"What do you mean?", tanong ni Annika kay Allen. Tumayo siya at lumapit kay Allen. Huminga siya ng malalim at inialis ang tingin kay Annika.
"You're drunk.", sabi ni Allen, pag-iwas niya sa tanong ni Annika.
"No, I'm not.", depensa ni Annika. "What do you mean you're the reason, sir?"
"Sir Allen! Tara na!" tawag ng isa sa mga crew.
"Let's talk sometime, ha? Tara na aalis na tayo." Hindi na nakapagsalita si Annika at sumakay na sila sa coaster. Naramdaman ni Annika na iniiwasan siya ni Allen kaya hinayaan niya na muna ito at natulog. Naghiwa-hiwalay na sila pagdating ng Maynila. Doon niya naisipang humingi ng tawad kay Jao sa hindi pagsagot sa mga tawag niya sa pamamagitan ng pagpapadala ng kape. Sa kasamaang palad, hindi nauwi ang kanilang usapan sa tuluyang pagbabati.
Nagising si Annika sa sofa niya bandang hapon. Mugto ang mata niya sa kakaiyak matapos nila magsagutan ni Jao noong umaga. Tumayo siya at naghanap ng makakain sa kusina. Napabuntong hininga nalang siya nang makitang puro tubig at malamig na kanin ang laman ng ref niya.
Lumabas siya ng bahay para bumili sa malapit na convenience store. Nagulat siya nang nakatayo sa labas ng gate niya si Jao.
"Jao?" Nakatingin si Jao sakanya na may malungkot ang mata. "Anong ginagawa mo dito?"
"I can't let this day pass without us talking properly."
"What is there to talk about Jao?", naglakad si Annika papuntang convenience store habang sumusunod naman si Jao. Tahimik silang dalawa hanggat sa makarating sila sa convenience store.
"Is this your dinner?"
"Yeah, why?" Huminga ng malalim si Jao at hinila si Annika sa malapit na barbecue restaurant sa convenience store. "Dito tayo kakain? Naka-tsinelas lang ako!"
"And so? No one would care." Pumasok sila sa restaurant at nag order si Jao ng mga inihaw.
"Ate, isang beer-"
"Ate, huwag.", pagpipigil ni Jao.
"Really Jao?"
"Really Annika? Wala ka pang kinakain buong araw tapos maga-alak ka agad? Maawa ka naman si liver mo."
"Why are you acting like you're my Dad? Di ako comfortable." Hindi sumagot si Jao at hinanda ang pinggan, kutsara, tinidor at baso. "Kulang dala kong pera."
"Ako na.", sabi ni Jao. Nakatitig si Annika kay Jao habang inaayos niya ang mesa at sawsawan.
"Why are you so good to me Jao? It's been 12 years since the last time, a lot has changed. You changed and I changed, I may not be the Annika you used to know." Hindi pa rin sumagot si Jao. "I mean, technically speaking, 12 years tayong hindi nagkita, we're practically strangers already."
"Am I a stranger to you?", tanong ni Jao. Umiling si Annika. "Then why will I even see you as a stranger? If anything I'm so thankful that we're reunited. I missed you so much Annika." Sabi ni Jao na may ngiti. "Why are all of these actions look shocking to you? Alam mo namang caring ako noon pa sa'yo, hindi lang ako nagsasalita but I took care of you a lot." Tumawa si Annika at inalala ang mga panahong war freak at clumsy siya.
"Naalala mo 'yung inaway mo 'yung mga namb-bully sa akin na mataba ako? Wala ka pang ginagawa natapilok ka na, tapos dalawa tayong tinawanan?", tanong ni Jao nang natatawa. "Duguan 'yung tuhod mo tapos sabay tayong umuwi na tumatawa. Pinagalitan ako ni mama kasi sabi niya inaway daw kita."
"Tapos umiyak ka.", pagtutuloy ni Annika.
"At umiyak ako. Tapos, ginamot ko yung sugat mo. Naalala mo din 'yung mga panahong wala si tita sa bahay niyo tapos nilalaganat ka, sino bang nag-alaga sa'yo?"
"'Yung mama mo."
"Oo, pero ako 'yung bumili ng gamot mo sa kanto tsaka ako 'yung nagpainit ng pagkain mo. Diba? Matagal na akong may malasakit sa kapwa. Nakalimutan mo lang."
"Siguro hindi ako sanay na may taong nag-aalaga sa akin. Hindi ako sanay na meron akong taong inaasahan."
"Kamusta na pala si Tita?"
"Ayon, may asawa at anak na. May half sister ako, 5 years old siya ngayon. Bumukod ako nung 25 ako at ako nagpapakain sa sarili ko. Pero well, since I was in college, I looked after myself."
"Huh? What happened?" Tumawa si Annika.
"Nako, huwag na 'yung malungkot kung buhay." Hindi nagsalita si Jao dahil alam niyang hindi pa rin magk-kwento si Annika. Halos isang buwan na matapos nilang magkita uli pero hindi malayo pa rin ang loob ni Annika kay Jao. Parang may isang malaking transparent na pader sa pagitan nila na hindi masira ni Jao.
Tumahimik si Jao at napansin eto ni Annika. Alam niyang ilang beses niya nang iniwasan ang mga tanong ni Jao at unti-unti siyang nako-konsenysa.
"Jao, there were a lot of awful things happened before that you don't know. And I-I-I do want to share it to you but sharing it all over again would re-open deep wounds. I know that you w-want to know the whole story but it's not easy for me." Huminga ng malalim si Jao at tumingin kay Annika. "Can you please be patient with me?" Tumango si Jao at itinuloy nila ang pagkain.
Pagkatapos nilang kumain ay naglakad lakad sila sa paligid ng subdivision.
"J-Jao, I-I would like to apologize again for my drunk episode and I want to thank you for taking care of me that night.", sabi ni Annika. Hindi sumagot si Jao pero palihim siyang ngumiti. Naglakad sila hanggat sa nakarating sila sa isang pamilyar na parke. "Wow, this was where we listened to the radio every after classes. Parang abandonado na."
"'Yung mga bata kasi ngayon, gadgets na ang hawak." Puno ng kalawang ang see-saw, puro alikabok ang slide at mahahaba ang d**o sa paligid. Lumapit si Jao sa swing at pinunasan ang isang upuan at niyaya niya si Annika na umupo. Umupo naman si Jao sa kabilang swing.
"The reason why I left before Jao, was because I tried to kill myself." Tumahimik ang paligid at hininto ni Jao ang pag-ugoy niya sa swing nang marinig ito. "A week before graduation, nakita ako ni mama na walang malay sa kwarto, itinakbo niya ako sa ospital at naagapan. Nagdesisyon siya na bumalik sa Baguio para ilayo ako sa alaala ko dito. She went back here pero dahil sa Caloocan naman ang office niya, umupa nalang siya doon."
"I didn't know."
"No one knows, it was midnight and everyone was asleep. Maybe God didn't really want me to die. Imagine, saktong pumasok si mama ng hatinggabi?", sabi ni Annika at tumawa siya.
"Why?"
"Why did I want to end my life? Hmm, maybe because I'm tired? Afraid? Guilty? Tired of crying every night and praying that this freaking stutter would go away but God doesn't seem to listen? Afraid that he might not actually remove this and worsen this stutter as a punishment because of my wrongdoings or because I don't want to go to church? Guilty, because I know that God is not what I was telling myself. He loves His children but hates sin. He gives and sustains His children and no matter what we do, we will never be deserving of His love because of our sins? It's a mixture of that Jao."
"The Lord's grace enabled you this far, Annika."
"I know, but why can't He give me a break?", sabi ni Annika na may nginig sa boses niya. Kinwento niya ang nangyari sa trip nila habang umiiyak. "I don't even know why I'm here Jao. I think I made a mistake of leaving my job. I'm 28 years old already, I'm not young anymore. I left my job that I love in Baguio to start all over again for one reason, and it's for revenge. Revenge that didn't even start but has already ended."
"Is revenge really the only reason why you came here?"
"Jao, writing is my stress reliever. It helped me overcome a lot of things in my life. I was tempted by the fame and the opportunity that I've been waiting for to show the people who hurt me that I can achieve something despite me being like this."
"Are you satisfied?" Umiling si Annika.
"Jao, I left my dream job for me to seek revenge. Revenge that seems so meaningless now."
"What do you want to do?"
"I don't know, got any suggestions?" May saglit na katahimikan na bumalot sakanilang dalawa.
"I think, you should give it another try. The past week was your first try. Understandable kasi naga-adjust ka palang, I heard next week magsisimula ka na sa mga meetings mo ang preparations with the whole team, kasama ng director. You give it another try."
"Hindi mo ba ako narinig? Ayaw nila sa akin doon."
"You always care about what people think of you Annika. Don't base your decisions on them, if you think that this career path is not for you, then try it again once more to make your decision final."
"Alam mo ang inaasahan kong advice mo sa akin eh huwag akong susuko at kaya ko 'to at laban lang at may rason si Lord kung bakit ako nandito." Tumawa is Jao.
"Unang una, totoo na may rason si Lord kung bakit ka nandito ngayon sa Manila, kung ano 'yon, hindi ko alam. Pangalawa, hindi ibig na sumuko ka eh negative na 'yon, minsan bibitaw ka kasi alam mong hindi naman para sa'yo 'yon. Alam mo bang 'yun 'yung laging problema ng mga callers ko kaya hindi sila maka-move on? Kasi, ayaw nilang bumitaw kahit alam nilang hindi na para sakanila 'yung tao."
"Eh parang ganon naman tayo diba, kung gusto natin minsan ayaw nating bumitaw."
"Gusto mo ba 'yung trabaho mo ngayon? O ginugusto mo kasi magagawa mo na 'yong revenge mo?" Pang-aasar ni Jao.
"Gago.", sabi ni Annika at tumawa. "Eh ikaw ba? Nasubukan mo na bang hindi bumitaw sa isang tao? Balita ko hindi maganda break up niyo ni Lara?" Kumunot ang noo ni Jao.
"Paano mo alam 'yon?", tanong ni Jao.
"Duh, nakakalimutan mo na bang celebrity ka? Siyempre alam namin 'yung lovelife mo. Nasaktan nga ako eh.", sabi ni Annika at tumawa.
"Bakit ka nasaktan?"
"Wala lang, diba sabi ko noon dapat lahat ng liligawan mo dadaan sa akin?"
"Sino bang umalis?"
"Gago ka, kakasabi ko lang nung rason ha!"
"Hinanap kaya kita, pero hindi kita mahanap. Gusto ko man siyang ipakilala sa'yo, papaano diba?"
"May point ka, ano bang nangyari sainyo? Nalaman ko nalang break na kayo ah?"
"Kasalanan ko 'yon pero napakabait niya na naintinidihan niya ako. Siguro, meron kaming hinanap sa isa't isa pero hindi namin naibigay."
"Wow. Siya ba yung experience mo ng taong kailangan mong bumitaw kasi hindi siya para sayo?" Tumitig si Jao kay Annika at umiling. "Oh my gosh, meron ka pa bang naging jowa na hindi alam ng public?"
"Wala, actually hindi pa ako bumibataw."
"Gago totoo ba?! Sino?! Artista din ba?!"
"Sikat na siya." Sabik na sabik si Annika habang pumapalakpak pa. "Bakit ba ang saya mo?"
"Eto pala ang feeling ng mga showbiz writers kapag nakakakuha sila ng exclusive scoop. Oh my gosh, sino?!" Tumawa si Jao at tumayo sa swing. "Hoy, sino?!"
"I'll introduce you to her someday."
"What? Grabe ka." At naglakad na sila pauwi.