MIKKO'S POV
Sobrang saya ng party kaya hindi ko na namalayan ang iba ko pang bisita.
"Pare, happy birthday!" bati ni Jesh sa akin, isa sa mga pinsan ko na inimbitahan ko ngayon sa birthday party ko.
"Salamat, Pare at nakapunta ka. I’m glad to see you here,” sabi ko sa kanya. “Teka, nasaan si Nate?" tanong ko nang mapansin kong hindi niya kasama ang isa naming pinsan.
"Ahh, ayon, nandon sa may bar section ninyo,” tugon nito sa akin.
“Bar section?” takang tanong ko rito.
Tumango naman siya sa akin.
“Yes, bar section,” ulit niyang sabi sa akin.
“What is he doing there?” tanong ko na naman dito.
“Trip mag-inom eh, kaya hindi ko na pinigilan,” sagot niya sa akin.
“What?” sambit na tanong ko naman dito. "Bakit mo naman hinayaan siya na nando’n lang, Jesh?
“Ano ka ba, Mikko, you know him,” he said. “Buti nga at napapayag ko siyang sumama sa akin dito sa party mo eh,” saad niya sa akin.
“Thank you, Jesh. But, is he not still ready to settle this with me?" tanong ko sa kanya.
Umiling naman siya sa akin.
"Malamang sa malamang, Insan, hindi muna. Kasi if he wants to settle already the mess between the two of you, you won’t be able to see me here because he is with me,” mahabang pahayag naman nito sa akin.
Huminga naman ako nang malalim.
“Hayaan mo muna siya, Mikko. He is still not in the mood to see you, nor talk to you as of the moment. Give him a break, Bro," dagdag pa niyang sambit.
"Hay...” medyo nalungkot naman ako sa sinabi ni Jesh, pero masaya na rin at the same time. “Buti nga at pumunta siya eh."
"Sinabi mo pa. Ang tagal kong kayang c-in-onvince ‘yon ah para lang sa iyo. I mean, para lang pumunta siya rito.”
"Salamat, Insan ah?” sabi ko naman dito. “Pero sana magkasundo na kami ulit kasi wala naman na kami ni Reena eh,” saad ko. “Parehas lang naman kaming niloko no’n eh."
"Eh gano’n talaga, Mikko. Hayaan mo na muna siya. Masakit pa rin kasi sa kanya iyon kaya hindi pa niya tanggap. But in no time, alam kong magkakaayos din kayong dalawa at mabubuo ulit ang samahan nating tatlo,” ngiting sabi ni Jesh sa akin. “Cheers!” sabi pa nito.
Tumango naman ako at nakipag-cheers sa kanya.
“Eh teka nga pala, kumusta na kayo no’ng ex mo?" bigla niyang tanong sa akin.
"Ah si Nathan," sabi ko naman.
Tumango na naman siya.
"Oo ‘yon nga. Lalaking-lalaki ang pangalan pero babae naman," he said.
Medyo natuwa naman ako sa sinabi niya.
Totoo naman kasi na lalaking-lalaki ang pangalan niya pero babae naman siya.
“As usual, Pare, hindi pa rin kami okay,” sagot ko naman sa kanya. “Sana nga pumunta siya ngayon dito sa party eh para naman magkausap na kami at makahingi ako ng sorry sa kanya,” wika ko rito.
"Eh ‘di ba inaya mo naman si Salty na pumunta rito?” tanong na naman niya.
Tumango naman ako.
“Oo. Inaya ko nga siya, peri hindi ko naman alam kung makakasama niya papunta rito. Kung pumayag,” I said.
“Eh malay mo, kasama pala niya si Nathan," tugon naman ni Jesh sa akin.
"Meron din siya, Pare. In-invite ko rin si Nathan. Pinasabi ko kay Salty since hindi ko siya nakikita sa University."
"Eh ‘di iyon naman pala eh. Baka nagpunta siya. Wow! Eh ‘di pagkakataon muna para magkaayos kayo ulit?"
Tumango naman ako sa kanya.
"Sana nga eh. Sana nga nagpunta siya. At sana talagang magkaayos na kami," wika ko rito.
“Huwag mo nang isipin iyon, Insan, darating iyon,” he said.
Tumango na naman akong muli sa kanya.
“Sige, Jesh, maiwan na muna kita, pero balikan mo si Nate sa bar section at baka maglasing siya ro’n,” paalala at utos ko rito.
“Don’t worry, Pare, ako na ang bahala sa kanya,” sabi nito sa akin.
Naghintay ako kanila Salty na dumating sa party ko.
Akala ko hindi na sila pupunta pero nagkamali ako dahil....
"Mikko, happy birthday!" bati ni Salty sa akin.
Nilapitan niya ako at niyakap nang mahigpit.
“Thank you, Salty,” sabi ko rito.
Do’n na ako napatingin kay Nathan.
"You’re always welcome, Miks,” sabi naman ni Salty sa akin.
“Oh? Nathan? Is that you?" tanong ko kaagad sa kanya nang mapansin ko na siya, dahil hanggang ngayon eh maganda pa rin siya.
Wala pa ring pinagbago.
Nagsisisi tuloy ako kung bakit ko siya iniwanan dati.
"Naku hindi anino lang ako ni Salty," medyo pabalang niyang sagot sa akin.
Halatang naiinis pa rin ito na makita ako.
"Ikaw talaga until now palabiro ka pa rin," I said habang nakangiti sa kanya, then hindi ko na napigilan ang sarili ko to embrace her.
Embrace her tight and tell her the things I always wanted to tell her.
"I missed you," I said habang nakayakap ako sa kanya.
It's true naman eh.
I missed her so much!
Alam ko nagulat siya sa ginawa kong pagyakap sa kanya.
Hindi ko lang kasi napigilan ang sarili ko.
Na-miss ko kasi talaga siya.
At hindi ko ikakaila iyon.
Alam ko naman na may mga bagay kaming hindi napagkasunduan noon, pero sana ay maayos na namin ito ngayon.
“I missed you…” muli kong bulong sa kanya. Mas mahina na animo ay ayaw kong iparinig sa kanya.
Pero naalala ko, medyo hindi nga pala kami okay no’ng huling pag-uusap namin dahil sa pakikipaghiwalay ko sa kanya, at baka masampal pa ako kaya naman mabilis ko ring tinanggal ang pagkakayakap ko sa kanya.
"Thank you, Nathan, for coming,” I said.
Hindi nga pala talaga kami okay.
“Well, just enjoy the night. I'll see you later," I said na lang at iniwan sila ni Salty pero sinulyapan ko muna siya tanda na I really meant what I just said to her kanina at sana na-gets niya iyon.
Alam ko malaki ang kasalanan ko sa kanya at hindi iyon basta-basta, pero isa lang naman ang gusto kong hingin sa kanya ngayon, ang kanyang kapatawaran.
After that encounter ay lagi ko na siyang sinusulyapan at tinitingnan para malaman ko kung ano mga ginagawa niya sa party ko.
Gustuhin ko man siyang lapitan at ayain na mag-usap sana kami ay hindi ko naman magawa.
At buti na lang talaga eh hindi ako nalingat sa kanya dahil pagtingin ko ay may mga nagkukumpulan na ngang mga bisita ko sa kinalalagyan niya kanina.
Pumunta kaagad ako ro’n at nakita ko siyang nakahiga habang may nakadagan sa kanyang lalaki.
"Oh sh*t! Nathan?!" gulat kong sabi nang makita ko siya na nakahandusay sa sahig.
"Please help me. I can't breathe,” sabi niya bago siya nawalan ng malay.
Tinanggal ko kaagad ‘yung lalaking nakadagan sa kanya without knowing kung sino pa ‘yon basta ang mahalaga eh ang mabuhat ko kaagad si Nat at madala sa hospital dahil may asthma siya.
“Give way!” sigaw ko sa mga taong nasa daanan ko.
I really need to run her to the nearest hospital kung hindi ay baka mapano siya.
“Call an ambulance!” sigaw ko pang utos sa mga tao.
Mabuti na lamang at nakalabas ang sasakyan ko kaya hindi na ako naghintay pa na may tumawag or dumating na ambulasya gaya nang iniutos ko kanina.
Wala naman kasing gumagalaw ni isa.
Dinala ko kaagad si Nat sa hospital at buti na lang naagapan ang paghinga niya.
Oo tama kayo sa nalaman ninyo.
May asthma nga si Nathan kaya hindi ko siya masyadong pinapagod o dinadala sa mga lugar na pwede siyang maubusan ng hangin sa katawan, o hindi naman kaya ay sa mga masisikip na lugar.
Bawal kasi talaga siya sa mga ganoon.
Nati-trigger ang sakit niya.
"Doc, how is she?" tanong ko sa Doktor na umasikaso sa kanya.
"She's fine naman, Ijo,” tugon naman sa akin ng Doktor. “Kaibigan mo ba siya?" tanong nito.
Umiling naman ako rito.
"She's my girlfriend po,” pagsisinungaling kong sagot dito.
Hindi naman niya alam kung totoo o hindi eh.
At para sa akin ay girlfriend ko siya since naging magkarelasyon naman kaming dalawa.
"Ah okay. Buti na lang at naidala ninyo siya kaagad dito sa ospital kung hindi ay mahihirapan natin siyang i-survive dahil almost five minutes din siyang hindi nalagyan ng oxygen kaagad,” paliwanag ng Doktor.
"Thanks God. Thank you, Doc," muling sambit ko sa Doktor.
Mabuti na lang talaga at naitakbo ko kaagad siya rito kung hindi ay…
No, Mikko. Hindi tama ang iniisip mo. Tanggaling mo nga sa isipan mo iyon! sita kong sabi sa utak ko.
“Nasaan ba kayo at bigla siyang nawalan ng malay?” tanong sa akin ng Doktor.
“Um, actually, nasa party po kami, Dok,” saad ko rito. “Nalingat lang po ako sandali ay ganyan na ang nangyari sa kanya,” kwento ko rito.
Hindi ko naman kasi nakita nor napansin kung ano talaga ang totoong nangyari.
Basta nakita ko na lamang na may nagkukumpulan at si Nathan pala ang taong pinagkukumpulan kanina sa mismong party ko.
Kung nakita ko lang kung ano ang nangyari ay hindi na sana siya naidala rito.
Kahit sa bahay na lang sana siya nagpapahinga ngayon.
"I understand,” sabi ni Doc sa akin. “Pero sana next time, ‘wag mo na siyang dadalhin sa mga gano’ng party ah? Makakasama lang sa kanya ‘yon," paalala na sabi ng Doktor. “Lalo na at may karamdaman siyang ganyan. Hindi makabubuti para sa isang tulad niya na makihalubilo sa mga ganoong party,” saad ng Doktor. “Mabuti naman sana kung nasa loob kayo at nakaupo lang, ganoon sana, pero ang hindi sinasadya na ganoon ay delikado na para sa kanya,” mahaba nitong pahayag.
"Yes, Doc. Pasensya na po,” sabi ko naman dito. “Pero hindi na po mauulit. Thank you po ulit," pangako kong sabi rito.
“Mabuti naman kung ganoon. Oh paano, maiwan na muna kita rito,” paalam na sabi ng Doktor sa akin.
Tumango naman na ako.
“Sige po, Doc. Ako na po ang bahala sa girlfriend ko,” sabi nito.
Tumango naman siya sa akin bago lumabas ng kwarto.
Shit! Kasalanan ko ‘to eh. Dapat tiningnan ko siyang maigi eh. Dapat hindi ko nilubayan ang tingin ko sa kanya kanina. Tingnan mo tuloy kung ano ang nangyari sa iyo, Nat.
“I’m really sorry, Nat…” bulong ko rito sabay hawak sa kamay niya. “Pangako, hindi na mauulit. I’ll be more careful next time,” dagdag ko pang sabi rito.
Hinalikan ko pa siya sa noo niya.
NATHAN'S POV
Sobrang nabigla ako sa mga nangyari kanina lang.
Pumasok si Mikko at ch-in-eck niya ako kung okay na ako at siya pa pala ang nagdala sa akin dito sa Ospital.
Nakakatuwa namang isipin na siya ang tumulong sa akin.
Pero teka, ano nga ba talaga ang nangyari sa akin kagabi?
Bakit nga ba kasi ako nadala rito?
Ano ba ang pinakapuno’t dulo nang pangyayaring ito?
Pilit kong inalala ang nangyari kagabi sa party at....
Naalala ko na. May lalaking sinukahan ako at dinaganan pa ako. Tama! I need to see that guy dahil siya ang may kasalanan kung bakit nandito ako ngayon.
Tatayo na sana ako nang biglang...
"’Wag muna, Nat. Pahinga ka muna," pigil na sabi ni Mikko sa akin. "I'm sorry nga pala kung inaya pa kita sa party ko ah? Ayan tuloy. Sorry, Nat,” sambit niya sa akin.
Napatingin naman ako sa kanya.
"Wala ka namang kasalanan eh,” sabi ko rito. “Okay naman na ako, Miks. Don't worry," ngiti kong sabi sa kanya para hindi na niya sisihin pa ang sarili niya sa nangyari sa akin, dahil wala naman talaga siyang kasalanan.
Meron ba?
Wala naman hindi ba?
Wala naman siyang kinalaman.
Hindi naman siya ang dahilan kung bakit ako nandito.
Isang lalaki na nasa party rin niya ang may kasalanan kung bakit ako ngayon nandito at kailangan ko siyang makita!
Kailangan niyang mapagbayaran ang kung anong nangyari sa akin!
Ang kapal niya!