Chapter Four

3588 Words
MARAHAN na hinaplos ni Juvilyn ang sintido na kanina pa kumikirot. Umpisa palang ay masakit na sa ulo ang mga ginagawa ni Rye. Kaninang madaling araw lang sila nito nagkita at halos mahimatay na siya sa nerbyos at takot sa ginawa nito. Idagdag pa ang pagkakaflat ng gulong ng sasakyan niya at pagkakalat nito ng edited na larawan niya. Mukhang hindi nga talaga nagbibiro ang binata ng sabihin nito na gagawin nito ang lahat para lang makapaghiganti. Maya-maya ay tumayo si Juviyn para lumabas ng opisina. She needed to talk to Aivie. Baka alam nito kung saan at kung paano niya makakausap o macocontact si Rye. Pagkatapos kasi ng kalokohang ginawa ni Juvilyn noon sa binata ay parang walang anumang nangyari kinabukasan. Noong gabing iyon ay naapula naman agad ang building na nasusunog at hindi na masyadong lumaki ang apoy. Kaya nakakasiguro silang safe naman si Rye sa rooftop ng mga panahong iyon. Hindi na rin siya pinagalitan ni Aivie noon. Siguro inisip marahil nito na kung pag-uusapan pa nila ay mas lalaki pa ang chance na may makaalam sa ginawa nilang kalokohan. Ilang araw din na hindi pumasok noon si Rye. Medyo worried nga siya noong mga time na iyon dahil baka may masamang nangyari dito. Nakahinga lang si Juvilyn ng maluwang ng makapasok na ito sa mga klase nila. Hanggang sa hindi na din sumagi sa isipan niya ang kalokohan niyang iyon. Ngunit kapag naaalala niya na pinaniwalaan niya ang sinabing ritwal ni Luna sa kanya noon ay napapailing nalang siya. Tama talaga si Aivie. Wala sa ritwal o hula ang ikagaganda ng buhay mo. Nasa sayo iyon kung nanaisin mong umangat sa kinalalagyan mo. Ang maganda lang sa kanilang dalawa ay talaga namang nagsumikap sila para maitayo ang business nila. Pero syempre, hindi pa din nila dapat kalimutan na malaki talaga ang naitulong ni Benedicto para matupad ang pangarap nilang dalawa. Hindi pinansin ni Juvilyn ang pagpigil ng assistant ni Aivie at tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng oipisina nito. “Aivie, We need to talk-” Kusang natigilan si Juvilyn ng mapansin na may iba pa palang tao sa loob. At mukhang base sa nararamdaman niyang atmosphere sa paligid at sa ekspresyon ng mukha ng kaibigan ay malamang na may pinagtatalunan ang mga ito. Nang matuon ang atensyon niya sa lalaking kausap ng kaibigan niya ay awtomatikong napataas ang kilay niya. Hindi man sa pagiging overacting ngunit hindi lang yata papasa sa category na ‘gwapo’ ang isang iton. Talaga namang ang gwapo-gwapo nito. Idagdag pa ang kisig ng pangangatawan na halatang batak sa ehersisyo. Pagkatapos niyang pasadahan ng tingin ang lalaki ay muli niyang binalingan ang kaibigan niya na ngayon ay nakabusangot ang mukha. “Sorry. Hindi ko alam na may lover’s quarrel palang dito.” Sasagot pa sana si Aivie ng bigla nalang tumayo ang kausap nitong lalaki. “It’s okey. Tapos na rin naman kaming mag-usap. See you soon.” ani nito at tuloy-tuloy ng lumabas ng opisina. Sinundan ni Juvilyn ang bawat pagkilos ng lalaki. nang tuluyang mawala ito sa pangingin niya ay agad siyang lumapit sa kaibigan. “Hunk.” ani niya na ngising-ngisi. “Handsome and almost perfect. Boylet mo?” “Shut up, Juvilyn. I have no time for your non-sense questions.” Imbes na maasar ay tinaasan lang ni Juviyn ng kilay ang kaibigan. Sa loob ng maraming taon na magkasama silang dalawa ay sanay na sanay na siya sa ugali nito kaya wala na iyong problema sa kanya. Saka nalang niya siguro ito uusisain at tatanungin kung sino at ano ba dito ang lalaking naabutan lang niya kani-kanina lang. Mas importante sa kanya na masolusyunan niya sa lalong madaling panahon ang problema niya kay Rye. “I need your help, Aivie. May problema ako.” seryosong sabi niya dito. Narinig niya muna ang malalim nitong buntong-hininga bago ito mag-react sa sinabi niya. “Okey, okey. We’ll talk. Ano na naman ang problema mo? Work related?” Bago niya sagutin ang tanong nito ay padabog na inilapag niya ang larawan niya na pinamimigay ng inutusan ni Rye kanina lang sa tapat ng condo niya. “Look at this. Look!” buong gigil na sabi niya habang tinuturo ang larawan. “Pahiyang-pahiya ako ng dahil dito, Aivie.” Napailing nalang si Aivie habang pinagmamasdan ang edited niyang larawan. “Sino naman ang gagawa sayo nyan? Ikaw pa? Eh lahat yata kinakaibigan mo kahit na insekto.” “Si Rye Emman Villaluz!” “Ano?” gulat na sabi ni Aivie sa kanya. “Bakit naman gagawin sayo yan ni Rye? Imposibleng dahil lang yan sa ginawa mong kalokohan dati sa kanya. At saka isa pa, kung gusto niyang gumanti dapat noon pa.” “Hindi lang yan ang ginawa niya sakin. Nagpanggap pa siyang kidnapper kagabi at kinaladkad ako. Sinira pa niya ang gulong ng sasakyan ko!” Sa sinabi ni Juvilyn ay sumeryoso ang mukha nito. “Juvi, kahit na matagal na kaming hindi nagkikita ni Rye. Kilala ko siya. Hindi niya magagawa ang mga bagay na sinasabi mo. Lalo na sa babae.” Pumalatak siya. “He already did, Aivie! Ginawa niya sakin ang mga bagay na sinasabi mong imposible niyang gawin. Sinabi din niya sakin na nag-uumpisa pa lang daw siya. Could you imagine that?” humugot muna siya ng ilang hininga bago pinagpatuloy ang sasabihin niya. “Kaya nga kailangan kong makausap ang lalaking iyon at masettle na ito once and for all. And that’s the reason why I’m here. Give me his address.” Ilang saglit lang siyang tinitigan ni Aivie. “Juvilyn, I know you well. Alam kong hindi magkakaganyan si Rye kung wala kang masamang ginawa sa kanya.” Sa sinabi nito ay natahimik si Juvilyn. Hindi niya kasi nasabi dito ang ginawa niya kay Crystal at ang request sa kanya ni Tito Ben. Alam niya kasing pipigilan at pipilan siya nito kaya minabuti na lamang niyang hindi na sabihin sa kaibigan. Napapansin niyang kahit na laging nag-uusap si Aivie at si Ben ay ramdam niyang malamig ang pakikitungo ni Aivie sa huli. Kaya ng mga oras na iyon kahit na ayaw niyang sabihin sa kaibigan ang ginawa niya ay wala siyang choice. Kaya habang dine-detalye ni Juvilyn ang nagawang kasalanan ay napapailing na lamang ito. Ngunit marahil ay alam nitong wala na din magagawa kung pagagalitan at pagsasabihan pa siya kaya naman ibinigay na rin ni Aivie ang request niya. “Here.” ani nito sabay lapag ng isang calling card sa harapan niya. “Iyan lang ang alam kong paraan para makatulong ako sayo. And please, pag-isipan mo munang maigi ang mga gagawin mo from now on. Lalo na at may kinalaman iyon kay Benedicto.” seryosong sabi sa kanya ng kaibigan niya. Alam ni Juvilyn may gusto itong iparating kaya sinabi nito ang bagay na iyon ngunit pinili nalang niyang baliwalain. Mas importante kasi sa mga oras na iyon ay ang ma-settle na niya once and for all ang problemang kinahaharap niya. WALA nang inaksayang oras si Juvilyn at agad na pinuntahan ang address na nakalagay sa ibinigay ni Aivie. Naisip niyang mas maganda siguro kung personal talaga silang mag-uusap ni Rye kaysa sa tawagan niya ito sa telepono. Kaya naman nandito siya ngayon sa opisina ng binata at matyagang naghihintay. Nalaman din ni Juvilyn ng araw na iyon na isa pala itong stage actor at may ari ng isang agency. Hindi lang pala mukha at pangangatawan ang nagbago kay Rye. Kundi pati na rin ang estado nito sa buhay. Walang dudang paniwalang-paniwala siya na magagawa siya nitong patayin dahil isa pala itong actor. Last year ng magkaroon sila ng reunion ng block nila ay hindi ito umattend kaya naman nagulat siya sa narating na nito. Ang dating mukhang uhugin at nerd na kaklase niya ay nag-evolve ng husto sa pagiging gwapo at hunk. Kahit naman kasi hindi maganda ang nagawa nito sa kanya ay hindi pa din nakaligtas sa kanya ang kakisigan nito. Nagtataka si Juvilyn kung bakit itinago pa ni Crystal ang naging relasyon nito dati kay Rye. Kung siya ang naging girlfriend ng ganoong kagwapo ay baka ipangalandakan pa niya iyon sa buong mundo. Oo nga’t kasalanan niya na ginamit niya ang hula para lokohin si Crystal ngunit kung mahal mo talaga ang isang tao ay hindi mo basta-basta iiwan lang ito dahil lang sa hinulaan ka. Kaya noong nalaman ni Juvilyn nakipaghiwalay na ito ay doon niya napatunayan na hindi pala ganoong katindi ang pagmamahal nito kay Rye. Ang problema nga lang ay hindi pa iyon masyadong nare-realize ng binata kaya galit nag alit ito sa kanya. Muli niyang sinulyapan ang wristwatch niya. Halos kalahating oras na din kasi siyang naghihintay pero wala paring Rye ang lumalabas. Ang sabi ng secretary nito ay maghintay lang daw siya. Noong una ay bearable pa para sa kanya ang maghintay ng fifteen minutes. Pero sumosobra na yata ang kalahating oras! Cancelled ang importante niyang appointment sa client niya dahil gusto niyang matapos na ang gusot sa pagitan nilang dalawa. At nang halos mag-iisang oras ng nakatunganga doon ay feeling niya sasabog na talaga si Juvilyn sa sobrang inis kaya naman dumiretso nalang basta sa opisina ni Rye na agad naman siyang nilapitan ng secretary nito na halatang ilang at takot na sa kanya. Marahil ay mukha na siguro siyang nangangain ng tao ng mga sandaling iyon. Lalong nanggigil si Juvilyn ng macheck na wala naman palang tao sa loob niyon. Mukhang pinaglalaruan talaga siya ng Rye na iyon! “S-sorry po, Ma’am. Iyon po kasi ang bili sakin ni Sir. G-ginagawa ko lang po ang trabaho ko.” Hindi na nag-aksaya ng oras si Juvilyn para kausapin pa ang secretary ni Rye. Walang lingon-likod na tumalilis na siya sa opisina ng binata. Nanggagalaiti pa din siya hanggang sa makarating na siya sa parking lot. Mukhang nalaman agad nito ang balak niya. Sa inis ay sinipa-sipa niya ang gulong ng sasakyan niya. “Bwisit ka talagang Rye Emman ka!” gigil na sabi niya na patuloy pa din sa pagtadyak at doon niya nalang inilipat ang sandamakmak na inis niya sa binata. Habang sinisipa ni Juvilyn iyon ay iniimagined din mukha iyon ni Rye kaya naman feel na feel talaga niya ang ginagawa niya. Ano nalang kaya kung totoong si Rye nga iyon? Malamang sa malamang ay bugbog sarado ito sa kanya. Dahil sa tanang-buhay niya, ngayon lang niya naramdaman ang ganoong klaseng katinding pagkainis sa isang tao. Kaya nga as much as possible ay gustong-gusto na niyang makaharap at makausap ang binata para matapos na din ang lahat. Nang medyo humupa na ang bugso ng damdamin niya ay nag-decide siyang umuwi nalang sa condo niya. Tutal, cancelled na naman ang appointment niya mas mabuti nalang siguro kung uuwi nalang siya at magpapahinga. She needed to relax dahil sobrang stress na agad ang ibinigay sa kanya ni Rye wala pang isang araw ang lumilipas. Wala pang thirty minutes ay nasa harapan na siya ng unit niya. Iniisip pa lang niya ang hitsura ng kama niya ay inaantok na siya. Biglang sumagi sa isip niya ang HFTLO kung saan ay nanirahan din siya ng matagal-tagal. Dahil wala na siyang kamag-anak na maituturing talaga ay parang naging pamilya din niya ang mga nakasama niya doon. Lalo na ang mga caretaker na nangangalaga sa mga bata. Kahit naman kasi busy na siya sa pag-aasikaso ng kumpanya nila ni Aivie ay hindi pa din niya nakakalimutan na dumalaw sa Camba. She always make sure na nagkakaroon siya ng oras para doon. Tinuturuan din ni Juvilyn sa pag-aaral ang mga bata na nasa pangangalaga doon. Gusto din ni Juvilyn na pasiyahin kahit papaano ang mga bata na nandodoon. Alam niya kung ano ang pakiramdam na sa murang edad pa lang ay naulila na sa mga magulang. Alam din niya kung gaano kahirap iyon kaya naman ginagawa niya ang makakaya niya para man lang mapagaan ang nararamdaman ng mga ito. She was happy and contented lalo na kapag nakikita na tumatawa ang mga bata doon. Nag-promise si Juvilyn sa sarili niya na gagawin ang lahat para makatulong sa mga ito na maabot ang mga pangarap at gustong marating ng mga ito sa buhay. Papasok na sana si Juvilyn sa unit makaramdam na may biglang humila sa kanya. Kasunod ng mga tili niya ay ang paglapat ng likod niya sa pader. “Did you miss me, darling?” Nanlalaking-matang tinitigan ni Juvilyn a ang nakangising mukha ni Rye na ngayon ay mahigpit na hawak hatak nito ang braso niya. Nang makabawi ay pili siyang kumakawala sa pagkakahawak ng binata ngunit mas malakas ito sa kanya. “Pwede ba? Bitiwan mo ko!” asik niya dito. Ngunit imbis na sundin ang sinabi niya ay humalakhak lang ito. Maya-maya ay hinaplos nito ang pisngi niya. “I take that as a yes, Juvilyn. Kaya pala pinuntahan mo ako sa office ko. Ilang oras pa lang tayong hindi nagkikita. Sobra naman yata ang pagkamiss mo sakin.” Sa sinabi nito ay ubod na lakas niyang binawi ang braso niya at sa pagkakataong iyon ay hindi naman siya nabigo. Gustong-gusto na talaga ni Juivlyn na pagpapaluin ang lalaking ito ngunit ewan ba kung bakit hindi naman niya magawa. Kung kanina ay nagagawa niyang i-imagined habang sinisipa ang gulong ng sasakyan niya. Ngayon naman ay pakiramdam niya ay para bang natataranta siya. Sino ba naman kasi ang hindi matataranta kung napakalapit ng katawan nila sa isa’t-isa? At isa pa, bakit parang mas hunk ang Rye na ito ng mga oras na iyon? Kaya naman kahit na ayaw niya ay nakakaramdam siya ng paghanga dito. Ibang-iba na talaga ang physical appearance nito kaysa dati. Lumunok muna si Juvilyn ng ilang ulit bago hinagilap ang sarili. Ngayon kaharap na niya ang tao na kanina pa niya hinahanap ay iyon na ang pagkakataon niya para makausap ito ng seryosohan. “Rye, we need to talk. Hindi pwedeng lagi nalang ganito ang ginagawa mo sakin. Ang akala mo hindi ko alam na planado mo ang nangyari sakin ngayon araw?” ani niya na pilit niyang pinatatag ang timbre ng boses niya. Pagak na natawa ang binata sa sinabi niya. “Why? Scared already, darling? Hindi ba’t sinabi ko naman sayong nag-uumpisa pa lang ako?” “Look, Rye. Kaya kita pinuntahan sa opisina mo para makapag-usap tayo. We should settle this once and for all.” humugot siyang muli ng hinigan bago ipinagpatuloy ang paglilintanya niya. “Okey, inaamin kong mali talaga ang ginawa kong pagmamanipulate at panloloko kay Crystal-” “Sa tingin mo ba magbabago pa ang lahat kahit na aminin mo pa ang totoo?” ani ni Rye sa kanya. “Kung iniisip mong magkakabalikan kayo ni Crystal kapag inamin ko ang kasalanan ko sa kanya, obviously not. Oo, malaki ang posibilidad na magalit siya sa akin dahil sa ginawa ko. Pero ikaw ba naisip mo na bang malaki ang posibilidad na hindi ka naman mahal ni Crystal?” buong tapang na sabi niya dito. “She loved me. Siniraan mo lang ako sa kanya.” inis na sabi ni Rye. “Siguro mahal ka nga niya pero yung pagmamahal na yun hindi sapat para ipaglaban ka niya. Matalino kang tao, Rye. Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin. Oo, siniraan nga kita sa kanya. Pinasabi ko lang naman sa manghuhula na hindi ikaw ang karapat-dapat na lalaki for her. Na maghihirap ang buong pamilya niya once na ikaw ang pinakasalan niya. Na malalaos siya sa showbiz. Then, sa isang iglap nakipaghiwalay siya sayo dahil lang sa hula na yan.” “Sa tingin mo ba, pagmamahal ang tawag dyan? Hindi ka niya mahal, Rye. Hindi ka niya totoong mahal. Dahil sa simula palang binitiwan ka na niya agad at iniwan sa ere. Kaya sana maintindihan mo ang bagay na iyon. Hindi ko na iyon kasalanan kaya kung pwede lang tigilan mo na ako. Kasi na-pe-peste na ko sa mga kalokohang pinaggagagawa mo sakin.” taas noong sabi niya sa binata. Feeling ni Juviyn ay biglang gumaan ang pakiramdam ng mga oras na iyon pagkatapos sabihin ang side niya. Nang hindi pa din ito kumibo ay humirit siya ulit. “At kahit pagbalig-baligtarin mo pa ang sitwasyon, pa-side view man yan o front view. Iisa lang naman ang result niyan. Hindi sapat ang love niya for you para ipaglaban ka. Mas mahal niya ang kayamanan at kasikatan niya.” “Stop it.”ani nito sa kanya. Napansin din niyang nagkakuyom na ang kamao nito. “Stop it? Bakit mo ko pinapatigil? Dahil hindi mo matanggap ang katotohanan, Rye? Wake up! Move on! May asawa na siya. Masaya na siya sa piling ng iba. Tapos ikaw nakatengga ka lang sa isang tabi at naghahanap ng masisisi dahil hindi ka pala minahal ng babaeng mahal mo?” umiiling-iling siya. “How pathetic.” “I said stop it!” Napatili si Juvilyn ng bigla nalang nitong hinawakan ang magkabilang braso niya. Parang gusto na ni Juvilyn na tumakbo ng mga oras na iyon habang pinagmamasdan si Rye na para bang kakainin na siya anumang oras. Halatang apektadong-apektado ito sa mga sinabi niya. “I-I’m just telling the truth.” She can see anger and pain in his eyes. “I love Crystal.” wika ni Rye na para bang nakalutang ito. “Pero mas galit ako sa ginawa mo, Juvilyn. You need to prepare yourself. Dahil hindi ako papayag na hindi ako maganti sayo.” Hindi man gusto ni Juvilyn ngunit parang kumirot ang dibdib sa sinabi nito. Pero saglit lang iyon dahil pagkatapos bigkasin ang mga salita iyon ay biglang nanlaki ang mga mata niya ng halikan siya ni Rye. Impit siyang napaungol ng maramdaman niya ang marahas na pamamaraan ng paghalik nito. Na para bang sa pamamagitan niyon ay mapaparamdam nito sa kanya kung gaano ito kagalit. Kaya tanging malakas na pag-ungol lang ang nagagawa niya. Ngunit marahas at mapagparusa man ang halik na iyon ay hindi din niya mapagkakailang samu’t-saring sensasyon ang biglang naglitawan sa kanya. Hindi niya ma-explain dahil sa tanang buhay niya ay first time niya iyong naramdaman. Na para bang ang epekto ng halik na iyon ay nakaka-high. She never tried using drugs pero parang maikukumpara niya iyon sa halik ni Rye. Kaya ng tumagal din ay hinayaan nalang niya ang binata sa ginagawa nitong paghalik at hindi na niya tinangkang lumaban pa. Halos mapugto ang hininga niya ngunit hindi pa din nito pinapakawalan ang mga labi niya. “What the hell! Anong ibig sabihin nito Juvilyn?” Nagulatang si Juvilyn ng may narinig na tinig. Naging hudyat din iyon para pakawalan siya ni Rye mula sa mapagparusang halik nito. Nanlaki ang mga mata niya ng malingunan niya ang galit na si Vinz na ngayon ay nakatayo na sa harapan nila. “V-Vinz! What are you doing here?” kabadong tanong niya sa lalaki. “Ako ang dapat magtanong niyan sayo. Anong kalandian ang tawag mo sa ginawa mo ngayon?” “N-no, Vinz. Kung ano man ang naabutan mo, may explanation-” “f**k!” naputol ang kung ano man ang sasabihin niya ng bigla nalang itong nagmura ng malakas na ikinapitlag niya ng husto. “Akala ko pa naman kung sino kang mahinhin. Yun pala may tinatago ka ding landi!” “Hindi totoo yan! Kaya kong ipaliwanag ang totoong nangyari.” Ngunit hindi na siya pinakinggan ni Vinz at tuloy-tuloy na itong umalis sa harapan nila. Siya naman ay natutulala. Hindi niya akalain na maaabutan siya sa ganoong sitwasyon ni Vinz. At malamang sa malamang ay mukhang hindi na rin niya ito makikita at mauudlot ang lovestory nilang dalawa. Bumalik lang siya sa reyalidad ng marinig niya ang malakas ng pagtawa ni Rye na nasa tabi niya. “Do you like my surprise, darling? Ako, I liked it a lot.” Sa sinabi nito ay doon na nagpantig ang tenga niya. “You did this on purpose.” ani niya na parang siguradong-sigurado na siya. Sa sobrang galit niya ay hindi niya napigilan ang sarili niya at dinuro-duro si Rye na ngayon ay ngising-ngisi sa kanya ng mga oras na iyon. Nagkibit-balikat ito. “Yes, darling. I set this para mas maging memorable ang eksenang ito. Surprise!” Pagkasabing-pagkasabi niyon ni Rye ay ubod ng lakas niyang sinampal ito. “Ang sama ng ugali mo, Rye! Hindi ka tao!” ani niya na may panginginig na tinig. “I hate you.” buong diin na sabi niya sa binata. Bago ito nagsalita ay hinawakan muna nito ang namumulang pisngi. Sigurado siyang nasaktan ito sa ginawa niya dahil halos mamanhid ang kamay niya sa lakas ng impact ng pagkakasampal niya dito. “The feeling is mutual, Juvi. Ngayon alam mo na din ang pakiramdam ng mawala sayo ang taong mahal mo dahil sa kasakiman ng ibang tao. Gusto kong maramdaman mo ang naramdaman ko ng iwanan ako ni Crystal. Gusto kong maramdaman mo ang hirap na maiwanan ka.” Saglit na napatigil ang binata ng mapansin nitong unti-unti ng namamasa ang mga mata niya sa luha. Sa totoo lang ay hindi na niya kaya ang sari-saring nararamdaman niya ng mga oras na iyon. “At hindi pa tayo tapos. May kasunod pa ito.” pagkatapos sabihin ang mga katagang iyon ay umalis na din ito sa kaharapan niya. Nang hindi na niya nakayanan ang pangiginig ng tuhod niya ay kusa nalang iyong bumigay at napaupo siya sa sahig. Hindi niya akalain na darating sa buhay niya ang ganoong bagay. Siguro nga ito yung karma niya sa ginawa niya kay Crystal at Rye.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD