19 (Hindi Inaasahan na Pagkikita)

2306 Words

NATHAN’S POV   Nagpunta nga muna ng banyo si Nate habang ako naman ay naiwan lang dito mag-isa sa may tapat ng mini tiangge.   Alam ko naman kasing sasabog na ang pantog niya kanina pa dahil nga sa kanina pa kami naglilibot sa buong tianggehan.   “Mamaya pa iyon,” sabi ko nang tumayo ako sa pagkakaupo. “Makapaglibot nga muna.”   Naglibot-libot na nga muna ako habang naghihintay kay Nate nang biglang…   “Nathan… Nathan…” tawag ng pamilyar na boses sa akin kaya naman napaharap ako rito.   “Mikko?” sabi ko nang lumapit siya sa kinaroroonan ko. “Mikko…” sambit ko na nang mapagtanto kong si Mikko nga ang nakikita ko.   “Hi, Nathan…” bati niya sa akin nang tuluyan na siyang makalapit sa akin.   “Hi, Mikko…” mahina kong sambit din sa pangalan niya.   “How are you?” tanong niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD