2

1004 Words
NATE’S POV   Ako nga pala si Nate short from Nathaniel Eduardo Dizon.   Nate na lang para madaling sabihin. Nandito ako ngayon sa bahay ng pinsan kong si Mikko, may pa-party kasi siya dahil birthday niya.   Hindi ko rin alam kung bakit ako nandito eh. Basta ang alam ko eh niyaya lang din ako ng pinsan kong si Jesh para pumunta rito kahit ayoko naman talaga.   Hindi ko naman alam kung paano niya ako napapayag na sumama, where in fact eh may galit ako sa pinsan kong si Mikko.   “Pare, sige na naman, sumama ka na sa akin,” pilit niya nang puntahan niya ako sa bahay para pilitin lang na samahan siya sa party ni Mikko. Sa dinami-dami ba naman kasi ng pwede niyang ayain na pumunta ay bakit ako pa? Alam naman niyang hindi ako papayag. At alam niya namang hanggang ngayon ay nandito pa rin sa puso ko ang galit ko para sa pinsan naming iyon.   Umiling naman ako.   “Jesh, pare, ayoko. Hindi ko pa kayang makipag-ayos kay Mikko. Alam mo naman ang dahilan hindi ba?” sagot ko naman dito habang nagdi-dribol ng bola.   Nasa may playing area kasi kami niyan.   Nadatnan niya kasi akong nagpapapawis kaya naman sinamahan na niya akong maglaro na rin.   Umiling naman ito sa akin.   “Nate, ang tagal na noon, Pare. Hindi mo pa rin ba nakakalimutan ang ginawa niya sa iyo?” tanong naman niya.   Umiling na naman ako rito sabay inihagis ang bola.   Pumasok naman iyon sa ring.   “Hinding-hindi, Pare,” ika ko. “Alam mo naman kung gaano kasakit sa akin ang ginawa nila, ‘di ba?” saad ko rito.   Napapailing na lang na sumagot sa akin si Jesh.   “Fine, fine. Pero kahit saglit lang. Hindi ka naman magpapakita sa kanya eh. Ano? Sige na. Kahit para sa akin na lang, Nate.”   “Hay. Ang kulit mo talaga ano, Jesh?” sabay sambit ko rito.   Kinuha naman niya ang bola sa akin at saka sumagot nang…   “Kukulitin talaga kita hanggang mapilit kita, Nate,” he said.   Ngumiti naman ako sa kanya.   “Sige, papayag ako, pero talunin mo muna ako sa laro na ito. Ano, deal?”   Naghubad naman siya ng damit at saka sumagot nang…   “Deal!” at iyon na nga.   Hindi ko talaga alam kung paano niya ako napilit na sumama sa kanya.   Siguro naman ay naintindihan ninyo na kung paano niya akong napa-oo?   Pero hindi ko talaga alam kung bakit niya ako pinilit talagang sumama.   Para raw magkaayos na kami Mikko?   Para saan pa?   May kapatawaran ba ang ginawa niya? Nila sa akin?   Hay nako, mahabang kwento.   Gusto ninyo bang malaman kung bakit?   Ganito kasi iyon...   Super close talaga kami ni Mikko noong mga bata pa lang kami. Kami lang kasi lagi ang nagkakasundo sa lahat ng bagay.   Siya ang pinaka-best friend ko sa lahat ng pinsan ko vice versa, ganoon din siya sa akin.   Until may pinormahan akong babae.   He did not tell me na gusto rin pala niya ‘yong girl pero kami na no’ng nalaman kong may gusto siya sa girlfriend ko.   Actually, we didn't quarrel kasi nagkaintindihan din kami kaya ayon okay pa rin.   But I was wrong because it turned out to be the worst scenario ever when I saw them, Mikko and Reena, my girl friend, kissing.   Halos gumuho ang mundo ko at talagang nagwala ako sa harapan nila.   Nagsuntukan kami dalawa ni Mikko at walang nakapigil sa akin.   "Hayop ka, Mikko! Paano mo nagawa sa akin ‘to, Insan??" iyan ang tanong ko sa kanya.   Inawat kami ng mga kaibigan namin nang mangyari iyan.   Pero hindi talaga kasi ako nagpaawat dahil nakarami talaga ako nang suntok noon sa kanya.   "I'm sorry, Nate,” sabi niya, “Mahal ko si Reena. At mahal din niya ako. I'm sorry."   "T*ng-*n* naman, Pare! Magpinsan tayo. Hindi mo ma lang ako ginalang! H*yop kayo!" sabi ko habang nagpupumilit na makalapit sa kanya at masuntok ulit siya pero pinipigilan ako ni Jesh.   Natigil lang ako nang tuluyan nang marinig ko na ang boses ni Reena.   "Nate, stop it!" utos nito sa akin.   Napatigil ako sa pang-aamok ko.   Kita ninyo na?   Boses pa lang ng taong Mahal ko alam ko na ang gagawin ko.   Tumatalima na akong kaagad.   "Mikko is right,” she said, “I love him."   Sa sinabing ‘yon ni Reena ay sumabog ang ulo at pandinig ko.   "I'm sorry," she even added tapos umalis na sila ni Mikko nang sabay.   Iniwanan nila ako.   Si Mikko ang pinili ng girlfriend ko at hindi ako.   Ang pinsan ko ang mas pinili niyang samahan, hindi ako.   Now you know kung ano ang past ko kay Mikko.   Lumipas na naman ‘yon eh.   1 year na rin ang nakalilipas at balita ko nga break na rin sila kasi may girlfriend din si Mikko.   Hanep ‘di ba?   Kawawa naman ‘yong babaeng girlfriend ng pinsan ko ‘no? Pati siya nadamay pa sa panloloko ni Mikko.   Hay.   Anyway, ayon nga, nandito ako sa bahay ng pinsan kong ‘yon at hindi pa kami nakakapag-usap.   Ni hindi pa nga niya ako nakikita kahit na nasa iisang lugar lang kaming dalawa.   Ang saya lang.   Kakampi ko pa rin pala ang tadhana.   Alam niya kasing ayoko pang makita ang pinsan ko kaya naman talagang gumagawa ito nang paraan para hindi muna kami magkita.   Kaya heto ako lumalaklak ako nang sandamakmak na Tequila.   Hilo na nga ata ako eh.   Nawala kasi si Jesh.   Ang paalam niya sa akin kanina ay magbabanyo lang siya. Tapos wala na. Hindi na bumalik.   Malay ko naman kung nasaan na siya sa mga oras na ito.   Naglakad ako papuntang banyo sana kasi nararamdaman kong susuka na ako kaso may isang babaeng nakaharang sa daraanan ko kaya naman hindi ko sinasadya na masukahan ko siya.   "Bwaaahh!" suka ko sa kanya.   Ayon bumalik ata ang diwa kasi bigla siyang napatingin sa akin..   "Bwaaahh!" suka ko ulit dito habang napapasandal sa babae.   "Ah?!" sambit niyang bigla nang madaganan ko siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD