“NINE, bakit hindi mo na ako kinukontak?” tanong ni Jerome kay Nine nang makarating siya sa coffee shop na pinag-usapan nila na magkikita sila. “I miss you.” Hahalik na sana ito sa labi niya pero agad siyang umiwas. “What’s wrong?” Naupo siya saka seryoso itong tiningnan. “Let’s stop seeing each other, Jerome.” “What? Bakit?” nalilitong nitong tanong. “May nagawa ba akong masama o ikinagagalit mo? Akala ko ba ay ayos na tayo?” “Walang iaayos, Jerome. Ikakasal na ako kaya itigil na natin ito.” “Paano ang nangyari sa atin?” Napabuga siya nang malakas na hangin. “Kalimutan na natin na may nangyari sa atin dahil kahit ako...” napahawak siya sa ulo. “ayaw ko nang isipin ang gabing ‘yon. Ang kasalanan ko kay Dylan. Nagsisisi ako kung bakit ako nagpadala sa ‘yo. Kaya please lang, Jerome, kal

