ILANG taon na din ang tradisyon sa HFTLO na laging i-celebrate ang ‘Friendship Day’. Ayon kasi kay Naneth ay mahalaga daw na mas mapahalagaan ang samahan ng mga bata sa Bahay-Kalinga. Dahil kapag sa gitna daw ng problema ay dapat na nagtutulungan ang mga bata. Isa pa daw sa kahalagahan niyon ay para mas lalo pang ma-develop ang bonding ng mga ito.
Hindi rin naman nagtataka si Juvilyn na lumaking close at magagalang ang mga bata na inaalagaan ngayon sa Bahay-Kalinga. Isa kasi si Nanay Naneth sa mga taong kakilala niya na talaga naman na may mabuting puso lalo na sa mga bata na ulila at iniwan ng magulang.
Noong umpisa ay nag-a-assist lang silang dalawa ni Rye sa nangyayaring activities. Karamihan sa mga laro ay group effort. Ang buong akala niya ay audience lang silang dalawa ng binata ngunit ganon na lamang ang pagkabigla niya ng i-announce ni Nanay Naneth na kasali silang dalawa ng binata sa laro.
“T-teka lang, Nanay. Hindi ba para lang sa mga bata ang program?” tutol niya dito.
Ngunit nginitian lang siya ni Nanay Naneth at pabirong hinampas sa braso. “Ano ka ba naman, anak. Dapat nag-e-enjoy kayo ng boyfriend mo habang nandito kayo.”
Sa sinabi nito ay parang nanlaki lalo ang ulo niya. “Hindi ko siya boyfriend, Nay!” tanggi niya dito.
“Sus, Juvilyn. Bakit ba tinatago mo pa sa akin bata ka? Hindi naman ako magagalit. At saka dapat nga na magkanobyo kana dahil hindi ka na bumabata. Puro nalang kasi negosyo ang iniisip mong bata ka. Salamat sa Diyos dahil may makakasama kana sa buhay.”
Hindi na kinontra pa ni Juvilyn ang naging sapantaha ng Nanay Naneth niya. Malaki ang hinala niya na pakana na naman ni Rye ang bagay na iyon. Alam niyang ito ang nagsabi ng ganoong kasinungalingan dito. Bakit? Just to pissed her. Simula ng magtagpo ulit ang landas nilang dalawa ni Rye ay wala na itong ginawa kundi pestehin at inisin siya.
“Kasali daw tayo sa game?” wika agad ni Rye sa kanya pagkapunta nito sa kinaroroonan niya.
Tinignan muna niya ito ng masama. “Anong kalokohan na naman ang ginawa mo?”
“Wala akong alam sa sinasabi mo, Juvi. Basta ang alam ko lang kasali tayo sa laro.”
“Wala kang alam? Eh bakit sinabi mo kay Nanay na boyfriend kita?” nanlalaking matang wika ni Juvilyn dito na ikinangisi lang ng binata.
“Why? Don’t you like it, darling? Tuwang-tuwa nga sina Nanay Naneth pati ang mga bata nung malaman nilang ako ang boy-”
Hindi na niya pinatapos magsalita si Rye dahil hahampasin niya sana ito sa braso ngunit mabilis na nakaiwas ito sa balak niya. At dahil hindi siya nakaganti ay lalo siyang nanggigil dito.
“How dare you! Tandaan mo may araw ka ding lalaki ka!”
Halakhak lang ang sinagot sa kanya ni Rye. Pero deep inside her, parang may kakaiba siyang nararamdaman. Kinikilig siya at natutuwa na pilit lang niyang tinatago sa pagsusungit.
Hindi na siya nagkaroon pa ng pagkakataon na makaganti agad dito dahil muling lumapit sa kanila si Nanay Naneth dahil mag-uumpisa na daw ang laro. Napailing na lang siya ng marealize niya kung anong klaseng laro ang gagawin nila. Kailangan nilang makuha ang mga barya na nasa malaking lalagyan na punong-puno ng harina. Simple lang naman ang mechanics ng laro. Kung sinuman ang team na makakuha ng pinakamaraming barya na nasa harina sa pamamagitan ng bibig ay siyang mananalo.
At dahil per partner ay wala siyang choice kundi maging partner si Rye na ngayon ay pangisi-ngisi lang sa kanya ng mga sandaling iyon. Samantalang siya naman ay inis na inis pa din sa mga pangyayari. Pero dahil wala siyang ibang choice kundi sumunod nalang. Sisiguraduhin niyang makakahanap din siya ulit ng pagkakaton para makaganti kay Rye.
Bago mag-umpisa ang laro ay pinagbantaan niya ang binata. “Baka naman ikaw pa ang maging dahilan ng pagkatalo natin.” wika niya kay Rye.
Tinapik-tapik lang nito ang pisngi niya na ikinapitlag niya. Ramdam kasi niya ang init na nagmumula sa palad ng lalaki.
“Trust me with this one, darling. Hindi ako pumapayag na natatalo ako sa isang laban and you know that.”
Hindi na siya kumibo sa sinabi nito at pumuwesto na siya sa harap ng planggana na puno ng harina. Dahil per partner ay magkasali silang dalawa ni Rye sa isang planggana. Wala pa man ay nakikinita na niyang madugo ang mangyayaring laro. Ang mga kalaban kasi nilang dalawa ay ang iba pang staff sa Bahay-Kalinga. Rinig na rinig niya ang tuwa at pag-cheer ng mga bata sa kanilang dalawa ni Rye.
“Ayusin mo.” huling banta pa niya sa binata bago niya marinig ang hudyat na nag-uumpisa na ang laro.
Unang ihip niya sa harina ay napaubo siyang bigla. Nang marinig niya ang malakas na pagtawa ni Rye. Pinanlakihan niya ng mata ang binata ng makitang hindi pa din ito tumitinag sa pagkakatayo at hindi man lang siya tinutulungan.
“Galaw-galaw, Rye!”
Sumunod naman agad ang binata at tinulungan na siya agad nito. Ganoon nalang ang tili niya ng makakita siya ng barya na para bang malaking kayamanan ang nakita niya. Ilang segundo lang ay nakakuha din ng ng isa pa si Rye.
Nang matapos ang isang minuto ng laro ay ganoon nalang ang inis niya ng dalawang coins lang ang nakuha nilang dalawa.
“Ano kamo, Rye? Hindi ka nagpapatalo? Eh anong tawag mo dito?” wika niya sabay turo sa dalawang barya. “Sa tingin mo ba mananalo tayo nito?”
“Hey, I did my best.” ani ni Rye sa kanya.
“Pwes, that’s not enough!”
Hinampas niya si Rye ng marinig niyang naka-lima ang kalaban nila. “Talo tuloy tayo!”
Natawa lang ang binata sa kanya pero awtomatikong natigilan siya ng maglabas ng panyo si Rye at masuyo nitong pinunasan ang mukha niya na walang dudang punong-puno na ng harina ng mga oras na iyon. Kaya naman nagkaroon siya ng pagkakataon para matitigan ulit ang gwapong mukha ni Rye.
Oo, aaminin na niya ulit na gwapo talaga ang lalaking ito na kahit na lahat ng brain cells niya ang tumututol. Nahugot nalang siya ng paghinga para naman kahit paano ay ma-relax sa pagwawala ang puso niya. Hindi niya pwedeng maramdaman ang ganoong klaseng damdamin sa binata. Hindi pwede dahil alam niyang sa oras na mahulog siya dito ay katapusan na ng larong ginawa nito sa pagitan nilang dalawa. Dahil kapag nangyari iyon, siya ang tiyak na talo at sa bandang huli ay maiiwang luhaan.
HAPON na ng matapos ang palaro para sa mga bata. Kahit nakakaramdaman na si Juvilyn ng pagod ng mga sandaling iyon ay hindi naman makapagkakaila ang saya niya lalo na kapag naririnig ang mga tawa ng mga ito at mga ngiti sa labi. Nakakalungkot lang dahil sa batang edad ng mga ito ay wala ng pamilyang gagabay sa mga ito. Kaya ginagawa lahat ng HFTLO ang mga bagay para mapasaya ang mga bata na nasa pangangalaga ng mga ito. At para na rin hindi maisip ng mga bata na pinagkaitan sila ng mundo.
Noong namatay ang mga magulang at ang Tatang Ruping ni Juvilyn ay iyon agad ang una niyang naisip. Na napaka-infair ng mundo at kung bakit kailangan niyang maramdaman ang ganoong klaseng sakit sa murang edad palang. Ngunit nagbago ang lahat sa kanya ng maranasan niyang tumira HFTLO. Kaya naman kahit na kailan ay hinding-hindi niya pwedeng kalimutan ang lugar na ito.
Ang huling activity na gagawin ay ang pagbibigay ng dalawang kulay ng papel sa taong gusto mong pagbigyan. White paper sa taong thankful ka na nakilala mo at pulang papel naman para sa taong gusto mong hingan ng sorry. Hindi na bago sa kanya ang ganoong klaseng activities dahil taon-taon naman iyon ginagawa ng HFTLO. Nang magsimula na ang pagbibigayan ang activity ay marami-rami din siyang nakuhang puting papel na talaga naman ikinataba ng puso niya. Lalo na yung galing kay Eliss.
Nang tinignan ni Juvilyn ang hawak niya dalawang kulay na papel ay awtomatikong natigilan siya. Deep inside her ay alam niyang sa iisang tao lang niya dapat ibigay ang kulay pulang papel. Pag-angat niya ng ulo ay saktong paparating si Rye papunta sa kanya. Habang nakatitig siya sa binata ay hindi na naman maiwasang makaramdaman ng kakaibang kaba sa dibdib niya si Juvilyn. Lalo pa’t parang slow motion ang nangyayari mahabang papalapit si Rye sa kinaroroonan niya.
Palihim pa niyang nahigit ang hininga niya ng huminto na ito malapit sa kanya at pinagkatitigan siya ng maigi. Ilang beses muna siyang humugot ng hininga para naman payapain ang kanina pang nagwawalang puso niya na halos mabingi na siya sa lakas ng kabog ng dibdib niya. Maya-maya ay binawi niya ang tingin sa binata.
“Anong kailangan mo?”
“Sa akin mo ba ibibigay ang red paper?”
Awtomatikong napatingin ulit si Juvilyn kay Rye sa narinig mula sa binata.
“No way!” wika niya sabay bulsa ng pulang papel. “Bakit ko naman ibibigay sayo?”
Napailing-iling nalang si Rye sa narinig mula sa kanya. Samantalang siya naman ay lihim na napakagat-labi. Tama naman ang binata sa sinabi nito. Wala siyang ibang naisip na pagbigyan ng red paper na iyon kundi ang binata lamang. Dahil alam niya sa sarili niyang malaki ang kasalanan niya dito. Kaya nga siya nagtitiis sa mga ginagawa ng binata sa kanya dahil sa nagawa niyang kasalanan dito. Pero ewan ba niya kung bakit hindi niya maibigay dito ang pulang papel.
Gaga! Tinatanong pa ba yan, Juvilyn? Dahil sa pride mo yan!
“Well, dahil mas mabait naman ako sayo. Here, take it.” wika ni Rye sabay abot sa kanya ng red paper.
Hindi agad siya nakapagreact kaya naman ito na mismo ang kumuha ng kamay niya saka inilagay sa palad niya ang pulang papel.
“Sorry.” sabi ni Rye habang nakatingin ng tuwid sa mga mata niya. May nababasa siyang kakaibang kislap sa mga mata nito na hindi niya matukoy kung ano. Basta ang sigurado lang niya ay ang sincerity na nababasa niya dito. “I know na malaki din ang naging kasalanan ko dahil sa ginagawa ko sayo. And I want to grab this opportunity para humingi ng tawad sayo, Juvilyn. Alam kong galit malaki na din ang galit mo sakin. I’m sorry, Juvilyn. I hope na dumating ang araw na magagawa mo din akong patawarin.”
Ilang segundo lang siyang nakatitig si Juvilyn kay Rye na para bang hindi pa din makapaniwala sa mga katagang binitawan ngayon lang ng binata. Tama ba talaga ang pandinig niya? Si Rye mismo ang humihingi ng tawad sa kanya?
Nang hindi pa din niya magawang makapag-react ay muling nagsalita si Rye. “Mukhang marami-rami ka ding nakuhang white paper ah. Mabait ka pala?”
Humugot muna siya ng hininga bago siya nagsalita. “Everybody loves me, Rye. Kaya walang nakapagtataka doon.”
“Really? Including me, Juvi?”
Inirapan niya ito. Alam niyang inaasar lang siya nito para naman kahit paano ay mawala ang awkwardness na nasa pagitan nilang dalawa kanina lang.
“Kailangan ko pa bang sagutin yan, Rye?” nakairap na sabi niya sa binata.
Sasagot pa sana ang binata sa sinabi niya ng biglang niyang maramdaman ang malakas na pagpatak ng ulan sa ulunan niya. Kaya para silang mga pusa na agad na pumasok sa loob ng bahay para hindi mabasa ng ulan. Rinig niya din ang masayang tilian ng mga bata.
Napapitlag siya ng naramdaman niya ang masuyong pagpunas ni Rye sa pisngi niya.
“Hey, bakit parang lagi kang gulat na gulat kapag hinahawakan kita? Pinupunasan ko lang ang pisngi mo. Basa kasi.” wika ni Rye sa kanya.
“H-Huwag ka kasi bigla manghahawak. Saka kaya ko naman punasan yung pisngi ko.”
Natawa nalang si Rye sa sinabi niya ngunit bago pa ito makapagsalita ulit ay lumapit sa kanya si Eliss at niyaya siya sa kwarto nito dahil may ipapakita daw ito sa kanya. Pakiramdam niya ay magandang pagkakataon iyon para makatakas siya sa binata kaya naman agad siyang sumama sa bata. Pero bago pa siya makalayo ng tuluyan sa binata ay hindi niya napigilan ang sarili niyang lumingon sa kinaroroonan nito. Huling-huli tuloy siya ni Rye dahil nakatitig pa pala ito sa kanya kaya naman ng ngumiti at kumaway ang binata ay agad siyang napabaling ng tingin sa iba.
Iba na talaga ang nararamdaman niya para kay Rye. Na kahit ilang beses niyang pigilan ang sarili niya ay sumisigaw pa din sa mukha niya na gusto na niya ito. Kaya as much as possible ay dapat na talagang matigil na ang kalokohang sinimulan ng binata.
NARAMDAMAN ni Juvilyn ang pagtapik sa braso pero hindi pa din tumitinag sa pagkakahiga. Puro ungol lang ang sinasagot niya sa kung sinoman ang gumigising sa kanya ng mga oras na iyon. Paano ba naman siya magigising ng maaga eh madaling araw na yata siya nakatulog dahil sa sobrang pag-iisip. Na kahit na anong gawin niyang klase ng pagkakahiga ay hindi pa din niya magawang makatulog. Kahit nga pagbilang ng tupa ay wala pa din epekto sa kanya.
Hindi niya mapigilan ang sarili niyang isipin si Rye. Na kahit yata nakapikit siya ay ang gwapong mukha pa din ng binata ang nasa isipan at imahinasyon niya. Sa totoo lang ay ngayon lang siya nakaramdam ng ganoong klaseng feelings. Na kahit kay Vinz ay hindi niya naramdaman. At alam niyang ang mga senyales na nangyayari sa kanya ay ang labis na kinatatakutan niya.
She was falling in love with Rye. Na sa simula pa lang ay pilit niyang pinipigilan ang sarili niya na huwag niyang maramdaman ang ganoong klaseng feelings para dito. Rye hated her. Bukod pa sa may iba itong mahal at siya pa ang naging dahilan para maghiwalay ang mga ito. At sigurado siyang hindi pa nakaka-move on ang binata dahil handa pa din nitong gawin ang lahat para lang makapaghiganti sa kanya. Nagagawa niyang sungitan ng husto ang lalaki ngunit sa totoo lang ay doon lang niya naitatago ang totoong nararamdaman niya para dito.
“Ate Juvi, gising na.”
Narinig niyang sabi ni Eliss sa kanya habang niyuyugyog na siya nito sa braso. Kaya naman napilitan siyang dumilat at tignan ang mukha ng bata. Gaya ng pangako niya dito ay doon siya natulog sa kama nito.
Kahit inaantok pa ay pinilit niyang ngitian ang bata. “Good morning, Eliss. Bakit ang aga mo yata gumising?” wika niya dito sabay hikab.
Bago sumagot si Ellis sa kanya ay parang matandang nameywang pa ito sa kanya. “Ate, tanghali na. Kaya kailangan mo ng bumangon at isa pa po malapit na po ang oras ng kainan.”
Sa sinabi nito ay saka siya napatingin sa orasan. Awtomatiko siyang napailing ng marealize niyang alas-otso na pala ng umaga. Kaya naman doon na siya nag-decide na tumayo ng kama.
“Sweetheart, mauna kana sa dining room. Mag-aayos lang ako.”
Ngunit hindi sinagot ni Eliss ang sinabi niya bagkus ay kinuha nito ang kamay niya at pilit siyang hinila papalabas ng kwarto nito. Napailing nalang siya at nagpaubaya sa bata. Nang makarating sila sa dining room ay biglang natahimik ang buong kwarto at nakatingin lang sa kanya ang lahat ng mga bata kaya naman hindi niya maiwasang magtaka.
“Good morning, kids.” bati niya sa mga bata sabay tingin kay Ellis na ngayon ay may kakaibang ngiti sa mga labi.
“Halika ka na, Ate. Kumain na tayo.” wika nito sabay hila ulit sa kanya.
Kumunot ang noo niya ng pamansin niyang ang isang table na ayos na ayos at halatang binigyan ng effort ang pagkakaayos niyon. Kumbaga, pang fine dining ang ayos ng table na nasa harapan niya ngayon. Maya-maya ay napapangiti siyang bumaling kay Ellis.
Ngunit bago pa siya makapag-salita ay umiling lang ang bata sa kanya. “Hindi po ako ang may gawa niyan, Ate Juvi. Siya po.” wika nito sabay turo sa isang panig.
Ganoon nalang ang pagkatulala niya ng mapagsino niya ang taong unti-unting lumalapit sa kinaroroonan nilang dalawa. Walang iba kundi si Rye na kahit naka-apron ay lutang na lutang pa din ang appeal nito. Sa totoo lang, feeling nga niya ay mas lalong nag-boom ang s*x appeal nito. O talaga lang na nahihibang at nababaliw na talaga siya?
Nakatulala pa din siya kay Rye hanggang sa makalapit na ito ng tuluyan sa kinatatayuan niya.
“Good morning, Darling.”nakangiting wika nito sa kanya na talaga naman lumukso ang puso niya. “Mukhang napuyat ka ng husto kagabi. Siguro iniisip mo ako, ano?” wika pa nito na may tonong pang-aasar.
Ngunit para siyang tanga na wala pa din sa sarili ng mga oras na iyon kaya ang tagal bago niya maintindihan ang sinabi ni Rye. Ang buong atensyon niya kasi ay nasa gwapong mukha ng binata.
Bakit ba ang gwapo talaga ng Rye na’to?
“Alam kong napakagwapo ko sa paningin mo, Juvi. Thank you.”
Sa sinabi nito ay parang doon lang siya natauhan. Naramdaman nalang niya na namumula na ang pisngi niya dahil sa kahihiyan ng mga oras na iyon. Napapitlag pa nga siya ng bigla nalang hawakan ni Rye ang dalawang braso niya at iginiya siya paupo sa lamesa.
“Mukhang gutom ka na, Darling. Hindi ka na nagsasalita eh. Let’s eat.” wika ni Rye sabay upo din sa harapan niya.
Wala na siyang magawa ng sinimulan na nitong lagyan ng pagkain ang plato niya.
“Ako nagluto niyan.” ngiting-ngiting sabi nito sa kanya. “Don’t worry, Darling. Walang lason yan kung yan ang inaalala mo. Ako din ang nagluto para sa mga bata. And please, eat it. Nakatingin silang lahat satin.” mahinang sabi ng binata pero pinanatili nito ang matamis na pagkakangiti marahil ay para hinid mahalata ng mga bata ang sitwasyon nilang dalawa.
Dahil sa sinabi nito ay sinimulan na niyang kainin ang pagkain na inihanda nito para sa kanya. Hindi niya alam kung bakit ginagawa iyon ni Rye sa kanya. Gusto man niyang tanungin ito ay minabuti nalang niyang tumahimik.
“This is Eliss’ wish.”
Doon siya napabaling ng tingin sa binanggit ni Rye. “What do you mean?”
Nagkibit-balikat lang ito. “Obviously, Juvi. She loves you. Everybody loves you. Gusto niyang ipaghanda kita ng espesyal na almusal ngayon. Sino ba naman ako para biguin ang isang mabait na bata.”
Sa sinabi ni Rye ay awtomatikong napatingin siya kay Ellis na ngayon ay masayang kumakain sa kinauupuan nito. Hindi niya alam pero parang may kung anong kamao na pumisil sa dibdib niya.
“Let’s fulfill her wish. And-” bago pa nito tinuloy ang sasabihin sa kanya ay inabot nito ang gilid ng labi niya at pinunasan.
“Ano ba, Rye.” mahinang saway niya sa binata. Siniguro niyang hindi siya mahahalata ng mga bata na ngayon ay tinitignan silang dalawa.
“May panis na laway ka.” Nakakalokong sabi nito sa kanya.
Hindi na kumibo si Juvilyn bagkus ay tahimik lang na kinain ang inihanda sa kanya ni Rye. Hindi siya tumitingin ng diretso sa mukha ng binata. Simula palang, iba na ang gustong mangyari ni Rye sa kanya. He wanted revenge. Gusto nitong makaganti sa ginawa niya dito at kay Crystal. From the start, alam naman niya ang bagay na iyon. Pero pasaway pa din talaga ang puso niya na kahit laging pinipigilan ng isip niya ay wala pa din siyang magawa. Gusto na niya si Rye. She was falling for him. Na sa tingin niya ay ngayon palang dapat na niyang putulin. Na dapat ay gagawin niya ang lahat ng paraan na alam niya para lalong hindi mahulog ang loob niya sa binata. Isa pa, alam naman niyang nagpapakitang bait lang ang binata dahil nasa harap sila ng mga bata.
“You like it?” tanong ni Rye sa kanya. Halata sa boses nito ang tuwa. “Maaga akong gumising para mapagluto kita.”
Hindi na nag-react si Juvilyn sa sinabi nito. Itinaas niya ang mukha at tinitigan niya ng seryoso ang binata. “Rye, I think we need to end this.”
Sa sinabi Juvilyn ay unti-unting nawawala ang ngiti sa mga labi nito. Alam niyang alam nito kung ano ang ibig niyang sabihin.
“Let’s finish this set up, Rye. After that, let’s not meet each other again.”