“Alaysha, Alaysha. Hey!” Napakurap-kurap si Alaysha nang ilang beses na tawagin ni Dylan ang pangalan niya. Pumitik na din ito sa mismong mukha niya para lang mabalik siya sa ulirat. Napaha siya dito? “Are you okay? What happen to you?” Nakita niyang nakakunot ang noo nito at nagtatakang nakatingin sa kanya. “Why are you pouting your lips?” Muli siyang napakurap-kurap at inayos ang labi na hindi niya napansin na nakanguso na pala siya habang nakapikit ang mga mata. Nanlaki ang mga mata niya at napaiwas nang tingin dito. Damn! Ano bang nangyari? Napahawak siya sa kanyang labi. Ibig sabihin ay hindi pala nangyari ang halik kanina? Which means that was just her imagination? What the heck! Nakakahiya lalo na’t para pala siyang tanga kanina sa harap ng binata. “Alasyha, are you okay?” t

