9 (Still, I love you...)

2154 Words
NATE’S POV   I was really shocked nang malaman kong ex ni Mikko ‘yung babae sa party na nasukahan ko, nakita ko kanina, sinuntok ako at higit sa lahat, ang hinalikan ko.   Pero bakit siya nando’n sa party? Baka invited. Pero wala na sila alam ko dahil kay Reena. Sh*t! naisambit ko sa isip kong bigla.   Hindi ko kasi inaasahan na ganito ang malalaman ko.   “Hoy, insan, okay ka lang ba?” tanong at sita sa akin ni Jesh ng hindi na ako magsalita.   Napatingin ako sa kanya at...   “Oo naman. Okay lang ako,” sagot ko rito. “Teka, ano ulit ‘yong sabi mo? Ex ni Mikko ‘yong babaeng iyon?” tanong kong muli rito.   Tumango naman si Jesh.   “Yap. Siya nga. Ganda niya ‘no? Sayang nga at naunahan ako dati ni Mikko eh,” tawa na sabi ni Jesh nang malakas.   “Sira!” sita ko naman sa kanya.   “Oh ano? Tutuloy mo pa ba ‘yung sinasabi mong plano mo?” tanong niya bigla sa akin. Hindi ko naman alam kung ano ang isasagot ko.   “Hah?”   “Ang sabi ko kung itutuloy mo pa ba ‘yung pinaplano mo,” ulit niya.   “Ah… Oo, Pare. Tuloy ko iyon,” tugon ko. “Makabawi man lang sa nagawa ko sa kanya,” desidido kong sabi kay Jesh.   “Ah. Okay. Tara tawagin na natin sila,” sabi niya sabay tawag nga sa kanila. “Nathan!” sigaw ni Jesh na naging dahilan para takpan ko ang bibig niya pero huli na dahil napatingin na ‘yung babae sa kinatatayuan namin ni Jesh.   “Ikaw na naman?!” sabi niya sa akin nang makita ako.   “Ah…” tango ko lang dito sabay, “Hi…” Nasabi ko na lang habang tinatanggal ang kamay ko sa bibig ni Jesh.   “Hi, Nathan,” bati rin ni Jesh sa kanya.   “Hi, Jesh. Kumusta?” tanong niya kay Jesh.   Hindi niya na ako pinansin pa.   “Heto okay lang. Ah, hi Salty,” bati rin ni Jesh sa baabeng kasama nito.   “Hi din, Jesh,” bati rin naman no’ng babae. “Wait, sino siya?” tanong nito kay Jesh ngunit nakatingin naman sa akin. “Parang ngayon ko lang siya nakita rito ah. Ang gwapo mo naman,” sabi ng babaeng kasama ng babaeng nasukahan ko sa party.   “Bajabz!” sita naman nito sa kasama niya.   Bajabz? Pangalan ba ‘yon o tawagan?   “Ah, oo nga pala. Si Nate pi----,“ naalarma ako sa sasabihin ni Jesh kaya in-interrupt ko siya sa pwede niyang masabi rito.   “Kaibigan niya,” sabi ko na mabilis na tiningnan si Jesh na sumang-ayon siya. “Kaibigan niya ako,” ulit ko rito.   “Ah- o-oo. Kaibigan ko siya. Katropa namin siya, actually,” sagot naman ni Jesh dito.   Salamat naman at sumang-ayon siya sa akin.   “Ang gwapo mo naman, Nate,” sabi na naman ng babaeng isa.   “Salamat...” sagot ko pero ro’n ako sa babaeng nasukahan ko sa party ako nakatingin at hindi sa kasama niya.   “Salty, ano ba? ‘Wag ka ngang makipag-close riyan,” saway ng babae.   “Bakit ba, Jababz? Okay lang naman dahil sabi nga ni Jesh eh tropa niya, kaibigan niya, may masama ba ro’n?”   “Siya lang naman ‘yung lalaking sumuka sa akin!” Mariin na sabi nito habang nakatingin sa akin at nakataas pa ang isang kilay.   “What?!?” biglang tanong ng babaeng isa. “Ikaw? Ikaw iyon?” sambit nito. “At bakit mo naman sinukahan ang friend ko ah? Didn’t you know na naospital siya dahil sa iyo?!” walang pasintabi na sabi ng babae.   Tumingin naman ako kay Jesh bago muling bumaling nang tingin sa babaeng kasama ng babaeng nasukahan ko sa party.   “Yeah, I know,” tango ko rito.   “Hah? You know?” sabi nito.   Tumango na naman ako rito.   “She told it to me already the day we first met,” sabi ko.   At sa sinabi kong ‘yon ay napatingin sa babaeng nasukahan ko sa party ‘yung friend niyang babae.   “What?” tanong ng babaeng isa.   “Yes,” sagot kong muli rito na may kasama pa ring pagtango. “We’ve already met at the—,“ hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko nang biglang sumabat ‘yung babaeng nasukahan ko sa party.   “At the park. Yeah, a-at the park,” tugon ng babaeng nasukahan ko sa party. “‘Di ba?”    Tumingin bigla sa akin ‘yung babae na nasukahan ko sa party. Parang hinihingi niya ang pagsang-ayon ko sa sinasabi niya.   “A-Ah, yeah. Sa park kami unang nagkita. Naalala niya kasi ako,” sagot ko na lang habang nakatingin din sa babae.   Napatingin naman sa akin si Jesh at…   “’Di ba sabi mo sa akin sa c---,“ sabi naman ni Jesh pero mabilis ko itong inakbayan at sabay sabing…   “Sa park, Pare, ‘di ba?” sabi ko rito.   Maka-gets ka naman, Insan. Mukhang may tinatago ‘tong babaeng ‘to eh. Sumakay ka na lang, sabi ko sa utak ko.   “Ah... eh teka, balik tayo sa topic. Anong ginagawa mo rito?” tanong ng babae sa party.   “Ah, eh, pinupuntahan ‘yung katropa kong si Jesh,” sagot ko kahit ang totoo naman ay siya ang hinahanap ko.   “Teka nga…” Awat na sabi ng babaeng kaibigan no’ng babae sa party. “Bakit ka nga ba nagsuka sa party ni Mikko hah?” tanong nito.   “Ah, ano kasi… Napainom kasi ako nang maraming Tequila kaya ‘yon nalasing ako. Pasensya na,” sabi ko.   “Iinom-inom kasi hindi naman kaya. Tara na nga, Bajabz,” aya no’ng babae sa party.   “Ayts naman. O sige na papabol, dito na kami. Bye. Next time ulit,” sabi ng babaeng friend habang hila-hila siya no’ng babaeng kaibigan niya sa party.   At pagkaalis nila ay…   “Insan!” sambit kaagad sa akin ni Jesh. “Bakit mo naman sinabing magkaibigan lang tayo? Kinakahiya mo ba akong pinsan mo?” tanong nito sa akin.   “Insan, hindi. Intindihin mo naman,” ika ko. “I need to please that girl para hindi na niya ako konsensyahin. Pare, kapag nalaman niyang magpinsan tayo eh baka lalo niya akong konsensyahin dahil pinsan natin si Mikko, ‘di ba?” saad ko rito.   Napaisip naman siya.   “Pare, please, intindihin mo naman ako. Promise, ito lang. Kapag napatawad na niya ako, okay na, but this time, tulungan mo muna ako ah? Wala namang makakaalam eh,” I said.   “Paano si Mikko, Pare?” tanong niya. “Magagalit ‘yun kapag nalaman niyang pinaglalaruan natin ‘yung ex niya.”   “Insan, hindi naman natin pinaglalaruan ‘yong ex niya eh,” tugon ko naman dito. “Gusto ko lang namang mapatawad niya ako, ‘yon lang,” saad ko rito. “Akong bahala riyan, okay? Basta magtiwala ka lang,” sabi ko na nakangiti.   Hindi man sang-ayon sa sinabi ko ay wala nang nagawa si Jesh kundi ang um-oo na lang sa akin.   NATHAN’S POV   “Peste ‘yon ah?” sabi ko.   “Hoy Nawal Thalia, ‘yon ba talaga ‘yung lalaki sa party na sumuka sa iyo hah?” tanong ni Salty.   “Oo nga, Salty. Siya ‘yon at hindi ako pwedeng magkamali dahil inamin na rin niya sa akin ‘yon at nag-sorry na siya,” sabi ko rito.   “Pinatawad mo na ba?” tanong naman ni Salty sa akin.   “Hindi. Ano ako? Sira? Neknek niya!” sambit ko. “Muntik na akong mamatay dahil sa ginawa niya. Buti na lang nailigtas ako ni Mikko.” Walang hinto-hinto kong sabi.   Saka ko lang na-realize na ako na naman ang nagpasok ng topic kay Mikko dahil biglang napatigil si Salty at…   “Jababz, umamin ka nga,” sabi niya na nakangiti na nang-aasar.   Napatingin ako at…   “Ahhhh!” tili ko sabay takbo nang mabilis.   “Nathan! Pasaway ka! Mahal mo pa siya ‘no?” habol sa akin ni Salty.   “Hindi na!” sigaw ko habang tumatakbo.   “Eh bakit ka tumatakbo?” tanong pa ulit ni Salty dahil patuloy ako sa pagtakbo.   “Hindi ko rin alam,” sagot ko habang tumatawa tapos biglang tumigil sa pagtakbo at…   “Pasaway ka, Nathan. Pinagod mo ako!” sabi ni Salty habang hingal na hingal.   Tumawa na naman ako nang malakas.   “Umamin ka nga sa akin babae ka. Mahal mo pa ba si Mikko?” seryosong tanong niya sa akin.   Tiningnan ko siyang maigi bago ako….   “U-um…” pagtango ko rito.   “What?!” gulat na tanong ni Salty.   “Oo nga. Mahal ko pa rin siya, Salty. Hindi naman gano’n kadaling mawala iyon eh,” sabi ko.   Nagulat naman siya sa pag-amin ko.   “Nathan…” sabi niya sabay lapit sa akin.   Parehas kasi kaming nakatayo dahil nga sa naghabulan kaming dalawa.   “Halika nga rito,” she said.   Inaya niya akong umupo muna.   “Totoo ba iyong sinabi mo?” tanong niya sa akin.   Tumingin naman ako sa kanya.   “Salty, gaya nga nang sinabi ko, hindi naman gano’n kadaling mawala iyon,” ulit ko rito.   Niyakap naman niya ako nang mahigpit.   “Oh, bakit?” takang tanong ko naman sa kanya.   Hindi ko kasi alam kung bakit niya ako niyakap.   “Wala lang. I just want you to feel na nandito lang ako sa tabi mo palagi. Na hindi kita iiwan kasi best friends tayo, ‘di ba?” sabi niya sa akin.   “Ang sweet mo naman,” I said.   “Syempre naman… Pero it doesn’t mean na hindi na kita aasarin ah?” sabi niya dahilan para mapasapo ako sa noo ko.   “Akala ko ligtas na ako,” I said.   Tumawa naman siya.   “Sira! Syempre joke lang iyon,” she said.   Naupo naman kami nang maayos sa upuan na sementado.   “Bajabz, pasensya ka na kung hindi ko man sa iyo nasabi,” wika ko rito.   “Hah? Eh bakit naman? Wala namang masama. Alam ko naman na may nararamdaman ka pa rin para sa kanya, pero hindi ko lang iniisip masyado kasi nga alam ko naman na ang laki ng kasalanan sa iyo ni Mikko,” sambit niya.   Totoo naman kasi. Malaki talaga ang kasalanan sa akin ni Mikko.   Okay lang sana kung sabihin niya na hindi na siya masaya sa akin or sa relationship namin, okay na iyon ang dahilan niya eh kasi valid naman at matatanggap ko pa.   Pero ang sabihin niyang hindi naman talaga niya ako mahal at na niligawan niya lang ako para pagselosin ang totoong babaeng gusto niya, eh talaga namang napakasakit na katotohanan sa akin.   Kasi nagmukha akong tanga.   Pinaasa niya ako na gusto niya ako, na mahal niya ako tapos kasinungalingan lang pala ang lahat ng iyon.   Masakit iyon sa akin dahil akala ko lahat nang pinakita niya ay totoo, iyon pala ay pagpapanggap lang.   “Jabz, okay ka lang ba?” tanong niya sa akin.   Hindi ko kasi namalayan na umiiyak na pala ako.   “Hah? Ah, o-oo. Okay lang ako,” saad ko rito pagkatapos ay pinunasan ang luha na nasa pisngi ko.   “Nathan…” tawag naman sa akin ni Salty dahilan para mapatingin ako sa kanya.   “Sorry… Na-miss ko lang sigurong umiyak,” I said habang napupuno na naman ng mga luha ang mata ko.   “Jabz, naman…” sabi ni Salty. “Halika nga!”   At muli ay niyakap na naman niya ako.   “Tahan na…” pag-alo niya sa akin. “Akala ko ba naka-move on ka na sa kanya?” tanong niya.   Umiling naman ako nang marahan sa sinabi niya.   “Akala ko rin, Salty… Pero nagkamali na naman ako. Hindi pa pala, kasi hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako sa ginawa niya sa akin,” sabi ko rito.   “Shh… Tahan na.”   Bakit kasi gano’n?   Bakit kapag nagmahal tayo ng isang tao, bakit may tendency pa rin na masaktan tayo?   Ano ba ang mali?   Hiningi ko ba sa kanya na ligawan niya ako?   Hiningi ko ba sa kanya na gustuhin niya ako?   Hiniling ko ba sa kanya na saktan niya ako?   Kasi hanggang ngayon hindi ko alam kung bakit kailangan niya akong saktan nang ganito.   “Ako na ang humihingi ng tawad sa lahat nang nagawa sa iyo ni Mikko…” sabi ni Salty.   Alam ko namang kaibigan niya rin si Mikko, pero hindi pa rin kasi matatanggal ang sakit sa akin lalo pa at nararamdaman ko pa ring mahal ko pa siya.   Na nandito pa siya.   Kailan kaya mawawala ito?   Kailan kaya ako totally makaka-move on sa kanya?   Kailan kaya darating ang araw na kahit makita ko siya ay okay na ako?   Kailan?   Sana malapit na kasi ang sakit-sakit pa rin hanggang ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD