Chapter 9

2590 Words
SA sobrang bilis ng pangyayari ay halos hindi na namalayan ni Juvilyn na nakaalis agad sila ni Rye sa manision. Bilib din siya sa kakayahan ni Rye na maging mahinahon sa mga ganoong klaseng pagkakataon samantalang siya ay sobrang kaba at takot na nararamdaman niya. At nang mga oras na iyon ay kasalukuyan silang nasa sasakyan ng binata. Hindi niya alam kung saan ba sila papunta pero hinayaan nalang muna niya ito. Ipinikit niya ng mariin ang mata niya para naman kahit paano ay ma-relax ang pakiramdam niya. “You did a great job, Juvilyn.” Nang marinig niya ang sinabing iyon ni Rye ay awtomatikong napadilat siya at bumaling sa lalaki. “Did I? Or am I betraying Tito Benedicto?” Umiling-iling ang binata. “You did not betray anyone. Natulungan mo ang tao na gustong makamit ang hustisya, Juvilyn.” Hindi sumagot si Juvilyn sa sinabi ni Rye at muli ipinikit ang mata. Totoo kaya ang sinabi nito? Na natulungan niya ang taong tinutukoy nito? Well, isa lang ang makakasagot sa tanong niya. At dahil involved na din siya sa pangyayaring iyon ay gusto niyang malaman kung ano talaga ang nilalaman ng blue book na nasa kamay na nila ng mga oras na iyon. Maya-maya ay naramdaman niya ang masuyong pagpisil ni Rye sa kamay niya. “Take a good rest for a while, darling.” Sa sinabi ng binata ay saka lang niya naramdaman ang labis na antok hanggang sa makatulog nalang siya agad ng hindi niya namamalayan. Pagdilat niya ng mga mata niya ay agad na napabalikwas siya sa pagkakahiga dahil napagtanto niyang wala na siya sa loob ng sasakyan ni Rye. Nasa isang kwarto na siya na hindi pamilyar sa kanya. Hindi niya alam kung ilang oras na siyang nakatulog at ni hindi man lang niya namalayan ang pagdala sa kanya ng binata sa kwarto. Paglabas niya ng kwarto ay agad niyang pinagala ang mata niya. Hindi siya familiar sa bahay na kinaroroonan niya. Saan panig kaya siya ng mundo dinala ni Rye? “Rye?” malakas na tawag niya sa pangalan ng binata. Imposible naman na iwanan lang siya doon ng binata. Nang wala siyang nakuhang sagot mula sa binata ay agad siyang pumunta sa kabilang panig ng bahay na kung hindi siya nagkakamali ay tinutunton niya ang papunta sa sala. Muli niyang tinawag si Rye ngunit wala pa din siyang naririnig na tugon mula dito. “Mabuti naman at gising kana, Juvi.” Agad na napabaling siya ng tingin ng marinig niya ang pamilyar na tinig na nagsalita sa may likuran niya. “Aivie?” bulalas na sabi niya ng makita ang kaibigan na ngayon ay nakatayo sa harapan niya. “What are you doing here? I mean, where’s Rye? Kasama ko lang siya kanina diba? And paano mo nalaman na nandito ako?” Lumapit ito sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang braso. “You’ve been scared, aren’t you?” Lalo siyang nagulahan sa sinabi ng kaibigan niya. “Wait, hindi ko naiintindihan ang nangyayari ngayon. I’m confused, Aivie.” Bago ito sumagot ay bumuntong hininga muna ang kaibigan. Niyaya siya nitong umupo at mahigpit na hinawakan ang kamay niya. “I have something to tell you, Juvilyn. And I know this is the perfect time para masabi ko ang katotohan sayo.” Pagkasabi niyon ay inilabas nito ang blue book na kagabi lang ay kinuha nilang dalawa ni Rye. Pagkakita niya sa libro ay kumabog agad ng husto ang dibdib niya. Ayaw man niyang aminin pero may ideya siya na unti-unting pumapasok sa isipan niya. “A-Aivie-” “My family killed when I was fifteen years old. They we’re killed infront of my eyes.” Sa narinig dito ay awtomatikong napatulala si Juvilyn. Kitang-kita din sa mga mata ng kaibigan ang sakit habang sinasabi nito ang mga katagang iyon. “I-ibig sabihin ikaw ang tinutukoy ni Rye na natitirang Santiago?” Tumango ang kaibigan niya bago nagpatuloy sa pagsasalita. “Maaga akong naulila dahil sa isang tao na kasakiman ang pinairal. Buong buhay ko, ang mukhang iyon ang laging kong napapanaginipan. Lagi kong naiisip yung panahon na makakamit ng buong pamilya ko ang hustisya para sa kanila. Juvilyn, wala akong ibang ginusto sa buhay ko kundi pagbayaran ng taong pumatay sa pamilya ko ang kasalanan niya. I wanted him dead. Kung alam mo lang kung gaano ko siya gustong patayin sa mga kamay ko. Pero paano? How can I kill that person? I’m absolutely powerless. Ni makalmot lang siya ay hindi ko pa magawa, ang patayin ka kaya siya? Until such time na naisip ko na maghintay nalang ng tamang pagkakataon. At habang ang naghihintay ng pagkakataong iyon ay dapat makakuha na ako ng impluwensya para makaganti sa kanya.” Dahil sobrang na-o-overwhelmed sa sinasabi ng kaibigan ay minabuti nalang muna niyang tumayo. “I don’t understand, Aivie. Naguguluhan ako sa sinasabi mo ngayon.” “Benedicto Romualdez killed my family, Juvilyn. Siya ang pumatay sa magulang at kapatid ko.” matigas na sabi nito sa kanya. “No! Tito Benedicto wouldn’t do that thing! Hindi niya kayang gawin iyon!” kontra niya sa kaibigan na napatayo na din. “Nagawa na niya, Juvilyn. At kayang-kaya niyang gawin ulit iyon kapag nalaman niyang may natitira pang buhay sa mga Santiago lalo na kapag nalaman niyang nasaksihan ko kung paano niya pinatay ang pamilya ko.” Umiiling-iling siya. “He helped you Aivie. Tinulungan niya tayo at pinag-aral. Binigyan ng puhunan para mapatayo natin ang kumpanya natin ngayon. Tapos saka mo sasabihin sakin ang bagay na ito? Bakit ngayon lang?” “Dahil iyon ang plano ko, Juvilyn. Ang pinakamabisang paraan para mapalapit ng husto sa kaaway ay ang kaibiganin siya. He killed my family dahil sa ambisyon niyang makuha ng buo ang pwesto ng pagiging gobernador. He killed them because of his selfishness!” Lumapit sa kanya ang kaibigan at mahigpit na hinawakan ang magkabila niyang braso. “Alam kong mataas ang naging respeto mo sa kanya, Juvilyn. Pero dahil iyon sa hindi mo alam kung ano ang tunay na pagkatao niya. Kung ano ang kaya niyang gawin para lang makuha ang gusto niya dahil nabubulagan ka sa ideya na mabait siya. Hindi lang ikaw ang nabubulagan. Marami kayong nabubulagan sa pinapakita niyang kabaitan.” wika nito sabay bitaw sa kanya. “If you don’t trust my word, I assume that you will trust this evidence.” wika ni Aivie sabay abot sa kanya ng libro. Pero imbes na kunin ay tinitigan lang niya iyon. “Pinapatay niya din ang Tatang Ruping mo.” Sa sinabi ni Aivie ay feeling niya ng mga oras na iyon ay huminto ang pagtibok ng puso niya. Ni hindi masyadong ma-register ng utak ni Juvilyn ang katagang binitiwan nito kani-kanina lang. Nang makabawi ng pagkabigla ay galit na sinigawan niya ito. “This is insane, Aivie! Sumusobra kana!” galit na wika niya dito. “Bukod sakin, nakita din ng Tatang Ruping mo ang krimen na ginawa ni Benedicto. Noong gabing pinapatay niya ang buong pamilya ko ay doon nag-ta-trabaho ang Tatang mo. That evil killed your Tatang, Juvilyn.” pagkasabi niyon ay muli nitong iniabot ang blue book sa kanya. “This blue book contains his crimes. Nandyan din ang mga detalye tungkol sa kayamanan ng pamilya namin. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ng matandang iyon kung bakit kailangan niya pang ilagay dito ang mga nagawa niyang krimen. Why not? He is sick as hell.” Sa nanginginig na kamay ay unti-unti kinuha ni Juvilyn ang blue book. Pagkabukas niya ng libro ay halos hindi niya makayanan ang mga nakalagay doon. Tulad nga ng sinabi ni Aivie ay nandoon nga ang mga krimen na ginawa ni Benedicto at pati ang mga detalye tungkol sa mga naging biktima nito. At sa pahina ng mga Santiago ay natagpuan niya ang pangalan ng Tatang Ruping niya. Nang mga oras na iyon ay parang unti-unti siyang nawawalan ng lakas at nang hindi na niya makayanan ay minabuti na lang niyang umupo. Pakiramdam niya ng mga oras na iyon ay sobrang sikip ng dibdib niya. She wanted to cry pero sa sobrang pagkabigla ay parang hindi niya kayang umiyak. “Ilang taon mo ng alam ang bagay na ito?” tanong niya kay Aivie. Nang hindi sumagot ang kaibigan niya ay pinilit niyang tumayo para lapitan ito. “Matagal mo na bang alam na pinatay ni Benedicto ang Tatang ko?!” sigaw niya kay Aivie. “I’m sorry. Matagal ko ng gustong sabihin sayo ang bagay na iyon pero you trusted him to the point na para mo na din siyang tinuring na ama. Kaya hinintay ko ang pagkakataon ito para malaman mo ang katotohanan.” Natawa siya ng pagak sa narinig. “Kaya ako ang pinakuha mo ng librong ito? Ganoon ba iyon, Aivie?” wika niya sabay angat ng librong hawak. “Si Rye.” pagkabanggit niya sa pangalan ng binata ay parang may malaking bara ang nasa lalamunan niya. “Kasama mo si Rye sa plano mong ito? Mula simula ng magpakita ulit siya sakin?” Umiling ang kaibigan sa sinabi niya. “No, walang kasalanan si Rye sa nangyari. I took advantage of him ng malaman ko ang ginagawa niya sayo. Sinamantala ko ang galit niya sayo para makuha ko ang gusto ko, Juvilyn. Ang ideya ng cord at pagpunta niyo sa mansion ni Benedicto ay sa akin galing. I’m sorry for not telling you this, Juvilyn.” Pero imbes na tanggapin ang sorry ng kaibigan ay buong lakas niyang binato ang blue book na hawak niya sa pader. “Ilang taon mo akong niloko, Aivie. Ilang taon mong inilihim sa akin ang bagay na iyon. Halos buong buhay ko itinago mo sakin ang katotohanan. Sa tingin mo ba matatanggap ko pa ang sorry mo?!” Yumuko si Aivie sa sinabi niya at halatang nasaktan ito sa binitiwan niyang salita. “Ayokong maramdaman mo ang sakit na nararanasan ko, Juvilyn. That’s why I didn’t tell you the truth.” Pagkarinig niya ng mga katagang binitiwan nito ay hindi na niya napigilan pa ang sarili niya. Malakas niyang sinampal ang kaibigan. “Sino ka para gawin sakin ang bagay na ito? Napaka-selfish mo, Aivie. I really hate you! Napaka-selfish mo!” Minabuti nalang ni Juvilyn umalis sa harapan ni Aivie dahil hindi niya alam kung ano ang pwede niya pang magawa dito. Kaya dali-dali siyang lumabas ng bahay at agad niyang napansin ang sasakyan ni Rye na kakaparada lang sa tapat ng bahay. Pagkakita nito sa kanya ay agad itong bumaba sa kotse at nilapitan siya. “Juvilyn-” Nahinto ang kung anuman ang sasabihin sa kanya ng binata ng ubod na lakas niya itong sampalin sa pisngi. “Did you know all this, Rye?” Nang balingan siya ng binata ay doon nagkasalubong ang mga mata nilang dalawa. “Alam mo ba ang lahat ng ito?!” Ilang saglit itong hindi kumibo at nanatili lang na nakatitig sa kanya. Hindi siya pwedeng magkamali dahil kitang-kita niya sa kislap ng mata nito ang awa. “I’m sorry.” Walang salitang tinaliluran niya si Rye at tuloy-tuloy na naglakad palayo dito. Nang mga oras na iyon ay gusto niyang magmawala. Gusto niyang sumigaw ng malakas. Gusto niyang umiyak. Halo-halo ang nararadaman niya. Betrayal and pain. Sa lahat ng tao ay kay Aivie pa niya iyon nakuhang pareho. Ang taong itinurin niyang pamilya at higit pa sa kapatid. Ang tao na kasa-kasama niya at isa sa nagbigay sa kanya ng pag-asa na ipagpatuloy at magsumikap sa buhay kahit na mag-isa nalang siya sa mundo. Na kahit na wala ng kamag-anak na nagmamahal sa kanya ay may mga tao pa din na handa siyang mahalin. Hindi lang ang sakit sa kaalaman na pinatay ni Benedicto ang Tatang Ruping niya kundi ang pagsisinungalin at paggamit sa kanya ni Aivie para makuha nito ang nais nito. Halos nagkapatong-patong na ang sama ng nararamdaman niya kaya naman halos hindi na niya namamalayan na napalayo na pala siya. Nang makaramdam na siya ng panginginig ng tuhod ay nagpasya siyang huminto muna sa paglalakad. “Juvilyn..” Mariin siyang napapikit ng marinig niya ang boses ni Rye na nasa likuran niya. Halos hindi rin niya namalayan na sumusunod pala ito sa kanya. “What are you doing, Rye? Iwanan mo na ako.” “I’m sorry. Pero hindi kita pwedeng pabayaan nalang. Let’s go back, Juvilyn. Hindi ligtas para sayo ang nasa labas.” Sa sinabi ng binata ay awtomatikong hinarap niya ito. “Bakit nag-aalala ka yata ngayon sakin, Rye? Hindi ba sa simula palang gusto mo na talagang masira ang buhay ko? Ang pagbayaran ko ang naging kasalanan ko sayo?” habang sinasabi niya iyon sa binata ay doon niya naramdaman ang pag-iinit ng mga mata niya, na anumang sandali ay babagsak na ang luha niya. “Hind ba ito ang gusto mo, Rye?” Nang hindi na niya mapigilan ay napahagulgol nalang siya ng malakas. Sa pag-iyak ni Juvilyn binuhos ang nararamdaman niyang sakit ng mga oras na iyon. Maya-maya ay naramdaman niya na niyakap siya g mahigpit ng binata. Noong una ay nagpupumiglas pa siya sa yakap ng binata ngunit hindi siya nito hinayaang makakawala. Ilang sandali lang ay natagpuan na lamang niya ang sarili niya na umiiyak sa mga bisig ni Rye. Sa pag-iyak niya inilabas ang sakit na nararamdaman niya at hindi naman siya pinigilan ng binata. Yakap-yakap lang siya nito at masuyong hinahaplos ang likod niya na para bang sa pamamagitan man lang niyon ay maibsan ang sakit. She wanted to run. Kung pwede lang niyang kalimutan ang lahat. Kung sana ay ganoon lang kadali tanggapin ang lahat ng mga nalaman niyang katotohanan ngayong araw. TAHIMIK lang na nakaupo si Juvilyn sa isang malaking bato na nasa daanan habang katabi niya si Rye. Ilang minuto na siyang tapos sa kakaiyak at masasabi niyang kahit paano ay gumaan ang loob niya. Pero hindi pa din niyon mababago ang katotohanan na natuklasan niya. “I think we need to go back, Juvilyn. Malayo-layo din ang nilakad natin kanina.” wika ni Rye sa kanya. Noon lang din niya napansin ang lugar na kinaroroonan nilang dalawa ng binata. Although nasa kalsada pa din naman sila ay napansin niyang bihira lang ang dumadaan na sasakyan doon. “Saan lugar mo ba ako dinala?” tanong niya dito na medyo garalgal na tinig. “Nasa Zambales tayo. Naisip ko kasing mas safe kung tutuloy tayo sa rest house ko dito. Kung maglalakad tayo pabalik ng bahay, aabutin tayo ng forty five minutes.” Ganoon na pala kalayo ang nilakad niya palayo sa resthouse nito. “I don’t want to go back. Ayokong siyang makita.” Napabuntong-hininga nalang si Rye sa narinig galing sa kanya. Halatang expected na nito na hindi siya babalik sa bahay nito. “Aivie texted me. Kanina pa siya umalis sa bahay. She knows na hindi ka babalik hanggat nandoon siya.” Tumayo ang binata at inialok nito ang kamay sa kanya. “Let’s go home, Juvilyn.” Tinignan ni Juvilyn muna ng ilang sandali ang kamay nito na nasa harapan niya. Ayaw man ng utak niya na tanggapin iyon ay ang puso naman niya ang nagsusumigaw. Kaya hinayaan nalang muna niyang mamayani ang puso niya. Tinanggap niya ang kamay ng binata kasabay ng pag-alalay nito sa kanya patayo. “Bihira ang dumaan na public transportation sa kalye na ito kaya we have no choice kundi maglakad.” wika nito sa kanya. Maya-maya lang ay sinumulan na nilang dalawa ang paglalakad pabalik sa bahay nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD