NAPAHUGOT nalang ng hininga si Juvilyn habang nakadungaw sa labas ng sasakyan ni Rye. Wala pa din imikan sa pagitan nilang dalawa ni Rye. Nang mga sandaling iyon ay papunta na sila sa mansion ng Tito Benedicto niya. Tulad nga ng sinabi niya kay Rye kaninang umaga ay ginawa agad ng binata ang gusto niya. Kaya tanghali palang ay papunta na sila sa mansion.
Naalala pa niya ang reaksyon ng mukha ni Rye ng sabihin niya ang mga katagang iyon. Para bang nawala ang magandang mood ng binata at talaga namang sumeryoso agad ang ekspresyon nito. Hindi niya alam pero pakiramdam niya ang nahihirapan siya. Hindi nga ba’t iyon ang gusto niya? Ang matapos ang lahat sa pagitan nilang dalawa ni Rye. At ang hindi na muli pa itong makita.
She wanted her old life. Yung buhay na walang Rye Emman sa tabi niya at lagi siyang iniinis. Na walang Rye na makakapagparamdam sa kanya ng kakaibang feelings na noon lang din niya naranasan. She really wanted to get rid of Rye. Pero bakit parang ang bigat yata sa loob niya? Bakit parang nasasaktan yata siya?
Kasi nga mahal mo na! sigaw ng isipan niya na ikinapailing niya.
Siguro dapat na talagang tanggapin ni Juvilyn ang katotohanang pilit na sumisigaw sa mukha niya. Mahal na niya si Rye. Pagmamahal na hindi pa man nagsisimula ay dapat na niyang pigilan. Habang kaunti palang ang nararamdaman niyang sakit.
“Ano ba talagang sadya mo, Rye? Bakit kailangan pa natin pumunta sa bahay ni Tito Benedicto?” tanong niya kay Rye. Kitang-kita niya ang seryosong ekspresyon ng mukha nito.
“You’ll know when we get there.” sagot nito sa kanya.
She sighed. Mukhang kailangan niya talagang maghintay na makarating sila sa mansion bago sabihin ni Rye kung ano talaga ang pakay nito. Ilang minuto ang lumipas ay nasa harapan na sila ng mansion na pagma-may-ari ni Benedicto Romualdez. Katulad ng dati ay halos wala pa din pagbabago sa angking ganda ng mansion na iyon. Ito ang tinatawag na white mansion ng buong Camba na talaga namang walang nakakatalo sa ganda at tanyag niyon. Halatang sinisigaw ng buong mansion ang kapangyarihan at kayamanan.
Marami ang nagsasabi sa kanya na napaka-swerte niya dahil malapit siya kay Benedicto. Totoo iyon dahil malaki talaga ang utang na loob niya dito. Kung hindi dahil sa tulong nito simula ng mamatay ang Tatang Ruping niya ay baka hindi niya naabot kung ano man ang kinalalagyan niya ngayon. Kaya kahit kailan ay hindi niya natatanggihan ang anumang request sa kanya ni Benedicto.
Pagkababa nila ng sasakyan ay agad silang dumiretso sa loob ng mansion. Nang tanungin ni Juvilyn ang nakasalubong na katulong ay agad siyang nagtanong kung nasaan ang Tito niya. Napahugot nalang siya ng hininga ng malaman niyang na nandoon ito sa mansion. Kaya naman wala na siyang inaksayang oras at agad niyang niyaya si Rye na pumunta sa garden.
“Nandito si Tito Benedicto.” tanong niya sa binata habang naglalakad sila papunta sa garden. “Kapag ba nakilala mo na siya tapos na ba ang usapan natin?”
“You’ll know.” maikling sagot ni Rye sa tanong niya.
Humugot nalang si Juvilyn ng malalim na hiniga at piniling huwag magsalita. Iniisip nalang niya na kaunting panahon nalang ang dapat niyang tiisin.
Tiisin kamo, Juvilyn? Eh ngayon palang nalulungkot kana kapag iniisip mong hindi mo na makikita si Rye! Impokrita! tuya ng isipan niya sa kanya.
“Juvilyn, what a surprise.” wika ng Tito Benedicto niya na agad naman niyang nilapitan at humalik sa pisngi nito.
Kahit na may edad na ang Tito niya ay halatang prominente at kagalang-galang pa din ang hitsura. Halata din ang authority sa katauhan nito na nagpadagdag pa ay ang mga bodyguards nito hindi kalayuan sa kanya. Wala pa siyang nakitang pagkakataon na wala itong kasamang bodyguards.
“Sorry, Tito. Biglaan ang pagpunta namin dito. Dumaan din kasi kami sa HFTLO.” palusot niya dito.
“It’s okey, hija. Matagal-tagal din simula ng magpunta ka dito sa mansion. At isa pa, you deserve a break. Hindi yung puro kumpanya mo ang iniisip mo.” patuloy na sabi nito sabay tingin kay Rye na ngayon ay napaka-seryoso ng pagkakatingin sa kanilang dalawa. “Sino ang kasama mo, hija?”
Bago pa makapagsalita si Juvilyn ay naunahan na siya ni Rye. Lumapit ito sa Tito Benedicto niya at nakipagkamay.
“Rye Emman Villaluz po, Mayor. Kamusta po kayo? It’s pleasure to meet you in person. Ang isa sa pinakamatapang at kagalang-galang na mayor dito.” agad na wika nito.
Tinanggap naman ng Tito niya ang pakikipagkamay nito at halatang nagustuhan nito ang sinabi ng binata.
“I’m good naman, hijo. Hindi na ko magpapaligoy-ligoy pa. Boyfriend ka ba nitong si Juvilyn?”
Hindi na nagtaka pa si Juvilyn na tinanong nito iyon dahil hindi naman iyon ang unang pagkakataon pero ang kinagulat niya ay kung ano ang sinagot ni Rye.
“Yes, Mayor. Boyfriend po ako ni Juvilyn. At kaya po kami nandito ay para ipakilala niya ako sa inyo. She respects you so much, Senator.” turan nito sabay akmay sa kanya. “Right, darling?”
Awtomatikong tumikom ang bibig niya sa ginawa ni Rye. Nang pagkasalubong kasi ang tingin nilang dalawa ay halata sa kislap ng mata ng binata na sumakay nalang siya sa nais nitong mangyari. At dahil may ‘utang na loob’ siya kay Rye ay minabuti nalang niyang hindi kontrahin ang gusto nitong mangyari.
“Tama ba ang narinig ko sa lalaking ito, Juvilyn?”
Ilang segundo na hindi nakaimik si Juvilyn sa tanong ni Benedicto. Nang maramdaman niya ulit ang marahang pagpisil ni Rye sa balikat niya at kiming napangiti siya.
“Opo, Tito. Sorry kung hindi ko po agad nasabi sa inyo. Pero kaya po kami nandito para sabihin na kami na officially.”
Nagkibit-balikat nalang ito. “Well, wala na naman akong magagawa. Matanda ka na naman, hija. At alam mo na kung ano ang makakabuti sayo.” wika nito sabay baling ng tingin kay Rye. “Ang mabuti pa, dito nalang muna kayo magpalipas ng ilang gabi para naman makilala ko ng husto itong boyfriend mo.”
Sa sinabing iyon ni Benedicto ay napansin ni Juvilyn na may kakaibang ngiti ang gumuhit sa labi ni Rye. Na alam niyang nagtagumpay ito sa pinaplano nito. Ilang saglit pa silang nagka-mustahan ng Tito niya bago siya nagpaalam dito na magpapahinga na muna siya sa kwarto niya. Pero ang totoo lang ay hindi na niya kaya pang itago ang ngitngit at inis para kay Rye. Tama nga ang binata. Malalaman at malalaman din niya kung ano ba talaga ang plano nito at gustong mangyari. Alam niyang sa simula palang, talo na siya sa kundisyon na binigay sa kanya ng binata. At lalong natalo siya kasi nahulog na ng husto ang damdamin niya para dito.
At dahil sa reyalisasyon niyang iyon ay parang gusto niyang magwala ng husto. Bakit ba simula ng magkita ulit ng landas nila ng lalaking ito ay nagulo ng husto hindi lang ang mundo niya pati na din ang puso niya? She really wanted to punch his face. Iyong suntok na hinding-hindi nito malilimutan sa buong buhay niya.
Kaya naman nang nasa loob na sila ng kwarto niya at alam niyang nakasunod si Rye ay agad siyang humarap sa binata. Nang akmang aambaan na niya ng suntok ang binata ay mabilis na hinawakan nito ang dalawang braso niya para pigilan ang kung anuman ang balak niya dito. Halatang mabilis ang reflexes nito.
“Hey, darling. Easy. Bakit ba ang init ng ulo mo?” nakangisi pang sabi nito na halatang nang-aasar pa kaya naman lalong tumindi ang inis niya dito.
“You planned this, Rye.” gigil na sabi niya dito.
“Darling, alam mo naman sa umpisa palang na may plano na ako. Bakit nagtataka ka pa?”
“Damn you!” ani niya sabay pilit na kumawala sa pagkakahawak nito sa braso niya.
Ngunit ganoon na lamang ang pagkabigla niya ng bigla siya nitong kayapin ng mahigpit. Nang akmang magpupumiglas siya sa pagkakayap nito ay lalo pang hinigpitan ni Rye ang pagkakayap sa kanya.
“Ano ba, Rye? Let me go!”
Hindi pa din natinag ang binata. “I’m sorry, Juvi. But I really need to do this.” wika pa nito sa kanya na awtomatiko namang napatigil siya sa ginagawang pagpupumiglas. Kung kanina ay nakangisi pa ito sa kanya at parang nang-aasar pa. Ngayon naman ay iba ang nararamdaman niya sa tono ni Rye.
Ilang saglit sila sa ganoong posisyon hanggang sa naramdaman nalang niya Juvilyn unti-unting nawawala ang inis para sa binata. Nang bitiwan siya nito ay tumingin ito ng diretso sa mga mata niya.
“We really need to talk.” pagkasabi niyon ay marahan siya nitong inalalayan paupo sa kama niya. Sinundan niya ng tingin ang binata na saglit na umalis sa harapan niya para isarado ang pintuan.
Nang bumalik ito sa harapan niya ay tinabihan siya nito at umupo din sa kama.
“Alam kong mahirap itong ipapagawa ko sayo, Juvilyn. But I really need your cooperation. Ikaw lang ang pwedeng gumawa nito.”
“What do you mean, Rye?”
Bumuntong-hininga muna ang binata bago siya nito sinagot. “You’re the only person na hindi magagawang pagdudahan ni Romualdez, Juvilyn. Ikaw lang ang taong pwedeng gumala sa buong mansion.”
Sa sinabi nito ay lalo siyang nagulahan. “Hindi kita maintidihan, Rye. Ano bang pinagsasabi mo?”
“Here.” wika ni Rye sabay abot sa kanya ng isang may kalakihang brown envelop. “Ito ang bagay ba kailangan mong makuha.”
Nag-aalangan man ay minabuti nalang niyang kunin ang ibinigay nito. Pagkabukas niya ay tumambad sa kanya ang isang larawan na naglalaman ng isang blue book. Isang kulay asul na libro na may kalumaan na din tignan ang nasa larawan.
“Anong gagawin ko dito sa librong ito?”
“Ang librong yan ay pagmamay-ari ng isang pamilya na dating naninirahan sa lugar na ito, Juvy. Naglalaman yan ng mga confidential files at importanteng detalye tungkol sa kayaman na nakabaon sa mansion ng mga Santiago. Pati na rin ang mga ebidensya sa pagkapatay ng mga Santiago.”
Kumunoot ng husto ang noo niya sa narinig niya sa binata. “Santiago? Hindi ba’t dati iyong abandonadong bahay na nabili ni Tito Benedicto?” wika niya habang tinitignang mabuti ang libro na nasa larawan.
“That’s right. At gusto kong kunin mo ang libro na iyan.”
“And why would I do that in the first place, Rye?”
Tinitigan muna siya nito bago nagsalita. “Kilala ko ang isa sa pamilya ng Santiago. She was a good friend to me. Namatay ang buong pamilya niya para maprotektahan ang kayaman na ibinaon ng mga past ancestors nila. Pinatay ang buong pamilya niya, Juvy. Para lang sa kayaman. Nawalan siya ng magulang at kapatid dahil sa isang taong sakim sa pera. Lumaki siyang nasa isip ang mapait niyang nakaraan. At ngayon, ilang dekada siyang nagtiis para lang makuha ang hustisya para sa pagkamatay ng pamilya niya. At ang librong iyan ang magiging susi para makamit niya ang hustisya.”
Ilang saglit siyang hindi nakaimik dahil pina-process pa niyang maigi ang mga binitiwan nitong kataga ngayon-ngayon lang.
“Don’t tell me na ang tinutukoy mong tao na pumatay sa mga Santiago ay si Tito?” nanlalaking matang sabi niya dito.
“Ang librong iyan ang makakasagot ng mga katanungan.”
Sa sinabi nito ay awtomatiko napatayo si Juviyln at hindi mapakaling lumakad ng pabalik-balik.
“Pero hindi magagawa ni Tito Benedicto ang pumatay ng tao!” pagtatanggol niya sa matanda. “I know him. Hindi niya kayang gawin iyon.” matigas na sabi niya sa binata na ikana-buntong-hininga nito.
“P-pero, bakit ako? I mean, wala na bang ibang paraan para makuha ang librong ito?”
“Again, ang librong na nasa kamay ngayon ni Romualdez ang tanging magpapatunay kung totoo ang mga bintang sa kanya.”
Tumayo muli ang binata at tinitigan siya ng maigi sa mata. Kitang-kita niya ang kaseryosohan ng binata kaya naman pakiramdam niya ay bigla siyang nawalan ng lakas. Minabuti nalang niyang umupo nalang ulit sa kama dahil feeling niya ay nanginginig ang mga tuhod niya ng mga sandaling iyon.
“Juvilyn, I know this is hard for you. Pero dapat mong gawin ang tama.”
Sa sinabi ni Rye ay awtomatikong napayuko siya sabay takip ng mukha. “I need to think, Rye. Gusto ko munang mag-isip ng husto.”
Narinig niya ang buntong-hininga ni Rye. Pero bago pa siya nito tuluyang iwanan ay nag-iwan pa ito ng salitang sobrang nakaapekto sa kanya.
“I know you will do the right thing, Juvilyn. I put my trust in you.”
“Trust? You’re talking about trust, Rye? Hindi nga ba’t ginagawa mo ang lahat ng ito para maghiganti sa ginawa ko sayo? You don’t trust me, Rye. You just wanted to ruin my life. Dahil sa una palang iyon naman ang gusto mo, hindi ba?”
Tinitigan siya ng husto ni Rye. Pakiramdam niya ay may gusto pa itong sabihin.
I will leave you alone for the meantime. But we’re running out of time, Juvilyn. Kailangan makuha na natin ang libro na nasa pangangalaga ng Tito mo.”
Nang tuluyan ng mawala si Rye ay napahiga nalang siya sa kama niya. Kung totoo ang sinasabi ni Rye tungkol sa mga Santiago, ibig sabihin ay isang criminal ang Tito Benedicto niya. Na para sa mga mata niya ay imposible. Muli niyang tinignan ang larawan at pinagmasdan ang libro. Hindi niya malalaman ang mga kasagutan sa mga tanong niya kung hindi siya mismo ang makakakita sa libro.
Kung totoo nga na ang Tito Benedicto niya ang may sala sa pagkamatay ng pamilya Santiago, mukhang hindi niya talaga kilala ng husto ito. O sadya lang nabulag siya ng husto dahil sa ginawang mabuti sa kanya ng tao?
Nang mga oras na iyon ay pakiramdam niya ay bigla siyang inatake ng matinding migraine. But deep inside her, ngayon palang ay alam na niya kung ano ang magiging desisyon niya.
NANG gabing iyon ay nakapag-desisyon na si Juvilyn. Kaya naman agad niyang tinawagan ng palihim si Rye at pinapunta sa loob ng kwarto niya. Kung sinoman ang taong tinutukoy kanina ni Rye na nawalan ng pamilya. Alam niyang hindi madali ang pinagdadaanan nito. Dahil kahit siya ay alam niya kung gaano kasakit mawalan ng mahal sa buhay. Pakiramdam nga niya ay parang bigla na naman nabuhay ulit ang sakit ng pagkawala ng Tatang Ruping niya.
At isa pa, dapat niyang gawin kung anuman ang tama. Pero umaasa pa din siyang walang kinalaman ang Tito Benedicto niya sa krimen na naganap at nadamay lang ito dahil gaya ng sabi ni Rye ay ito ngayon ang may hawak ng libro.
“What’s our plan?” seryosong tanong niya agad kay Rye pagkapasok nito sa kwarto niya.
“Kung hindi ako nagkakamali, malaki ang posibilidad na nasa loob ng study room ang librong hinahanap natin. And timing din ang pagkakataon na ito dahil wala ngayon si Romualdez. Ang pagkakarinig ko ay lumuwas muna siya ng Manila at bukas pa ang balik kaya marami tayong oras para mahanap ang libro.”
Bumuntong hininga muna si Juvilyn bago sumagot. “Kung nasa study room nga niya ang librong hinahanap natin at kung tama ang sinasabi mong mahalaga nga ang librong iyon malaki ang possibilidad na nasa safebox iyon nakatago. How we will get it kung nasa safebox? Hindi natin alam ang password.”
Tinapik-tapik siya ng binata sa pisngi bago ito sumagot. “That’s my part, darling. Ang kailangan mo lang gawin ay hanapin kung nasaan ang safebox sa library.”
Hinintay muna nilang maghating gabi kung saan tulog na ang mga katulong at tanging mga guard lang na nasa labas ang gising. At dahil kabisado niya ang buong mansion, kahit na walang ilaw ay hindi siya nahirapan tuntunin ang kinaroroonan ng study room ng Tito niya. Aminin man niya o hindi ay kinakabahan siya sa ginagawa nilang dalawa ni Rye. Dahil sa oras na mahuli silang dalawa ay tiyak na hindi siya mapapatawad nito.
“s**t. Naka-lock.” mahinang usal niya kay Rye.
“Relax, darling.” wika nito sa kanya sabay labas ng susi na kung hindi siya nagkakamali ay isang masterkey iyon. Pagkarinig niya ng mahinang click tanda ng nabuksan na ni Rye ang pinto ay saka pa lang siya nakapag-react.
“How do you do that?”
“From there and here. Let’s get inside.”
Pagkapasok nilang dalawa sa loob ay saka binuksan ni Rye ang dala nitong flashlight na hindi gaanong kaliwanag. Marahil ay para hindi iyon makatawag pansin. Malaki ang study room ng Tito Benedicto niya. Ilang beses na rin naman siyang nakapasok doon kapag gusto niyang magbasa ng libro at hindi naman siya pinagbabawalan ng matanda. Kaya alam niyang mahihirapan siyang hanapin ang safebox nito.
Halos kalahating oras na silang naghahanap ng safebox ngunit hindi pa din nila iyon nahahanap. Tagaktak na din ang pawis sa mukha ni Juvilyn. Marahil ay dahil sa init at kaba na nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Papasuko na siya at sasabihin na niya sa binata na hindi niya talaga kayang makita nang mapadaan mata niya sa isang malaking painting na nasa wall kung saan malapit sa table ng senador. Ang pagkakaalam niya ay ito ang grandmother ng Tito Benedicto niya. Nilapitan niya ang painting at doon niya tinapat ang ilaw ng flashlight niya.
Nang hawakan iyon ni Juvilyn at mapadaan ng kamay sa gilid niyon ay may nakapa siya na parang button kaya naman agad niya iyon inilawan. Nang mapagtanto niya kung ano iyon ay bumilis ng husto ang t***k ng puso niya kaya naman agad niyang tinawag si Rye.
“I-I think I found it.” wika niya sabay turo sa button na nakita niya.
Walang inaksayang oras si Rye at agad nitong pinindot ang button. Ganoon nalang ang panlalaki ng mga mata niya ng biglang umikot pataas ang painting at lumantad agad sa kanila ang isang may kalakihang safebox.
“s**t. You found it, Juvilyn.”
Agad namang tinignan ni Rye ang safebox at napailing. “Halatang pinagkatago-tago ni Romualdez ang mga ebidensya laban sa kanya.”
Sa sinabi nito ay nairita siya. “Pwede ba, Rye? Hindi pa natin alam kung nandyan ba ang librong sinasabi mo. At lalong hindi pa natin alam kung may kinalaman ba siya sa pagkamatay ng pamilyang Santiago. Saka nalang tayo mag-judge kapag nakita na natin ang sinasabi mong libro.”
Pinili nalang siguro ng binata na hindi nalang mag-react sa sinabi niya at sinimulan na nitong tignan ang safebox.
“How will you open that, Rye? Hindi tatalab ang susi na dala-dala mo dyan.” sarkastikong sabi niya sa binata.
“I don’t know why I tolerate the insults, darling.” wika nito sa kanya. “Well, it’s a good thing that this safe is an old model. Just for your information, you can override the system by input a master code. Or ang pinakamabilis ay kung alam mo ang default code ng ganitong model. Let me try.”
Pagka-input ni Rye sa sinasabi nitong code ay biglang tumunog at nag-red ang safe kaya naman namutla siya ng husto.
“Ano ba, Rye. Baka mamaya bigla nalang mag-ingay yang safe dahil mali ang na-input mo.”
“Relax, darling. Walang ganoong kakayahan ang safe na ito.” wika nito sa kanya.
Hindi na nag-react pa si Juvilynsa sinabi ng binata. Ang tanging magagawa nalang niya siguro ay ang magdasal na sana ay mabuksan na nito ang safe. Habang ginagawa ni Rye ay hindi siya mapakali at kabado siya. Nanlaki nalang ang mga mata niya ng biglang nag-green ang safe at nag-open iyon. Pagkabukas nila ng safe ay tumambad sa kanila ang limpak-limpak na pera at mga alahas. Na kung susumain ay milyon-milyon yata ang halaga non at nakakalula masyado. Nakita nalang niya ang sarili niya na napahawak sa braso ng binata.
Ilang saglit lang ay nahanap na ni Rye ang blue book na kailangan nila at walang pagdadalawang-isip na kinuha iyon ng binata.
“Let’s get out of this place, Juvilyn.” wika nito sa kanya sabay sarado ng safe at muli nitong ibinalik sa dati ang painting.
“T-teka, ang sabi mo lang ay kukunin lang natin ang libro. Bakit tayo aalis sa mansion?”
“Don’t you get it, Juvilyn? Oras na malaman ni Romualdez na nawawala ang librong ilang taon din niyang pinaghirapan. Hindi siya mangingiming ipapatay tayo.”
Umiling-iling siya. “No, hindi niya magagawa sa akin yan.”
“He will, Juvilyn. Don’t trust that person. Hindi siya ang taong inaakala mong mabait.” wika nito sa kanya sabay taas sa librong hawak nito. “Ito ang magiging sagot sa mga katanungan mo.”