3

1034 Words
NATHAN'S POV   "Ah?!" naisambit ko nang maramdaman ko ang padagan ng katawan sa akin ng nasa harapan ko.   "I'm sorry, Miss," narinig ko pang sabi ng lalaking nakasuka sa akin habang unti-unti siyang pabagsak sa harapan ko.   At ‘yon nga, natumba na ito sa harapan ko at malamang ako rin ay natumba dahil na-out-of-balance kami pareho, kaya ang recourse ay parehas kaming bumagsak sa lapag.   Pagkabagsak niya sa akin ay...   "Are you crazy?! Why di------," hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko dahil sumuka na naman siya at this time ay nasalo na lahat ng damit ko dahil nakadagan nga siya sa akin!   "I'm sor......ry," nasambit lang niya bago tuluyang nawalan nang malay at napasandal sa balikat ko.   Pinagtitinginan na kami ng mga tao pero wala man lang gustong tumulong hanggang sa amin.   “Tulungan ninyo ako, please,” pakiusap ko pa sa mga ito ngunit nakatitig lang sila sa amin habang ang iba naman ay todo click sa mga camera ng cellphones nila.   Ngayon pa talaga nila nagawa ang bagay na iyon bago ako unahing tulungan?!   Ano ba naman ang mga taong ito!   Ah, sh*t! Nahhirapan na akong huminga. Mahihimatay na ata ako, ika ko sa isip ko.   "Oh sh*t! Nathan?!" narinig ko ang boses ni Mikko.   Napatingin kaagad ako at…   "Please help me, I can't breathe," sabi ko bago unti-unting nawalan nang malay.     SALTY’S POV   “Oh my gad, Nathan!” tawag ko kay Nathan nang makita kong buhat-buhat siya ni Mikko.   “Excuse me, clear the way,” narinig kong sambit ni Mikko sa mga tao.   “Oh my gad, what happened to her Mikko?” tanong ko rito habang nakasunod sa kanya.   “I don’t kow either, Salty. I just saw her lying on the floor,” sagot naman nito sa akin.   Alam ko naman na may kasalanan ako dahil iniwan ko siya kanina. Pero kumuha lang naman ako nang maiinom namin.   “Oh my gad, Nathan, I’m sorry,” I said.   Sumakay na rin ako sa sasakyan ni Mikko at sinamahan siyang dalhin si Nathan sa pinakamalapit na ospital.   Pagkadating namin sa ospital ay inasikaso naman kaagad si Nathan.   Wala pang ilang minuto ay lumabas na ang Doktor na tumingin dito.   “Um, Doc, how was my friend?” tanong ko kaagad nang makalabas ang Doktor.   Ngumiti naman ito sa amin ni Mikko.   “The patient is fine. Nahimatay lang siya, but she is fine,” the Doctor said na kinahinga na namin nang maluwag ni Mikko.   “Thank God she’s fine,” Mikko said na kinangiti ko.   Alam ko naman kasing he still care for Nathan kahit na hindi maganda ang naging hiwalayan nila, still, I know he cares for my best friend.   “Ililipat na siya mamaya sa regular room,” dagdag pa ng Doktor na kinatango namin ni Mikko.   “Thanks, Doc,” sabi pa ni Mikko.   “Um, Mikko,” tawag ko rito.   “Um?” bumaling naman ito sa akin.   “Thank you,” I said.   Umiling naman ito.   “You don’t have too, Salty. Buti nga at nakita ko siya kaagad eh,” he said.   Ngumiti naman ako rito.   “Oo nga eh. Buti at nakita mo suya kaagad. Wala kasi ako kanina sa tabi niya. I get some drinks for us, then hindi ko naman alam na ganoon ng mangyayari,” I said.   “It’s fine, Salty. At least she is fine.”   Tama nga naman si Mikko.   “Um, may pupuntahan lang ako,” paalam niyang bigla sa akin.   Tumango naman ako rito.   “Sige,” I answered him.   Umalis na nga si Mikko.   Hindi ko alam kung saan ito pupunta.   Ang mahalaga ay naidala kaagad si Nathan dito sa ospital.   Ang gusto ko lang malaman ay kung paano ba nangyari ang lahat.   Paanong puro suka ang damit ni Nathan eh hindi pa naman ito umiinom or what.   Hay.   Naupo muna ako sa upuan ng may makita akong nurse.   “Um, Nurse, excuse me,” tawag ko rito.   “Yes. Ma’am?”   “Um, iyong pasyente kanina, Nawal Thalia Neros, nasa regular room na ba siya?” tanong ko rito.   “Nire-ready pa lang po ang kwarto niya, Ma’am,” sagot naman nito sa akin.   “Ay ganoon ba? Sige, sige, salamat,” ika ko rito.   Tumango naman ito sa akin habang nakangiti.   Muli na naman akong naupo pero muli ring tumayo nang maramdaman ko ng pagkulo ng tiyan ko.   Nagugutom na pala ako.   Hindi pa kasi ako kumain dahil nga sa party ni Mikko na sana, kaso ganito naman ang nangyari.   “Hay makabili na nga lang muna sa canteen. Babalikan ko na lang mamaya si Jababz kapag nakabili na ako,” wika ko sabay alis muna sa pwesto ko.   Naglakad ako papuntang canteen hanggang sa mapansin ko si Mikko na kausap ang pinsan nitong si Jesh.   Nagtaka naman ako.   Anong ginagawa ni Jesh dito? tanong ko tuloy sa isip ko.   Napalingon naman sila bigla sa akin nang mapansin nila akong naglalakad.   “Salty,” tawag bigla ni Jesh.   “Hi Jesh, Mikko,” sambit ko sa mga ito.   “Um, how’s Nathan?” tanong ni Jesh sa akin.   “Um, she’s fine,” I said.   “Buti naman,” tumatangong sagot naman ni Jesh.   “Um, ano pa lang ginagawa mo rito, Jesh?” naitanong ko rito. Curious kasi ako. Gusto kong malaman kung bakit siya nandito.   “Hah?” nagkatinginan naman silang bigla ni Mikko. “Um, ano---,” hindi niya naituloy ang sasabihin niya ng si Mikko mismo ang magsalita.   “He’s here to check Nathan, Salty,” Mikko said na kinangiti ko na rito.   “Talaga? Ang thoughtful ninyo naman sa kaibigan ako. Salamat ah,” I said, “Pero okay naman na siya eh. Maya-maya lang daw ay ililipat na siya sa isang regular room,” saad ko sa mga ito.   “Um, good. Mabuti kung ganoon,” saad din ni Jesh sa akin.   Ngumiti naman ako rito sabay tango.   “Um, paano, maiwan ko na muna kayo ah? May bibilhin lang ako sa canteen,” paalm ko sa mga ito.   Tumango naman silang dalawa sa akin.   “Ah, yeah sure,” sagot ni Jesh.   At tumalikod na nga ako sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD