NATHAN’S POV
“Loko ‘yon ah? Kala niya siguro makakalimutan ko ‘yung ginawa niya sa akin no’ng party ni Mikko? Hmf! Neknek niya!” I said habang nagmamadaling maglakad dahil male-late na ako sa susunod na klase ko.
Alam ko namang nandoon na si Salty.
Sinadya ko lang talagang magpahuli para hindi na niya ako tanungin pa kung saan ako galing.
Naglakad na nga ako nang mas mabilis para maunahan si Salty sa classroom at para ‘wag na rin siyang magtanong kaso nagulat ako nang biglang marinig ko ang boses ni Salty na tinawatag ako.
“Jababz!” sigaw ni Salty habang papalapit na tumatakbo sa akin.
Napatingin naman ako sa pagsigaw na ‘yon ni Salty.
Nanlaki ang mga mata ko.
Shocks! Si Salty! Ano ang gagawin ko? I need to escape! Pero paano? iyan ang tanong sa isipan ko.
Hindi kasi pwedeng maabutan ako ni Salty kasi for sure magtatanong at magtatanong ‘yon sa akin tungkol sa nasabi ko kanina.
Kilala ko siya, kaibigan ko siya eh.
Huli na para makatakbo pa nang mas mabilis dahil nahawakan na ni Salty ang braso ko.
“Jabz, naman eh,” sambit nito nang mahawakan na niya ang braso ko.
Hingal na hingal siya sa ginawa niyang paghabol sa akin sa pagtakbo.
“Bakit ba ang bilis mong maglakad huh?” tanong nito sa akin habang hinihingal pa rin.
Napatigil naman na ako sa pagtakbo.
“Maupo nga muna tayo, please…” pakiusap niya dahilan para tumalima naman na ako rito.
Naupo nga muna kami sa may sementong upuan na nasa gilid ng isang malaking puno.
Marami kasing puno sa University namin at sinadya nilang lagyan ng mga sementadong upuan upang maging pahingahan ng mga mag-aaral.
“Kanina pa kaya kita hinahanap diyan. Saan ka ba galing huh?” tanong ni Salty sa akin. “At bakit tinakbuhan mo ako kanina? Ang hirap kayang tumakbo na ganito ang sapatos!” sambit niya sa akin.
Napatingin naman ako sa suot niyang pang ibaba.
“Sino naman kasi ang may sabing magsuot ka nang ganyan?” tanong ko rito habang nakaturo ang mga mata sa kanyang heels.
“Oy, Jababz! Porma ko ito. At saka, mas malakas ang dating kapag ganito ang porma ano,” turan nito sa akin.
I rolled my eyes on her.
“Eh ikaw lang din naman pala ang gumagawa nang ikapapagod mo eh,” wika ko rito.
“Alam mo kasi, Nathan, ito ang uso ngayon. Hindi ‘yang mga ganyang parang lalaki na hindi ko maintindihan,” sabi niya habang tinitingnan ang suot kong damit.
“Hah? Eh ano namang masama sa suot ko?” tanong ko rito.
Actually, maayos naman ang suot ko.
Typical college student.
Saydang hindi lang kasi ako mahilig magsuot ng mga takong or what.
Magsusuot lang ako niyang kapag kailangan. Pero kung papasok lang din naman, ay hindi na. Hindi ako tiis-ganda kagaya ni Salty.
“Hay nako, Bajabz, bahala ka na nga. Basta ito ang style ko na komportable ako kaya ito ako,” saad ko rito.
“Fine, fine, fine,” she said. “Um, nga pala, bakit ka nga ba tumakbo kanina ha? Bakit mo ako iniwan? saan ka nagpunta hah? Umamin ka sa akin, Nathan,” sabi ni Salty na halatang gustong malaman ang isasagot kong dahilan.
“Huh? Am… Sa banyo,” pagsisinungaling ko rito. “Tama. Galing ako ng banyo,” muling sagot ko rito.
Napabaling naman siya ng tingin sa akin.
“Banyo, Anteh?” tanong niya sa akin.
Hindi ko naman masabi kung o-oo baa ko o hi-hindi kasi parang hindi ko sigurado ang titig niya sa akin.
“O-Oo, banyo,” sambit ko.
Iyon na kasi ang sinasabi ng utak ko.
Banyo.
At iyon na ang kailangan kong panindigan.
Na sa banyo ako nagpunta.
Tinaasan naman niya ako ng kilay.
“Banyo? Banyo pala ah,” sambit niya. “Eh galing kaya ako ng banyo, Jabz!” sabi niya dahilan para magulat ako at mas kabahan.
Napalunok tuloy ako.
Hindi ko na alam kung ano pa ang maisasagot kong dahilan sa kanya.
“Ikaw nga ‘wag mo nga ko akong pinaglololoko riyan ah,” she said. “Banyo, banyo ka riyan! Banyo mo mukha mo! Galing ako ro’n at wala ka. Ni anino mo hindi ko nakita kaya huwag mo akong pagsisinungalingan na nanggalingan ka ro’n,” mahaba niyang litanya sa akin.
Hindi ko alam kung pagpapawisan ako nang malapot o malagkit eh.
Nakakatakot kasi si Salty kapag ganyan siya.
Ayoko kasing malaman niya since kaibigan niya si Mikko.
Malalaman niya na may gusto pa ako sa tao!
Nako! Hindi pwede iyon!
“Ikaw talaga. Umiiwas ka lang sa akin eh. Kunwari ka pa riyan,” muli na naman niyang wika. “Banyo, banyo, tss! Saan ka ba talaga galing hah, Nathan?” muli na naman niyang tanong sa akin.
Nakatitig siya sa akin habang sinasambit ang mga tanong na iyan.
“Huwag kang magsisinungaling sa akin,” dagdag pa niyang sabi.
Muli na naman akong napalunok habang ang mga mata ko ay pilit umiiwas sa kanya.
“Sa ba-banyo nga!” sagot ko rito.
Kailangan ko kasi talagang panindigan na nanggaling ako ng banyo.
“Bakit baa yaw mong maniwala?” tanong ko rin sa kanya.
“Eh para kasing t****! Nanggaling nga ako ro’n at wala ka,” pilit din naman niya sa akin.
“Eh baka hindi mo lang ako napansin,” sabi ko.
“G***! Paanong hindi kita mapapansin eh ang tagal ko sa banyo dahil nag-ayos pa ako ng make up ko, baliw!” she said.
“Eh…” hindi ko na alam kung ano ang isusunod kong sabihin.
“Sabihin mo na kasi, umiiwas ka lang sa akin,” she said.
“H-Hah?! At bakit naman ako iiwas sa’yo?” kinakabahan kong tanong dito.
Ang bilis kasi talaga nang kabog ng dibdib ko.
“Malamang dahil kay----,“ hindi na natuloy pa ni Salty ang sasabihin niya nang biglang tumunog nang malakas ang bell.
“KRIIIIIIIINNGGG!” Tunog ng bell ng school.
Hudyat na tapos na ang break time at kailangan nang pumasok sa mga rooms dahil magsisimula na ang next subject.
“Oh, mamaya na ‘yan. Tara na! Pasok na tayo,” sabay aya ko na sa kanya. Tutal nakapagpahinga naman na siya.
Nakataas pa rin ang isang kilay niya sa akin.
“Sige ka, baka ma-late pa tayo niyan eh,” pagpupunyaging sabi ng utak ko.
Actually, iyon talaga ang pinagdarasal ko, na mag-bell na para hindi na makapag-usisa pa sa akin si Salty.
Mausisa kasi siya, sa totoo lang.
Napakalma ko naman na siya.
“Oo nga ‘no. Tara na nga,” pagsang-ayon na niyang sagot sa akin.
Napahinga na rin ako nang malalim dahil kahit papaano ay bumaba na ang kanyang damdamin na usisahin kung ano ba ang nangyayari sa akin.
Naging aligaga kasi ako kanina nang maisambit ko ng hindi sinasadya si Mikko.
Hay.
Thanks God at na-save by the bell ako. Wooh! Thank you, Lord! Nagpupunyaging sabi ng utak ko pero natigil bigla nang magsalita na naman si Salty.
“Mamaya ka talaga sa akin, Jababz!” sabi ni Salty.
Paktay kang Nathan ka! Naisambit kong bigla sa aking isipan.
Akala ko ay okay na, nakaligtas na ako, hindi pa pala.
Hala, ano ba iyan!
“Kilala mo ako Nawal Thalia Neros,” Salty said dahilan para mapalunok na naman akong muli.
Tinawag niya na kasi ako sa buong pangalan ko.
Nakakatakot pa man din siya kapag ganyan na siya sa akin.
“Hindi kita titigilan hangga’t hindi ko nalalaman ‘yang about kay Mikko ‘no,” sabi niya habang ang mukha ko naman ay hindi na maipinta sa sobrang takot at kaba.
“Salty…” sambit ko rito.
“Anong Salty ka riyan? Akala mo ligtas ka na ah? Mamaya ka sa akin. Hindi pa tayo tapos,” saad niya bago ako inaya na sa susunod naming klase. “Tara na,” sabi na niya habang nauunang naglakad.
“Oh no! Please help me!” Naibulong ko na lang sa sarili ko.
“Tigilan mo ako, walang tutulong sa iyo,” napatingin pa ako sa kanya.
Narinig ba niya ang sinabi ko?
Oh my gad!
NATE’S POV
I need to see that woman again. Hindi pwedeng hindi. I know it’s my fault. God! I need to do something para mawala na ‘yung galit niya sa akin.
Sabi ko ‘yan sa sarili ko habang nagse-search sa sss baka maka-chamba na makita ko ang account ng girl kaso parang ayaw talaga nang pagkakataon dahil sa mukha niya lang naman ang alam ko at walang pangalan, talagang mahihirapan ako, hay nama.
Sana naman kasi nakita ko man lang ang pangalan niya sa ID niya kanina.
Hay. Nakakainis!
I stopped searching tuloy dahil wala naman na akong clue eh.
Iyong mukha lang kasi niya ang nagiging basehan ko sa kanya. At wala na talaga.
Then I get into thinking.
“I need to meet her again,” sabi ko.
Yes!
I need to meet her again.
I need to go the other building once again.
At gagawin ko iyon bukas.
“For now, I need to sleep,” I said.
Kinabukasan ng ako ay magising…
Nasa isip ko pa rin ‘yung girl na nakita ko sa building nila Jesh.
Dapat ko talaga siyang makita para mapatawad na niya ako at talagang gagawin ko ang lahat para hindi na siya magalit sa akin.
As in whatever it takes.
Hays. para akong tanga!
Paulit-ulit!
Ayon nga, pumunta ulit ako sa building ng pinsan kong si Jesh.
Nandito ako ngayon sa waiting shed ng building nila hoping na makikita ko ulit ‘yung girl.
Saan ka ba ngayon? Please magpakita ka naman sa akin.
I waited for exactly three hours and a half pero walang nagpakita o nahagip ang mata ko sa hinahanap ko.
I guess this isn’t my day.
‘Di bale, I’ll be back tomorrow.
At gano’n nga ang ginawa ko kinabukasan.
Bumalik ulit ako at naghintay nang naghintay nang naghintay hanggang sa…..
“Nate!” tawag sa akin ni Jesh.
Nakita niya ako sa labas ng building nila na naghihintay.
“Oh Jesh, insan. Uwian ninyo na pala?” tanong ko.
“Oo. Teka, anong ginagawa mo rito? Wala ka bang klase ngayon?” tanong niya sa akin.
“Ah-eh… W-Wala. Heo nagpapahangin lang,” pagsisinungaling kong sagot dito.
Sana mapaniwala ko siya, sabi iyan ng isip ko.
“Weeh? ‘Di nga? Utot mo!” sabi niya sabay tawa nang malakas. “Kunwari ka pa riyan. Hinihintay mo lang ‘yung babae na nasukahan mo no’ng party eh,” asar niya sa akin.
“Sira! Hindi ‘no!” pagsisinungaling ko namang saad dito.
“Ewan ko sa iyo. Kunwari pa ‘to. Ano ka ba? Okay lang ‘yan ‘no. At saka dapat lang talaga na gumawa ka nang paraan para mapatawad ka niya. ‘Di ba nga sabi niya na-ospital siya dahil sa iyo? Insan, gawa ka nang paraan para hindi ka makonsensya,” muli na naman niyang tawa at pang-aasar pa sa akin.
“Sira ulo!” sabi ko na lang sa kanya sabay batok nang mahina sa ulo niya.
At nagtawanan sila kasama ng mga katropa niya.
Saktong-sakto naman na paglingon ko sa may gate ay nakita ko ‘yung babae na papalabas at may kasamang isang girl. Best friend niya siguro.
“Pre, siya yon oh!” sabi ko kay Jesh sabay turo ko sa babaeng papalabas ng building nila.
“Hah? Saan?” tanong ni Jesh sa akin.
“Ayon!” turo ko sa direksyon ng babae.
Napatingin si Jesh at…
“Sino? Si Nathan?” sabi niya.
“Nathan? Lalaki ‘yon ah? ‘Yung babae,” malinaw na sabi ko rito.
“Oo nga. Si Nathan nga. Kasama niya si Salty,” tugon ni Jesh sa akin.
Napatingin ako nang maigi kay Jesh.
“Kilala ko siya, Pare,” sabi niya.
Nagulat naman ako sa sinabi niya.
Kilala niya ang babaeng tinuturo ko?
“’Yun bang nakapula ang damit?” tanong niya.
Napatingin tuloy ako sa babaeng tinuturo ko.
Oo. Nakapula nga.
Tumingin ulit ako sa kanya at…
“Pare, alam ko kung ano ang nasa isip mo,” sabi ni Jesh ng hindi na ako sumagot pa sa kanya. “Oo kilala ko siya,” he said.
Nakatitig na lang ako sa kanya.
“Eh siya ‘yung ex ni Mikko eh. ‘Yung pinalitan ni Reena?” wika nito.
Napatingin talaga ako nang husto sa sinabi ni Jesh sa akin.
“Anong sinabi mo?” tanong ko na nasa tonong nagpapakasigurado.
Tumango naman sa akin si Jesh.
“Oo, Pare. Siya nga ‘yung ex ni Mikko,” ulit at sigurado nitong tugon sa akin.