Chapter 3

1537 Words
“May naisip ka na bang paraan, Dylan?” tanong ni Nine kay Dylan na umiinom ng kape. Ilang linggo na ang nakakalipas simula nang umamin siya sa binata. Ilang linggo na din ang nakakalipas ay wala pa din silang plano na naiisip. Halos araw-araw na din silang nagkikita. Minsan nga ay nahihiya na siya dito dahil baka naiistorbo na niya ito. Nandito sila ngayon sa isang coffee shop dahil gusto niyang lumabas at makasagap ng sariwang hangin. Pakiramdam niya ay mas mababaliw siya kapag nasa bahay niya lang siya. Natatakot siya na baka may makapansin sa tiyan niya. Umiling ang binata dahilan para malungkot siya. “Wala pa, eh.” Ibinaba nito ang tasa ng kape. Napayuko na lang siya at nagsimula na namang kabahan. Kinakabahan siya sa pwedeng mangyari sa kanya lalo na sa anak niya. Napahawak siya sa kanyang tiyan. Mabuti na lang at hindi pa gano’n kalaki ang tiyan niya kaya natatago niya pa ito. Alam niyang hindi habang buhay ay maliit lang ang tiyan niya at dadating ang araw ay mapapansin na ng mga ito ang paglaki. Alam niyang pagagalitan siya ng husto ng mga magulang kapag nalaman ng mga ito na buntis siya at tinakbuhan pa siya ng ama nito. Lalo na kapag nalaman ng mga ito na hindi naman mayaman ang nakabuntis sa kanya. Isa itong malaking kahihiyan sa pamilya nila. Ang unica hija ng mga ito ay isang disgrasyada. Hindi na niya napigilan ang maiyak dahil sa iniisip niya. Pakiramdam niya ay hindi na niya kaya ang problema na meron siya ngayon. Mabilis na tumabi sa kanya si Dylan nang makita nito ang pag-iyak niya. “Hey, hey… Nine, look at me. Look at me.” Hinawakan nito ang kanyang baba saka pinatingin dito. “Don’t cry, Nine. Makakasama ‘yan sa baby mo.” “I… I don’t know, Dylan. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung papaano lulusutan ang problemang ito.” Napahilamos siya sa mukha saka umiyak. “Isa lang ang naiisip kong solusyon para matapos na ang problema kong ‘to.” “And what was that?” Tumingin siya sa mga mata nito. “Ang ipalaglag ang batang ito.” Ilang beses na umiling ang binata. “You won’t do that.” Muli itong umiling nang hindi siya sumagot. “Stop what you’re thinking, Nine.” “Pero ‘yon lang ang naiisip kong solusyon.” “No. Alam kong may iba pa.” “Eh, ano?” Hindi niya maiwasan ang magtaas ng boses dahil nafu-frustrate na siya ngayon. “Ilang buwan na lang Dylan, ay mas lalaki pa ang tiyan ko. Malalaman na ng mga magulang ko na buntis ako.” Napasuklay si Dylan sa buhok nito saka napabuga ng hangin. “I know, pero mali ang iniisip mo, Nine. To be honest, this child,” hinawakan nito ang kanyang tiyan. “this is not a problem, it is a blessing. Kasalanan ‘yang iniisip mo, at walang kamuwang-muwang ang batang ito sa mga nangyayari kaya hindi siya dapat madamay.” “Then, what would I do?” Sinapo nito ang mukha niya saka tinitigan siya sa mga mata. “We’ll think of a way, okay? Alam ko may magiging solusyon ito.” Napatitig siya kay Dylan na seryosong nakatingin sa kanya habang may pagsusumamo na huwag niyang ituloy ang binabalak. Wala sa sarili na hinawakan niya ang mukha nito. “Sana ikaw na lang ang ama ng magiging anak ko dahil alam kong magiging mabuti kang ama.” Natigilan ang binata sa sinabi niya. “Tama!” Nagulat siya sa sinabi nito. “May naisip na akong paraan.” “Ano?” “Bakit isasana mo pa kung pwede naman.” Kumunot ang noo niya. Ngumiti ito sa kanya dahilan para makuha niya kung ano ang ibig nitong sabihin. Napailing -iling siya. “No way.” Tumango-tango naman ang binata. “Yes way.” MAHIGPIT ang hawak ni Nine sa kamay ni Dylan habang nasa harap sila ng pinto. Sa loob ng kwartong ‘yon ay ang mga magulang nilang dalawa. Pinatawag ito ni Dylan para sabihin ang magiging plano nila. Ilang beses niyang tinanong ang binata kung sigurado ba talaga ito sa desisyon nito pero palaging oo ang sagot nito sa kanya. Wala na din siyang magawa kung hindi sumang-ayon sa gusto nito lalo na’t ‘yon lang ang paraan para maprotektahan niya ang anak niya. “Hey, relax,” sabi ni Dylan saka mahinang pinisil ang kamay niya na hawak nito. “Kinakabahan talaga ako, Dylan.” Nagsisimula na ding mamawis ang kamay niya dahil sa kaba. “Paano kung mahalata nilang nagpapanggap lang tayo?” “Hindi ‘yan. Basta sumang-ayon ka lang sa mga sasabihin ko, okay?” Napatitig siya sa ngiti nito. “Don’t worry. Hindi kita pababayaan. I’m always be by your side.” Biglang bumilis ang t***k ng puso niya dahilan para lihim niyang hawakan ang dibdib niya. Bakit bigla na lang tumibok ng mabilis ang puso niya? Dahil ba sa kinakabahan siya o dahil sa ngiti ng binata? Napailing-iling na lang siya. Hindi ito ang tamang oras para mag-isip siya ng ganito dahil may dapat siyang harapin. Maswerte na siya dahil kasama niya si Dylan na hinaharap ang problema niya na dapat siya lang ang kasali. “Ready?” Tumango naman siya habang nakaharap sa may pinto. “Just follow my lead, and relax, okay?” Tumango naman siya. Huminga siya ng malalim ng unti-unti nang bukas ni Dylan ang pinto. Bumungad sa kanya ang mga magulang nila na napatigil sa pag-uusap nang makita silang pumasok. Mas lalo siyang kinabahan nang dumapo ang mga tingin nito sa magkahawak nilang kamay. Mahinang pinisil ni Dylan ang kamay niya. “I’m here, Nine.” Ngumiti ito sa mga magulang nilang. “Good evening, everyone.” Humalik ito sa mga babae at nakipagkamay naman sa mga lalaki. “So, anong meron ngayon, Dylan, at pinatawag mo kami?” nakangiting tanong ng ina ng binata na tila alam na nito ang sagot. “Yeah. May dapat ba kaming malaman?” Nakangiti namang tumingin ang mommy niya sa kanya. “Well, siguro ay may clue na kayo kung bakit. Pero hindi iyon ang main point kung bakit gusto ko kayong makausap.” “What’s that, Son?” Nakikita niya ang excitement sa mukha ng ina ng binata. “Ma’am, Sir,” tumingin ang binata sa mga magulang niya. “I want to marry your daughter.” Lahat ay nagulat sa sinabi ng binata. “M-Marry?” Napatingin siya sa ina ni Dylan. Nakatakip ang dalawang kamay nito sa bibig dahil sa gulat. “Kasal agad?” “Yes, Mom, at sigurado na po ako do’n.” “H-How sure are you?” Ngumiti ang binata at nagulat siya nang hawakan nito ang tiyan niya. “Because we are expecting our first child.” Muling napasinghap ang lahat sa sinabi nito. “Oh my ghad! I can’t believe this.” Wala siyang ibang ginawa kung hindi umupo at tingnan ang mga reaksyon ng mga magulang nila ni Dylan. Si Dylan na ang nagsasabi ng lahat dahil alam nitong mauutal siya kapag nagsalita pa siya. “Wait…” napatingin naman sila sa ama ni Dylan. “Kakikilala niyo lang ni Nine, Dylan, kaya papaanong buntis agad siya? Unless…” Bigla siyang kinabahan. Ito na ba ‘yon? Mabubuko na ba sila? “matagal na kayong may relasyon? Hindi niyo lang sinasabi sa amin.” Pareho silang nakahinga ng maluwag ni Dylan sa idinugtong nito. Akala niya ay nakita nito na nagsisinungaling lang siya. Para na siyang mabibingi dahil sa sobrang lakas ng pagkabog ng puso niya. “Yes, Dad.” Napakamot sa batok ang binata. “Actually, matagal na kami ni Nine. Tinatago lang namin ang relasyon namin dahil baka hindi pumayag ang mga magulang ni Nine.” “Of course papayag kami, lalo na kung ikaw pala ang mapapangasawa ng anak namin,” mabilis na sabi ng ina niya. May parte sa kanya na naging malungkot. Tanggap nila si Dylan para sa kanya dahil sa mayaman ito at gusto nila ito para sa kanya. Sana ay gano’n din ang mga ito sa totoong ama ng anak niya, pero alam niyang hanggang sana na lang ito dahil kahit kailan ay hindi nila ito tatanggapin. “Kaya pala kahit sinong ireto ko sa ‘yo ay ayaw mo. Iyon pala ay may girlfriend ka na pala.” Nanunukso ang tingin ng ina ni Dylan sa binata. “Mom, stop it.” Pinanlakihan nito ng mga mata ang ina pero tumawa lang ito. “Anyway, kailan niyo balak na magpakasal?” tanong naman ng daddy niya. “Kung papayag po sana kayo ay pagkatapos manganak ni Nine. Gusto ko po kasi na makita siyang maganda sa araw ng kasal namin.” Tumingin ito sa kanya saka ngumiti. Ito na naman ang pagtibok ng mabilis ng puso niya. Kung sa tingin ng ibang tao ay ang tingin na ibinibigay ng binata sa kanya ngayon ay puno ng pagmamahal ay gano’n din ang tingin niya. Hindi niya tuloy maisip kung nagpapanggap lang ba ito o ano. Pero alam naman niya sa sarili niya na tinutulungan lang siya ng binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD