Ano nga ba kasi ang gagawin ko at paakyat ako ng bakod?
Well…
Gusto ko lang naman kasing makita ang pinsan ko.
“Oh, Nate, nandiyan ka na pala,” sabi ni Jesh sa akin nang makita na niya ako habang naglalakad sa quadrangle area ng building nila.
Yes!
You read it right.
Building nila.
Sa kabilang building kasi ako nag-aaral.
Although parehas lang naman kami ng University na pinapasukan. Kaso, mahigpit kasi sila sa aming mga students nila.
Hindi nila kami bast-basta kasi papayagang pumunta sa kabilang building not unless 5 na ng hapon.
Ganoon sila ka-strikto.
“Jesh,” tawag ko rin naman dito habang patuloy na pinapagpagan ang aking damit.
Kaya ako gumagawa ng paraan para makapunta sa building nila Jesh kaya naman umaakyat talaga ako sa bakod at kahit naman ayaw ko ay wala akong magawa.
Oo, alam ko naman na sa bakod na iyon ay banyo ng mga babae. Pero my gad! Hindi ako sumisilip! Hindi ako m******s!
Sadyang iyon lang kasi ang tanging daanan na pwedeng daanan papunta sa kabilang building.
Kaya ro’n talaga ako dumadaan.
“Oh, ano ang nangyari sa iyo? Bakit parang dumi mo?” tanong niya sa akin nang tuluyan na siyang makalapit sa akin.
“Bad trip nga, Pare eh,” sambit ko habang patuloy na pinapagpagan ang aking damit na may mga dumi.
“Hah? Bakit? Ang aga naman niyang bad trip mo na iyan,” sabi naman nito sa akin. “Bakit ba? What’s the reason why you having a bad trip?” tanong niya.
Napabuntong hininga naman ako sa kanya nang maalala ko kung ano ang nangyari kanina lang at ang dahilan kung bakit ang dumi-dumi ng damit ko.
“Kasi naman… Ahhh!” inis kong sabi.
Naiinis kasi talaga ako.
“Remember mo ba nang nagpunta tayo sa party ni Mikko?” tanong ko rito.
Nag-isip naman muna siya saglit pagkatapos ay nagsalita at saka tumawa.
“Oo naman, Pare. Hindi ko makakalimutan ‘yon ‘no. Do’n ka kaya nagkalat no’n,” wika niya habang tumatawa.
I gave him a tiger look pagkasabi niyang nagkalat.
“Jesh!” sita ko tuloy sa kanya.
“Sorry dude. I just can’t help it kapag naiisip ko,” sabi niya habang pinipigilan na ang pagtawa niya.
“You never intended? Pero ang lakas mo naman makatawa sa akin.
“Sorry na!” sabi na naman niya.
“Okay fine. Hindi ko naman kasi sinasadya na magkalat,” I said habang nagsa-sign pa ng apostrophe na dalawa sa kanya para i-emphasize ang word na nagkalat.
Talaga naman kasing hindi ko intensyon na magkalat nor manira ng party.
It’s just that nadala lang ako ng alak na ininom ko.
And besides, hindi ko na rin alam kung ano ang gagawin ko para lang maging masaya sa party, hindi ba?
“It’s just that nadala lang ako sa pag-inom ng alak,” I said as I defend myself.
“Oo na. Napaka-defensive mo na masyado,” he said.
“Eh pa----,” hindi ko na natuloy since nagsalita na naman si Jesh.
“Nate…” tawag nito sa pangalan ko. “Oo na, nakukuha na kita. So, ano na ba iyong sasabihin mo? Bakit ka nagkaganyan? At anong kinalaman niyang nangyari sa iyo ngayon sa birthday party noon ni Mikko?” tanong na niya sa akin.
Huminga naman muna ako nang malalim bago sa kanya sumagot.
“This girl kasi na I was telling you before,” umpisa ko rito.
“Girl?” tanong naman niya.
Tumango naman ako sa kanya.
“Yes, the girl I was telling you sa Ospital,” sabi ko.
Napaisip naman siya.
Hay.
Nakalimutan na ata niya.
“’Yung nasukahan ko ng hindi naman sinasadya sa birthday party ni Mikko,” saad ko nang sabi rito.
“Ah, yeah, yeah. I remember now,” he said. “Oh, what about her? Anong meron sa kanya dahilan para magkaganyan ka? I mean, ang dumi mo. Hay. Pabitin ka naman. Sabihin mo na.
“Oo na. Sasabihin ko na kaya, ang dami mo lang kasing side comment,” wika ko naman sa kanya.
Muli na naman siyang tumawa.
Nagsisimula na kaming maglakad niyan papunta sa canteen.
“I saw her, Jesh,” bigla kong sabi rito.
Nagulat naman si Jesh sa sinabi ko.
“What? You saw her?” hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.
Tumango naman ako sa kanya.
“Really pare?” muli niyang tanong.
“Yes, I saw her,” ulit kong sabi rito.
“Then, where? Saan mo siya nakita?” tanong na naman niya sa akin.
“Dito sa building ninyo!” I said.
“Hah?!” nagulat na naman siya sa sinabi ko.
Tumango na naman akong muli kay Jesh.
“Yes, Jesh. I saw her kanina,” ulit ko. “And I guess, dito siya nag-aaral,” dagdag ko pang sambit dito.
“What?!”
Tatango-tango lang ako sa kanya. “Yes.”
Hindi makapaniwala si Jesh sa sinabi ko.
“Did you know kung saan kami hindi sinasadyang magkita?” tanong ko sa kanya na muli ay nag-sign ng apostrophe na dalawa sa kanya para i-emphasize ang word na hindi sinasadyang magkita.
“Saan?” tanong niya.
“Hindi ka maniniwala, Pare,” sambit ko rito.
Naguguluhan naman siya ngunit mababakas sa mga mata niya na gusto rin niyang malaman kung saan ko nakita ang babaeng sinasabi ko.
“So, saan mo nga siya nakita?” tanong na naman niya sa akin.
“Sa may dinadaanan kong bakod para lang makapunta rito, Pare!” I said.
“What?!”
Tumango na naman ako sa kanya.
“Yes, Pare! Sa may bakod doon sa may likod ng banyo ng mga babae,” kumpleto kong sabi rito.
“Bakit doon mo siya nakita? Ano ang ginagawa niya ro’n?” tanoong na naman niya.
Nagkibit naman ako ng aking balikat.
“I don’t even know, Pare. Basta roon ko siya nakita. Hindi ko alam kung saan siya pupunta, pero talagang doon ko siya nakita,” saad ko rito.
“So, paano ‘yon? Namukhaan mo siya?” tanong na naman niya.
Umiling naman ako rito.
“Hindi, Pare, kasi ‘di ba sa party noon, hilong-hilo na ako? Basta ang alam ko lang eh may babae akong nasukahan, pero hindi ko alam na siya ‘yon, Pare!” sambit ko rito.
“What a small world for the two of you,” he said.
“Yeah, Pare, I agree to what just said,” tugon ko naman dito habang tumatango.
Ang liit nga lang talaga ng mundo naming dalawa dahil dito pa kami talaga nagkita.
“So, how did she react, Pare, nang makita ka niya? Nagalit ba? Sinampal ka? What?” sunud-sunod na tanong niya.
“Ang daming tanong, Insan ah?” naisambit ko naman dito.
“Of course, Pare, I need to know kasi I’m quite interested,” he said.
“You are interested to who? To the girl?” tanong ko sa kanya.
Natawa naman siya sa akin.
“Of course not, Pare, loyal and faithful ata ito kay Mitch,” he said.
Mitch is his long-time girlfriend. Kulang na nga lang sa kanila ay kasal, kaso hindi pa naman pwede since nag-aaral pa lang kami.
Pero alam ko namang doon din ang kanilang punta dahil matagal na sila at talaga namang sigurado na sila na sila hanggang huli.
“Loyal and faithful, pero interesado ka sa kwento ko?” sabi ko rito.
“Nate, let me just remind you, sa kwento mo ako interesado, hindi sa babae na sinasabi mo, okay?” paalala na sabi niya sa akin.
Ako naman ang tumawa this time.
“Fine, hindi na kung hindi. I was just joking you, Jesh,” sabi ko. Nakikita ko kasing naiinis na siya. “Okay, actually, hindi ko siya agad nakilala. Siya pa nga ang nakakilala sa akin eh,” saad ko rito.
“Wow! Grabe ka, Pare. You mean talagang natandaan niya ang mukha mo?”
Tumango na naman ako rito.
“Promise, Insan. Tapos ayon nagalit siya as usual. But I say sorry for my mistake kaso galit pa rin eh. What will I do para hindi na siya magalit at para hindi na ako makonsensya kasi sabi niya na-ospital daw siya dahil sa akin,” dagdag na sabi ko kay Jesh.
“So talaga pa lang na-ospital siya?”
Muli na naman akong tumango sa kanya.
“My gosh, Bro! Kinokonsensya ka niya,” sambit nito.
“Yeah,” tango ko rito. “Probably, Pare, dahil nga naman sa ginawa ko eh,” saad ko. “Now, I’m thinking if ano ang gagawin ko para naman makabayad or makabawi sa nagawa ko sa kanya. Though, hindi ko naman intention na gawin iyon sa kanya. Sadyang humarang lang kasi siya sa dadaanan ko kaya nasukahan ko siya. Syempre papunta na ako ng banyo dahil nga ramdam ko na na masusuka ako, pero siya naman ‘to----,” hindi ko na natapos ang iba ko pa sanang sasabihin nang mapatingin ako kay Jesh.
Halata na kasi sa mukha niya na disappointed na siya sa ginawa ko. At heto, nagdadahilan pa ako.
Nag lie-low naman na ako.
“Oo na, Jesh. Ako na ang may kasalanan,” sabi ko, kaso hindi pa rin siya nagsalita. Nakatitig pa rin siya sa akin. “What? Sinabi ko na nga na ako na ang may kasalanan eh.”
“Yeah, I heard it. I am just thinking kung ano ang gagawin mo para makabawi ka sa kanya.”
“Hah? Who?” tanong ko rito.
“Ugh! Nat, ano ka ba? The girl. Stay with me,” he said.
“Ah, yeah, yeah, the girl.”
“Yes!” bigla niyang sambit.
“Why? Nakaisip ka na?” tanong ko rito.
Tumingin naman siya sa akin at saka tumango.
“I have no idea, Pare,” bigla niyang sambit dahilan para masiko ko siya sa tagiliran niya ngunit mahina lang naman.
“Jesh naman eh. Akala ko naman may naisip ka na.”
“I mean, hindi mo naman siya totally kilala para mag-offer ka nang ganyan ‘di ba?” sabi niya at may point siya.
“Yeah, you’re right,” pagsang-ayon ko na sagot sa kanya. “Pero pwede namang kilalanin siya ‘di ba?” I said na biglang natuwa at nagkaroon ng idea.
“What do you mean?” tanong ni Jesh sa akin.
“You’ll see…” I said.
“Kinakabahan ako sa naiisip mo, Nate,” sabi niya sa akin.
“It’s just simple, Jesh. Alam ko na talaga ang gagawin ko,” muli kong sambit sa kanya.
“Well, bahala ka,” Jesh said. “Just make sure na hindi ‘yan gulo ah? At pinaalalahan kita.”
Tumango naman ako sa kanya.
“Hindi magiging gulo, Jesh. Promise!”
“Siguraduhin mo.”
“Yes… Oh, paano? Dito na ako. Mamaya na lang siguro ako kakain, wala na kasing oras eh. I need to go back to my class, baka nandon na ang professor naming,” paalam na sabi ko na kay Jesh.
“Sige, sige. Magkita na lang tayo mamaya,” he said na kinatango ko na lang dito.
Nagtungo na nga ulit ako sa may bakod, sa likuran ng banyo ng mga babae upang makabalik na sa klase ko.
Paakyat na ako nang may biglang bumulaga sa akin kaya naman ang recourse ay nalaglag na naman ako at muli ay nadaganan na naman ng kung sino.
“Aw!” muli ko na namang daing.
Pag-angat ko ng ulo ko ay sakto namang angat din ng ulo ng nakadagan sa akin kaya naman nagkauntugan kaming dalawa.
“Ouch!” narinig kong daing nito.
“Ugh!” daing ko rin ulit.
Dalawang beses na akong nasasaktan ngayong araw ah!
Dahan-dahan nang tumayo ang babae na nasa ibabaw ko at…
“Ikaw na naman?!” sabay naming sambit na dalawa.
Mabilis siyang tumayo at umalis sa pagkakadagan sa akin.
“Aba’t--- Talaga bang m******s ka hah?” sabi nito sa akin.
“What? m******s, ako?! Miss, excuse me ah! Ikaw na nga itong nakasakit na naman sa akin, ikaw pa itong namimintang diyan ng mali!” sagot ko rito.
“Aba! Aba! Anong mali ang sinasabi mo eh, ‘yan oh! Kitang-kita ko! Nasa likod ka na naman ng banyo ng mga babae! Talagang naninilip ka! Bastos!”
“Nakakapika ka na ah!” sabi ko naman dito.
“Oh, bakit?! Anong gagawin mo hah?!” sambit nito sa akin.
“Kapag hindi ka tumigil diyan, hahalikan kita!” sabi ko rito.
“Oh kita mo na! m******s ka! Saklolo! May m******s dito!” sigaw niya dahilan para makatawag siya nang pansin kaya naman wala na akong nagawa.
“Hindi ka ba titigil hah?!” sambit ko rito.
“m******s! Saklolo!” patuloy niyang sigaw.
“Ugh!” sambit ko.
Hinila ko siyang bigla at saka hinalikan.
Yes!
I did it!
Ang ingay niya kasi!
Hindi naman ako m******s eh.
Nandito lang naman ako para bumalik sa kabilang building dahil doon ang klase ko.
Nagulat naman ako sa ginawa ko kaya naman bigla akong tumanggal sa pagkakahalik ko sa kanya.
“Bastos!” sabi niya sabay sampal sa akin. “Ang kapal ng mukha mo para halikan ako!”
“S—So---Sorry, Miss,” hingi ko ng tawad dito. “Ikaw naman kasi eh, ang ingay-ingay mo!” ani ko.
“At ako pa talaga hah?! Ang kapal talaga ng mukha mo eh ‘no!”
“Kung hindi ka ba naman kasi maingay riyan at sigaw nang sigaw, sa tingin mo hahalikan kita hah? Excuse me!” I said.
Tinaasan naman niya ako ng kilay.
“Ang kapal talaga ng mukha, grabe!”
Tumalikod na nga ako sa kanya para makaalis na nang tawagin niya ako.
“Hoy!”
Napabaling naman ako ng tingin sa kanya.
“What?”
“May nakalimutan ako,” sambit niya.
“Hah?” takang tanong ko naman dito.
Lumapit siya sa akin at saka ako biglang sinuntok sa tiyan.
“Ah!” daing ko tuloy.
“m******s!” muling sambit niya bago tuluyang tumakbo at umalis ng harapan ko.
“Ahh!” sigaw ko na lang habang namimilipit sa sakit ang tiyan ko.