HALOS buong araw na nagkulong si Juvilyn sa loob ng kwarto. Pagkabalik kasi nila ni Rye sa rest house nito ay doon agad siya dumiretso at nagkulong. Tama din ang sinabi ng binata dahil pagdating nila ay wala na si Aivie. Hindi naman siya inistorbo o pinilit na lumabas ni Rye. Marahil ay alam nito na nasasaktan pa siya sa natuklasan.
Buong araw din siyang natulog and when she opened her eyes ay luha na agad ang sumasalubong sa kanya. She’s hurting at masasabi niyang napakasakit para sa kanya na malaman ang buong katotohanan. Ang buong akala pa naman niya ay nakamit na ng Tatang Ruping niya ang hustisya sa pagkamatay nito. Iyon pala ay sa una pa lang ay niloko lang siya ni Benedicto. Gusto niyang sugurin ang matanda sa ginawa nitong panloloko sa kanya. Pero paano? Alam niyang hindi siya makakalapit dito dahil maraming bodyguards ang nakabantay dito. Kahit yata dulo ng buhok ni Benedicto ay hindi niya mapuputol. At iyon ang labis na nakakapag-frustrate sa kanya.
Maya-maya lang ay naalimpungatan si Juvilyn sa mahihinang katok sa pinto. Alam niyang si Rye iyon ngunit hindi siya tuminag para pagbuksan ito.
“Juvilyn, buong araw ka na nagkukulong ka dyan. Hindi ka pa din kumakain. Let’s eat. Naghanda ako ng dinner natin.”
Narinig niyang sabi nito sa kabilang panig ngunit tulad ng una ay nanatili pa din siyang nakahiga. Ang buong akala niya ay hahayaan na lang siya ni Rye ngunit agad na napabangon siya ng biglang bumukas ang pinto at tumamba sa kanya ang lalaki.
“When I say open the door. Open it.” agad na sabi nito sa kanya sabay lapit at pinagmasdan siya ng maigi.
“And look at yourself, hindi ka ba naaawa sa sarili mo? Nangangamoy kana. Para kang hindi babae!” reklamo dito sa kanya sabay takip ng ilong.
Sa sinabi ni Rye ay binato niya ito ng unan na yakap niya kanina pa. Kung ang aim nito ay mainsulto siya ay talaga naman effective iyon.
“Ano naman sayo kung nangangamoy ako?” inis na wika niya sa binata. “Kung ayaw mo ng amoy ko, lumayas ka dito.” pagkasabi niyon ay tinangka niyang humiga ulit sa kama.
Ngunit nagulat siya ng bigla nalang siyang pigilan ni Rye habang hawak-hawak nito ang braso niya.
“Sorry, darling. Pero hindi na kita hahayaan humiga.” wika nito sabay hila sa kanya. At dahil nabigla siya sa ginawa ng binata ay nakita na lang niya ang sarili niyang buhat-buhat nito. Nang marealize niya iyon ay doon lang siya nagkakakawag dito.
“Ano ba, Rye? Put me down!” gigil na wika niya sa binata.
Pero hindi pa din natinag sa banta niya si Rye. Nanlaki ang mga mata niya ng makita niyang papasok na sila ng restroom. Hanggang sa ibaba siya nito mismo sa bathtub.
Aalis sana si Juvilyn sa bathtub ngunit mabilis siyang pinigilan ng binata. Napatili siya ng bigla nalang nitong buksan ang shower sa may tapat niyon. Agad siyang nanginig ng maramdaman niya ang malamig na tubig na umagos sa katawan niya. Feeling niya pati kaluluwa niya ay nagising sa ginawa ng binata. Nang makabawi sa ginawa ng binata ay malakas na hinampas niya ito sa braso.
“How dare you!”
“Darling, kung hindi ko ito gagawin baka hindi ka pa naligo. Kawawa naman ang bedsheet ko, nangangamoy na din.” pang-aasar na wika nito sa kanya.
Dahil sa sinabi nito ay lalo siyang nanggigil. “Huwag kang mag-alala, ako na mismo ang maglalaba ng bedsheet mo.” asar na sabi niya dito.
Kusa siyang natigilan ng pamansin niyang kakaiba na ang pagkakangisi nito sa kanya habang nakatingin sa katawan niya. Noon lang din niya napansin ang hitsura niya ng mga sandaling iyon. Bakat na kasi ang damit niya sa katawan niya dahil basa na iyon. Kaya naman awtomatikong napayakap siya sa sarili niya.
“Manyak ka, Rye! Umalis ka dito!” wika niya dito ng mapansin niyang nakatingin ito sa katawan niya.
Sa sinabi ni Juvilyn ay lalong lumaki ang pagkakangisi ni Rye. Napapitlag nalang siya ng hawakan nitong magkabila ang mga braso niya. Mukhang nang-aasar pa lalo ang binata dahil lalo pa nitong inilapit ang katawan nito sa kanya. Kaya naman ramdam na ramdam talaga niya ang init na nagmumula sa katawan ng binata. At syempre pa, magpapaawat ba naman ang puso niya na sobrang kung makakabog ngayon? Na para bang gustong umalis sa kinalalagyan nito.
“Do you have any idea what you’re doing to me, Juvilyn?” bulong ni Rye na feeling niya ang sa sarili nito sinasabi ang mga katagang iyon.
Napalunok siya ng mapansin niyang nilalapit nito ang mukha sa kanya. Nang maisip niya ang ideya na hahalikan siya ng binata ay doon siya nakaramdam ng excitement. Ayaw man niyang aminin sa sarili niya ngunit simula ng una siyang hinalikan ni Rye ay hindi na niya makalimutan ang feelings na naramdaman niya noon. Impokrita siya kung pati sa sarili niya ay magsisinungaling siya na hindi siya nasasarapan sa halik ng binata. Kaya naman napapikit siya ng mariin ng malapit na malapit na ang mukha nito sa kanya.
“Maligo ka ng maigi, darling. I’ll wait you in the dining room. Kapag hindi ka pa lumabas within twenty minutes, alam kong magugustuhan mo ang gagawi ko.” wika nito na hindi nawawala ang pagkakangisi sa kanya.
Samantalang si Juvilyn ay nakatulala lang sa ginawa ni Rye. Natauhan lang siya ng tuluyan itong lumabas ng kwarto. Maya-maya ay napatili na lang siya sa sobrang inis. Pero hindi niya pwedeng ipagkaila na talaga naman apektado siya sa ginawa nitong pang-aakit. Ano bang maaasahan niya sa sarili niya? Eh hindi pati nga puso niya hindi niya napigilan na mahalin si Rye. Yun pa kayang umasam sa mga halik nito?
She sighed. Idadaan na lamang niya siguro ang nararamdam niya sa pagligo. At isa pa ay nagugutom na rin siya kaya dapat lang talaga na lumabas na siya ng kwarto para kainin ang inihanda sa kanya ni Rye. Ilang minuto lang ay nasa dining room na siya ng bahay. Ngunit nagtaka siya ng hindi niya matagpuan ang binata doon o kahit ang pagkain na sinasabi nito.
“Nasaan na naman kaya ang lalaking iyon?” tanong ni Juvilyn sa sarili niya.
Nang pumunta siya sa may verandah ay doon niya nakita si Rye na abala sa pag-aayos ng dinner nila. Noong umpisa ay nakatitig lang siya sa binata na para bang nabibighani siya dito. Bukod pa sa talaga naman ang kaba ng dibdib niya ay dinig niya din. Ano kayang meron dito at bakit ginagawa iyon sa kanya ni Rye? O baka naman naaawa lang ito kaya mabait na ito sa kanya?
“Nandito ka na pala.” nakangiting wika ni Rye sabay lapit sa kanya at hinawakan ang braso niya. “Dinner is ready, darling.”
Hindi na siya nakakibo ng alalayan siya ni Rye na umupo. Noon lang din niya napansin na talagang pinaghandaan ng binata ang pagkakaayos ng dining table. May red wine pa at mukhang pinaghirapan din nito ang niluto nitong putahe. Nakadagdag pa sa romatic ambiance ang lugar. Saka lang din kasi niya na realize na ang resthouse pala ni Rye ay malapit sa beach front. Masyadong kasi siyang lulong sa nararamdaman niya kaya hindi niya masyadong napansin ang lugar. Ilang saglit niyang inilibot ang mata sa buong kapaligiran at masasabi niyang nakadama siya ng gaan ng pakiramdam.
“You like the place?” wika ni Rye sa kanya. “Gusto ko sanang dinner with candle light kaya lang mukhang hindi effective dito. Masyadong malakis ang hangin sa verandah.” ani pa nito habang nilalagyan siya ng pagkain sa plato.
“You should eat, Juvy. Wala ka pang kinakain the whole day.”
Sa sinabi nito ay saglit siyang napatitig sa nakangiting mukha ni Rye. Ibang-iba na talaga ito hindi tulad noong mga nakaraang araw. Ibang Rye Emman na ang kaharap niya ng mga oras na iyon. Hindi kaya may gusto na din ito sa kanya?
Gaga! Nangangarap ka na naman, Juvilyn!
Minabuti na lang ni Juvilyn kainin ang inihanda ni Rye para sa kanya. Buong durasyon ng dinner nilang dalawa ay wala silang imikan o mas tamang sabihin na hindi siya nagsasalita. Pero ramdam niya ang pagtitig ni Rye sa kanya. Pagkatapos nilang kumain ay tumayo siya sa tabi ng verandah at tahimik na pinagmamasdan ang dagat. Nang mga oras na iyon ay halata na payapa ang mga alon. Naramdaman nalang niya na sinuotan siya ng balabal ni Rye.
“What’s your plan?” tanong sa kanya ng binata pagkatapos.
Kahit na hindi niya tanungin ay alam niya kung anong ibig sabihin ng tanong nito sa kanya.
“I don’t know.” wika niya sabay tingin sa malayo. “Hindi ko pa kayang makita si Aivie. Galit ako sa kanya dahil sa ginawa niyang panloloko sakin. Yung paglilihim niya ang tungkol sa katotohanan. Hanggang ngayon, hindi ko matanggap na magagawa niya sakin ang bagay na iyon. Higit pa sa pamilya ang turing ko sa kanya.” malungkot na sabi niya sa binata.
Napabuntong-hininga ito. “Alam kong hindi magiging madali sayo ang lahat. Pero naiintindihan ko si Aivie. Naiintindihan ko kung bakit niya iyon inilihim sayo. She wanted to protect you from pain, Juvi. Ayaw ka niyang masaktan dahil alam niya kung gaano kahirap iyon.” sabi ni Rye sa kanya sabay akbay sa kanya. “Aivie loves you. If you love her more than a sister, isipin mo din na mas mahal ka niya dahil sa ginawa niyang sakripisyo for you.”
Muli ay naramdaman niya ang pag-iinit ng mga mata niya. “Really?”
Sa tanong niya ay hinawakan na nito ng tuluyan ang dalawang braso niya at iniharap siya ng binata. Kitang-kita niya sa kislap ng mga mata nito ang pagsuyo para sa kanya.
“Yes, darling. I am very much sure. Isipin mo na lang na ginawa iyon ni Aivie para hindi ka masaktan. But take time to heal, Juvilyn. Dahil alam kong hindi madaling magpatawad. Malalaman mo nalang isang araw, napatawad mo na siya sa ginawa niya. Just don’t hate her. Instead, hayaan mo ang puso mo na makaramdam ng pagmamahal ulit para sa kanya. You will just feel it again. Bigyan mo lang ng panahon ang sarili mo.”
“I don’t want to see you sad, darling. Ayokong makita kang umiiyak.” wika nito habang masuyong pinupunasan ang luhang umagos sa pisngi niya. “I’m just here. I’m here for you. Hindi kita iiwanan.”
“Why are you doing this to me? Hindi ba’t you will make my life miserable?”
Sa sinabi niya ay napangiti ng maluwang ang binata. Ilang saglit lang ay natagpuan na niya ang sarili niya na nakakulong sa mga yakap ni Rye. “I’m sorry kung may nagawa man ako na nakasakit sayo. Sorry kung pinasakit ko ang ulo mo.” wika ng binata habang masuyo siyang hinahaplos sa likuran. “Alam kong hindi ito ang tamang panahon dahil sa sitwasyon mo ngayon. But I will tell you this, I love you. Hindi ko alam kung paano. At lalong hindi ko alam kung kailan pa. Basta ang alam ko lang masaya akong kapag nakikita kita. Kapag nakakasama kita. O kahit nakikita ko ang mukha mo na laging nakasimangot sakin.” ani ni Rye sabay kalas ng yakap sa kanya para titigan siya.
Masuyo nitong hinaplos ang pisngi niya habang patuloy na nagsasalita. “Noong time na makita kita ulit sa parking lot para abangan, hindi ako makapaniwala. You know why? Kasi sa paningin ko kumikinang ka kahit na nasa malayo ka. Hindi rin ako mapakali. Lalong hindi ko din maintindihan kung bakit hindi ko magawang hindi ka titigan. Kaya lang, that time nanaig pa din ang kagustuhan ko na bigyan ka ng leksyon dahil sa ginawa mo kay Crystal.”
“S-sorry, Rye. Ginawa ko lang iyon dahil sa hiling ni Benedicto.”
Umiling-iling si Rye. “No, hindi lang talaga sapat ang feelings sa akin ni Crystal kaya niya nagawa ang bagay na iyon. Aaminin ko din na nasaktan ng husto ang pride ko dahil sa nangyari kaya ikaw ang naisipan kong pagbalingan. But who wouldn’t think that I will fell for you? Remember the time na nakita tayo ng boyfriend mo-”
“He’s not my boyfriend.” agad na tutol niya dito na ikinapangiti ni Rye.
“That time, naisip ko na tigilan ka nalang. Na mag-move on na lang dahil wala na naman akong magagawa sa mga nangyari. Pero hindi ka na noon maalis sa isipan ko, Juvilyn. Para mo kong hinahabol kahit saan man ako magpunta. Na kahit nakapikit ako, naaalala ko ang maganda mong mukha. Then Aivie approached me about sa gusto niyang mangyari at plano niya. I respected her at awa na din sa nangyari sa kanya kaya hindi na ako nagdalawang-isip na lapitan ka ulit. And the rest was history. Hanggang sa lumago ng husto ang nararamdaman ko sayo, Juvily. Whether you like it or not, I’m going to make you mine.”
“R-Rye.” usal niya sa binata. Halos hindi pa din siya makapaniwala sa naririnig niya mula dito. “Is this kind of a trick? If yes-”
Awtomatikong natigil si Juvilyn sa pagsasalita ng bigla siyang halikan nito sa labi na ikinagulat niya ng husto. Ilang segundo lang tumagal ang halik na iginawad nito sa kanya at maya-maya lang ay muli siya nitong binalingan.
“Of course not! Kung niloloko lang kita, bakit ako nandito ngayon sa tabi mo to comfort you? Kung hindi kita gusto bakit hindi kita maiwan-iwan? Kung hindi kita mahal, dapat wala ako ngayon sa tabi mo.”
“Naaawa ka sakin-”
Hindi na naman niya natapos ang sinasabi niya dahil muli na naman siya nitong gawaran ng halik sa labi.
“Part of me, aminado akong naaawa ako dahil sa sitwasyon mo ngayon. Pero hindi pa din iyon sapat para manatili ako sa tabi mo. I’m here because I love you, Juvilyn. I know it’s hard for you to accept it. Hindi rin kita masisisi dahil sa mga nagawa ko sayo. Pero hayaan mo akong patunayan sayo ang lahat ng sinasabi ko ngayon. I will never leave your side. Hindi kita iiwan. Just let me take your pain away, darling. Basta hayaan mo lang akong manatili sa tabi mo.”
Sa sinabi ng binata ay pakiramdam ni Juvilyn na para bang sasabog ng husto ang dibdib niya sa emosyon na nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Hindi niya rin alam kung ano ang sasabihin dito kaya napaluha nalang siya at muli naman iyon pinunasan ng binata. Hanggang sa mapansin niya na dahan-dahan nitong inilalapit ang mukha sa kanya. At dahil alam niyang muli siya nitong hahalikan siya ng binata ay nag kusang pumikit ang mga mata niya. And she waited for his kiss.
Hinayaan niya ang sarili niyang maramdaman ang sinasabi nitong pagmamahal. Masuyo siya nitong hinahalikan sa labi at hindi niya mapagkakaila ang totoong nararamdaman ng binata. Natagpuan nalang niya ang sarili niyang tumutugon sa masuyo nitong halik. Simula ngayong gabi, gusto na niyang maramdaman ang sinasabi nitong pag-ibig para sa kanya. She was more than willing na tugunan ang damdamin na talaga namang inaasam niya mula kay Rye.
PINAGMASDAN maigi ni Juvilyn ang dagat mula sa kinauupuan niya. Kasalukuyan kasi siyang nakaupo sa buhangin at nasa lilim ng puno. Ganoon lagi ang ginagawa niya para magpalipas ng oras. Halos mag-iisang linggo na din siya sa rest house ni Rye at masasabi niyang nag-e-enjoy siyang kasama ang binata. Kita niya sa mga kilos ng binata na talaga naman pinapatunayan nito sa kanya na sincere ang damdamin nito. At hindi siya impokrita kung hindi niya aaminin na masaya siya dahil sa nangyayari.
Walang minuto na magkasama silang dalawa na hindi siya nito pinapatawa at napapangiti. At alam ni Juvilyn na dahil sa gingawa ni Rye sa kanya ay lalo pang nahuhulog ang loob niya dito. Masaya siyang kasama si Rye. Kaya nga heto siya’t nananatili pa din sa tabi nito. Kahit na alam din naman niya na ang dahilan kaya din siya hindi umaalis sa poder ng binata ay ayaw niya pang makita ang kaibigan niya. Ayon din sa binata ay mas mabuti daw na magbakasyon muna siya hanggat hindi pa natatapos ang gulo. Kahit naman nasa resthouse siya ni Rye ay ina-update pa din siya nito tungkol sa nangyayari. Isa pa ay gusto din ng binata na manatili muna siya sa poder nito hanggat hindi pa nakukulong talaga si Benedicto.
Ayon kay Rye, malaking tulong daw ang nakuha nilang bluebook dahil nagpapatunay daw iyon ng mga krimen na ginawa ni Benedicto. Dahil din daw sa tulong ng ibang hindi corrupt na politician ay makukulong na daw talaga si Benedicto. Hindi lang dahil sa ginawa nitong krimen sa pamilya niya at ni Aivie kundi dahil marami pa itong kasalanan sa batas na ngayon ay nabunyag na. Aaminin niya, masaya siya sa nangyayari dahil pagkalipas ng maraming taon ay mabibigyan na ng hustisya ang totoong may sala sa pagkamatay ng Tatang Ruping niya. At alam niyang kung hindi dahil din kay Aivie ay baka hindi na lumabas ang katotohanang iyon.
Kung tama nga ang sinabi ni Rye sa kanya, siguro darating din ang panahon na maghihilom din ang mga sugat ng kahapon na akala niya ay totally healed na. At darating din ang time na magagawa niya ulit makaharap si Aivie. Pero ngayon, she will stay here. She will stay with Rye for the meantime. Feeling niya kasi kapag kasama niya ang binata ay nakakalimutan niya ang iniwanang problema. Alam niyang mali ang takbuhan iyon. Pero darating din ang time na dapat niyang kaharapin si Benedicto at dapat na maging handa siya kapag nangyari iyon.
Naalala din niya yung ekspresyon ng mukha ni Rye habang ibinibigay niya ang red paper na pinagkakatago-tago pa niya simula ng matapos ang activity nila sa HFTLO. Ayon sa binata ay wala na daw itong nararamdaman pa kay Crystal. Marahil ay nainsulto daw ito ng husto dahil sa ginawa ng babae dito.
Napapitlag si Juvilyn ng bigla nalang may red roses na tumapat sa sa mukha niya. Paglingon niya ay nakita niya ang nakangiting mukha ni Rye na nasa tabi na pala niya ng mga oras na iyon.
“What is this?” tanong niya sa binata pero unti-unti din siyang napapangiti habang tinitignan ang gwapong mukha nito.
“Malalim na naman kasi ang buntong-hininga mo. I know this will cheer you up.” wika ni Rye at tinabihan na din siya nito sa pagkakaupo sa buhanginan.
“Thanks.” wika niya habang nasa kamay na niya ang rose.
Ilang sandali lang ay lalong lumapit si Rye sa kanya at masuyo siyang inakbayan. “We need to celebrate, Juvi.” ani ng binata.
“What for?” tanong niya dito.
Naramdaman niya ang masuyong pagpisil ni Rye sa braso niya. “Weeksary natin, diba?”
Sa narinig ay awtomatikong nanlaki ang mga mata niya at binalingan ang binata. “Anong weeksary sinasabi mo dyan? Ano tayo? Teenager? Saka, teka nga. Nanligaw ka ba para maging tayo at mag-celebrate ng weeksary?”
Narinig niya ang masayang tawa ni Rye. Alam niyang pinag-ti-trip-an na naman siya ng binata. Maya-maya lang ay tumingin ulit ito sa kanya. “Hindi pa ba tayo, Darling? Eh mukhang mahal mo naman na ako eh.” wika nito sabay kindat sa kanya.
Naramdaman niya na biglang uminit ang pisngi niya sa sinabi ng binata. Hindi naman na niya kasi tinatago dito ang nararamdaman niya para sa binata. Sa buong durasyon ng pag-stay niya kasama ito ay hindi na niya pinipigilan ang pagmamahal niya para kay Rye.
“Oo naman. Mahal kaya kita.” wika niya sa binata na natigilan ng mga oras na iyon. Iyon din kasi ang unang pagkakataon na sinabi niya iyon dito. Sabi nga nila, action is louder than words. Pero kung pagsasamahin mo ang actions and words ay mas maganda.
Nang makabawi ay alam niyang pagkakataon na niya iyon para asarin naman ito. “Uyy, kinilig ka ka.” wika pa niya sabay siko ng mahina dito.
Sa gulat niya ay lalo pa siyang hinatak ni Rye palapit dito. Yung lapit nila ng mga sandaling iyon ay yun bang mahahalikan na siya ng binata. Hindi niya napigilan ang sarili niyang mapalunok habang tinitignan ang lips nito.
“A-are you going to-”
“Kiss you?” wika nito sabay lapit pa sa kanya. Ramdam na ramdam niya ang mainit na hininga nito.
“R-Rye-”
Kusang nahinto ang sasabihin ni Juvilyn ng biglang lumayo si Rye at tumayo. “May inihanda akong meryenda. Let’s eat.” wika nito sabay alok sa kanya ng kamay.
Ilang saglit lang siyang natigilan maya-maya ay inis na hinataw niya ang kamay nito. “Ewan ko sayo.” wika niya sabay tayo at tinalikuran ang binata.
Akala ko halik na. Naging bato pa! inis na wika niya sa isip niya habang naglalakad palayo dito.
Maya-maya ay naramdaman niya ang paghawak ni Rye sa braso niya kaya naman napaharap siya si Juvilyn sa binata.
“Oh bakit nag-walk out ka?” naka-ngising tanong nito sa kanya na ikina-irap niya.
“I was just teasing you, Darling.” wika nito habang natatawa. Masuyo nitong hinawakan ang baba niya. “Sa totoo lang, kanina pa kita gustong halikan.”
Hindi na siya nakapag-react ng biglan nalang sakupin ng binata ang mga labi niya. Noong umpisa ay nanlalaki ang mga mata niya sa pagkabigla ngunit maya-maya lamang ay awtomatikong pumikit ang mga mata niya at ninamnam ang halik na iginagawad sa kanya ni Rye. Tulad ng mga naunang halik nito ay kakaibang pakiramdam na naman ay ibinibigay sa kanya. Pansin din niya na everytime they kissed, parang lalong tumitindi ang feelings niya.
Nang maghiwalay ang labi nilang dalawa ay awtomatikong napangiti si Rye. “I love you, my darling Juvilyn. And I know you feel the same way.”
Sa sinabi nito ay napangiti din siya ng matamis. “I love you too, Rye.” wika niya sabay halik sa labi ng lalaki.
Natatawang inilahad sa kanya ni Rye ang kamay nito. Magkahawak-kamay silang dalawa ni Rye na naglalakad papunta sa resthouse nito. Hindi nawala ang ngiti sa mga labi niya. She was incredibly happy in that moment. Na para bang nakakalimutan niya ang kung anong problema na kinahaharap niya. Maya-maya naramdaman niyang huminto si Rye sa paglalakad kaya awtomatikong napatigil din siya.
“Aivie called me a while ago.” wika ni Rye sa kanya na awtomatikong nawala ang ngiti niya sa labi. “Anytime ay lalabas na ang warrant of arrest laban sa kanya, Juvi. And when it happen, matatapos na din ang lahat ng paghihirap niyong dalawa.”
Pinisila nito ang kamay niya. “You did a great job, Darling. Don’t forget about that. At kapag natapos na ang lahat ng gulong ito, makakapagsimula ulit kayo ng maayos ni Aivie.”
Ilang saglit lang siyang hindi nakakibo at iniisip niyang mabuti ang bawat katagang sinabi sa kanya ni Rye. Maya-maya ay napatango nalang siya bilang sagot dito na alam niyang ikinatuwa ng binata. Tama ito. Kapag nakulong na si Benedicto, pwede na silang mag-move on sa nangyari. At alam niyang matatahimik na din ang kaluluwa ng Tatang Ruping niya.
“Thank you, Rye. For being there for me all this time.” sambit niya sa binata.
“For you, Darling.” wika nito na ikinangiti niya ng sobra.
Loving Rye is the best thing happened in her life. Lalo na’t may katugon din ang pagmamahal niya dito.
NAGISING nalang si Juvilyn sa pagkakatulog ng marinig niya ang ringing tone ng cellphone niya. Wala sana siyang balak sagutin iyon ngunit mukhang hindi titigil ang caller niya hanggat hindi siya nakakausap. Kaya minabuti nalang niyang kunin ang cellphone niya sa ibabaw ng bedside table.
Awtomatikong nawala ang antok niya ng ma-realize niya kung sino ang tumatawag. Agad siyang napabangon at sinagot ang tawag nito.
“What do you want?” galit na bungad niya na sinagot naman ng nakakalokong tawa ni Benedicto sa kabilang linya.
“Juvilyn, Juvilyn. Hindi mo ba nami-miss ang Tito Ben mo?”
“I hate you. Ikaw ang pumatay sa Tatang ko!” gigil na sagot niya dito.
“Well, sabihin na nating nadamay lang siya sa mga plano ko. Malas niya dahil nandoon siya mismo sa bahay ng mga Santiago. Saka, bakit ba nagagalit ka sakin? Ibinigay ko naman ang mga bagay na gusto mo. Tinupad ko ang pangarap mo, Juvilyn. Tapos, magagawa mo pa akong traydorin? Wala kang utang na loob!”
Sa sinabi nito ay nanginig ang buong katawan ni Juvilyn sa sobrang galit na nararamdaman ng mga oras na iyon. “I hate you from bits to pieces. Kaya huwag ka ng magtaka kung lahat gagawin ko para makulong ka sa mga kasalanan mo. Goodbye.” madiing sabi niya dito.
Puputulin na sana niya ang tawag nito pero may natigilan siya ng marinig niya ang isang sigaw sa kabilang linya. Kung hindi siya dinadaya ng pandinig niya ng mga oras na iyon, kilala niya kung sino ang may-ari ng boses. Kaya agad siyang binundol ng kaba at labis na takot.
“Did you hear that, Juvilyn? Did you hear her voice?” pagkasabi niyon ay muling naulit ang sigaw sa kabilang linya. “Siguro naman kilang-kilala mo kung sino ang kasama ko ngayon.”
“Hayop ka, Benedicto. Huwag mong sasaktan si Aivie!” nanginginig na sigaw niya dito.
Na kahit hindi niya ito nakikita ay alam niyang nakangisi ang lalaki. Dinig na dinig niya ang malakas na halakhak nito.
“Come here, Juvilyn. Puntahan mo dito si Aivie. Come and join us here. It will be fun.”
“No! Huwag na huwag kang pupunta dito, Juvilyn!”
Narinig niyang sigaw ni Aivie sa kabilang linya kasunod na para malakas na pag-igik nito na para bang sinasaktan.
“Aivie!” sigaw niya na para bang maririnig siya nito sa kabilang linya.
“Come here, Juvilyn. Come here alone. If not-” wika nito sa kanya hanggang sa marinig niya ang pag-igik ni Aivie na halatang sinaktan nito. “She will be dead.”
Wala na sa kabilang linya si Benedicto ngunit natutulala pa din siya. Hindi niya akalain na mangyayari ang bagay na iyon.
“What’s wrong?” narinig niyang sabi ni Rye na nakapasok na pala sa kwarto niya. Hindi man lang niya napansin ang pagdating ng binata. “Anong nangyari? Bakit ka sumisigaw?”
Natigilan ang binata ng makita siya nitong umiiyak. “Juvilyn, tell me what happened. Sino ang kausap mo sa phone?”
“S-Si Aivie, kinidnap siya ni Benedicto.” nanginginig na wika niya. “What should we do?” habang sinasabi niya iyon ay unti-unting bumabagsak ang mga luha sa pisngi niya. “ Anong gagawin ko? Baka kung anong gawin sa kanya. God.” wika niya habang napapapikit.
“Ano pang sinabi niya sayo?”
Sa narinig ay ilang saglit siyang natahimik. Maya-maya ay pinunasan niya ang pisngi niya. “I need to go.” wika niya na akmang lalabas na siya ng kwarto.
Ngunit agad siyang pinigilan ni Rye. “Where do you think you’re going, Juvilyn?”
“Kailangan kong puntahan si Aivie. Kailangan ko siyang iligtas.” habang sinasabi niya iyon ay pilit siyang kumakawala sa mahigpit na pagkakahawak ni Rye sa braso niya.
“Iligtas? Tingin mo ba maliligtas mo siya kung basta ka nalang pupunta doon at nag-iisa? Don’t you think na hindi kaya niya papatayin?” galit na sabi nito sa kanya.
“Pero kailangan kong gawin ito, Rye! Ayokong may mangyaring masama kay Aivie!” wika niya dito.
“We will save her, darling. I will do everything to save her. Walang mangyayaring masama sa kanya. Just wait, darling. Hihingi tayo ng tulong sa mga police. Huwag kang pupuntang mag-isa kay Benedicto.”
Madiin na umiling siya sa sinabi ng binata. “No, Rye. Oo, galit pa din ako sa ginawang paglilihim sa akin ni Aivie. Pero hindi ako papayag na may mangyaring masama sa kanya.”
“Pero papatayin ka niya!” sigaw ni Rye sa kanya sabay hawak ng madiin sa braso niya. “Nakakalimutan mo na bang pinatay niya ang Tatang mo? Kaya hindi imposible na papatayin ka din niya!” galit at frustrated na sabi sa kanya ni Rye. Halatang hindi nito nagugustuhan ang takbo ng pangyayari ng mga oras na iyon.
Ilang saglit lang silang nagtitigan ng binata. Maya-maya ay pilit niyang tinanggal ang pagkakahawak nito sa braso niya. “I need to go. Kailangan kong iligtas si Aivie.”
Pagsabi niyon ay iniwan na niya ang binata at dumiretso sa kwarto ni Rye para kunin ang susi ng sasakyan nito. Nasa tapat na siya ng kotse at handa na niyang buksan ang pintuan ng marinig na niya ang boses nito.
“Please, Juvilyn. Kahit isama mo ako pagpunta kay Benedicto. Pagsisisihan ko kung may mangyaring masama sayo. Hindi ko makakakay kung may mangyayaring masama sayo.” wika ng binata sa kanya.
Napapikit ng mariin si Juvilyn. Alam niyang nag-aalala sa kanya ang binata. Ngunit wala siyang ibang pagpipilian. Hindi siya papayag na may mangyaring masama kay Aivie dahil baka habang-buhay niya iyong pagsisihan. Pagdilat niya ay agad niyang binuksan ang pintuan at sumakay.
Hindi na niya tinignan ang binata at mabilis niyang pinatakbo ang kotse. Ilang minuto ng nagmamaneho si Juvilyn ng i-dial niya ang telepono ni Benedicto.
“Where in the hell are you?”