Chapter Six

2895 Words
“Very enchanting, right?” sambit ni Rye habang nakatitig lang sa kanya. Napalunok si Juvilyn. Wala man lang sa hinagap niya na maiipit siya sa ganoong sitwasyon at alam niyang planado lahat iyon ni Rye. Malakas ang pakiramdam niyang sinadya iyon ng binata. Hindi naman kasi lihim lalo na sa mga kaibigan niya o malalapit sa kanya na may obsession siya sa mga wedding cord. Dahil ang iba sa mga paborito niya ay nakadisplay sa condo niya. At lalong hindi na siya magtataka kung pati iyon ay nalaman pa ni Rye at ginawa pa nitong panlaban sa kanya. Naisip niya, ganoon ba talaga kagalit ang binata sa kanya kaya nagagawa nito pati ang bagay na ito sa kanya? She sighed. Nagagawa nga naman talaga ng pag-ibig. Lalo pa’t nabigo iyon tulad ng kay Rye. “It’s so sad na hindi mo siya pwedeng makuha. Only members of the club can bid, Juvi.” wika nito sa kanya na maganda ang pagkakangisi. “You want me to bid for you?” Pinalipas muna ni Juvilyn ang ilang segundo para sumagot dito. Kung gusto talaga ni Rye na ipitin siya sa ganoong klaseng sitwasyon ay nagtatagumpay ito. At alam niyang may kapalit ang lahat ng pabor na hihilingin niya dito. “What do you want? Anong gusto mong kapalit?” diretsahang tanong niya sa binata na kinatawa lang nito ng malakas. “Darling, masyado naman yata mababa ang tingin mo sa’kin. Why do you think na may kapalit ang lahat ng gagawin ko for you? You’re hurting me.” Tinignan niya na masama si Rye. “You don’t look like you’re hurting, Rye.” madiin na sabi niya dito sabay baling sa stage kung saan nagsisimula na ang bidding para sa golden wedding cord. “I want that cord. Bid it for me.” “You will do kahit na anong kapalit ang gusto ko?” nakangising tanong sa kanya ni Rye na halatang natutuwa sa takbo ng mga pangyayari. “Yes.” walang pag-aalinlangan sagot niya dito. Bahala na kung anong kapalit ang gusto ng lalaking ito sa kanya. She really wanted the cord badly. Gusto niyang mapasakanya ang cord na iyon at maisama sa mga collection niya. At kapag nagkataon na nasa kanya na ang golden cord ay iyon na siguro ang pinakamaganda sa mga collections niya. Hindi na siya makapaghintay na makuha iyon. “Bid it for me. Now.” utos niya sa binata. NASA sasakyan ni Rye si Juvilyn ng mga oras na iyon. Expect the unexpected talaga ang nangyayari sa buhay niya simula ng i-deklara ng lalaking ito ang war sa pagitan nilang dalawa. Dahil kailangan niyang tumupad sa naging usapan nila ni Rye nang makuha nito sa auction ang golden wedding cord na kagabi lang ay mahigpit na yakap-yakap niya. Halos nasa fifty thousand din ang pinakawalan niya para lang makuha iyon at masasabi niyang worth it ang pera na nagastos niya. Pikit-mata niyang tinanggap ang gustong mangyari ng binata. Gusto nitong pumunta sila sa bahay ng Tito Benedicto niya at tumira ng ilang araw. Kahit na anong pilit niya sa binata na huwag naman iyon ang ipagawa nito sa kanya ay wala din siyang nagawa. Heto na nga sila ngayon at nasa byahe na pauwi sa probinsya niya. Pikit-mata din niyang iniwan ang mga nakapending niyang trabaho sa opisina niya at nag-iwan lang siya ng note kay Aivie na kailangan niyang mag-leave mula sa opisina. Hindi niya talaga maintindihan kung anong purpose ni Rye at kung bakit eager ito na makapunta sa bahay ng Tito Benedicto niya. Pero dahil maayos ang naging usapan nila ng binata ay wala siyang choice kundi tuparin iyon. Mukhang alam nito na hindi sapat na nangako siya sa tatlong kundisyon na tutuparin niya kaya mas inipit pa siya nito sa sitwasyon na hindi na siya makakatanggi. Halos buong byahe ay hindi sila nagkikibuang dalawa ni Rye. Hindi rin nagtangka si Juvilyn na kausapin ang binata at ganoon din ito sa kanya. Ang buong atensyon nito ay nasa byahe lang samantalang siya ay sa labas lang ng binata nakatingin at kahit na feeling niya ay magkaka-stiff neck sa ginagawa niya ay pinagwalang bahala niya iyon. Pinanindigan talaga niya sa sarili niya na hindi niya lilingunin si Rye. Pero hindi din niya pwedeng ipagkaila sa sarili niya na ramdam na ramdam niya ang presensya ng binata. Bakit nga ba hindi? Eh bukod sa ilang inches lang ang pagitan nilang dalawa ni Rye ay langhap na langhap niya ang perfume nito na nakabisado na yata niya ang amoy. Maya-maya lang ay pinilit niyang matulog ngunit hindi siya nagtagumpay dahil nagugutom na talaga siya. Maaga palang kasi ay nasa tapat na ng unit niya si Rye at inanunsyo sa kanya na aalis na silang dalawa papunta sa Camba. Hindi na niya nagawang kumain man lang o uminom man lang ng juice dahil binigyan lang siya nito ng kalahating oras para mag-empake at maligo. Kaya naman umagang-umaga palang ay sira na ang gabi niya dahil sa binata. Napapitlag siya ng may ihagis sa kanya si Rye ng isang supot na kung hindi siya nagkakamali ay pagkain ang laman niyon. “Eat it. Baka matuluan mo pa ng laway ang loob ng sasakyan ko.” wika ni Rye na hindi lumilingon sa kanya. For the first time na nasa loob siya ng kotse nito ay napilitan siyang lingunin ang binata para titigan ito ng masama. Bago magsalita ay maingat na inilagay niya sa dash board ng kotse nito ang pagkain na binigay ng binata. “No, thanks. Baka malison pa ako. Gusto ko pang mabuhay ng matagal para naman makaganti sayo.” sarkastikong sabi niya dito sabay irap. Hindi na naman sumagot ang binata sa sinabi niya at nagpatuloy nalang ito sa pagmamaneho. At dahil pinanindigan niya na hindi kainin ang ibinigay ni Rye ay dapat niyang tiisin ang gutom niya hanggang sa makarating sila sa pupuntahan nila. Sa buong byahe nilang dalawa ay may naisip si Juvilyn na kalokohang alam niyang labis na ikakaasar ni Rye. Sa pagkakataon iyon ay turn naman niya para siya naman ang magpaikot sa binata at galitin ito. Hindi yung puro siya nalang ang napapaikot ni Rye at lagi siyang ginagalit at iniinis. Kaya naman ganoon nalang ang luwang ng pagkakangiti niya ng bumaba siya sa sasakyan nito habang nakatingin sa may kalakihang bahay. Buong pagkakaalam kasi ni Rye ay didiretso silang dalawa sa bahay ng Tito Benedicto niya. Pero minabuti nalang niyang pumunta muna sila sa HFTLO kung saan sila lumaki ni Aivie. Sabagay, halos ilang linggo din naman siyang hindi nakakadalaw dito at nami-miss na niya ang mga bata na nakatira doon. “Juvilyn!” narinig niyang tawag sa kanya ni Rye. “Hindi dito ang punta natin. Hindi ito ang bahay ni Benedicto Romualdez.” Habol na sabi ng binata sa kanya ngunit hindi niya ito pinansin at dumiretso nalang siya sa loob ng bahay-kalinga. Pagdating niya sa loob ay tamang-tama naman na nadoon ang iba sa mga bata. “Ate Juvi!” Agad na narinig ni Juvily ang bati sa kanya ni Eliss sabay yakap sa kanya ng mahipit na ginantihan naman niya. Limang taong gulang palang ito ng maulila sa mga magulang si Eliss. Tatlong taon na kasi ang nakakaraan ng magkaroon ng sunog sa kalapit na bayan nila na naging sanhin ng pagkamatay ng mga magulang ng batang babae. Kaya naman walang pag-aalinlangan na tinanggap ng HFTLO si Eliss na siya namang naging pinaka-close niya. Pakiramdam niya ay para na itong nakababatang kapatid niya. Sumagi na din sa isipan niya na ampunin nalang si Eliss pero alam niyang mahihirapan siyang gawin iyon dahil hindi pa siya pamilyadong tao. But in time, magagawa na niyang ampunin ito. Agad naman niyang sinalubong ang yakap nito at hinalikan sa pisngi ang batang babae. “How are you, Eliss? Pasensya kana kung ngayon lang ulit nakabalik si Ate.” habang sinasabi niya iyon ay masuyo niyang hinaplos ang pisngi nito. “Namiss ka ng Ate. Ako ba na miss mo din?” Tumango-tango naman ito bilang sagot sa tanong niya. “Oo naman, Ate! Miss na miss kaya kita. Dito ka ba ulit matutulog? Pwede bang tabi tayo, Ate?” “Oo naman.” ngiting-ngiting sabi niya. “Tabi tayo mamaya sa pagtulog.” “Yehey!” Bago pa nilibang ni Juvilyn ang sarili sa pakikipag-usap sa mga bata ay sinulyapan pa niya si Rye na ngayon ay nakatayo lang sa isang gilid at pinagmamasdan siya. Binigyan niya muna ito na mapang-asar na ngiti. Ang plano niya ngayon ay sasadyain niya na ilang oras itong paghihintayin. Hindi naman nabigo si Juvilyn dahil tatlong oras na ang mabilis na lumipas at halos malibang na din siya sa pakikipaglaro sa mga bata. Ilang beses na din na tinangka ni Rye na lapitan siya para kausapin pero awtomatikong lumalayo siya dito kapag nahahalata niyang lumalapit ito sa kanya. Buong akala yata nito na ito lang ang marunong gumanti at magpaikot? Puwes, kung iyon talaga ang gustong laro ni Rye ay dapat na hindi siya dapat na magpahuli. Papaikutin din niya ito in her own ways, in her own means. Nang wala na siyang maisip na pagkakaabalahan ay palihim siyang pumunta sa garden at umupo sa isang swing. Muli ay hindi na naman maiwasan ni Juvilyn na maalala noong mga panahon na nandito pa siya HFTLO. Lagi niyang kinukulit noon si Aivie at sinusundan-sundan. Bukod pa sa ito kasi ang ka-share niya sa isang kama ay sila lang ang halos magkasing-edad noon. Hindi maiwasang mapangiti si Juvilyn ng muli niyang maalala ang eksena na nakabuntot siya dito. Sa lumipas na mga taon ay marami ng nagbago sa buhay nilang dalawa ni Aivie. At talaga namang masasabi niyang masaya siya sa nangyayari ngayon lalo na sa negosyo nilang dalawa ng kaibigan. Hindi hadlang ang pagiging ulila o kung anuman ang nangyari sa nakaraan para hindi ka maging matagumpay sa buhay. Ang mga nangyari sa kanya ang malaking dahilan para maging successful siya sa buhay niya ngayon. At syempre, gusto pa niyang umunlad ng husto ang Wedding Blossoms Inc bukod sa marami-rami na din silang staff ni Aivie na umaasa sa kanilang dalawa. “You think that you can avoid me the whole day?” Dahil malayo na ang tinatakbo ng isip ni Juvilyn ay nagulat siya ng marinig niyang nagsalita si Rye na ngayon ay nasa gilid na niya pala at kampanteng nakatingin sa kanya habang nakapamulsa. Nang tignan niya ang mukha nito ay hindi na naman niya maiwasang mamangha sa binata. Bukod kasi na ang gwapo talaga nito ay hindi niya mapagkakailang malakas ang appeal nito. There’s something in him na kapag tinititigan niya ay para bang awtomatikong napapabilis ang t***k ng puso niya. Maybe his eyes. Isama na din ang kislap ng mga mata nito. Nang nginitian siya ni Rye ay hindi niya maiwasang lihim na mapalunok. Kahit ayaw niya ay awtomatikong napatingin siya sa mga labi ng binata at maalala ang halik na pinagsaluhan nilang dalawa. Wake up, Juvilyn! Ano na naman ang nangyayari sayong babae ka? Wake up! Dahil lutang si Juvilyn ay hindi na niya namalayan na lumapit na pala sa kanya si Rye at umupo sa kabilang swing. “You’re a clever woman, Juvilyn. And I admired that.” nakangising sabi ni Rye sa kanya. “I’m busy, Rye. Marami pa akong dapat na gagawin-” Nang akmang tatayo si Juvilyn sa swing ay agad siyang hinawakan ni Rye sa braso para pigilan. Sa pagkakalapat ng balat nilang dalawa ay ramdam na ramdam niya ang init na nagmumula sa katawan nito. Kaya naman pilit niyang binabawi ang kamay mula dito pero hindi iyon pinakawalan ng binata. “Stay where you are.” madiing wika ni Rye sa kanya. “Pero marami pa akong gagawin-” “You can’t make same excuses twice, Juvi.” Awtomatikong napatigil siya sa pagsasalita ng sapilitan siyang iupo ng binata sa swing. “Just do what I’ve said.” Nakakailang na katahimikan ang namayani sa pagitan nilang dalawa ni Rye na ngayon ay kampante sa pagkakaupo sa swing. Samantalang siya ay iniiwas niya ang mapatingin mula dito. “I’ve heard na dito ka daw lumaki. It’s a good thing na hindi mo nakalimutan ang lugar na ito.” “Tsismis lang yan, Rye. Huwag kang masyadong magpapaniwala sa tsismis.” sarkastikong sabi niya sa binata. Imbes na mainis sa sinabi niya ay tinawan pa siya nito. “I saw your pictures sa bulletin nila dito. So, tsismis lang ba talaga iyon?” Nang hindi na niya napigilan ang sarili ay nilingon na ni Juvilyn si Rye na ngayon ay ngiting-ngiti sa kanya. “Fine. Oo, dito ako lumaki. So, ano? Okey kana? Pwede na ba akong umalis?” “I’m surprised.” wika ni Rye na ikinataas ng kilay niya. Pero bago pa siya makapag-react sa sinabi ng binata ay naunahan na siya nitong magsalita. “Dahil hindi mo kinalimutan ang lugar na ito. I’m glad na may natitira pa palang kabutihan sa puso mo.” “Okey na sana eh. Matutuwa na sana ako sayo kung hindi mo pa ako nilait sa huli.” nakairap na sabi niya kay Rye. “Kahit naman may nagagawa akong hindi maganda sa kapwa ko, hindi ko pa din kayang talikuran ang naging buhay ko dito. Ito ang naging lugar ko sa maraming taon pagkatapos akong maulila ng husto. Kahit pa sabihin na wala akong normal na pamilyang kinalakihan, masasabi ko naman na totoong pagmamahal ang naramdaman ko dito. Mahal na mahal ko ang HFTLO, Rye. Kaya nakikiusap sana ako na kung may binabalak kang hindi maganda laban dito. Please, spare them. Hindi ang HFTLO at mga bata ang may kasalanan sayo kundi ako lang. You can make my life a living hell pero huwag ang mga bata dito. They are special children na mas kailangan ng atensyon.” Bago sumagot ang binata ay tinitigan lang siya muna nito. “What Am I? Ganoon na ba ako kasama sa paningin mo?” Para sagutin ang tanong ni Rye ay sinalubong niya ng tingin ang binata. “Sigurado ka bang gusto mong sagutin ko ang tanong mo na yan, Rye?” Sa sinabi niya ay napatawa ng malakas ang binata. “No need, Juvi. Alam ko naman na galit na galit ka sakin.” “No words could express how much I feel for you, Rye.” she said in sarcastic tone. “Action can only prove that. Gusto mo pakita ko sayo yung sinasabi kong pagmamahal?” Natatawang umiling-iling lang si Rye sa patutsada niya ngunit pinili nalang din nitong hindi sumagot sa kanya. Kahit nagtataka ay minabuti na lang niyang manahimik. Sa totoo lang, expected talaga niya na manggagalaiti ito sa galit at inis dahil sa ginawa niya dito. Diba iyon naman ang gusto niyang mangyari? Ang galitin at inisin si Rye? Pero sa nakikita niya ngayon dito ay mukhang malayong mangyari iyon dahil ngingiti-ngiti pa ito sa kanya. “After graduation wala na akong balita sa inyo ni Aivie. Then I met her again two years ago. Doon ko nalaman na may sarili na pala kayong kumpanyang dalawa. Really, I’m proud for the both of you. Dahil alam ko noon pa man na talagang dream niyo ang magkaroon ng sariling wedding company.” wika ni Rye. Ilang sandali muna ang pinalipas ni Juvilyn bago sinagot ang sinabi ng binata. “Yeah, you’re right. Pero hindi din naging madali ang lahat para sa amin ni Aivie lalo na noong time na nagsisimula palang makilala ang Wedding Blossoms. Kaya nga ganoon nalang ang pagpapahalaga ko sa kumpanya namin. Tapos bigla nalang may lilitaw na impakto sa buhay ko at sisira sa mga araw ko.” Habang sinasabi niya ang huling linya ay awtomatikong napairap siya kay Rye. Mag-re-react pa sana si Rye ng biglang dumating si Eliss at patakbong nilapitan siya. “Oh, bakit humahangos ka?” wika niya sa bata sabay hawak sa kamay nito. “Ate Juvi, magsisimula na ang program. Hinahanap ka na ni Nanay Naneth.” Napakunot ang noo niya. “Anong program iyon?” “Ate, hindi mo ba alam na Friendship Day ngayon? Kaya may mga activities tayo na gagawin. Alam mo bang pinag-pray ko kaya kay Lord na darating ka ngayon, Ate.” natutuwang saad ni Eliss sa kanya. Hindi maiwasang hindi ma-guilty ni Juvilyn sa sinabi ng bata. Sa sobrang busy niya kasi nitong nakaraang araw ay hindi man lang sumagi sa isip niya ito. Masuyong hinaplos ni Juvilyn ang pisngi nito. “Oo naman. Darating talaga ako for you, Eliss. O siya, bumalik ka na sa loob baka hinihintay ka na ni Nanay Naneth. Susunod nalang ang Ate sayo.” Narinig pa niya ang masayang tili nito bago tumatakbo ulit na pumasok sa loob ang batang babae. “Are you doing this on purpose, Juvi?” ani ni Rye sa kanya. Humugot muna ng malalim na hininga si Juvilyn bago niya sagutin ang binata. Gusto niyang pagbigyan ang mga bata kaya kahit ayaw niya ay pakikiusapan niya si Rye na mag-stay sa HFTLO. “Hindi lang ikaw ang marunong magplano, Rye.” sagot niya sa tanong nito. “Let’s make them happy.” Inaasahan na niyang tututol si Rye sa gusto niya. Ganoon nalang ang ngiti niya ng marinig niya ang sumunod na sinabi ng binata. “It’s Friendship Day!” Sa unang pagkakataon, ngumiti siya ng matamis kay Rye.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD