NATHAN’S POV Kanina pa nakauwi ang Mr. Nathaniel Eduardo na iyon at nakapasok na rin ako kanina pa sa boarding house ko. Hindi ko alam kung bakit nagawa kong magpahatid sa kanya samantalang kumukulo ang dugo ko kapag nakikita ko siya. Ewan ko ba. Naaalala ko kasi iyong nangyari noon sa party ni Mikko eh. Hindi ko man lang nasulit dahil nga ganoon naman ang ginawa niya sa akin. Sinukahan niya ako. Imbes na maganda at maayos sana ang magiging gabi ko dahil nakita ko si Mikko, wala na, dahil sinara niya. Hindi ba nakakainis?! Hay! Ewan ko ba. Pero hindi ko rin naman siya masisisi kasi nga may pinagdadaanan din pala siya. May nanay nga siya, pero wala naman palang oras sa kanila, sa kanya. Well, hindi naman iyon ang magiging dahilan para buma

