NAGISING si Nine na puno nang pagsisisi dahil sa nangyari sa kanila ni Jerome kagabi. Napapikit siya nang mariin. How can she do this to Dylan? She cheated on him sa kabila nang mga nagawa nito para sa kanya. Napaiyak na lang siya dahil sa kasalanan niya. Napatingin siya kay Jerome na mahimbing na natutulog sa tabi niya. Nararamdaman niya sa puso niya na may pagmamahal pa siya dito pero hindi niya kaya na ipagpalit ang masayang pamilya niya kasama si Dylan. Alam niya sa sarili niya na nadala lang siya sa init ng katawan at pangungulila dito dahil sa mga nalaman niya kagabi. Napabuga siya nang malakas na hangin saka umalis sa kama at nagbihis. Nakahinga siya nang maluwag dahil hanggang sa makaalis siya ng apartment nito ay tulog pa ito. Agad siyang pumara ng taxi at nagpahatid sa bahay ni

