chapter 2

3706 Words
Nagising ako na masakit ang buong katawan ko. Paano ba naman kasi sinisipa ako ni Kim habang kami ay natutulog. “Beshie, gising kana pala!” Sigaw nito habang papasok ng kwarto. Nakangiwi akong ngumiti sa kaniya. “Nakatulog kaba ng mahimbing? Humihilik kasi ako pag nagtutulog pero mahina lang naman iyon, na isip ko lang na baka naisturbo kita.” Aba eh, ako pa ang tinanong niya. 'Di ito ang una beses na natulog tayo magkasama ah. “Anong mahina?!” Sigaw ko sa kaniya kaya napatalon siya sa gulat. “Hindi nga ako nakatulog dahil ang ingay ingay mo at di ka lang maingay, sinipa mo pa akong duwende ka!" Inis kong sigaw, hinagis kopa sa kaniya ang nahawakan kong unan. Tumawa lang ito ng malakas. “Ano ang nakakatawa?” Tanong ko. “Sorry, beshie. Nanaginip kasi ako na kinikiliti ako ni Paul kaya sinipa ko siya, yun pala ikaw ang nasipa ko." Pag paliwanag nito at sinamahan pa ng malakas na tawa, tinignan ko lang siya ng masama. Maaga si Kim kung gumising, parati kasing atat na atat na makita yung love of her life niya daw. Sa daming lalaki na nakita at makikita niya, bakit si Paul pa? Hindi ko na siya pinansin at umalis nalang para makapag ayos na rin. Agad akong pumunta sa banyo para maligo. I turned the faucet on at hinintay ito na mapuno ang balde, habang pinapapuno ko ito nag ready ako ng damit para gamitin papuntang school. Kinuha ko sa cabinet ni Kim ang isang naka hanger na t-shirt at kasama dito ang aking jeans na nabili kahapon sa ukay. Sa tagal ko na dito, yung ibang damit ko ay nandito na rin. Nang marinig ko na napuno na yung balde agad akong tumakbo papuntang banyo. “Swan, tapos kana ba diyan? Daig mo pa si Flash kung sa bilis lang ang pag-uusapan.” Sarkastikong sabi nito habang kumatok sa pintuan ng kaniyang kwarto. “Kulang na lang istaple yang bibig mo eh, ang ingay mo. Eto na lalabas na 'ko.” Sagot ko. Lumabas na ako ng kwarto na dala-dala ang aking bag. Naiready ko na ang lahat na bagay na aking kailangan para sa school kagabi. I'm sure na wala masyadong klase ngayon ngunit dinala ko na lang lahat incase, wala namang mawawala kung kompleto ang dala ko. “SWAN! ANO BA YANG SUOT MO?!” Sigaw na sabi ni Kim habang nanlalaki ang mga mata, na para bang nakakita ng bagay na impossible niyang makita. “Uh... damit. Hindi ba obvious?” Sarkastikong sagot ko sa kanya. Totoong damit naman ang sinuot ko, tinanong pa niya sakin. “Bumalik ka sa loob!” She ordered. Tinulak niya ako pabalik sa kanyang kwarto at pinaupo sa kanyang kama, she motioned me a “wait lang” gamit ang kanyang kamay. May kinuha siya sa cabinet niya na isang pamilyar na damit. Nang maikuha na niya lahat ito mula sa kaniyang kinalalagyan, it gave me a full view para makita kung anong damit. Isa itong yellow, ruffled off-shoulder dress. I admit na ang ganda ng dress. Not too classy and not too elegant, perfect siya for any casual na events but I don't think that I will look good in it kaya mag j-jeans and t-shirt na lang ako. I shook my head sa side as a no. Kahit yan ang last choice para mabuhay sa mundo, mas pipilitin ko na lang mamatay. OA, ano? Extra kasi ako eh. “Susuotin mo 'to o susuotin mo 'to?” Tanong nito sakin na may pagbabanta sa kanyang boses. “G*ga mukhang may choice pa ba ako sa tanong mo?” Panimula ko. Kitang-kita sa mukha niya ang saya, na para bang nanalo ito ng lotto. That's where you were wrong, Kim. “Kahit wala na akong ibang choice 'di ko yan susuotin.” Sabi ko. Nawala ang saya na noong nakapinta sa mukha ni Kim at agad akong tumayo para makalabas sa kwarto niya, ngunit hinarangan niya ang pinto. Kani-kanina lang ay nandoon pa siya sa tapat ng cabinet niya na medyo malayo sa pintuan at ngayon andito na siya sa harapan ko. “Tabi-tabi po.” Pigil tawa kong sabi. She glared daggers at me with her arms crossed. I tried to move her from the door pero parang poste naman ito na hindi magalaw-galaw. “Kung hindi mo susuotin yan then hindi tayo pupunta sa school...” She paused at umalis sa kinatatayuan niya as she turned her back at me. “Malay mo may plus points for those na nag participats and nag join sa school event.” She continued. Aba, ako pa talaga ang tinatakot mo ha, hindi mo ko madadala sa mga ganyang paraan mo Kim. I looked at her with an “are you serious?” look on my face. Sa dami-daming banta na pwede niyang ibanta, yon pa ang napili niya. Sus, weak! “Isusumbong ko kay Tito ang mga kalokohan na ginawa mo.” Proud pa nitong sinabi. Akala mo naman hindi siya ang nag pasimuno sa mga nagawa kong kalokohan. “Sige, isumbong mo, tutulungan pa kita.” Paghamon ko sa kanya ngunit tumalikod lang ito, hanggang salita ka lang naman pala eh. Hindi ko completely makita kung ano pero may kinuha siya sa isa sa mga bulsa ng bag niya. “Hello, Kim. Oh, ba't napatawag ka. Kamusta kayo diyan? Pasensya kung hindi ko agad nasagot ang tawag mo.” Sabi ng isang pamilyar na boses sa kabilang linya. Parang ka-boses ni Papa ah. Pinakinggan ko muna ang kanilang pinaguusapan baka ibang tao lang pala yon, napahiya pa ako. “Eh, ano kasi, Tito. Si Aphrodite...” Nanlaki ang mga mata ko sa nong sinambit ni Kim ang aking pangalan. Why would she mention my name sa taong hindi ko kilala? It was obviously Papa. How could I be so bobo?! Nagmadali kong inagaw kay Kim ang cellphone niya sa kanyang kamay. “H-hello, Papa! K-kamusta ka diyan? I-I miss y-you!” I stuttered and a nervous chuckle followed. Traidor ka, Kim. Akala ko ba best friend tayo? “Okay ka lang ba, Xy? Masama ba pakiramdam mo?” Pag-alalang tanong nito. Dahil siguro sa nangingin kong boses kaya napatanong si Papa. “Okay na okay po ako, Pa-” Pagpaliwanag ko ngunit naputol nong nagpaalam si Papa. “Osya, Iha. Kailangan na umalis ng Papa, tapos na yung break ko. Mag ingat ka palagi ha.” Sabi nito, rinig ang mga tao na nagsasabi ng ibang lenggwahe sa kabilang linya. “Mag-ingat ka rin, Pa. I love you.” I whispered kahit naputol na ang kabilang linya. Ibinalik ko kay Kim ang kaniyang cellphone with disbelief na gagawin niya talaga yon para lang mapasuot ako ng dress. Nang nabalik ko na sa kaniya, tinaasan niya lang ako ng kilay at naghihintay sa kung ano man ang aking sasabihin. “Sige na nga, susuotin ko na to.” I surrendered. Masaya ka na bang duwende ka? I thought to myself. Lumabas si Kim para makapagbihis na ako. Inilock ko ang pinto at nag “walling” muna ng mga ten seconds. Nang naisuot ko na ang dress, it felt uncomfortable nong una pero i got use to it naman. I looked at my reflection in the mirror and I stared at it for a while. It wasn't that bad as I thought it would. The way that the soft fabric hugged my body, the way its color looked good with mine. Everything was just surreal. I got snapped back into reality when I heard knocks at the door. “Pangit, tapos kana ba diyan? Papaalis na si Dad for work, ihahatid na lang daw niya tayo sa school.” Sigaw nito but not too loud, just enough for me to hear what she's saying. “Sandali lang.” Sagot ko habang nagmamadali akong inayos ang buhok ko at itinali ito sa isang sleek ponytail. Nang matapos na, pumunta na kami ni Kim sa baba at naabutan namin si Luna na kumakain ng agahan. Ang swerte niya dahil half day lang yung klase niya. “Ate Xy, did she threaten you? Sabihan mo lang ako, lagot sakin yan.” Sabi nito habang ngumunguya ng pagkain. Naramdaman ko yung pag-irap ni Kim, ibig sabihin naiinis siya kaya pinainis ko pa siya lalo. “Ang sama talaga nang Ate mo, Lu.” Sabay punas ng imaginary luha ko. Pwede na to pang oscar. “Bahala kayo diyan. Dad, alis na tayo, iwan na lang natin si Xy.” At nagmadali na itong lumabas, tumawa lang si Tito sa pangyayari na nakita niya. “Sandali lang! Hintay!” Sigaw ko at nagpaalam na sa kay Mommy at Luna. Hinarangan kami ng mga CAT officer dahil naiwan ni Kim ang kanyang ID sa sasakyan nila. Sa dami-daming bagay na pwede niyang iwan, ang ID pa niya. Nagawa niya na ang lahat ng paraan at nasabi niya na ang mga posible na naging rason para makapasok kami, siya pala meron akong ID eh. “Sige na, please? I-treat kita ng kahit ano na gusto mo mamaya mag lunch.” Pagmamakaawa nito sa lalaki na nagbabantay sa gate. Ayaw talaga siyang papasukin eh. Umalis ako at hinaayan siya don para itext si Tito kung hindi pa siya nakarating sa work place niya, pwede sana na ihatid yung ID nang pangit kaso may meeting sila eh at baka ma-late siya. Hindi na ako nag reply at bumalik na para tignan ang progress ng pagmamakaawa ni Kim at nakita ko na ito na tumatalon-talon sa saya, literal talaga. Nakita ko na nag-uusap sila ni Paul at pinapasok ito sa gate. Ready na ako makinig sa mala “disney” na love story niya. Maraming magagarang sasakyan ang nakapark sa parking area nang school, well ano pa ba ang ine-expect ko, private to eh. Ano ba talaga ka special yung program ngayon? I mean dadating yung owner, yay, tapos? Let's just get this day done. “Attention for all the students! Calling for the attention of all students to go to the school ground for our flag ceremony.” Sabi ng isang teacher through the speakers. Agad na nag papaunahan ang mga estudyante papuntang grounds, akala mo ba naman may zombie. What if biglang may zombie no? Magpapakain na lang ak- Wait, no. Dapat ako ang maging artista sa sariling kong movie. By any time now, she'll turn into a zombie. In 1... 2... 3... Pinagmamasdan ko si Kim na tahimik na naglalakad, she turned her head at me at nag nganga. Kakagatin na ba niya ako? I guess this is how my life ends. Goodbye, Aphrodite Sanna. I closed my eyes and waited for her to bite me. “Hoi, Swan! Ano ka ba?!” Bumalik ako sa wisyo ko nong hinampas niya yung arm ko. “Akala ko zombie ka na at kakagatin mo na ako.” Sabi ko at may pagtataka sa mukha niya, bigla rin itong tumawa. “Humikab lang ako, g*ga. Kung magiging zombie ako, 'di kita kakagatin no...” Panimula niya. “Sabi na eh, mahal na mahal mo talaga ako.” I teased as I put an arm over her shoulder. “Ew. Ayoko makuha yung mga germs mo. Wag kang assuming.” She continued at sinabayan ito ng tawa. Iniwan ko siya at nauna akong maglakad papuntang school ground, I know na hahanapin niya rin ako non. Pumila ako sa line kung saan yung section namin, syempre ako na naman sa likod. Buti na lang pagkapila ko mags-start pa lang ang prayer. “In the name...” Panimula ng isang grade 10 na student. I bowed my head down as I closed my eyes. I carefully listened sa prayer ng student as I felt someone na pumila sa likod, I looked back to see kung sino and it was the duwende. Kinalabit niya ang bag ko para ipaalam na andyan na siya, as if I care. “Amen.” The students said in unison. Nang matapos na ang flag ceremony, nagbigay ng speech ang principal about sa history ng school, vision and mission, and kung ano-ano pa. Nakaupo kami ngayon sa mga monoblock chairs at may nakatabi ako na nag-uusap tungkol sa owner ng school. “Beh, nakita ko kanina ang owner ng school natin. Ang gwapo niya, as in!” “Rinig ko, matanda daw yung owner, sure ka ba sa nakita mo?” “Oo, narinig ko rin usapan ng mga teachers kanina eh.” “Akala ko ba body guard niya yon?” “Ang importante gwapo yung nakita natin!” “Excuse me. Baka gusto niyong pumalit sa principal?” Naiinip kong sabi. Tumahimik naman sila at nakinig ulit sa principal. Almost tatlong oras na kaming nakaupo at nakikinig dito, I would rather listen sa lectures kesa sa mga speech. Ang boring. Nagugutom na 'ko gusto ko nang kumain ng siomai, kanina pa talaga nag s-smile ang siomai sakin. “SWAN!” Nabigla ako sa biglang pagtawag ni Kim mula sa likod ko. G*ga talaga, kita naman na nagbibigay ng speech sa stage tapos nag sisigaw-sigaw pa ang g*ga. Minumura ko siya sa isipan. Nang paglingon ko ay nakita ko ang blessing na dala niyang siomai habang tumatakbo, naging rason ito sa biglaan kong pag ngiti. Parang siya yung pinakamaganda na duwende sa paningin ko, kahit na puno ang bibig niya ng siomai. Habang nag tatakbo ang pinakamaganda kong kaibigan, may biglang humarang sa tinatakbuhan niya kaya natapon ang sauce sa damit ng lalaking nabunggo niya. Ang mga siomai ay natapon lahat kaya galit kong tinignan ang lalaki. F*cking man. Gutom ako tapos hinarangan pa niya ang blessing na para dapat sakin. D*mn him. Padabog akong pumunta sa kinaroroonan ni Kim pero nang nasilayan ko ang lalaking nabangga niya ay parang natutunaw ang mga paa ko at hindi ko na nararamdaman na nakaapak na pala ako sa paa ni kim. “Aray! Swan ang paa ko! Aray!” Napansin ko nalang nang bigla akong hinampas ni Kim sa pwet. Paano ba naman kasi, sino ang hindi mabighani sa itsura niya tapos ang tangkad pa niya, mga 6’4” ata ang height nito. Yumuko siya para tignan ang damit niyang natapunan ni Kim. Ang kulay itim niyang mga mata ay katulad sa buhok niyang nakaayos, ang manipis niyang bibig, ang makinis niyang balat, ang matangos niyang ilong. His face and body features are so perfect, para siyang isang anghel na nahulog mula sa langit. Nawala lang ang pag d-daydream ko nang napansin kong nasa akin na pala ang tingin niya. Tumikhim ako at tinulungan ang kaibigan kong tumayo. “Okay ka lang ba, Kim?” Pag-alala kong tanong. “Tinapakan mo ang pa-” Hindi na tapos ni Kim ang sasabihin niya nang nakita niya ang lalaking nabunggo pero agad naman itong umayos ng tindig. Well, I know exactly why. “What's happening? Mr. Lombardi, are you okay?" Tanong nito sa lalaki. Napaayos ako ng tayo dahil ang principal mismo ang nasa harapan namin, si Kim naman ay nakayuko dahil nasa likod ng principal si Paul. Tinitignan ng mabuti ni Sir Lerio ang lalaking na nabunggo namin, ni Kim pala, at pinunasan ang damit na basa dahil sa sauce gamit ang kamay. I took my handkerchief out from my purse at pinunasan ang damit ng lalaki. I felt his perfectly sculpted abs through his white long-sleeved polo. Natauhan ako ng narinig ko na may sinabi yung principal. “Miss Malfier, Miss Sanna pumunta kayo sa office ko after lunch!” Medyo galit na sabi ni Sir Lerio at agad naman itong umalis dahil tinawag siya ng isang teacher. Mabait naman si Sir Lerio, he's a very approachable man. Pero sa nangyari I would react the same. “I'm sorry for their behaviour, Sir. This won't happen again.” Pagmamadaling sabi niya. “It's fine.” After those two words came out from his mouth, it gave me goosebumps. His voice was deep and husky, and you can hear the dominance and leadership through it, yet it was gentle and calming. Hindi ko siya kilala pero why do I feel like I'm safe around him. “Sir, I'm really sorry for what my friend did.” I apologized. I lowered my head down, showing that I'm sincere with my apology. Mukhang hindi siya taga dito kasi he has an accent tapos makikita mo talaga judging by his face na foreigner siya. Hindi ito sumagot, instead his piercing light blue eyes connected onto my brown ones. “I'll take this.” Kinuha niya yung panyo sa kamay ko at umalis nang hindi man lang nagpaalam. Sino ba naman ako para pagpaalaman sa pag-alis. Nagtingingan kami ni Kim sa hindi inaasahan na pangyayari. I expected na he would scold us and would say some hurtful words, I was wrong. Or am I? Hindi ko naman siya kilala. “Anong tinitingin-tingin niyo diyan? Mga chismosa!” Natauhan ulit ako sa sigaw ni Kim sa mga estudyante na nakatingin samin. “Ang gwapo nang body guard ng school owner!” Medyo mahina na pagsabi ni Kim sabay hampas sa braso ko. Body guard niya yon? I thought he was the owner's son. “Aray naman. Kung makahampas ka parang may galit ka sakin ah.” Sabi ko habang umiiwas sa mga hampas nito. I've never been attracted to any guy, pero I admit na ang gwapo niya. Is this love at first sight? Feeling ko, gutom lang to. Kailangan ko na talagang kumain ng siomai. “Ilang siomai ba yung binili mo kanina?” Tanong ko kay Kim na nakatingin kay Paul. Kung makatingin naman to parang gutom na lobo eh. “Hoy!” Pag gulat ko sa kaniya. “Ah, a-ano, sampu ata yon.” She slightly shook her head trying to get out from her thoughts. “Bibilhan mo ko 20, dahil ‘di ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo.” Sabi ko at nauna maglakad papunta sa nagtitinda ng siomai. The best talaga tong siomai ni Miss Jane. I remember noong grade 8 pa lang kami nang nagsimula siya mag tinda ng siomai niya canteen, halos araw-araw kami bumibili sa kaniya. Tahimik kaming kumakain ni Kim dahil pagkatapos namin dito ay babalik na kami sa inuupuan ko kanina. Hindi pa tapos ang speech pero kumakain na kami, kapag si Kim ang kasama mo tataba ka na lang sa mga pinanggagawa niya. “Akin na lang to. Love you.” 'Di pa nga nakakapagsalita si Kim kinuha ko na ang nag-iisang siomai niya. She pouted but do I look like I care? Tinapon na namin yung paper plate at babalik na sana sa school grounds ng sinalubong kami ng isa sa mga English club member “Pwede niyo ba munang makuha yung naiwan na folder ni Sir Lerio sa library? Yung kulay green ha. Pakibigay niyo na lang pagkatapos sa mga members ng club natin. Thank you!” Pakiusap niya samin. Tumawa lang kami ni Kim dahil di naman kami member sa English club, pero sinunod na lang namin ang tugon niya. Umakyat kami sa library at hinanap yung nasabing folder. Hindi naman niya nasabi kung saan nakalagay, kasalanan rin namin na hindi kami nagtanong. We tried looking everywhere ngunit 'di talaga namin nakita, we almost gave up at mag a-act na lang na parang walang nangyari nang may narinig kaming foot steps paakyat. Hinayaan lang namin at nagpatuloy sa paghahanap, nagulat ako sa biglang pagtili ni Kim. “Hi, Paul! May ibibigay sana ako sayo, mamaya mo na lang to babasahin pag nakarating kana sa inyo ha.” Sabay abot ng envelope. Tinitigan lang ito si Kim na walang ka emosyon. Hinanap ko lang yung folder at hinayaan si Kim na ipaglaban ang pag-ibig niya, once in a lifetime opportunity lang to eh. Habang naghahanap ako, hindi maalis-alis sa isipan ko ang lalaki kanina. Sir, wala pong libre sa mundo. Hindi po free yung pag stay mo sa isipan ko. Habang naguguluhan ako sa naiisip ko, binuksan ko ang isang drawer sa office table at sa wakas, nahanap ko na rin ang mahiwagang folder ni Sir Lerio. Kinuha ko ito at I made sure na everything was in place. “Hi, Paul. Bye!” Hinawakan ko si Kim sa kanyang braso at kinaladkad palabas ng library. “Hoi, why are you so mean to my bb luvs?” Sabi nito. “Kung maka ‘bb luvs’, di ka naman crush non.” Hinanap ko si Sir Lerio sa stage at nakitang inaasikaso ang body guard ng owner. Ang kaninang damit na may sauce ay napalitan na ito ng bago. With all these formal attire, is what makes him even more attractive. “Excuse me po. Sir, ito na po yung folder na pinakuha mo.” Iniabot ko sa kanya ang green na folder. “Salamat. At wag niyong kalimutang pumunta sa office ko after lunch ha.” Akala ko nakalimutan na niya yon. Umalis na kami ni Kim at bumalik sa school ground, nagre-record daw kasi ng attendance ang class president namin kaya dali-dali rin kaming pumunta doon. “Pres, ako pa!” Sigaw nang lalaki naming kaklase “Nasa listahan na ba ako?” “Sandali lang kasi!” Naiinis na sabi ni pres. Daig pa ang bagsakan sa palengke sa ingay nila. Tahimik ako na naghihintay sa gilid na tawagin ang pangalan ko, tumabi si Kim para makipag chismisan sakin. For sure si Paul na naman to. “Naibigay ko na kay Paul ang letter. Kinakabahan ako sa magiging reaksyon niya pero atleast, naibigay ko na sa kanya.” Kwento nito sakin. Once na nagsimula na yung fairy tale story niya, hindi mo na siya mapapatigil. Habang nagsasalita yung teacher sa stage, nagbibigay rin ng speech itong si Kim, hindi ko alam kung saan ba dapat ako makinig. Hihintay na lang ako kung kailan to matatapos para makapaglunch na kami. “Duwende, bilisan mo diyan, pupunta pa tayong principal's office.” “Sandali lang kasi. Higante!” Sabi niya, whispering the last word. Pumunta na kaming principal's office ngunit sarado ito, sabi nong isang teacher na tinanong namin eh, umalis daw si Sir Lerio kasama si Mr. Lombardi. Bukas na lang kami babalik dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD