bc

His Restless Heart (clever of the doom 1)

book_age4+
50
FOLLOW
1K
READ
spy/agent
possessive
confident
billionairess
gangster
sweet
bxg
serious
passionate
like
intro-logo
Blurb

Where are you going?”

“Uuwi?” Nagtataka kong tanong bago siya nilingon.

“We're have a dinner together, right?”

“You said, you don't take back what you already give, right?” Magsasalita na sana siya nang may tunawag sa phone ko. Pag tingin ko si ‘Mr. Ferdinand’ ang nakalagay na pangalan.

“Yes, Paul?” Tanong ko sa kabilang linya, nilingon ko ang dalawang aso't pusang na nag-aaway kanina ay sa akin na nakatingin.

“The teacher called for you. Hihintayin kita sa baba ng library.” Sabi nito at binabaan ako ng phone call.

“Aalis muna ako.”

“I'm not letting you go.” Matigas na pagkakasabi ni Matt.

chap-preview
Free preview
chapter 1
“Miss Malfier, could you please tell the class what was yesterday's lesson?” Tawag ng teacher sa kay Kim at agad naman itong tumayo sa kanyang kinauupuan as she tugged her skirt to straighten it. “Yesterday's lesson is about...” Kim confidently answered but then she paused. My eyes starts to wander in every corner of the room as she is still on pause, everyone looked and patiently waited for what she's about to say. “About...” She repeated. I shifted my gaze only to see her na ngumingisi para itago ang awkwardness sa aming teacher dahil alam ko na hindi niya naman alam kung ano ang isasagot dito, syempre si Paul na naman yung laman nang kokote niya. The teacher raised a brow at her as she crossed her arms, she's obviously annoyed judging by the looks on her face. One... Two... Thr- “Get out of my room! You can't enter my class, not until you can recall what is yesterday's lesson!” Naiinis na sambit nito sabay turo sa pintuan. Hindi pa nga ako nakatapos mag bilang, pinagalitan naman ito. Syempre si Kim na 'yon, ano pa ba ang ine-expect ko. Ibinaling ko ang aking mga mata kay Kim at ibinigay ang ballpen niya na hawak-hawak ko, kinuha niya naman ito pati rin ang kanyang bag. She motioned a bye-bye at me at masaya pa itong lumabas sa classroom, and to be honest we didn't like the teacher, ang baba bumigay ng grades. Bukod pa doon, sobrang sungit. Like, naligo yata sa kasungitan noong umulan nito sa mundo. I remember the last time nong siya yung teacher namin sa isang subject when we were in grade 11, complete naman yung quiz, project and everything na kailangan naming gawin but she only gave us an eighty nine. We were hoping to get a higher grade pero we're grateful naman. “Magtatanong ulit ako bukas and if you fail to answer, you are welcome to join Miss Malfier outside.” She warned as they all answered in unison. I didn't bother to listen to our teacher kasi tinatamad na ako, so I looked across the window at nakita ko ang best friend ko na nakasalubong yung crush niya na si Paul, imagine the most awkward way kung paano mo masalubong yung crush mo, and that's what happened with them. It almost felt like eternity of teaching this and that, ang tagal pa matapos nung klase. I checked my wrist watch to see kung ilang oras pa ba natitira and ten minutes na lang para mag lunch. Luckily, we sat at the back, so hindi masyado kita if natutulog ka or ano. I kind of hated this subject, so I took a small nap para lang mapabilis ang oras and finally after a few minutes of talking, “Class dismissed.” Sabi nito. Naalimpungatan pa nga ako kasi biglang nagsitayo ang mga kaklase ko. Agad ko namang iniayos lahat ng gamit ko at inilagay ko ito sa aking bag. Sa totoo lang, ni isa eh wala akong may naintindihan. Nagmadali akong lumabas at hinanap si Kim na naghihintay sa hagdan. “Nagugutom na 'ko, ano ba ulam mo diyan?” Tanong nito sakin habang naglalakad papuntang canteen. I told her na I didn't have enough time para mag prepare ng ulam, and the audacity for her to tell me na tinatamad lang daw ako. She has a point so... We stopped by sa isang room to see a friend, pero the truth is Kim just went there para tignan kung nandyan si Paul or wala. Nang makita ni Kim na wala si Paul, agad naman ito nagpaalam sa kanyang kaibigan at umalis na kami. “Kung ako siya, 'di na kita kakausapin ulit if malalaman ko na iyan lang pala pakay mo sa akin.” I jokingly said at tumawa lang ito. Nang nakarating na kami, makikita mo mula sa labas na hindi masyadong puno ang canteen ngayon at makakabili ka agad. We entered the canteen at pumila, isang guy lang naman yung sinusundan namin and kami na after niya. That guy before us ran as an officer sa school last year. I heard rumors na he bought the votes that's why he won, also his Mom has a big share to the school so another reason why he won, but I don't really care kasi hindi naman ako nag vote. “Isang hotdog... At isang ham pa pala.” Sabi ni Kim sa tindera. “Ano sayo?” Tanong nito sa akin. Tumingin ako sa mga pagkain na available pero wala naman akong gana kumain. “Isang tuna sandwich na lang.” Sabi ko sa kanya sabay turo sa sandwich. Iniabot niya ang kanyang pera sa tindera at kinuha ang mga binili namin. Usually sa classroom kami kumakain, di ko alam kung ano-ano naman ang pumasok sa ulo ni Kim kung bakit dito daw kami kakain pero I kinda knew it. Umupo kami sa isang table na medyo malapit sa pintuan. “Sa dami-daming bakante na upuan bakit dito pa ang napili mo?” Tanong ko sa kanya, sabay lapag ng bag at pagkain sa lamesa. “Si Paul-” we both said in unison. Syempre, sino pa ba maging rason. Paul really got her head over heels for him. Hay nako! Look what puppy love can do to people. Before she could utter a word, I took a deep sigh. “Meron kasi akong letter na ibibigay sa kanya at kailangan niya itong mabasa. ASAP.” She explained as she took the letter out from her bag. I can see through the white envelope that she wrote the letter on a piece of paper, and also the scent of her favorite perfume is filling up my nose. “Okay, okay. Kumain ka na muna diyan and if pupunta si Paul tsaka mo na lang ibigay sa kanya.” Sabay kuha ng letter sa kamay niya at inilagay ito sa aking bag and we ate. I took a bite on my sandwich, tasting every bits of the bread as it compliments the spread. Can't blame me, it's my favorite pag wala akong ganang kumain. Habang kumakain kami, I heard Kim na nagsasalita pero hindi ako nakikinig, it's not like napapagod ako sa kanya or ano, it's just... “He looked at me straight in the eyes as if I was the most breathtaking view he has ever seen, yan ang reason why I fell in love with him even more...” If only you could see the sparkling hearts in her eyes, you could clearly tell na ginayuma siya, charot. Siguro ako kung every mention nang name ni Paul is a hundred peso, I would be rich rich. Kinuha ko na lang yung reviewer ko sa aking bag at nagbasa, may quiz pa naman mamaya. After naming matapos kumain, we cleaned the table and put our stuff back in our bags. I wiped the corner of my lips with a table napkin and sprayed a not too small amount of alcohol on my hand, as Kim did the same except for putting a pulbo on her face, combing her hair and spraying some perfume. At least she's fresh daw in case na makasalubong niya si Paul sa hallway. Lumabas na kami ng canteen and speaking of the devil, nakasalubong namin si Paul. Binigay ko kay Kim yung letter na kinuha ko kanina sa kaniya, she was about to run her way to Paul but she stopped when she sees the girl clinging beside him. Tumakbo siya ulit papunta sakin with a disappointed look on her face. I've already told her many times na he's just going to break her heart. Paul has a “bad boy” reputation pa naman. Rumor has it that he had slept with different girls. She didn't listen anyway, kaya hinayaan ko na lang siya. I know, Paul and I are close friends but it doesn't mean na I knew everything that happens in his life and I've tried to avoid him in any ways that I can. Nang nasa tabi ko na siya, I put an arm over her shoulder and I dragged her papalayo sa direksyon kung saan papunta sila ni Paul. I lead the way papunta sa building kung saan ang classroom para sa next subject namin at sumunod lamang ito sa akin. Himala na ang tahimik nito ah. I gently patted her back trying to comfort her. As we're getting close sa building konting students lang ang nandoon, ang saya pa namin ni Kim —obviously ako lang, kasi heart broken siya— kasi early kami compared sa other students and may time pa ako para mag review. Nauna akong pumasok sa classroom only to find it empty, wala man lang students or teacher and yung other students ay nagsisilabasan sa mga classroom. Nagtaka ako kaya kahit sa anong hiya ko, napatanong na lang ako. Yung spokesperson ko kasi wala pa sa wisyo niya. I waited for someone na dadaan and thankfully meron, she's our classmate noong third year high school pa lang kami. “U-uhm, hi Krisha!” I said, trying to get the student's attention. She stopped and smiled at me, as if telling me that she's listening. “Bakit yung mga students nagsisi-puntahan doon?” Tanong ko, sabay turo sa covered court na almost puno na ng tao. “Ah. May program kasi tomorrow. Dadating daw yung owner ng school kaya pinaglilinis yung mga students.” She explained. I smiled and thanked her as she proceeded to go. Sumunod na lang din ako sa kanya at isinama ang zombie na si Kim —zombie, kasi parang patay na naglalakad eh. “Oi, Kim!” I said, slightly nudging her side with my elbow. “Umayos ka nga. Ang pangit pangit ni Paul no, and to be honest di ka niya deserve.” Sabi ko sa kaniya. Sana naman matauhan na to, kulang na lang na sapakin siya ng malakas eh. Hindi pa rin ako pinansin. “Si Paul oh!” Pag tawag ko, agad naman naalerto si Kim as she tried to look for Paul sa direksyon kung saan ako nakatingin. Nabuhay na naman ang kaninang parang patay. “Saan ba?! Wala naman ah.” She disappointedly said as she pouted. “Dahil wala naman talaga.” Sabi ko sabay irap. Ano ba problema nang babae na 'to?! Nakita ko na ang aming class section at lumakad ako papunta don. Yung dalawang classmate ko ay nagchi-chismis habang yung iba ay nagwawalis, meron ding naghaharutan. “Miss Sanna, Miss Malfier!” Galit na tawag ng isang boses ng babae. Agad naman nakuha ang aming atensyon at humarap kami kung saan siya nakatayo, her brows were furrowed habang nasa bewang ang isa niyang kamay at yung isa ay may hawak na pamaypay. “Yes, Ma'am?” Sabay na sagot namin ni Kim. Hinawakan ko ang kamay ni Kim at mahina ko itong pinisil upang hindi mahalata ang pakikipagsabwatan namin. “Saan ba kayo galing?! Kanina pa naglilinis yung mga estudyante habang kayo, kung saan-saan kayo pumupunta.” She scolded. “Sorry, Ma'am, kakatapos lang kasi namin mag lunch.” Paliwanag ko, Ma'am Reyes just glared at us. Para bang kay laki ng kasalanan na nagawa namin eh. Before she could turn her back to us, she told us to get our brooms and start cleaning, and so we did. Hindi ako na inform na meron palang program tomorrow. I always check the school schedule to always stay on track. Baka busy ako sa pagre-review for the upcoming exam kaya I don't remember —if ever— na nagsabi ang teachers samin, maybe it was a sudden announcement. Mag g-graduate na ako ng high school pero ngayon ko pa lang makikita ang owner ng school. Many rumors were heard before na pupunta daw yung owner but none of it happened. I only know that he goes for the name Niccolo, and nothing more. He seems to be the mysterious type of guy. “Children, please be early tomorrow ha. If possible na hindi kayo ma-late, then very good.” Paalala ng principal na tumatayo sa stage at may hawak na mikropono. The bell rang at exactly four in the afternoon, which means uwian na. Almost yung mga lower years tumakbo na papunta sa kani-kanilang room para kumuha ng mga bag nila para makauwi na, habang yung iba naghihintay pa sa kanilang mga friends. “Lalakad lang ba tayo pauwi?” Tanong ko kay Kim na nagpupunas ng pawis sa kanyang mukha. “Pwede rin. Meron bagong bukas na ukay-ukay doon, punta tayo?” Sabi nito at agad naman ako sumang-ayon. Ano ba naman eh isa sa paborito naming gawin pag wala kaming pasok ay mag ukay. I've known Kim ever since we were kids, she's more like a sister to me. Whenever na I'm down, she'll always be there doing her best just to make me happy again. Noong umalis nga si Papa para magtrabaho abroad kulang na lang iadopt ako ng pamilya ni Kim eh. Palagi akong tinatawag nila nang Papa ni Kim na si Tito Joey at ni Mommy Belle para isama kung gagala sila. Marami ang tao na nakikipagsiksikan sa kadahilanan na bagong bukas ang ukayan. Pumasok rin kami ni Kim at nakipag-agawan sa mga damit. “Ako ang nauna kumuha nito!” Sigaw ni Kim, na nakikipag-awagan sa nakahanger na damit. “Mas nauna ako!” Sabi ng isang babae na mga nasa twenty five na yung edad, napabuntong hininga na lang ako sa pangyayari na aking nasasaksihan. Habang si Kim ay nakikipaglaban sa kanyang buhay, tumingin-tingin muna ako sa mga jeans section. I ran my fingers sa mga nakahanger na jeans, as I'm feeling the fabric against my warm skin. Pumili ako ng mga jeans and finally meron akong nakita na fit para sakin, isa siyang straight cut na jeans at tamang-tama lang ang sukat nito sa akin. Hinanap ko na si Kim para makapagbayad na. Ang hirap niyang hanapin mahal na mahal kasi siya ng lupa, ang cute ng height, and marami ring tao kaya ang hirap niyang hanapin. Pumunta ulit ako sa section na kung saan ko siya iniwan at buti na lang andoon pa siya, kahit na nagu-ukay pa ito, i grabbed her arm and I dragged her papunta sa counter. “Magkano po lahat?” Tanong ko sa cashier na nagbibilang nang mga damit. “350 po lahat, Mam.” Syempre si Kim naman magbabayad. Kumuha ito ng pera sa kanyang coin purse at ibinigay sa cashier. “Salamat po!” Sabi nito sa amin sabay abot ng mga damit na naka plastic. Malapit lang naman yung bahay namin kaya naglakad na lang kami pauwi, hindi na masyadong masakit sa balat yung sinag ng araw dahil mag aalas singko na. Nang nakarating na kami sa bahay ay hindi muna umuwi si Kim, malapit lang naman ang bahay niya dahil tutulungan niya akong mamili ng damit para sa program bukas sa school. At isa pa, sabay na kaming pupunta sa bahay nila dahil do'n naman ako kumakain ng hapunan ko. Mag-isa lang kasi ako dito sa bahay at si Mommy Belle na mismo ang nagsabi na doon nalang ako kumain ng hapunan ko, noong una ay nahihiya pa akong mag oo pero kalaunan ay pumayag narin ako . “Don't tell me you're gonna wear that to school bukas?” Hindi makapaniwala na tanong ni Kim, kaya napatingin ako sa damit ko. Maganda naman kasi, ito yung jeans na binili ko kanina sa ukay-ukay or lets say binili niya kanina. Plano kong labhan ito at pa hanginan buong mag damag para madaling matuyo. “Bakit maganda naman ah.” Sagot ko dito . Pinagmasdan ko pa ang itsura sa full mirror dito sa kwarto ko, naka jeans at t-shirt na may imprint na malaking bear. “Wala ka talagang taste, Swan. Mukha kang nanay na may sampung anak. Pag ako naginf lalaki, hinding-hindi kita liligawan, hindi kana nga binigyan ni Lord ng dibdib hindi kapa marunong manamit. Tabi nga, at ako ang mag hahanap ng susuotin mo para bukas.” Marahas niya akong tinulak kaya napaupo ako sa sariling kama, at nag simula na siyang mag hanap ng damit sa cabinet ko. Kung mag hanap naman 'tong pandak nato, parang siya lang yung nagtutupi ng mga damit ko. “Hoy, Kim! Cute kaya 'tong damit ko. Isa pa kahit lalaki ka akala mo ba magpapaligaw ako sayo. And lastly, excuse me may dibdib kaya ako, hindi nga lang katulad diyan sayo na parang bola.” Hindi naman ganon kalaki ang sa kaniya, pero kasi na iinsulto niya ang p********e ko. Hindi niya ako pinansin na parang bang wala akong sinabi. Nakakainis talaga tong pandak nato, kung hindi lang ako naaawa sa kaniya kanina kopa to sinipa eh. Ilang sandali ay may nakita na siya at napangiwi naman ang mukha ko sa inabot niyang damit sakin, off-shoulder na dress ito. Ito yung damit na binigay niya sa akin nong isang taon na at hanggang ngayon ay hindi ko parin nasusuot. “Here, beshie.” Malaki ang ngiti sa mukha niya ng inaabot ang damit sakin. “Ano yan? Gusto mo ba akong patayin?” Tumaas ang isang kilay ko at namaywang pa sa harap niya. “Pag malaman ni Papa na nag susuot ako ng ganyan, ay baka mabawasan pa ang allowance ko.” Sabi ko. At totoo nga ang kasabihan na small but terrible, hindi siya nag patalo at tinaas niya ang mga kilay na nag paamo ng mukha ko. Pano ba naman kasi, parang kakainin na niya ako dahil sa mabangis nitong itsura. Nakakatakot kaya yun pag nagalit. “At sinong unggoy ang nag sabing malalaman to ng Papa mo?” Here we go again, marami na akong kasalanan na nagawa dahil sa kabaliwan nitong kasama kong takure parati eh. Lesson learned, dapat maghanap ng matatangkad na kaibigan at hindi yung maliliit na nilalang. Mas maliit, mas delikado. “Kim...” Pagod ko siyang tinignan pero nginitian lang niya ako. “Minsan lang naman to, Swan, tapos mag ga-graduate narin naman na tayo.” Paliwanag niya na ikinataka ko. “Ano naman ang kinalaman non?” Tanong ko, pero inirapan niya lang ako at hinagis lahat ng damit kong inukay niya pabalik ng cabinet. Kung hindi ko lang talaga mahal itong kaibigan ko,matagal ko na to napatay eh. “Basta ito ang suotin mo.” Mag sasalita na sana ako ng bigla niya akong pinigilan at idiniin ang isang daliri sa bibig ko. “Hep! Wala nang reklamo, dahil nagugutom na ako.” Sabi nito sabay alis ng kwarto. Dinala pa talaga niya ang damit ko para siguraduhin na yun ang susuotin ko bukas. Doon ako matutulog sa kanila ngayon gabi dahil meron kaming ipapass na project bukas. Iyon yung project na ibinigay ng Math teacher namin dahil meron kaming incomplete. Pano ba naman kasi sa araw na sana ay ire-report namin ay wala siya at andon nakikipagcheer sa Paul niyang pangit, dahil may laro daw nang basketball kahit PE lang naman yon. Kahit ganon ang best friend ko ay na enjoy ko naman ang high school life ko dahil sa mga kalokohan niya na hindi na mabilang. At yung nga pag hahabol niya sa crush na na akala mo ay gwapo, hindi naman. O baka wala lang talaga akong gana sa mga ganyan, isa lang naman kasi ang gusto ko sa buhay at yun ang pauwiin dito ang Papa ko na nasa Dubai at para siya naman ang pag silbihan ko. Pangarap ko ang makasama ang Papa, simula pagkabata ay hindi ko na nakita ang Mama dahil namatay ito sa panganganak sa akin. Labis akong nagsisi at nawala ang nag iisang mahal ng Papa dahil sakin. Pinaramdam ng Papa sa akin ang pagmamahal na dapat ay galing sa inay ko, minahal niya ako ng lubos. Noong bata pa ako ay parati ko siya nakikita na hawak ang litrato ng Mama tapos tutulo na lang ang mga luha niya. Kaya dapat maging mahusay ako sa pag-aaral dahil yon ang pangarap niya sa akin at ang makita lamang ang mga ngiti at mapasaya ang Papa, ay ang pinakamalaking pangarap ko. Kaya siguro mapahanggang ngayon ay ni minsan wala pa akong naiibig dahil hindi doon nakatuon ang atensyon ko. “Kim, hintay naman.” Sigaw ko dito. Ang liit liit na nga, kay bilis naman kung mag lakad. “Swan, bilisan mo kasi. Nagugutom na ako.” Sabi nito. “Kim, diba habang naglalakad tayo kanina kumakain ka ng donut? Saan mo ba nilalagay yang mga kinakain mo.” Sabi ko ng nakalabas na kami ng gate ni-lock ko muna iyon at sumunod ulit sa kaniya. “May stock room ako sa loob ng tiyan.” Simpling sagot nito. “Sa ganyang kaliit may stock room kapa talaga, huh.” Napaintad ako, nang bigla niya akong hinarap at pinag liitan ng mata. “Cute kaya ang mga maliliit!” Tumawa lang ako sa sinabi niya. “Aphrodite, anak, iyang hotdog ang ulamin mo. Nag luto kasi ng manok yung Tito mo tapos may monggo iyon, may allergy ka sa monggo kaya pinagluto kita ng hotdog.” Sabi ni Mommy Belle. “Thank you po.” Nginitian ko siya at kinain ang binigay niyang pagkain. “Mommy yung akin, saan na yung hotdog ko?” Sabi ni Kim, na sabay tinignan ang hotdog sa plato ko. “May allergy ka ba sa monggo?” Tanong ni Mommy Belle at mahina pang tumawa. “Wala po. Pero bakit si Luna meron, ako wala?” Tanong pa nito at tinuro ang kababata niyang kapatid. “Siya ang nag request ng hotdog kanina.” Simpling sagot ni Mommy. “Mommy naman eh, allergy kaya ako sa garlic.” Minsan isip bata talaga itong si Kim, kaya siguro hindi siya pinapansin ni Paul dahil sa mga kilos niyang pangbata eh. Nilapitan siya ni Mommy Belle at pinisil ang mga pisngi. “Wag ka nang mag dahilan at kumain kana lang!” May pag babanta sa boses ni Mommy kaya nakasimangot na kumain si Kim sa tabi ko. Hinati ko ang hotdog at binigay sa kaniya ang kalahati. Nginitian naman ako nito ng malaki “Thank you, pangit!” Para siyang nanalo sa palaro dahil sa reaksyon na pinakita niya. “Pasalamat ka na hinatian pa kita, kahit labag sa kalooban ko yon.” Pabulong kong sabi sabay kagat sa hotdog. “May sinabi ka ba?” Tanong nito habang ngumunguya. “Ah, sabi ko, ang pangit mo.” “Kakain kana naman?” Nasa kwarto niya kami at nag bubukas ng biscuits si Kim. “Yan ang dahilan kung bakit ayaw sayo ni Paul, ang takaw mo kasi.” “‘Who you’ ka talaga sakin pag naging kami ni Paul." Tumawa ako ng bongga dahil sa sinabi niya. “Asa, ni hindi ka nga pinapansin non.” Inirapan niya lang ako at nag patuloy sa pagbubukas. “Watch and learn.” Sabi nito na may ngiting demonyo sa mga labi, natatakot na naman ako sa mga iniisip nitong duwende eh. “Hahanapan rin kita ng crush, Swan, para hindi kana maging KJ. Panira ka sa love life ko kung minsan eh.” Sabi nito, inirapan ko naman siya at nag patuloy sa research na ginagawa. As usual ako nanaman ang gumawa at ayun siya, pinapanood lang ako. Ni hindi man lang nag presenta kahit sa pag sulat ng mga impormasyon at kung ano ang pwede madagdag sa aming gawain.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook