1

1148 Words
NATHAN’S POV   Ako nga pala si Nathan short from Nawal Thalia Neros, ‘yan ang totong pangalan ko.   I don't know kung saan galing ‘yan pero ang sabi ng Mommy ko eh ang Tatay ko raw ay isang African kaya naman pinangalan sa akin ‘yong Nawal then the Thalia naman ay ang babaeng bida sa Marimar. Malamang alam ninyo ‘yon pero ako hindi ko pa siya noon kilala, of course hindi pa naman ako ganoon katanda ‘no.   Anyway, I'm Nathan, 19 years old and taking Journalism major in literature.   That's my hobby kasi, ‘yong magsulat?   Grade five pa lang kasi ako noong magsimula akong gumawa ng mga maiikling kwento. Hanggang sa naging nobela na ng mag-high school na ako kaya naman ito na talaga ang naging course ko.   Boyfriend?   No, I don't have nowadays, pero dati meron kaso iniwan ko nga.   Paano ba naman kasi ang hilig niiyang kumain sa labas tapos masyado siyang maraming binibili na hindi naman kailangan. A nerd ika nga para sa akin dahil hindi naman ako palabili ng kung ano-ano especially kapag hindi naman kailangan.   Mukha bang totoo?   Of course not.   Hindi totoong iyon ang naging dahilan nang paghihiwalay namin ng ex-boyfriend ko.   Nagsimula kaming magkalabuan nang malaman ko na hindi naman pala talaga ako ang gusto niya.   Na niligawan lang niya ako para may masabing girlfriend siya.   Malabo at magulo, oo, pero anong magagawa ko? Alangan namang ipagpatuloy ko ang pakikipagrelasyon sa lalaking hindi naman pala ako mahal? Or should I say, hindi naman talaga ako minahal.   Pero kahit na ganoon ang nangyari at nalaman ko, minahal ko pa rin siya kasi siya ang first ever boyfriend ko and nagtagal lang naman kami ng tatlong taon, taray ‘di ba?   Kaso hindi na kasi talaga kaya pang ayusin ang relationship namin kaya nag-decide kaming maghiwalay.   Oo, pinilit naman naming maging maayos, pero talagang wala eh. Hindi ko kayang makita siyang nakangiti sa harapan ko kahit na ang totoo naman ay hindi naman talaga siya masaya na ako ang kasama niya.   Okay, more of a halloween celebration, heto na ang kwento ko.   "Hi Nathan," tawag ng Bff kong si Salty sa akin nang makita niya ako sa corridor ng university.   "Oh, Salty, may lakad ka ba? Mukhang may pupuntahan ka ata ah?" sita ko naman sa kanya.   "Yep, Jababz," sagot naman niya sa akin habang tumatango.   Jababz, ‘yan ang tawag niya sa akin.   "Saan ka na naman pupunta?" tanong ko rito.   "Diyan diyan lang, Jababz," tugon niya na kinataas ko ng kilay rito.   "Hay nako, baka pupunta ka na naman kanila Mikko ah? ‘Wag na," utos ko rito.   Si Mikko, siya naman ang ex-boyfriend ko. Bff din kasi ni Salty ang lalaking ‘yon.   "Paano mo nalaman, Jababz?" wika nitong patanong sa akin.   Napailing na lang ako.   "Hay nako, sabi na nga ba eh,” sambit ko, “Heller! Birthday niya kaya ngayon ‘di ba? Parang hindi ko naman alam," napapailing ko pa ring tugon dito.   "Ay oo nga pala,” tawa naman niyang sagot sa akin, “Well, oo pupunta ako. Want to join with me, Jabz?" tanong niya.   "Bakit pa?” balik tanong ko naman dito, “Hindi naman ako invited eh. At saka ano namang gagawin ko roon? Tutunganga? Hindi na lang no," paninigurado kong tugon dito.   "Woy, ano ka ba? Invited ka kaya ‘di ba? Ikaw lang ‘tong may ayaw pumunta. Choosy pa kasi ang peg? Hay nako naman."   "Eh bakit ba naman kasi invited pa ako? Ano ba mapapala ko kung pupunta ako roon? Mapagti-trip-an na naman nila ako.”   "Sira!” sabay sambit nito na may kasama pang pambabatok sa ulo ko, pero hindi naman masakit.   “Aray naman ah,” daing kong kunmwari rito.   “Ay sorry! Ang neggy mo naman kasi, Jababz!” ika nito, “Hello! Party ‘yon teh. Ayaw pa?"   Napahinto naman ako sa paglalakad.   Kaya ko na kayang makita si Mikko after four months na hindi kami nagkita?   Kaya ko na kaya?   Nag-isip naman ako.   Kung tutuusin ay wala naman akong kasalanan sa kanya, dahil hindi naman ako ang nakipaghiwalay.   Hindi naman ako ang nakagawa nang kasalanan kundi siya naman.   Hindi naman ako ang nanloko, siya naman.   So, bakit ako mahihiya?   Bumaling ang tingin ko kay Salty at saka sumagot dito nang…   "Oo na, sige na, sasama na ako,” ngiti kong wika rito na kinatuwa rin naman ni Salty, “Pero ‘wag na ‘wag mo akong iiwan ah?"   "Oo ba. Mark my word, Jabz. Akong bahala sa iyo roon," saad naman nito sa akin.   ‘Yon nga, napasama ako kay Salty kanila Mikko kahit na talagang ayaw ko.   Pero gaya nga ng nasa isip ko kanina, wala akong kasalanan kaya dapat lang na hindi ako matakot nor mahiya kung makita ko man siya.   At nang nasa party na kami ni Salty ay...   "Hi Mikko, happy birthday!" narinig kong sabi ni Salty at saka niyakap pa sa harapan ko si Mikko.   Sira ulo talaga.   Hindi man lang ako inalala, hay nako.   Eh teka, bakit naman ba ako magseselos?   Eh wala lang naman dapat ‘to.   "Thank you for coming, Salty,” nairnig ko ring wika niya kay Salty, “Oh, Nathan? Is that you?" bigla niyang tanong sa akin nang makita ako.   "Nako hindi, anino lang ako ni Salty," pabalang ko namang sagot dito.   Bitter ang peg eh.   "Ikaw talaga, Nathan, until now palabiro ka pa rin," sabi niyang tawa sa akin sabay niyakap ako na kinagulat ko.   Parang bigla akong nanginig.   "I missed you," narinig kong bulong niya sa akin sabay tanggal sa pagkakayakap sa akin.   Napatigagal naman ako sa narinig ko na sinabi niya.   Hindi ko alam kung totoo ba iyon o guni-guni ko lang.   "Thank you for coming. Well, just enjoy the night. I'll see you later," sabi niya sabay paalam at saka sumulyap muna sa akin bago kami iniwan na dalawa ni Salty.   "Hoy, Jababz,” biglang sita sa akin nito, “Ano nang nangyari sa iyo? Natulala ka na riyan? Okay ka lang ba?" tanong ni Salty.   "O-Okey lang ako. Okay lang ako, ano ka ba, Salty?" sagot ko kahit hindi.   "Sure? O sige, iwan muna kita saglit ah? Kukuha lang ako nang makakain natin. Diyan ka lang. Hintayin mo ako,” paalam nito.   Hindi na ako nakasagot pa sa sinabi ni Salty.   Natulala na ako dahil sa ginawa ni Mikko kanina sa akin.   Ano ba ‘yong sinabi ni Mikko? Was it true? Did he really missed me?   Nasa ganoon akong pag-iisip nang....   "Bwaaahh!"   Sh*t may sumuka sa harapan ko!   Doon lang ako nagkaroon nang malay.   "Bwaaahh!" at isa pa ulit na suka nito.   Napasandal sa akin ‘yong lalaking sumusuka.   "Ah?!" naisambit ko na lang habang naa-out-of-balance.   Hindi ko kasi alam kung bakit sa dinami-rami ng tao sa party ay kung bakit ako pa talaga ang kailangang sukahan ng lalaking ito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD