Nailabas na nga ako ni Salty sa Hopsital at talaga namang tumulong pa si Mikko sa amin kahit hindi naman na dapat.
Siya na nga ang nagdala sa akin noon sa Ospital, siya pa ang naghatid sa amin pauwi.
Ano ba iyan. Lalo lang niyang binibigyan ang puso ko nang ikalilito eh.
Hindi ko naman kasi maintindihan kung bakit kailangan niyang maging mabuti sa akin.
“Mikko, salamat sa paghatid sa amin ni Nathan ah,” sabi ni Salty sa kanya habang ako naman ay nasa loob na ng apartment na tinitirhan ko. Nakaupo na ako at nagpapahinga.
“Wala iyon, Salty,” sabi naman ni Mikko.
“Kung hindi dahil sa iyo, malamang may mas malala pang nangyari sa buhay ng kaibigan ko,” dagdag pa ni Salty na sabi rito.
Tumingin naman si Mikko sa akin.
“May pinagsamahan naman kami ni Nathan kahit papano kaya I know she is still my responsibility,” saad ni Mikko rito.
Tumango na lamang ako nang marahan sa kanya pagkatapos ay dahan-dahan akong tumayo mula sa aking pagkakaupo at lumapit sa kanya.
“Mikko…” tawag ko rito nang makalapit na ako sa kanilang dalawa ni Salty.
“Oh, bakit tumayo ka na? Kaya mo na ba? Dapat nagpapahinga ka muna,” sambit ni Mikko sa akin.
Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Salty.
Hindi ko alam kung bakit napaka-caring pa rin niya sa akin gayong wala na kami.
Bakit nga ba?
Dahil ba sa nagi-guilty siya sa ginawa niyang p*******t sa damdamin ko noon?
Umiling naman ako sa kanya.
“I am fine, Mikko, don’t worry,” I said. “Kaya ko naman na ang sarili ko. I just want to say thank you again for what you have done,” sabi ko. “Lalo na sa pagtulong mo sa akin kagabi sa party mo, thank you.”
Ngumiti naman siya sa akin pagkatapos ay hinawakan ang kamay ko.
“Nathan, gaya nga nang sinabi ko kanina kay Salty, uulitin ko, wala iyon. You are still my responsibility kaya hindi kita pwedeng pabayaan,” mahabang pahayag nito.
Tumango naman ako sa kanya.
“Salamat talaga. Sige na, baka may aasikasuhin ka pa,” wika ko. “Magpapahinga na rin ako.”
Muli naman siyang tumango rin sa akin.
“Sige, Nathan, Salty, mauna na ako sa inyo. Kung may kailangan kayo to run errands for you, Nathan, tawagan ninyo lang ako,” he said.
“Sige, Miks, don’t worry,” sabi naman ni Salty.
“Sige…”
At lumabas na nga si Mikko sa apartment kung saan ako nakatira.
Nang makaalis na si Mikko ay humarap naman si Salty sa akin.
“What was that?” tanong naman sa akin ni Salty.
Nagtaka naman ako sa tinanong niya sa akin.
“Hah? Ang alin?” balik ko naman ng tanong sa kanya.
“Sus… Kunwari pa. I know kinikilig ka,” sabi nito sa akin.
Tumalikod naman ako sa kanya.
“Hay nako, Salty, huwag ka ngang ano riyan,” sambit ko rito na naupo na sa sofa ko at saka sumandal.
“Hoy, Jababz! Ako nga huwag mo akong inaaning diyan ah,” sabi nito sabay tabi sa akin. “Iyong tetee!” sambit nito dahilan para mapadilat na ako.
“Tigilan mo nga ako, Salty! Wala nga,” sagot ko rito.
At wala naman talaga.
Nagtaas naman siya ng kilay sa akin.
“Oh? Sa tingin mo ba meron sa aking meaning iyon?” tanong ko rin dito.
“Ano bang malay ko?”
Napailing na lang ako.
“Hay nako… Mabuti pa, umuwi ka na lang para makapagpahinga ka na rin. Alam ko namang hindi ka nakatulog nang maayos dahil ikaw ang nagbantay sa akin.”
“Oo na… Sige na. Uuwi na ako. Basta tawagan mo na lang ako kapag may kailangan ka ah,” paalala nito sa akin.
“Eh akala ko ba si Mikko ang tatawagan ko kung may kailangan man ako?” tanong ko rito.
“Aba! Ikaw talaga! Sabi na nga ba eh!” tawa niya sa akin.
Tumawa na rin ako sa kanya.
“It’s just a joke, Salty,” I said.
“Sus… Echos mo!” sabi pa nito.
Tumawa na lang ako nang malakas sa kanya.
“Tse! Alis na nga ako. Babush!” iyon lang ang sinabi niya bago tuluyang lumabas ng apartment ko.
Natatawa na lang ako nang makaalis na siya sa akin.
Nagtungo na nga ako sa may pinto at isinara ko na ito.
Pagkatapos ay nagtungo na ako aking kwarto at nagpahinga muna.
Mamaya ay gigising ako para gumawa ng homework task ko.
Ngunit hindi naman ako makatulog.
Iniisip ko kasi ang nangyari kagabi at si Mikko.
Bakit ba kasi talagang ganoon siya sa akin?
Bakit kailangan maging caring pa rin siya?
Gusto ko sanang malaman ang sagot kaso parang nasabi na niya kanina sa akin.
“May pinagsamahan naman kami ni Nathan kahit papano kaya I know she is still my responsibility.” Iyan ang sinabi kanina ni Mikko.
Iyon pala iyon.
I am still his responsibility.
Nothing more, nothing less.
Napapikit na lang ako.
Wala naman palang dapat pag-isipan, dahil wala naman na kami.
Pinilit ko ang sarili kong makatulog hanggang sa nakatulog na nga ako at nagising din upang gawin ang homework task ko.
Pagkatapos kong gawin ang homework task ko ay nagluto naman ako ng makakain ko.
Kumuha ako ng sardinas sa cabinet at ginisa iyon.
Okay naman na ako sa ganito eh. Hindi naman ako maarte.
Kailangan ko kasing pagkasyahin kung ano ang binibigay sa akin ng Tatay ko para lang hindi rin siya mahirap sa gastos ko.
Pagkaapos kong magluto ay kumain naman na ako at nag-aral na.
Ganyan lang naman kasi ang routine ko.
Lumipas ang ilang mga araw, nasa aftershock pa rin ako nang pangyayari sa party ni Mikko pero ayos na rin naman kasi kahit papano eh nakasama ko ulit siya sa Hospital room ko no’ng mga panahon na nasa Hospital pa lang ako.
Totoo naman kasing may nararamdaman pa rin ako sa kanya eh.
Siya nga ang first boyfriend ko ‘di ba? Malamang sa malamang na hindi ko siya agad-agad na makakalimutan.
Lalo na no’ng sobra niya akong inalagaan no’ng mga times na nasa Ospital pa ko.
Kakakilig pa rin kapag naaalala ko ‘yon.
Hindi ko pa rin kasi makalimutan kung paano niya akong inalagaan.
Hay, ano ba?
Ako na naman itong umaasa sa wala.
Nakakainis!
"Bajabz, kumusta na kaya si Mikko ‘no?” wala sa sariling bigla kong naisatinig. “Sana naman ay okay lang siya," naitanong ko tuloy sa bff ko na dapat ay hindi ko nasabi.
Paktay!
Saka ko lang naalala nang narinig na niya ang sinambit ko!
"Hoy! Ano ‘yon?!" gulat niyang tanong sa akin pero may kasamang pang-aasar.
Napahawak tuloy ako sa bibig ko.
"Wa-Wala. Tara na nga. Pasok na tayo sa room. Baka ma-late pa tayo eh," segway ko at sana makalusot kaso...
"Jababz, umamin ka nga sa akin..." biglang sabi nito.
"Ano ‘yon?" tanong ko naman sa kanya.
"May feelings ka pa rin kay Mikko ano?!" tanong niya.
"H-Huh?! W-W-Wala ‘no! Tara na nga!" sabi ko sabay takbo palayo sa kanya at diretso ng cr ng mga girls.
“Hoy, Nathan!”
Narinig ko pa ang pasigaw na tawag niya sa akin ngunit hindi ko na lang pinansin pa.
Gusto ko na kasing makaalpas sa kanya, haha!
Kung ano-ano naman kasi ang nasabi ko eh.
"Hays... Muntik na ako ro’n ah? Buti na lang nakalayo ako kay Salty. Baka ma-hot seat pa ako no’n mamaya,” wika ko habang hinihingal dahil sa ginawa kong pagtakbo kanina. “Ah, alam ko na. Sa likod na lang ako dadaan para hindi nya ako makita."
Dumaan nga ako sa may likod ng banyo ng mga babae.
May daanan kasi roon.
Kumabag, over-the-bakod pwede kaya naman malimit din iyon daanan ng mga pasaway na estudyante na gustong mag-cut ng klase.
Oo dadaan ako ngayon dito pero hindi ibig sabihin ay dumadaan na ako rito. Sadyang pasaway man ako, ngunit ngayon ko lang ako dadaan talaga rito.
Dyahe, amf! Bakit kasi kailangan pang lagyan ng bakod dito eh? Hays naman. Pahirap sa buhay.
Paano ba naman kasi, inakyat ko ‘yung bakod para sa likod talaga ako makadaan.
Ang TAN-ga ko ‘di ba?
Kababae kong tao kung saan-saan ako nagsususuot at nagpupupunta. Kung saan-saan pa ako umaakyat.
Hay nako.
At sakto, pag bungad ko ay may lalaki namang paakyat.
Sa gulat ko ay napatili ako nang mahina at kasabay no’n ay na-out-of-balance ako at....
Boooog!
Napadagan ako sa lalaki.
"Ahh!" daing kong sabi habang sapo-sapo ang balakang ko. “Aray!”
"Ouch!" daing din naman ng lalaki na nadaganan ko.
Napatayo akong bigla dahil sa posisyon naming dalawa.
At kahit masakit pa ang aking balakang ay talagang tumayo na ako.
Nakakahiya sa lalaking ito na dumagan ako sa kanya. Kababae kong tao. Baka may makakita pa sa amin at kung ano pa ang isipin na ginagawa namin kahit wala naman.
"Ah, sino ka? Anong ginagawa mo rito sa likod ng banyo ng mga babe? Naninilip ka ‘no?!" sunod-sunod na tanong ko rito at saka kinilabutan bigla.
Tumayo naman ‘yung lalaki at saka nagsalita.
"Ikaw na nga ‘tong nakasakit, ikaw pa ‘tong galit," sabi ng lalaki habang hawak-hawak niya naman ang ulo niya.
Naku, nasugatan ata. Lagot ka, Nathan!
"Ah, s-sorry!" sabi ko pero pasigaw.
"Wow ah? Ang ganda ng sorry mo. Pasigaw," sabi niya na hindi man lang tumitingin sa akin.
"Okay fine. Sorry po," sabi ko na nang maayos dito habang yumuyuko pa.
"’Yan. Ganyan dapat humihingi ng sorry. May sincerity," sabi niya sabay tingin sa akin.
"Ikaw?!" naisambit kong bigla. Gulat na gulat ako sa nakita ko at hindi ko inaasahan ito.
"Huh? Anong ako?" takang-tanong naman na sabi ng lalaki sa akin.
"Ikaw!” muli kong sabi at this time ay tinuturo na siya.
“Ano nga sabi ako?” muli na namang tanong sa akin ng lalaki.
“Ikaw ‘yung lalaki sa party!” saad ko rito.
“Hah?”
“Tama! Ikaw nga ‘yon," ulit ko pang sabi rito.
Hindi ako pwedeng magkamali.
Siya nga ‘yong lalaking nagsuka sa akin!
Tinitigan ko siyang maigi at baka magkamali ako ngunit hindi ako maaaring magkamali dahil talagang namukhaan ko siya!
Biglang nag-init ang ulo ko at saka muling nagsalita.
"Ang kapal din naman ng mukha mo ‘no!" nasabi kong bigla rito.
Gusto ko siyang sugurin at suntukin!
Ngayon ko pa talaga siya nakita?! At dito pa talaga!?
Manyakis ata ang lalaking ito!
Kinilabutan at kinabahan naman akong bigla!
“m******s ka ano?!” muli kong saad dito.
NATE'S POV
"Hey, hindi ko alam ang mga pinagsasasabi mo, Miss, at mas lalong hindi ako m******s," sabi ko sa babaeng galit ang mukha.
Siya na nga itong nakasakit sa akin, siya pa ‘tong galit? Grabe lang ‘di ba?
"Nag-mamaang-maangan ka pa ah?” muling angil nito sa akin.
Bakit ba galit na galit siya sa akin?
Inano ko ba siya?
Siya nga itong nakasakit eh.
“What’s wrong with you ba, Miss?” tanong ko na sa kanya.
“What’s wrong with me?” balik naman na tanong niya sa akin.
“Yes,” sagot ko naman dito. “Wala naman akong ginagawa sa iyo, ‘di ba ikaw pa nga ‘tong bigla-biglang nanggugulat diyan eh. At teka, ikaw ‘tong babae, umaakyat ka pa talaga rito sa bakod ah? At para ano? Mag-cut ng class ninyo?”
Napamaang naman ito sa akin.
“Hey, excuse me! Do not divert the topic here!” she said. Nakasinghal pa rin sa akin.
Nagtataka talaga ako kung bakit siya nagagalit.
“Didn't you remember?” bigla niyang tanong sa akin.
“Hah? And why do I need to remember you?” maang kong tanong dito.
“Tss! Ang yabang!” narinig kong sabi niya.
“Excuse me, Miss. Hindi ako mayabang. Hindi lang kita kilala,” saad ko rito.
Totoo naman. Hindi ko talaga siya kilala.
“Ah, gano’n. Pwes, magpapakilala ako sa iyo,’ she said na biglang mas lumapit sa akin. “Ako lang naman ‘yung babaeng sinukahan mo no’ng party!" sabi ng babae sa akin.
Nagulat ako sa sinabi niya at nag-flashback sa utak ko ang nangyari sa party ni Mikko a week ago.
Siya ba ‘yon? ‘yan ang tanong ko sa isip ko.
Tinitigan kong maigi ang babae at...
Siya nga!
"Ikaw pala ‘yon?” gulat kong tanong dito.
“Oo, ako nga!” muli na naman niyang sagot sa akin.
“Oh my! I'm sorry for what happened, Miss,” mabilis kong hingi ng tawad dito. “Hindi ko talaga sinasadya. I was drunk a bottle of Tequila and then I don't know what happened next. I just woke up in the Hospital. I'm really sorry!" dire-diretso kong paliwanag do’n sa girl.
"Sa tingin mo maniniwala ako sa iyo? Neknek mo!” singhal na sabi nito sa akin. “Tabi nga riyan! Na-Ospital ako ng dahil sa iyo!" sabi niya habang naglalakad na nang palayo sa akin.
What?! Nasa Ospital din siya ng time na ‘yon?! Ahhh!
“Hey, Miss!” tawag ko sa kanya.
Sinubukan kopa siyang habulin kaso may sa pusa ata kaya nawala kaagad.
‘Di bale, makikita ulit kita, I just said na inayos na ang damit ko at umakyat na ulit sa bakod.