4 (The Reason)

2197 Words
NATE'S POV   I really don't know what really happened sa birthday ni Mikko.   Basta nagulat na lang ako na nasa Ospital na ako.   Wala nga kasi akong maalala kahit ipilit ko ang isip ko.   "Ahhhh..." daing kong sambit sabay hawak pa sa ulo ko.   Pagdilat ko ay....    "Where am I?" sambit ko dahil kama kasi ang nakikita ko at may mga kasama pa akong nakahiga rin sa loob ng kwarto.   Napalinga-linga ako sa buong paligid.   "Sh*t! What am I doing here!?" gulat na gulat na tanong ko dahil nasa Ospital ako.   "Calm down, Sir,” biglang sabi sa akin ng Nurse.   Hindi ko nga napansin na may Nurse pala sa gilid ko.   “You're here in the Hospital," dagdag pa nito na dahilan para ilibot kong muli ang paningin ko.   "What?! Hospital?!” hindi makapaniwalang tanong ko sa Nurse. “Anong ginagawa ko rito?" tanong ko na naman sa kanya.   "Dinala po kayo rito kanina, Sir, kasi po nawalan daw kayo nang malay dahil sa pagsusuka ninyo," paliwanag naman ng Nurse sa akin.   Hindi ko maintindihan ang mga sinabi niya.   "Sino nagdala sa akin dito?" muli kong tanong dito.   "Um, kung hindi po ako nagkakamali ay pinsan ninyo po," sagot naman muli nito sa akin.   Nagtaka na naman ako.   "Sinong pinsan?" tanong ko na naman dahilan para mainis na ang itsura sa akin ng Nurse   "Ano ho bang malay ko, Sir? Eh dinala kayo rito na hindi naman ako ang nag-asikaso sa inyo,” she said. “Magtanong na lang ho kayo mamaya kapag dumating na po ‘yong kasama ninyo," inis na wika ng Nurse sa akin sabay talikod.   Sira ulo ‘yong Nurse na ‘yon ah? Ayos makasagot. Pabalang ang style?! inis na naiwika ko sa isip ko.   "Ahh! Ang sakit pa rin ng ulo ko," I said sabay hawak na sa mismong sintido ng ulo ko.   Ano ba kasing pumasok sa utak ko at nandito ako ngayon?   Ano ba kasi ang nangyari?   Pinilit kong isipin sa utak ko kung ano ang maaari kong maalala sa nangyari sa akin sa party ni Mikko.   Wait! I remember something, ika ko ng may maalala na ako. Tama! Nasa party nga ako no’n at umiinom ng alak. Tama! muli kong sambit sa isip ko. At teka, may babae. May babae akong nakita habang papunta ako ng banyo! Tama!   Pagkatapos ay nag-flashback sa akin ang pagsusuka ko.   Nasukahan ko siya! bigla kong banggit.   Tama!   Nasukahan ko nga siya.   Pero bakit ako nandito sa Ospital?   Sumuka lang naman ako.   Ano ang ginagawa ko rito?   Ugh! I think I need to find her. Of course, to say sorry for what I've did.   “Tama, Nate, iyon dapat ang gawin mo. Ang hanapin ang babaeng nasukahan mo sa party ni Mikko,” desidido kong saad sa sarili ko.   Tatayo na sana ako nang biglang...   "Nate, pare, ‘wag ka munang tumayo riyan,” napatingin pa ako sa sumita sa akin.   “Jesh?” tanong ko rito.   Tumango naman siya.   “Ako nga. Um, kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong nito sa akin.   "Okay naman na, Pare,” sagot ko nang maalala ko ang sinabi sa akin kanina ng Nurse tungkol sa taong nagdala sa akin dito. “Teka, ikaw ba ang nagdala sa akin dito?" tanong ko na rito.   Tumango naman siya sa akin.   "Yap, Pare, ako nga,” tugon naman niya sa akin. “Ano ba kasi ang nangyari sa iyo?" tanong din niya.   Napailing naman ako.   "I can’t recall enough, Pare, pero ang alam ko nahilo ako pare eh," tugon ko rito.   Tumawa naman siya nang malakas.   "Ang dami mo naman kasing nainom, t*ng*ks!" sambit nito.   “Ouch naman, Jesh, nanangeks ka pa talaga sa akin. Nakita mo na ngang nandito na ako sa Ospital, gaganyanin mo pa talaga ako?" paawa effect kong turan dito.   Muli na naman siyang tumawa sa sinabi ko.   “Pasensya na, Nate. Ikaw rin naman kasi eh. Hindi ka nag-iingat. Alam mo ng party ang pupuntahan natin, nagwalwal ka pa," sabi nito sa akin.   Hindi ko alam sa pinsan kong ito kung sinisisi ba ako o kinakaawaan.   "Oo na, Pare, pasensya na,” saad ko. “Um, teka, nasaan na ‘yong babae?" bigla kong tanong.   "Hah? Sinong babae?" takang tanong naman ni Jesh sa akin.   "’Yong ano.... ‘yong----," hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang magsalita na naman siya.   "Ah ewan. Saka na lang natin pag-usapan ang babaeng sinasabi mo. Ang mahalaga eh okay ka na ngayon," wika nito.   "Pero kasi Jesh…” ungot ko rito.   “Nate, walang babae, okay?” sabi nito. “Mabuti pa, magpahinga ka na muna at mamaya lang eh pwede ka nang ma-discharge,” dugtong pa na sabi nito. “Mamaya na nga iyang mga babae babae na iyan,” muling sambit nito.   “Ugh! Fine! Pero teka, si Mikko, pare, nasaan?" tanong ko.   "Ah, si Mikko?” tanong nito.   “Oo.”   “Nandoon sa ex niya," he said.   "Ah, ex, okay.”   Iyon na lang ang tanging naisagot ko bago umayos nang higa sa malambot na kama ng Ospital.   “Huwag ka na munang mag-iisip ng kung ano-ano. All you have to do is to rest for a while bago tayo umuwi,” saad ni Jesh sa akin.   “Oo na, Jesh. Oo na. Magpapahinga na,” sabi ko naman na dito.   NATHAN'S POV   Takte ang sakit ng ulo ko! hmf! inis kong sambit sa isip ko habang hinahawakan ang ulo ko.   Bakit naman kasi ang sakit?   Napadilat tuloy ako at napalibot ang mata.   Teka nasaan ba ako? bigla kong tanong.   "Jababz!” tawag ni Salty sa akin.   "Bajabz?" takang tawag ko rin dito.   Bajabz, ‘yan naman ang tawag ko sa kanya.   "Okay ka na ba? Kumusta naman ang pakiramdam mo?" sunud-sunod na tanong nito sa akin.   "Okay lang naman ako, pero ano ba ang nangyari? Bakit ako nandito? Nasaan ba ako?"   Ako naman ang nagtanong this time sa kanya.   "Ang dami mo namang tanong, Jabz,” naiwika tuloy ni Salty sa akin.   "Nahiya naman ako sa iyo, Salty,” sambit ko. “Malamang po kasi ay hindi ko na alam ang nangyari,” saad ko. “Magtatanong ba ako kung alam ko? Pasaway ka, Salty ah?"   Medyo natawa naman siya sa sinabi ko.   “Pasensya naman, Jabz,” hingi nito nang paumanhin. “Nandito ka sa Ospital kasi dinala ka ni Mikko rito kanina," she said.   Nagulat ako at napatingin bigla kay Salty sa sinabi niyang ‘yon.   Si Mikko? Dinala ako rito? Pero bakit? iyan ang mga tanong na tumatakbo sa isipan ko.   "Hindi mo na ba maalala, Girl?” tanong nito. “Ano ka ba? Nasukahan ka ng isa sa mga bisita ni Mikko sa party,” sabi nito. “Buti nga at nadala ka kaagad dito eh. Uy, alam mo bang nag-alala ‘yon nang sobra sa iyo? Feeling ko nga may spark pa eh," sabi niya at ngimiti sa akin.   Ano? Nag-alala siya? Totoo ba ‘yon?   Natigil ang pag-iimagine ko nang biglang bumukas ang pinto at iluwa nito si Mikko.   "Nat…" sambit niya sa pangalan ko at dali-daling lumapit sa akin.   Niyakap niya ako!   "Thanks God you're okay," he said habang nakayakap pa rin sa akin.   Hindi ko alam kung nananaginip lang ba ako or what kasi mahigpit talaga ang pagkakayakap niya sa akin eh.   As in mahigpit.   "Ehem…" si Salty na kunwari ay sinamid.   Pasaway ka, Salty! Moment ko na nga eh, titig ko tuloy sa kanya.   "Pasensya na ah?” ngingiti-ngiti nitong sambit sa amin. “Eh Mikko, baka kasi hindi na makahinga si Nathan. Alam mo naman, may asthma iyan," ika nito na kinagulat ko naman bigla.   “Hah? Asthma?” nagulat tuloy si Mikko. “Meron ka bang asthma?” tanong nito sa akin na kinagulat ko naman.   Hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko eh.   “H-Hah? A-An-Ano---,” hindi ko na natuloy ang sasabihin ko when Salty interrupted.   “Sorry, hindi pa pala alam iyon ni Nathan, sorry. Nasabi ko tuloy,” palusot ni Salty sa amin pareho.   Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa dahil sa mga unplanned excuses ng best friend ko eh.   “Um, pasensya ka na kay Salty, Mikko,” at ako na ang humingi ng dispensa sa mga pinagsasasabi ni Salty sa kanya.   Umiling naman siya habang medyo natatawa.   “Ah, wala iyon. Um, by the way, I--Im sorry. I was just carried away," sabi niya referring sa pagkakayakap sa akin kanina.    Ako naman ang umiling sa kanya.   “Wala iyon,” I said.   "I'm really sorry, Nathan, but thank you talaga kay God dahil okay ka na,” he said. “Um, may masakit pa ba sa iyo? Nakakahinga ka na ba nang maayos?" sunod-sunod niyang tanong na akala mo ay mag-boyfriend or mag-girlfriend pa rin kami.   "Ah, Mikko,” bigla na namang sumabat si Salty sa usapan namin. “Um, okay na siya,” sagot nito na kinatingin namin sa kanya ni Mikko. “Okay na siya talaga. Ayan oh, nakakaupo na nga ‘di ba? Ang o.a friend ah?" sabi ni Salty.   Salty, pasaway ka! Bakit ba ikaw lagi ang sumasagot sa mga tanong niya? Sira! irap ko tuloy rito na buti na lang ay hindi nakita ni Mikko.   "Ah, oo nga eh. Pasensya na,” he then said na kinasapo kong bigla sa noo ko.   Napapailing na lang ako.   “Um, paano, Nat, Salty, I need to go home kasi I still have party to run,” bigla niya na tuloy paalam sa amin.   Ito naman kasing si Salty eh, nakakainis!   “Um, yeah sure, oo naman, walang problema,” wika ko.   Ngumiti na naman siya sa akin.   “Magpagaling ka, Nat,” ngiti niyang saad sa akin. “I will just see you in school,” sabi nito sabay nakipagbeso-beso pa sa akin.   Oh my gad!   Gusto ko nang mamatay ng mga oras na iyon!   “Bye, friend. See you tomorrow,” paalam naman ni Salty rito sabay baling sa akin. “Huy, Jabz! Ano ka ba naman! Halata ka na masyado,” sita nitong saad sa akin.   Sinimangutan ko naman siya.   “Ikaw, Bajabz ah! Nakakainis ka kanina,” sambit ko. “Panira ka ng moment eh,” wika ko pa.   Natawa naman siya. Alam na kasi niya ang gusto kong sabihin.   “Sorry naman, Jabz! Eh ikaw naman kasi, enjoy na enjoy ka kanina. Para kang timang kaya. Kung hindi pa ako gumawa nang excuses, mahahalata ni Mikko na may gusto ka pa rin sa kanya!” mahabang paliwanag nito sa akin.   Napasapo naman ako sa noo ko.   “Hay nako, ewan, Jabz! Ang tamang hinala mo lang sa akin. Wala na kami no’ng tao tapos sasabihin mo sa aking may gusto pa rin ako sa kanya? Hello!? Duh!” sabi ko habang umaayos nang higa. “Sa ginawa niya sa akin dati, sa tingin mo may natitira pa akong gusto sa kanya? Wala na uy! T*ng* na lang kung magpapadala pa ako sa mga gestures niyang ganoon ‘no!”   Napasulyap naman ako sa pwesto ni Salty at napamaang dito.   “Salty?!” sita ko tuloy sa kanya.   “Hah?!”   “Ano ba!”   Nagtaas naman siya ng isang kilay sa akin.   “Hoy, Nawal Thalia Neros, ang haba haba haba haba haba nang paliwanag mo. Eh ang sinabi ko lang naman eh baka mahalata niyang may gusto ka pa sa kanya. Nakakaloka ka!”   Napaisip naman tuloy ako.   “Ang haba nang sinabi mo. Eh ‘di halata na may gusto ka pa rin sa kanya! Itsura nito.”   Umiling naman ako.   “Jabz, sa maniwala ka man o sa hindi, wala na akong nararamdaman para kay Mikko,” I said habang nakangiwi rito.   Muli na naman akong tinaasan ng kilay ni Salty.   “Hoy, Bajabz, huwag ako! Matagal na kitang kaibigan ano. Ako nga tigil-tigilan mo ako sa mga ganyang dahilan mo ah. Hindi ako papatol sa ganyang reason mo, tse!” sambit niya sabay make face pa talaga sa akin.   Hay.   Salty is Salty.   Tama nga naman siya.   Hindi ako makakapagsinungaling or makakapagtago sa kanya.   So, talaga bang may feelings pa ako kay Mikko?   Pero kasi kapag naaalala ko ang ginawa niya sa akin dati, nagagalit ako.   Hindi ko pa kasi siya napapatawad eh.   Pero tama ba?   “Oh ano? Napaisip ka na ba? Sinabi ko naman kasi sa iyo, Nathan, huwag ako. Kilala na kita mula ulo hanggang kalingkinang ng ingrown mo ano kaya uuitin ko,” lumapit pa ito sa akin, “Huwag ako!”   Natawa naman ako sa sinabi niya.   “Ewan ko sa iyo. Bahala ka na nga riyan, Salty. Basta ako matutulog muna ako.”   “Hep, huwag na masyado dahil pwede ka nang makalabas maya-maya lang,” sabi nito sa akin.   “Talaga?”   “Aha!” tango naman niya.   “Okay. Gisingin mo na lang ako,” I said.   “Hay nako, Nathan, hindi pwede. Mamaya darating na ang sundo natin kaya huwag ka nang matulog pa.”   Umiling naman ako.   “Saglit lang naman. 30 minutes lang,” request ko rito.   “Hay, okay fine. Gigisingin kita after 30 minutes ah?”   Tumango naman na ako rito at saka pumikit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD