Wala pa ring kumakausap kay Annika sa meetings at gatherings nila para sa preparation ng shooting. Kumpleto na ang script ng pilot episode at naghahanda na sila para sa shoot. Magi-isang buwan nang nago-observe si Annika sa operations pero patagal ng patagal, lalo siyang nakukumbinsi na umalis.
"Anong tinatayo tayo mo diyan? 'Yung mga OJTs maraming ginagawa, tulungan mo sila!", sigaw ni Cheena kay Annika at dali-dali namang pumunta si Annika sa mga OJTs na nag-aayos ng wardbrobe.
"Hello, may maitutulong ba ako?" Mababait ang mga OJTs na binigyan siya ng gagawin. Natapos nila ang task.
"Bakit nandiyan ka?", tanong ni Allen kay Annika. "OJT ka ba?"
"Sir, dito po ako pinapunta ni Ms. Cheena eh." Huminga ng malalim si Allen at tumalikod siya para kausapin si Cheena. Habang kinakausap ni Allen si Cheena ay nakatingin siya ng masama kay Annika.
"Nako, patay na ma'am." Bulong ng isang OJT kay Annika. "Kayo po ba ni sir Allen ma'am?" Gulat na tumingin si Annika sa OJT at itinanggi ang tanong. "Ah, para kasi kayong nagtatago ng relationship. I mean, si sir Allen lang naman."
"Ha? What do you mean?"
"Minsan kasi ma'am nakatitig yan sa'yo tapos naiinis yan kapag sinisigawan ka ni Ms. Cheena. Tapos noong absent ka, mainit ulo niya." Tumawa si Annika.
"Itigil niyo na kakabasa niyo ng pocket book."
"Ma'am, legit nga. Tignan mo 'yan, may mga iba din namang empleyado na pinapadala dito para tulungan kaming OJTs pero noong ikaw eh sesermonan nanaman si Ms. Cheena."
"Minsan, feeling boss 'tong si Sir Allen eh." Tumingin ang mga OJT sakanya nang gulat."What? Why? I mean, position wise same lang naman sila ng level ni Ms.Cheena diba? Sa Production lang si Sir Allen?"
"Ma'am seryoso ka ba?", tanong nila sa akin na medyo natatawa. Tumango ako.
"Ma'am si sir Allen 'yung bunso ng mga De Vera." Parang binuhusan ng malamig na tubig si Annika nang marinig 'yon. "So basically po, isa po siya sa owners."
"Si sir Allen?", tumango sila ng marahan. "Is this common knowledge?"
"Oo ma'am, kasama po 'yun sa orientation ng mga new OJTs and employees." Naalala ni Annika na hindi nga pala siya dumaan sa mga ganoon. Napagtanto niya na napakadali nga para sakanyang makapasok sa GLC Network.
"Salamat ha, sige, magbabanyo lang ako." Tulala si Annika na lumabas ng set para pumunta sa banyo nang may narinig siyang pamilyar na boses.
"You're the only reason why I'm not kicking her out.", sabi ni Ms. Cheena.
"Give her time to decide on her own. Nakikita ko na mukhang ayaw niya na. Matatapos pa lang yung isang buwan niya, I'm certain na magre-resign siya. Huwag mo na siyang bigyan ng stress."
"Wow, Allen ako ang boss niya, bakit ako ang maga-adjust sakanya?! It was your fault why she's here and stressing us out."
"She deserves to be a published writer and you know that, I didn't know that Word Center would give her a slot here. Wala na ako doon, it was never my plan."
"Is that the reason why you're taking care of her too much? Because you feel responsible?" Hindi nakasagot si Allen. "Allen, I'm your girlfriend, I need to walk eggshells around you and we need to hide this relationship because of your complicated background. I get it, but you openly show your care to that stupid feeler?" Tinakpan ni Annika ang bunganga niya para hindi marinig ang mahinang pagkabigla niya. "Alam mo bang may rumor na may hidden relationship kayo? That should be me Allen, that should be me!"
"I'm sorry, you know how tough it is for me."
"What's tough? Okay naman ako ah, I'm successful, I'm independent, I'm beautiful!"
"My mom."
"Putangina.", sabi ni Cheena. "'Your freaking mother? Do you really love her so much na ipagpapalit mo ako sakanya?"
"What the hell Cheena, she's my mother. I love her more than anything in the world. If she says no, then no."
"Magpapakamatay ako kung hiniwalayan mo ako.", sabi ni Cheena.
"That's ridiculous. We've been dating for only 3 months."
"Yes, but you never said I love you."
"I will say I love you if I already love you.", sabi ni Allen. Kinilabutan siya sa mga narinig niya. Nakita niyang may mga taong dadaan sa gawi niya kaya gumawa siya ng ingay para maalarma si Allen at Cheena. Dali-dali siyang tumakbo at nagtago.
"Ang lalim naman ng iniisip mo?", tanong ni Jao kay Annika habang papunta sila sa malapit na restaurant para mag-dinner matapos ng trabaho nila.
"Alam mo ba, marami akong nalaman ngayon na hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi. Alam mo namang mahilig ako sa tsimis diba at masaya ako kapag ako unang nakakalaman ng mga yan?"
"Sure? Bakit?"
"Okay, so the reason why I had a slot in the TV show was because of Sir Allen?"
"Sir Allen De Vera?", tumango si Annika.
"Na, kakalaman kong owner pala."
"Yeah, hindi ka ba nakikinig sa orientation? Oh- okay wait, hindi ka nga pala dumaan sa mga ganoon."
"I know, so noong nasa Batangas kami nadulas siya at sinabi niya sa aking siya ang rason kung bakit ako nandito. He knows my work and my novels, I think he read it all. Pinagtagpi-tagpi ko, mukhang siya ang nag-recommend sa Word Center na i-publish yung libro ko."
"Pati ba 'yung slot mo sa teleserye?"
"Hindi, in fact gusto niya nga ako mag-resign at pag-isipan ko kung anong gusto ko talaga. He said something about passion and hobby. Basically, gusto niyang mag resign ako, which I heard sa pag-uusap nila kanina. I think nagulat din siya na nakuha ko 'yung slot?"
"Oh, I see. Well, sabi mo gusto mo na umalis diba?"
"Hell yeah, and meron pa akong isang revealing na sasabihin sayo pero huwag mong sasabihin ha?", sabik na sabi Annika. "Sila ni Ms. Cheena."
"What?! Akala ko bading 'yon. Totoo ba?!"
"Yeah, same reaction. Apparently, gustong itago ni Sir Allen pero ayaw ni Ms. Cheena. Kaso parang ang toxic ng relationship nila. Tsaka mabait si Sir Allen masyado para kay Ms. Cheena. Alam mo bang sinabi ni ate girl na mamamatay siya kapag hiniwalayan siya ni kuya boy? Tapos si ate girl gusto pa na mas mahal siya ni kuya boy kesa sa mama niya. My gosh ang toxic." Tumawa si Jao.
"So, what do you feel about it? Were you hurt that you got in because of him?"
"At first, yes, I thought that I made it because of my charms." Tumawa si Annika. "Kidding aside, knowing who those people are strengthened my decision to resign. I'm going to resign tomorrow."
"Good for you. Then what's your plan then? Do you want me to look for an HR job for you here?"
"Uhm, I'm going back to Baguio." Inapakan ni Jao ang breaks at napasubsob si Annika.
"Jao!"
"You're going back to Baguio?!"
"Yeah, they want me back. The hotel I worked from called if I'm still available, since nag resign 'yung HR Manager nila. And they want me for that position." Hindi nakasagot si Jao.
"I knows some Managers and Owners of hotels here, ayaw mo bang dito nalang?"
"Huwag na siguro Jao, you've helped me enough. My two months here was very memorable because of you but I have to go back to reality and do what I love."
"I'm sure Manila has higher rates." Tumawa si Annika.
"Kayo talagang mga taga Maynila. Akala niyo kayo ang sentro ng Pilipinas. Well, kind of, kasi kayo ang capital pero hindi lang tungkol sa rates ang batayan ng isang worker. Have you worked in Baguio? Napakasayang magtrabaho sa Baguio lalo na kung malamig. Less pollution kapag wala ka town proper at mababait ang mga tao. I have a lot of reasons why I want to go back, but I have no reason to stay."
"Am I not a good reason for you to stay?"
"Seryoso? Ang cheezy mo naman." Tumawa si Annika. "I've made my decision. I'm going back.",sabi ni Annika.
Pinaandar ulit ni Jao ang sasakyan at pumunta na sa restaurant. Tahimik si Jao sa buong dinner at iniisip ang desisyon ni Annika.
Nawala si Jao sa pagkatulala sa dighay ni Annika. "Ay, sorry. Nagulat ka ba? Sarap ng food nila solid. Do you mind, pinabalot ko na 'yung fish na di natin nakain." Umiling si Jao. "Okay ka lang ba?"
"What does it take for you to stay here?", tanong ni Jao. Naubo si Annika sa narinig niya.
"Well, I'm not sure. I don't really have a life here Jao. My friends, my family and everything I own is in Baguio. I like it there." Hindi umimik si Jao at tumango nalang. "But-" Napatingin siya kay Annika. "I'll stay if there will be reason."