NATE’S POV Nag-restroom ako dahil ihing-ihi na talaga ako. Pero hindi ko ine-expect ang makikita ko paglabas ko galing ng restroom. Si Mikko! sambit ko nang mamukhaan ko kung sino ang nakita ko. Napahinto ako sa paglakad dahil nakita kong kausap ni Nat si Mikko. Medyo matagal din silang nag-usap at nakita ko rin si Jesh kasama ang mga kabarkada niya. Baka may pupuntahan sila. Pero hindi ‘yon ang pinansin ko kundi ‘yung pag-uusap ng dalawa dahil nang paalis na sila ay biglang bumalik si Mikko at may sinabi pa kay Nathan. Dahil hindi ko naman alam kung ano ‘yung sinabi na ‘yon ni Mikko ay lumapit na lang ako sa kinaroroonan ni Nat. “Nathan!” tawag ko sa kanya na kinalingon niya na sa akin. “Oh, kanina ka pa ba?” tanong niya sa akin. Umiling naman ako

