NATE’S POV Niyaya ko nga si Nathan na mag-Star city at pumayag naman siya kahit na alam kong busy siya. Alam ko naman kasing okay naman sa kanya na lumabas din at mag-unwind kahit papaano. Ang saya naming dalawa grabe! Hindi matatawaran ang saya namin dahil lahat ng rides ay sinakyan naming dalawa. Sinulit talaga namin ang bayad namin dahil alam naming matatagalan na naman bago kami ulit makalabas at makapasyal dito. Siguro passed 3 am ko na rin siyang naihatid sa kanila since gabi kami nagpunta roon. “Nat, sorry ah? Inumaga na tayo.” sabi ko. Humingi ako ng dispensa sa kanya. Alam ko naman kasi kung gaano rin niya kagustong magpahinga pero kinuha ko pa ang oras niya na iyon para lang samahan ako na mag-unwind. “Okay lang ‘yon ‘no. Masaya naman eh,” she

