Nang mga oras na iyon ay nasa library si Juvilyn kasama si Aivie. Dito kasi ang tambayan nilang dalawa ng kaibigan niya kapag free time nila at naghihintay ng susunod na klase. Isa pa ay kailangan talaga nilang mag-aral ng maigi dahil full scholarship ang hawak nila at hindi pwedeng bumaba ang grado. Gaya ng pangako sa kanila ni Mayor Ben ay sinuportahan at pinag-aral sila nito sa isang kilalang unibersidad sa Maynila.
At ngayon nga ay nasa huling taon na silang dalawa ni Aivie. Ilang buwan nalang ay aakyat na sila ng stage. Konting panahon nalang at magiging bachelor holder na siya na pangarap nilang dalawa ng Tatang Ruping niya. Tuwing naaalala niya ang matanda ay hindi niya maiwasan na manghinayang at malungkot. Mas sasaya pa sana siya kung nabubuhay lamang ito. Siguro ay tuwang-tuwa ito sa nangyayari sa kanya. Ang maka-graduate kasi ng kolehiya ang tanging pangarap ng Tatang niya. Nakakalungkot nga lang at hindi na nito makikita ang pag-akyat niya ng stage.
Dahil super close silang dalawa ni Aivie ay malaki ang naging impluwensya nito sa kinuha niyang course. Pareho nilang kinuha ang Business Management Major in Marketing. Para daw hindi na sila mahirapan sa pagma-manage kapag naitayo na nila ang negosyo nila. Isa sa mga nagustuhan niya sa kaibigan ay para bang lagi itong pursigido sa mga gusto nito sa buhay. Tulad nalang ng palagi itong dean’s lister sa college nila. Siya naman ay kahit dalawang beses lang napasok sa pagiging dean’s lister ay hindi rin naman siya nagpapahuli sa mga grado. Sinisikap niyang i-maintain ang matataas na grado niya. Isa pa ay ayaw din naman niyang mapahiya sa benefactor nila.
Tuwing sem break kasi ay umuuwi si Juvilyn sa HFTLO para tumutulong sa mga gawain doon. Isa pa ay gusto niya laging kakwentuhan ang Mayor nila na halos naging amain na din ang turing niya pagkatapos mamatay ng Tatang niya. Para sa kanya ay parang hulog ng langit sa kanya ang Tito Ben niya. Kaya naman malaki talaga ang respeto niya dito bukod sa isa itong mahusay na alkalde ng bayan nila. Sinabi din ni Juvilyn dito na balak niyang maglingkod sa opisina nito kapag nakapagtapos siya ngunit tinanggihan nito. Masyado daw siyang matalino at madiskarte kaya naman mas mabuti daw na sa Manila nalang siya mag-trabaho para mas mahasa daw ang kakayahan niya na lalo naman siyang humanga dito.
Nang ma-bored si Juvilyn sa binabasa ay muli niyang binalingan si Aivie na seryosong nagbabasa ng textbook nito. Sinutsutan niya ang kaibigan.
“Aivie.” mahinang tawag niya dito na sinuguro niyang ito lang ang makakarinig.
Masyado kasing istrikto at masungit ang librarian ng University nila. Pinapalabas agad nito ang mga estudyanteng maingay.
Umungol lang ang kaibigan ngunit hindi siya nito tinignan at nakatuon lang ang buong atensyon sa libro. Ngunit kahit na wala sa kanya ang atensyon nito ay itinuloy pa din niya ang pagsasalita.
“Tanda mo pa ba ang hula sa atin ni Luna?”
Noong nakaraang sem break kasi nila ay napilit niyang umuwi si Aivie sa HFTO. Noong panahon din iyon ay nakilala niya si Luna na nagpakilala itong manghuhula. Ngunit dahil may pagka-kill joy ang kaibigan niya at pagka-loner sa buhay ay hindi ito pumayag na mahulaan ni Luna. Katwiran daw nito ay sila daw ang gumagawa ng kapalaran nila at hindi dapat umasa sa hula. Dahil alam niyang hindi rin niya mapipilit ang kaibigan kahit na mag-cramping siya sa harapan nito ay hinayaan na lamang niya ito.
Tandang-tanda pa ni Juvilyn ang bawat kataga na binanggit ni Luna. Una nitong sinabi ang bagay na dapat magbibigay swerte sa kanya. Ang bagay daw na iyon ay isang wedding cord. Dapat daw ay may ganoong siyang bagay sa loob ng bahay na tinitirhan niya. Simbolo daw iyon ng swerte na itinatali niya sa kanya. At syempre pa, sinabi din nito na gagabayan daw siya ng wedding cord para matagpuan niya ang tunay niyang pag-ibig. Kaya nga ng malaman iyon ni Juvilyn ay agad-agad na naghanap ng wedding cord na pinagkatago-tago niya sa damitan niya. Pero sa dami ng sinabing hula ni Luna ay may isang misteryosong bagay itong binanggit.
Para magkatotoo at masiguro na magtatagumpay silang dalawa ni Aivie sa negosyo na balang-araw na papasukin nila ay dapat daw silang magsagawa ng isang ritwal. Noong unang pagkakataon na marinig niya ang bagay na iyon ay ayaw niyang paniwalaan. Ngunit habang tumatagal ay hindi pa din niya iyon makalimutan na para bang lagi siyang dinadalaw-dalaw sa isipan niya.
“Hindi.” maikling sagot nito sa kanya.
“Liar.” mahina ngunit mariing sabi niya dito. “Alam kong natatandaan mo ang hula ni Luna. Bakit kaya hindi natin subakan ang payo niya? Wala naman mawawala kung susundin natin.”
Sa pagkakataong iyon ay nakuha na ni Juvilyn ang buong atensyon ng kaibigan. Mula sa binabasang libro ay nakataas ang kilay na tinignan siya nito.
“Mukhang nalilipasan ka na naman ng gutom, Juvilyn. Mabuti pa pumunta ka ng canteen at kumain.”
Umiling-iling siya dito. “Busog ako. Saka wala naman masama kung i-ta-try natin yung ritwal na sinasabi ni Luna ah? Para din naman iyon sa ikabubuti natin. Para siguradong matupad ang itatayo nating negosyo.”
Sa sinabi niya ay lalo siya nitong kinunutan ng noo. “Gawin man natin o hindi ang sinasabi niyang ritwal, magkakatotoo ang negosyo natin.”
“That’s it! Kaya nga, Aivie. Wala ngang mawawala kung susundin natin ang mga hula niya. At saka isa pa.” sabi niya sabay tingin ng calendar sa notebook niya. “Sa kamakalawa na ang full moon. Dapat magawa na agad natin ang ritwal.” ani niya na parang siguradong-sigurado na siya sa gusto niyang mangyari.
“Ano naman kinalaman ng full moon sa kalokohang iniisip mo? Nandadamay ka pa.”
Muli siyang napailing-iling. “Mas magiging mabisa daw kasi kapag ginawa natin ang ritwal sa kabilugan ng buwan. Mas magiging epektibo daw ang dadasalin at kahilingan natin. Kaya ang mabuti ay planuhin na natin ang lahat.”
Narinig ni Juvilyn ang malakas na buntong-hininga nito ngunit hindi na din nag-react. Alam kasi nitong desidido siyang gawin ang bagay na iyon at hindi siya papapigil man lang. Ang kailangan lang niyang gawin ay hanapin ang mga kakailanganin nila sa ritwal. Kahit na ilang buwan na naman ang nakakaraan mula ng sabihin iyon sa kanya ni Luna ay tumatak pa din sa isipan niya ang bawat kataga at bilin nito.
Ang ibang kailangan ni Juvilyn ay mayroon na at madali ng mag-improvise. Ang full moon naman ay nandyan lang. Ang tanging inaalala niya ay isang bilin pa ni Luna sa kanya kapag isasagawa na nila ang ritwal. Isang birhen na lalaki na iaalay niyra sa buwan. Noong una ay kinilabutan si Juvilyn sa sinabi nito. Ang pagkakaintindi niya sa alay ay iaalay mo ang buhay nito. Ngunit hindi naman daw ganoon karumarim ang ritwal na gagawin nila.
Ang kailangan lang daw niyang gawin ay pumili ng isang birhen na lalaki at itali sa bagay na pampaswerte na nabanggit na nito. At habang nakatali ang lalaki ay dapat ay umuusal siya ng hiling niya. Sa parte niya ay parang mahirap talagang gawin ang bagay na iyon dahil saan lupalop naman siya maghahanap ng lalaki na papayag sa ganoong set-up? Isa pa ay konti lang ang kaibigan niyang lalaki. Kaya nga kapag naiisip niya iyon ay parang nawawalan na siya ng pag-asa na magawa ang gusto niya.
Natigil ang pag-iisip niya ng makarinig siya ng isang mahinang tikhim. Pagkaangat niya ng tingin ay isang lalaki ang bumungad sa kanya na nasa likuran ni Aivie.
“E-excuse me, Aivie. B-baka pwede akong magpatulong sayo?” narinig niyang sabi nito sa kaibigan niya na halatang nauutal sa pagsasalita.
Si Rye Emman Villaluz. Ang pinaka-nerd-looking-s***h-goodboy sa klase nila. Masasabi niyang mas matalino ito kay Aivie dahil ito lagi ang nasa top. Ngunit matagal ng napapansin ni Juvilyn na lagi itong lumalapit sa kaibigan para magpaturo. Noong una ay hindi niya pinapansin ang bagay na iyon dahil marami naman sa mga kaklase niya ang lumalapit kay Aivie. Pero nga mga oras na iyon ay parang kakaiba ang tingin niya sa lalaki. Sabagay, hindi kasi niya ito napagtutuunan ng pansin. Bukod sa hindi naman talaga kapansin-pansin ang hitsura nito. At base sa nakikita niya ay halatang may gusto ito sa kaibigan niya.
Birhen na lalaki! Sigaw ng utak niya habang tinitignan si Rye.
Tama! Solve na ang noon pa man na problema niya para mabuo ang ritwal na gusto niyang isagawa. Dahil sigurado siyang birhen pa ang isang ito. Hindi naman sa nang-iinsulto siya o ano. Sino naman kasi ang sasagot sa lalaking puro libro yata ang alam na kaharap? Makakapal na salamin at pormang pang-lolo yata nito? Hindi naman sa pangmamaliit ngunit masyado kasing badoy ito manumit. Out of the fashion kumabaga. Idagdag pa ang makakapal na salamin nito na tiyak na mahihilo ang kung sino man ang magsusuot.
Habang tinitignan Juvilyn si Rye na abalang nakikinig sa sinasabi ni Aivie ay napapangisi siya. Dahil unti-unti na din nabubuo ang mga plano niya para isakatuparan ang ritwal na gusto niyang gawin.
“ANO ba kasi ang gagawin natin dito?”
Narinig ni Juvilyn ang tanong ni Aivie ngunit hindi ngunit hindi siya sumagot. Nang mga oras kasi na iyon ay nasa rooftop kasi sila ng college building nila.
“Huwag ka nang maraming tanong dyan.” ani niya dito na pinandilatan naman siya nito.
“Kung sakalin kaya kita dyan, Juvilyn? May sinagot ka ba sa tanong ko?” asar ng sabi sa kanya.
Bago niya singot ang kaibigan ay sumilip muna siya sa pinagtataguan nila. Sa kinaroroonan kasi nilang dalawa ay kitang-kita ang kung sino man ang papanik din sa rooftop ng building. Hindi niya kasi sinabi kay Aivie na itutuloy niya ang matagal na niyang pinaplano na ritwal ng gabing iyon. Buti nalang at nataon din kasi na 7PM ang tapos ng klase nila kaya naman napilitan niyang ayain doon si Aivie.
“Ngayon natin gagawin ang ritwal-”
“What?”
Malakas na sigaw nito sa kanya na agad niyang tinakpan ang bibig ng kaibigan at pinandilatan niya ito ng husto. “Huwag ka ngang maingay! Baka may makarinig pa sayo. Ayokong masira ang mga plano ko.”
Maya-maya ay nakawala na ito at agad nama siyang pinaulanan ng mga tanong. “Anong masamang ispirito na naman ang sumapi sa utak mo? Ang akala ko ba nakalimutan mo na yang kalokohang ritwal na yan? Juvi-”
“Basta. Nandito na tayo. Wala na ‘tong atrasan.”
Magpo-protesta pa sana ito ng mapansin niyang may papaakyat na ng rooftop. Agad naman siyang sumenyas na tumahik ito. At gaya nga ng inaasahan niya ay dumating ang tao na pinagkakaantay-antay niya. Na tutupad ng ritwal na gusto niyang gawin.
“Anong ginagawa dito ni Rye?” bulong sa kanya ni Aivie. “Don’t tell me..”
Tumango-tango siya. “Look, kung anuman ang iniisip mo. Saka na natin pag-usapan. Nandito na tayo eh. So, wala na din atrasan.” Napangisi siya sa kaibigan ng mapansin niyang masama na ang pagkakatitig nito sa kanya.
Inilabas ni Juvilyn isang bote na may lamang juice at pilit na pinahawak iyon kay Aivie. “Simple lang naman ang gagawin mo, my friend-”
“Hindi na kita kaibigan.” madiing sabi nito sa kanya na ikinatawa niya.
Alam ni Juvilyn nabadtrip ng husto si Aivie. Saka nalang niya siguro aamuin ang kaibigan kapag nagawa na niya ang plano niya ng gabing iyon.
“Ibigay mo ito sa kanya. I mean, ipainom mo. Pero huwag kang iinom, maliwanag ba?”
Nang hindi pa din ito sumagot at tinitigan lang siya na para bang anumang sandali ay gusto na siyang sakalin nito ay muli niyang inulit ang sinabi niya. Lalong lumuwag ang pagkakangiti niya ng pahablot na inagaw nito sa kanya ang hawak-hawak niyang bote. Sinasabi na nga ba niya’t susunod at susunod din ito. Kilala na ni Juvilyn ang kaibigan at alam niyang gagawin din nito ang gusto niya.
“Humanda ka sakin pagkatapos nito, Juvilyn.” pagkatapos sabihin ang mga katagang iyon ay iniwanan na siya nito mula sa pinagtataguan niya at nilapitan si Rye na ngayon ay naghihintay sa isang panig ng rooftop.
Kaninang umaga ay palihim na nagpadala ng isang text message si Juvilyn kay Rye at nagpanggap siyang si Aivie. Hindi na din kasi lingid sa kaalaman niya na may lihim itong pagtangi sa kaibigan niya kaya sinamantala niya ang pagkakataong iyon para magamit si Rye at matupad ang gusto niyang mangyari. As expected ay agad sumang-ayon ang binata ng sabihin niyang makgkita sila sa rooftop ng college building nila ng gabing iyon. At hindi niya siya nabigo.
Mula sa pinagtataguan ay kitang-kita ni Juvilyn ang pag-uusap ng dalawa. Maya-maya lang ay iniaabot na ni Aivie kay Rye ang bote na may lamang pampatulog. Iyon lang kasi ang alam niyang pinaka-safe at mabisang paraan para magawa nila ng Malaya ang gusto nila sa lalaki. Mahinang napa-‘yes’ siya ng tuloy-tuloy iyong inumin ni Rye. Malamang sa malamang, ilang minuto lang ay tatalab na agad ang pampatulog na nainom na nito.
Nang makita ni Juvilyn bigla nalang napatili ang kaibigan habang yakap-yakap si Rye ay iyon na ang pagkakataon niya para sumingit sa eksena. Dala-dali siyang pumunta sa kinaroroonan ng mga ito at agad na dinaluhan ang kaibigan.
“God! Anong nangyari kay Rye? Bakit siya biglang nawalan ng malay?” natatarantang tanong ni Aivie na halatang hindi na malaman ang gagawin.
Wala kasi itong ka-ide-idea sa mga plano niya. “Relax ka lang, Aivie. Hindi pa patay yang si nerd. Kita mo oh.” ani niya sabay dikit ng daliri sa ilong nito pare i-check kung himihinga pa ba ito. “Humihinga pa.”
Sa sinabi niya ay pinandilatan siya nito ng mata. “Don’t tell me may pampatulog ang juice na binigay mo sakin?”
Imbes na sagutin ang tanong nito ay buong lakas na binuhat niya at inihiga sa sahig si Rye. Kahit parang buto’t balat tignan ang lalaking ito ay malaking tao pa din ito kaya hindi nahirapan siya sa pagbubuhat. Feeling niya ng mga oras na iyon ay tumatagiktik ng husto ang pawis niya.
“Pwede bang mamaya na muna ang mga tanong, Aivie?” sabi niya sa kaibigan na tinititigan lang siya.
“Patay ka sakin kapag napahamak tayong dalawa dito. Tandaang mong graduating students na tayo. Pwede tayong ma-dismiss sa school kapag may nakaalam ng ginagawa natin.” pagbabanta nito sa kanya.
Actually ay sumagi din iyon sa isipan ni Juvilyn. Tama ito na malaki ang posibilidad na ma-kick out sila sa University nila once na may makaalam o makakita man lang sa ginagawa nilang kalokohan ng mga oras na iyon. Ngunit nanaig pa din talaga sa kanya ang kagustuhan niyang maisakatuparan ang ritwal na iyon.
“Stop talking and arguing, Aivie. Mas lalo tayong matatagalan kung titigan mo lang ako dyan.”
Habang sinasabi iyon ni Juvilyn ay lumuhod ito sa sahig at inilabas ang mga kinakailangan nila para sa ritwal na gagawin nila ngayong gabi. Muli ay walang nagawa sa kanya si Aivie at naging sunod-sunuran nalang ito sa mga sinasabi niya. Siguro ay naisip nitong sumunod na lang para matapos na agad ang kalokohan niya.
Tinignan ni Juvilyn ang isang papel na ibinigay ni Luna. Ito daw ang iguguhit niya sa sahig kung saan nakahiga ang alay nila. Hindi niya maintindihan kung anong klaseng symbolo iyon. Basta ang na-gets lang ni Juvilyn ay isang malaking bilog na may mga signs na nakaguhit.
“Ako na ang guguhit nito sa sahig.” tukoy niya sa symbol na nasa papel na hawak niya. “Ikaw na ang maghubad dyan kay Nerd.”
Sa sinabi ni Juvilyn ay matigas na umiling-iling si Aivie. “Praning ka na yata, Juvilyn!” ani nito sabay hablot sa kanya ng papel. “Ako ang mag-d-drawing, ikaw ang maghubad dyan. Tutal, ikaw naman ay may utak sa kalokohang ito.”
Pagsabi niyon ay sinimulan na nito ang pagdrawing sa sahig. At si Juvilyn naman ay natigilan habang tinititigan si Rye na ngayon ay nakasalampak sa sahig. Isa kasi sa dapat niyang sundin para maging matagumpay ang ritwal ay kailangan na hubaran niya ang alay niya. As in hubad. Yung tipong walang matitira na kahit na anong saplot sa katawan nito. Sa isiping iyon ay parang ayaw na yata niyang ituloy ang kalokohan niyang iyon. Ngunit ngayon pa ba siya susuko? Halos lahat na ng kailangan niya ay nasa harapan na niya ngayon.
Pero hindi pa siya nakakakita ng hubad na lalaki sa tanang buhay niya!
Humugot muna si Juvilyn ng ilang malalalim na buntong-hininga bago kumilos ng tuluyan. Ika nga, ‘Is now or never’ ang magiging peg niya. At wala na din dapat na atrasan dahil simula pa lang ay ginusto na niya iyon.
Ilang sandali lang ay natagpuan na ni Juvilyn ang sarili na tinatanggalan na ito ng damit. Walang naging problema sa pagtanggal ng t-shirt. Mas lumala pa ang pag-aalangan niya ng pants naman nito ang kailangan niyang tanggalin.
“Sorry, Rye. Sorry talaga.” bulong niya dito habang pikit matang hinagilap niya ang butones ng pantalon nito.
Pigil ang hininga habang ibinababa ang pants nito. Sa nanginginig din mga kamay isusunod na sana niya ang brief ng pigilan siya ni Aivie.
“Itira na natin ang briefs niya, utang na loob naman, Juvilyn. Dahil malapit na talaga kitang sakalin kapag pati yan tinanggal mo pa. Give the guy some respect. Kahit iyon nalang ang gawin mo.”
Nakonsensya naman si Juvilyn sa sinabi ni Aivie kaya naman hindi na ipinagpilitan na tanggalin pa ang briefs nito. Sa totoo lang ay medyo nakahinga pa siya ng kaunti ng pigilan siya ng kaibigan. Dali-dali na niyang inilabas ang wedding cord na pinagkatago-tago niya at itinali sa sa mga kamay ng binata. Sinunod niya ang iginuhit sa dibdib nito ang symbolo din na ibinigay sa kanya ni Luna gamit ang sariwang dugo ng manok.
Ilang saglit lang ay kumpleto na ang mga kailangan niya para maumpisahan na ang ritwal. Ngunit bago siya nag-umpisa ay may iniabot siyang isang itim na tela kay Aivie.
“Ano na naman ito?” tukoy nito sa telang hawak-hawak. “Anong akala mo sakin? Kulto?”
Pinandilatan niya ang kaibigan. “Huwag ka ng reklamador. Gawin mo nalang para matapos na ito.”
Wala na naman narinig na reklamo si Juvilyn galing dito at ibinalabal nalang nito ang itim na tela gaya niya. Humugot muna si Juvilyn ng ilang beses at ilang sandali lang ay inumpisahan na ang ritwal. Itinaas ang mga kamay sa langit at pumikit ng mariin.
“Inaalay-”
Ngunit bago pa makapag-umpisa SI Juvilyn ay umugong na ang isang malakas na sirena na agad namang ikinataranta ni Aivie.
“Juvilyn! Naririnig mo ba yun?” halatang kabadong sabi nito sa kanya.
Hindi pinansin ni Juvilyn ang tanong ng kaibigan at umakma na naman sasabihin ang mga salita para sa ritwal.
“Inaalay-”
Natigil na naman si Juvilyn ng naging sunod-sunod na ang pag-iingay ng mga sirena at lalong dumami ang tunog. Napansin niyang tumayo mula sa kinauupuan niya si Aivie at inaalam ang nangyayari.
“Nasusunog ang engineering building!” sigaw nito habang tinuturo ang building hindi kalayuan sa kanila.
Nanlaki ang mga matani Juvilyn at agad na sinilip ang kabilang building na nasusunog nga talaga ng mga oras na iyon. Mukhang masama ang lagay nila. Hindi kasi kalayuan ang kinaroroonan nila sa building na nasusunog kaya paniguradong dadami ang estudyanteng makikiusosyo doon. At lalong hindi din safe na ipagpatuloy pa din nila ang ritwal na iyon dahil malaki ang posibilidad na may makakita sa kanila.
Kaya naman dali-dali niyang iniligpit ang mga gamit niya at sa isang iglap ay naisilid na niya iyon sa bag niya.
“Teka, paano si Rye?” tanong ni Aivie na kahit siya ay biglang nawalan ng kibo.
“Hindi natin kayang buhatin ang Nerd nay an palabas ng building.” ani niya.
“What? Hindi natin siya pwedeng iwan dito. Paano kapag nasunog din ang building natin? Tiyak na mamamatay din siya.”
Habang sinasagot niya ang tanong ng kaibigan ay mabilis pa sa alas-kwatro na nabihisan na niya agad ang lalaki. “Huwag kang nega, Aivie. Sa dami ba naman ng bombero ngayon sa baba hindi na kakalat ang sunog.”
Kahit na ayaw ni Aivie ay napilitan nalang itong sumang-ayon sa kanya. Buong lakas niyang hinila si Rye papunta sa gilid at isinandal ito sa pader.
“I’m so sorry.” hinging paumanhin niya dito bago sila nagmamadaling umalis ng rooftop.