careful.” Napapailing na lang siya dahil may pagka-overprotective din sa kanya ang binata. Inalalayan siya nitong sumakay sa kotse. Siniguro nito na hindi mauumpog ang ulo niya sa kotse. Nagmamadali naman itong sumakay sa driver seat. “May gusto ka bang kainin? Are you craving for something or anything?” tanong nito saka binuhay ang makina ng sasakyan. “Tell me, bibilhin natin.” “Can I eat siomai and takoyaki?” Napatingin ito sa kanya. “Gusto mo bang sa isang Japanese restaurant tayo or may gusto kang specific na restaurant?” Umiling naman siya. “Okay na ako sa street foods. Doon tayo kumain sa kinakainan natin dati.” Noong hindi pa kasi siya buntis ay dinala siya ni Dylan sa isang tindahan sa gilid ng kalye na nagtitinda ng mga street foods. Doon daw kumakain ang magkakaibigan. Malinis at masarap naman ang niluluto nito kaya gusto niya doon. Tumingin ito sa kanya nang naniniguro. “Are you sure?” Natawa naman siya. “Oo naman.” Hinaplos niya ang kanyang tiyan. “Iyon din ang gusto ni baby.” Napailing na lang ito. “Fine. Kung ‘yan ang gusto ng mag-ina ko ay doon tayo.” Umalis na sila sa hospital. “Pagkatapos natin kumain, pwede na tayong bumili ng mga gamit ni baby total alam naman na natin ang gender niya.” “Hindi pa ba masyadong maaga?” “Alin ang maaga do’n, Nine? Ilang buwan na lang ay manganganak ka na. Kailangan na natin paghandaan ang pagdating ng prinsesa natin.” Napatingin siya dito. Nakikita niya talaga na masaya ang binata, na hindi ito nagpapanggap lang. Kahit kasi sa mga mata nito ay nakikita niya ang saya at excited sa nalalapit na niyang panganganak. “Sigurado ka na ba talagang papakasalan mo ako, Dylan?” Sandali itong napatingin sa kanya saka ibinalik ang tingin nito sa daan. “Oo naman, bakit mo naman ‘yan naitanong?” Nagkibit-balikat naman siya. “Gusto ko lang kasi na makasiguro. I mean, papakasalan mo ako na may dinadalang hindi naman sa ‘yo.” Napatingin siya sa binata nang hawakan nito ang kamay niya saka mahinang pinisil. “Anak ko ang pinagbubuntis mo, Nine, okay?” “Iyon ang alam ng mga tao.” “Anak ko ‘yan,” may diin nitong sabi. Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. “Kahit na anong mangyari ay anak ko ‘yan at magiging pamilya ko kayo. Except na lang kung ayaw mo akong pakasalan.” Bahagya naman siya napatawa. “Sinong hindi magpapakasal sa isang gwapong katulad mo. Hindi lang gwapo, kung hindi mabait pa.” Natawa naman ito sa naging papuri niya. Hindi naman niya ito binobola, sadyang totoo lang ang mga sinasabi niya. “Thankful ako sa ‘yo dahil tinulungan mo na nga ako sa mga magulang ko ay tutulungan mo pa ang anak ko na lumaki na may kikilalaning ama.” “Huwag kang mag-aalala, Nine, aalagaan, at mamahalin ko kayo ng magiging anak natin.” Hinalikan nito ang kamay niya at hindi pa din binitawan. “May tanong pala ako sa ‘yo, Dylan.” “Ano ‘yon?” tanong nito habang diretso pa din na nakatingin sa daan. “Hindi ba womanizer ka?” “Before,” diretso nitong sagot. Napatango naman siya. Isa si Dylan sa magkakaibigan na womanizer, pumapangalawa ito dahil nangunguna si Wyatt—ang kaibigan nito. “Bakit naisipan mong pakasalan ako kung womanizer ka? I mean, hindi ba ang mga womanizer ay gusto lang ng fun, no commitment, like that?” “Well, you’re right,” kibit-balikat nitong sagot sa kanya. “Noon, gusto ko lang ng fun at no commitment, pero nang makita ko ang mga kaibigan ko na nagsisiasawa na at nagkakaroon na ng sariling pamilya ay nakaramdam ako ng inggit? Feeling ko, gusto ko din na magkaroon ng sariling pamilya at maramdaman ang saya na sinasabi nila.” “Pero magkaiba kayo ng sitwasyon. Iyong mga kaibigan mo ay nagsiasawa at pinakasalan ang mga babaeng mahal nila, samantalang ikaw…” “Matutunan din kitang mahalin, Nine.” Natigilan siya sa sinabi nito. “Hindi ka din naman kasi mahirap mahalin dahil mabait kang tao at alam kong magiging mabait ka ding ina sa magiging anak mo—natin. Gusto ko na din kasi magbago para hindi na ako talakan ni mommy.” Natawa na lang siya nang maalala kung ilang beses itong pinagsabihan ng ina nito tungkol sa pagiging womanizer nito, at kung kailan ito mag-aasawa. Palagi nitong sinasabi na mabuti pa ang mga kaibigan nito ay may mga pamilya na, samantalang siya—napailing na lang siya. Maswerte na siya dahil may isang Dylan na nagmamalasakit sa kanya. Hindi din mahirap para sa kanya ang mahalin ito lalo na’t sobrang bait, at maalaga nito sa kanya, at sa anak niya. Nakikita niyang magiging isang mabait itong ama sa anak niya at asawa sa kanya balang araw. “WOW! It’s a baby girl,” sabi ng ina ni Nine habang nakatingin sa ultrasound ng baby niya kanina. Sabay-sabay silang nag-dinner sa isang restaurant. Kasama nila ang pamilya niya at ang pamilya ni Dylan. Sinabi na nila sa mga ito ang gender ng magiging anak niya at tuwang-tuwa naman ang mga ito. “May naisip na ba kayong pangalan ng baby niyo?” tanong naman ng ina ni Dylan. Napangiti siya saka napatingin kay Dylan. Nagtataka ito kung bakit siya nakatingin dito. “May naisip ka na?” Tumango naman siya bilang sagot. “I’m sure it would be a wonderful name because you choose it for her.” Napangiti siya dito. “Dyne. I’m gonna name her Dyne.” “Dyne?” tanong naman ng ina ni Dylan na ikinatango niya. Nagtataka ito pero agad din na napangiti. “Dyne, it’s a combination of your name and Dylan, right?” Tumingin siya sa mga ito saka malaki ang ngiting tumango ulit. Napatakip naman sa bibig ang ginang. “Aw… That was so sweet of you, Dear.” “Thank you po, Tita.” “Nah… What’s with the tita? You should call me mom already. Total, ikakasal din naman kayo ng anak ko. Magiging pamilya na tayo, soon.” Nakangiti naman siyang tumango dito. Dumaan ang oras at natapos na silang kumain. Hinatid siya ni Dylan sa bahay ng mga magulang niya. Pinatay na nito ang makina ng sasakyan nang makarating na sila sa harap ng bahay nito. “Salamat sa paghatid, Dylan.” Bahagya siyang natawa. “Kahit na pwede naman akong sumabay kina mommy ay hinatid mo pa din ako.” “It was nothing, Nine. Gusto ko lang din na masiguro na ligtas kayong makakauwi ng baby natin.” Hinaplos nito ang tiyan niya kaya napangiti siya. “Bakit mo pala isinama ang pangalan ko sa magiging pangalan ng anak mo?” “Magiging anak natin, Dylan.” Napatingin ito sa kanya. Sinapo niya ang mukha nito. “Sinama ko dahil ikaw ang ama niya at ikaw ang kikilalanin niyang ama.” Nanlaki ang mga mata ni Dylan nang halikan niya ito sa labi. “Mamahalin kita, Dylan, gaya nang pagmamahal mo sa amin ng anak natin.” Napatitig ito sa mga mata niya saka muli siyang napapikit nang halikan siya ulit nito sa labi. “Pangako, Nine, mamahalin ko kayo ng anak natin, at magiging masaya tayo.” Tumango siya saka ngumiti dito. “Magiging masaya tayo sa pamilya natin.” Simula ngayon ay hindi na niya iisipin ang dating nobyo na iniwan lang sila ng anak. Simula ngayon ay mamahalin na niya ang lalaking handa siyang pakasalan, at panagutan. Hindi man niya kaagad ito mamahalin gaya ng pagmamahal niya sa dating nobyo ay alam naman niyang mamahalin niya ito sa paraan na alam niya. Gusto niyang bumawi sa binata, sa lahat ng ginawa nito para sa kanya kaya simula ngayon ay iisipin niya ang magiging pamilya, at ang magiging kinabukasan niya kasama si Dylan at ang magiging anak nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD