HINDI alam ni Juvilyn kung saan siya kumuha ng lakas ng loob para puntahang mag-isa ang kinaroronan ngayon ni Aivie. Alam niyang malaki ang posibilidad na mamatay siya sa kamay ni Benedicto pero hindi iyon ang priority niya. Gusto niyang maligtas ang kaibigan at hindi siya papayag na mawala ito sa buhay niya.
Tinitigan muna ni Juvilyn ang lugar kung saan gustong makipagkita ni Benedicto. Kasalukuyan siyang nasa Camba ng mga oras na iyon. Hindi na din siya nagtaka na doon siya pinapunta ng lalaki dahil alam niyang teritoryo talaga nito ang lugar na iyon. Pinagmasdan ni Juvilyn ang isang lumang bahay na kung titignan mo mula sa labas ay hindi mo mahahalatang may tao sa loob. Isinubsob muna niya ang mukha sa manibela at taimtim na nagdasal. Hindi niya alam kung ano na lang ang kahihinatnan niya pagpasok niya sa lumang bahay na iyon. Maraming bagay ang na-i-imagine niya ngayon. Pwedeng pagbaba niya ng kotse ay may bumaril na sa kanya o pagpasok palang niya ng bahay.
Pero kilala ni Juvilyn si Benedicto. Alam niya kung paano ito magalit kaya hindi siya nito agad magagawang saktan man o patayin. Sana lang bago mahuli ang lahat ay dumating agad si Rye. Habang papunta kasi siya sa lugar na sinabi ni Benedicto ay medyo nahimasmasan na siya kaya naman agad niyang tinawagan ang binata para sabihin ang lugar na pupuntahan nila. May tiwala siya kay Rye. Mahal siya ng binata kaya alam niyang gagawin nito ang lahat para maligtas siya, sila ni Aivie.
Ilang minuto muna ang pinalipas ni Juvilyn bago niya napagpasyahan na bumaba na ng sasakyan. Kahit na kabadong-kabado siya ng mga oras na iyon ay pilit niyng pinatatag ang loob niya. Wala siyang dapat na aksayahin ng oras.
“Benedicto!” sigaw niya agad pagkapasok niya ng bahay. Pero wala siyang nakuhang sagot mula sa matanda. “Nandito na ako. Nasaan si Aivie?”
Ngunit lumipas ang segundo ay wala pa din siyang nakukuhang tugon mula dito kaya napagpasyahan niyang libutin ang buong bahay. Dahil walang madilim at walang kuryente ay minabuti niyang gamitin ang cellphone niya para gawing flash light. Ilang ulit pa niyang binanggit ang pangalan ni Aivie at Benedicto hanggang sa makita niya ang isang pinto na nakaawang. Humugot muna siya ng isang malalim na paghinga bago niya unti-unting binuksan ang pinto at pumasok. Bago pa niya nailawan ng cellphone niya ang buong kwarto ay naramdaman niyang may malakas na pwersang humatak sa kanya kaya naman agad na napatili siya.
“Hello, Hija. Na-miss mo ba ang Tito Ben mo?”
Mula sa liwanag ng buwan ay kitang-kita niya ang mukha ng Tito Ben niya. Kitang-kita sa mukha nito ang kakaibang ngisi sa kanya habang hawak nito ng mahigpit ang braso niya.
Ilang saglit lang na natigilan si Juvilyn dahil sa pagkabigla ngunit maya-maya lang ay pilit niyang tinatanggal ang pagkakahawak nito sa kanya.
“Nasaan si Aivie?” wika niya ng makawala siya sa pagkakahawak nito.
Biglang bumukas ang isang ilaw at doon niya lang nakita si Aivie na nakaupo habang nakagapos ang kamay at paa nito sa upuan. May mga pasa at galos din sa mukha ng kaibigan niya at halata din ang paghihirap nito. May busal din sa bibig ang kaibigan niya kaya puro ungol lang ang lumalabas sa bibig nito.
“Aivie!”
Tatakbuhin sana ni Juvilyn ang kinaroroonan ng kaibigan ng bigla hilahin ni Benedicto ang buhok niya.
“Sa tingin mo ba, mahahawakan mo pa ng buhay yang pinakamamahal mong kaibigan?” wika nito sabay tutok ng baril kay Aivie.
Agad siyang nakaramdam ng takot habang pinagmamasdan niya ang baril na nakatutok kay Aivie. “T-Tito Ben, pakiusap. Pakawalan mo na si Aivie. Ako ang kumuha ng blue book mo sa bahay kaya wala siyang kasalanan-”
Bago pa niya natapos ang sinasabi niya ay bigla siyan nitong sinampal ng baril sa pisngi. Napaluha nalang siya ng maramdaman niya ang sakit na dulot niyon. Sa buong buhay niya ay hindi pa siya nakaramdam ng ganoong uri ng takot. Alam niyang anumang sandali ay pwede silang patayin ni Benedicto. Lihim siyang nagdadasal n asana ay dumating na ang tulong na hiningi ni Rye para iligtas silang dalawa ni Aivie. Ang dapat lang niyang gawin ay pahabain pa ang oras at libangin si Benedicto.
“Gaga! Isa ka pang walang utang na loob ka! Pagkatapos kitang pakainin, bihisan, tulungan na tuparin yang pangarap mo at bigyan ng pera ganito pa ang isusukli mo sakin? Ha, Juvilyn?” galit na wika nito na napapaungol na lang siya dahil lalong humihigpit ang pagkakakapit nito sa buhok niya. “Ta-traydorin mo din pala akong, babae ka. Pare-parehas kayo!”
“Pero dahil mas mabait ka naman kaysa dyan sa kaibigan mo, bibigyan kita ng kaunting oras para naman mabuhay ka pa sa mundo.” pagkasabi niyon ay itinutok nito ang baril kay Aivie. “Uunahin ko nalang itong babae na ito.”
“Huwag! Please, Tito Ben! Maawa ka kay Aivie!” wika niya dito.
“Maawa?” nakasingising sabi nito sa kanya. “Sige, marunong naman akong maawa eh.”
Naramdaman niya na itinulak siya nito papalapit kay Aivie kaya naman wala na siyang inaksayang panahon at agad niyang pinuntahan ito. Pero napansin niyang malakas ang pagkakailing ni Aivie sa kanya na para bang gusto siya nitong pigilan sa paglapit dito. Kaya paglingon niya ay noon lang niya napansin na nakatutok pala sa kanya ang baril na hawak ni Benedicto. Pero agad nitong inilipat ang pagtutok ng baril kay Aivie kaya naman hindi na siya nag-isip pa at mabilis niyang nilapitan agad ang kaibigan at niyakap.
Napatili na lang siya ng marinig niya ang putok ng baril. Ilang saglit na nakayakap ng mahigpit si Juvilyn kay Aivie at inaantay ang sakit na mararamdaman niya dahil sa pagkabaril sa kanya ngunit wala siyang naramdaman. Hindi siya nabaril! Hindi siya natamaan ng bala!
Paglingon niya ay nakita niyang nakahandusay si Benedicto sa sahig. Kaya naman ng makabawi ay agad na pinakiramdaman niya ang sarili hanggang sa narinig niya ang ungol ni Aivie.
Pagkatanggal niya ng panyo ng kaibigan ay agad na nagsalita ito. “Nababaliw ka na ba, Juvilyn? Bakit ka pumunta dito? Gusto mo bang mamatay?!” galit na sigaw nito sa kanya. “Bakit ang tigas ng ulo mo?” habang sinasabi nito ang katagang iyon ay nakita niya ang luha na unti-unting sumusungaw sa mata nito.
Hindi na din napigilan ni Juvilyn ang sarili at mahigpit niyang niyakap ang kaibigan. “Sorry, sorry. I don’t want you to die, Aivie.”
Ilang saglit lang sila sa ganoong posisyon ng marinig niya ang isang tinig sa likuran niya.
“Pakawalan na natin si Aivie.”
Paglingon niya ay nakita niya ang seryosong mukha ni Rye. Kitang-kita sa mukha ng binata ang ka-seryosohan sa mga mata nito habang nakatitig sa kanya. Mukhang on-time ang tulong na hiningi niya kay Rye para mailigtas silang dalawa ni Aivie sa kamay ni Benedicto.
“R-Rye-”
Ngunit hindi siya pinansin ng binata at dumiretso it okay Aivie para pakawalan ang kaibigan. Hanggang sa namalayan na lang niyang nasa loob na siya ng kotse niya dahil sa sobrang bilis ng pangyayari ng mga oras na iyon. Maraming pulis at swat ang nakapalibot sa lumang bahay at nag-i-imbestiga sa mga nangyari. Napag-alaman din niyang nasa labas lang pala ng kwarto ang mga tauhan ni Benedicto at agad naman nahuli ng mga police. Narinig din niyang dead on scene ito dahil sa pagkakabaril ng pulis dito. Nalulungkot siya sa nangyari kay Benedicto pero iyon na siguro ang ganti ng tadhana para dito dahil sa mga ginawa nito sa pamilya niya at ng kay Aivie.
Napapitlag siya ng biglang pumasok sa loob ng kotse niya si Rye. Agad niyang tinitigan ang seryosong mukha ng binata. Mukhang galit pa din ito sa ginawa niya dito.
Doon lang din napansin ni Juvilyn na may hawak itong first aid kit kaya noon lang din niya naalala na may injured siya sa pisngi niya. Walang salitang nilagyan ni Rye ng gamut ang pisngi niya. Nang makakuha siya ng lakas ng loob ay agad na kinausap niya ang binata.
“Salamat, Rye.” wika niya sabay buntong hininga. “Alam kong galit ka sa ginawa ko at sana mapatawad mo ako. Pero kung uulitin ko ang lahat ng pangyayari ngayon, iyon pa din ang gagawin ko. ” ani ni Juvilyn dito.
Hindi na hinitay ni Juvilyn na sumagot si Rye sa sinabi niya at agad niyang niyakap ang binata.
“Rye, alam ko din na nag-alala ka dahil sa ginawa ko. I’m sorry. Pero tapos na ang lahat, wala na si Benedicto at nakamit na din ng mga naging biktima niya ang katarungan nila.”
Maya-maya ay naramdaman niya ang pagganti nito ng yakap sa kanya.
“You have no idea how worried I am, Juvilyn.” wika ni Rye sa kanya sabay kalas sa pagkakayap at tinitigan siya nito. “God. Kung ano-ano na lang ang pumapasok sa isip ko. What if I never see you again? Paano kapag may nangyaring masama sayo? Patayin ka ni Benedicto? Hindi ko kakayanin na mawala ka sakin, Juvilyn.” wika nito sabay lamukos ng mukha na halatang hanggang ngayon ay frustrated pa din ito at galit sa nangyari.
“I can’t imagine my life without you, Juvilyn. You’re my life now and my love.”
Sa narinig ni Juvilyn kay Rye ay parang may mainit na kamay ang humaplos sa puso niya. Hanggang ngayon ay hindi niya akalain na mamahalin siya ng binata katulad ng pagmamahal niya dito. At lalong hindi niya lubos maisip na makakaramdam siya ng ganoong klaseng saya dahil lang sa pagmamahal niya kay Rye.
“I love you so much, Juvilyn. Na parang halos nababaliw na ako kakaisip kanina. Gustong-gusto na kitang puntahan sa bahay para ilayo kay Benedicto but I know na ilalagay ko lang sa jeopardy ang buhay niyong dalawa ni Aivie. I wanted to kill him. But-”
“It’s okey.” pigil ni Juvilyn sa anumang sasabihin ni Rye. Madiin niyang hinawakan ang kamay nito. “Tapos na, Rye. Wala na si Benedicto. Wala na siya pareho sa buhay namin ni Aivie. We can start a new life without hatred. I can start my new life with you, right? You’re such a blessing to me. Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Loving you is the most wonderful feelings I ever had. Ako na yata ang pinakamaswerteng babae sa buong mundo kasi nagawa akong mahalin ng isang Rye Villaluz.” ani niya sa binata.
Masuyong sinakop ni Rye ang mukha niya at tinitigan siya nito ng husto na para bang siya ang pinakamahalagang bagay sa mundo.
“You are my everything, Juvilyn. My everything.”
Pagkasabi niyon ay masuyong dinampian ng halik ni Rye ang noo ni Juvilyn. Nang mga oras na iyon ay ramdam niyang parang sasabog sa sobrang saya at emosyon ang puso niya. Ilang saglit silang nasa ganoong posisyon ng binata ng may marinig silang katok sa binata ng kotse. Napangiti si Juvilyn ng makita niya si Aivie. Agad niyang niyaya si Rye palabas.
“Mukhang may hindi ako nalalaman sa inyong dalawa.” wika ni Aivie habang pinalipat-lipat nito ang tingin sa kanilang dalawa ni Rye.
Para sagutin ang tanong nito ay niyakap ni Rye ang beywang ni Juvilyn papalapit dito.
“We’re getting married.” wika nito na ikinagulat niya.
“What are you saying, Rye? Ganito ba ang makukuha kong proposal sayo?” nanlalaking mata na wika ni Juvilyn sa binata na ikinatawa lang nito.
“Sweet diba, darling?”
Siniko ni Juvilyn ang tagiliran nito. “Sweet mo mukha mo.”
“Okey lang yun. Mahal naman natin isa’t-isa eh.” wika ng binata sabay kindat sa kanya. “Love lang sapat na.”
“Oh gosh. Ayoko yata ang eksenang nakikita ko ngayon.” reaksyon ni Aivie habang naiiling na lang habang pinagmamasdan silang dalawa. Maya-maya lang ay sumeryoso ulit ang ekspresyon ng mukha nito na nakatingin sa kanya.
“It’s over, Juvilyn.”
Alam ni Juvilyn na ang two words na sinambit ngayon ni Aivie ay malalim na kahulugan para sa kanilang dalawa. Wala na siyang inaksayang oras at niyakap niya ng mahigpit ang kaibigan. Bagong buhay para sa kanila ni Aivie. At siya, bagong buhay kasama ang pinakamamahal niyang si Rye. She will make sure niya na magiging masaya silang dalawa ng binata at mamahalin niya ito sa abot ng makakaya niya.