“Para po kaya, Miss Alaysha Perez.” Napatingin si Alaysha sa isang lalaki na binanggit ang buo niyang pangalan. Tumayo siya saka lumapit dito. “Ako po ‘yon. Kanino po galing?” “Wala pong nakalagay na pangalan, eh. Paki-receive na lang po ako.” Tumango naman siya saka pinermahan ito. Kinuha niya ang isang bouquet na imbes bulaklak ang laman ay mga chocolates. “Naks! Haba na talaga ng hair ng kaibigan natin. Hindi ko na ma-reach,” sabi ni Nicole nang makaupo na siya. “Galing ba ‘yan kay Papa D?” tanong naman ni Nammy saka napatingin sa bouquet. “Ang sasarap naman ng mga chocolates na ‘yan.” Nagkibit-balikat naman siya. “Hindi ko alam kung sa kanya galing. Walang nakapangalan sa nag-deliver, eh.” “Tingnan mo baka may card na kasama.” Tiningnan naman niya ang bouquet pero wala naman s

