“Hey, Nat…” tawag ko sa kanya. Hindi pa rin niya ako pinapansin. Ang dami na niyang sinuotan na mga bilihan ng kung ano-ano pero wala pa rin. Hindi pa rin niya ako pinapansin. Kabadtrip na ah?! sabi ko sa isip ko. “Okay fine,” sabi ko habang patuloy pa rin siya sa paglalakad. Ugh! Bakit ba kasi nagtitiis akong sumama sa babaeng ito? Hay nako! Kung hindi lang kasi ako nagsuka noon sa party ni Mikko, malamang wala ako sa sitwasyon nag anito ngayon. Nakakainis! “I’ll follow you. I’m sorry…” Napipilitan kong sabi sa kanya. Paano ba naman kasi iniiwan ba naman ako?! Eh ano namang malay ko sa mga ganitong lugar hindi ba? Hindi naman ako nagpupunta sa mga ganito. Never in my life na nakapasyal ako sa ganito kadiri na lugar! Ugh! Munti

