Chapter 8
Adam Aquino
"MARIESE! Yung remote!" Tinigilan ko ang paglilinis sa kusina at pinuntahan si Grey, kinuha ko yung remote sa mesa sa harap ni Grey at ngali-ngali akong ihagis ito sakanya.
Padabog kong inaabot sakanya yung remote. "Ang tamad mo, paano ko matatapos ang ginagawa ko kung utos ka ng utos?!" Inis kong sabi.
"Ang ingay mo, hindi ko marinig yung pinapanuod ko." Balewala niyang sabi. Naipikit ko na lang ng mariin ang mga mata ko at bumalik na ulit sa kusina. Nakakaasar naman 'tong lalaking 'to! Nakaka bad trip, kanina pa siya.
*
Tapos ko ng linisin ang buong bahay at tapos na rin akong maligo, yung kwarto na lang ni Grey ang hindi ayaw niya akong papasukin 'don, tss. Baka may porn mags siya.
"Hoy Grey, anong gusto mong ulam?" Tanong ko nanonood pa rin siya ng TV.
"Kahit ano," sagot niya at hindi niya pa rin ako tinitignan.
"Sana may ulam na 'Kahit ano.'" Sarcastic kong sabi, ibinaling niya ang tingin niya saakin.
"Adobo na lang!" Inis niyang sabi at inirapan ako.
"Pera?" Sabi ko.
"Doon sa kwarto ko, yung wallet ko nakapatong doon sa tukador." Sabi niya.
"Akala ko ba ayaw mo akong papasukin ng kwarto mo?" Tanong ko.
"E sa tinatamad akong umakyat e!" Asik niya. Ang sungit ng buset na to. Nagkibit balikat na lang ako at umakyat na sa kwarto niya.
Pinihit ko ang doorknob at binuksan ko yung pintuan. Wow, ang manly ng kwarto ni Grey. Black and Gray ang design, meron siyang isang king sized bed tapos may sliding door siya na nakatakip ng pinaghalong gray at itim na kurtina. Mayroon din siyang flatscreen tv, may sofa siya sa side. May dalawang pintuan sa loob, yung isa halata naman na banyo e. Pero yung isa mukhang walk-in closet. Ano kaya ang laman ng walk-in closet ng isang gangster? Lumapit ako doon. Sisilip lang naman ako, wala namang masama. Mas masama kung si Grey ang sinisilip ko habang naliligo. Binuksan ko iyon at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko
"AAAAAAAAH!" napasigaw ako, hindi pwede! Hindi ko tanggap!
"Mariese! Mariese! Damn, are you okay?!" Narinig ko si Grey na tumatakbo palapit saakin. Kaagad niya akong nilapitan at iniharap sakanya, hinawakan niya ang dalawang balikat ko. "What happened?! Tell me! Are you okay?!" Nag-aalala niyang tanong.
"Walang hiya ka Grey!" I hissed.
"Bakit? Ano ang ginawa ko?" Nagtataka niyang tanong.
"May pa deny-deny ka pa na bakla ka, e bakla ka naman pala! Tapos hinalikan mo pa ako! Alam mo bang first kiss ko yon ha?! At hindi ko tanggap na isang bakla ang nakakuha non!" Naghihisterya kong sabi.
"Ano?! Damn! Hindi pa ba tayo tapos sa topic na yan?! I'm not gay Mariese!" Mariin niyang sabi.
"Eh ano yun?!" Tanong ko sabay turo doon sa isang sexy na red dress.
Binitawan niya ang mga balikat ko. "Gaga! Pang disguise ko yan!" Inis niyang sabi.
"H-ha?"
"God Mariese! Nakalimutan ko, outdated ka pala at walang pake sa mundo!" Sabi niya. "Gangster ako Mariese—"
"Alam ko yon! Kaya hindi ako outdated."
"Pero hindi mo alam na Beautiful Man ng tawag sakin." Sabi niya. Beautiful Man? "Kaya Beautiful Man kasi nag di-disguise akong isang babae para sa mga kalaban, just for fun na rin." Sabi niya.
"Eww, kadiri. Ayokong makita kang nakasuot ng ganun." Nakangiwi kong sabi.
"Edi hindi na!" He hissed. "Kaya ko naman silang talunin kahit hindi ako mag-ganyan, pero kasi nakakatuwa na makita sila na mukha silang tanga na nagnananasa sakin." Natatawa niyang sabi. Ang gwapo niya shet. Ang kinis ng mukha niya, maamo rin ang mukha niya infairness. Para siyang lalaking inosente, ang gwapo niya talaga!
Naibalik ako sa realidad ng pitikin ni Grey ang noo ko. "Hoy tulala ka diyan, nakikinig ka ba?" Kunot noo niyang tanong.Bakit ganun? Sa paningin ko para siyang lalaki? Well lalaki naman siya, pero noon kasi sa paningin ko bakla siya.
"Bahala ka nga diyan!" Sabi niya at tinalikuran na 'ko, kinuha niya yung wallet niya at inabutan ako ng 2000 at iniwan na niya ako dito.
*
Nandito ako ngayon sa supermarket, mamalengke na ako ng pagkain para sa bahay. Ubos na kasi yung stock.
Maya-maya nag ring yung phone ko, kinuha ko yung phone ko sa bulsa ko.
BaklangGangster...
Sinagot ko yung tawag.
"Hello?"
[Pauwi ka na ba?]
"Di pa naman, bibili pa ko ng karne tapos uuwi na 'ko. Bakit?"
[Bili mo 'kong cereal.]
"Yun lang?"
[Oo, bilisan mo gutom na ko!]
Pinatay niya agad yung phone, bastusan lang. Nagtungo ako doon sa mga cereals, at kumuha ng dalawang box.
"Hi." Awtomatiko akong napatingin sa bumati saakin. Omo! Yung gwapong kapitbahay ni Grey!
"A-ah H-hello."
"Namamalengke ka rin?" Tanong niya.
"Hindi, mag su-swimming sana 'ko."
Tumawa naman siya, ang sexy naman ng tawa nito. Pero mas sexy yung chuckle ni Grey. "You're funny." Natatawa niyang sabi.
"Hehe."
"Kaano-ano mo si Grey?" Tanong niya.
"Maid niya 'ko." Sagot ko.
"Really? Ang swerte naman ni Grey at may maid siyang kasing ganda mo." Puri niya, nadagdagan uli yung self-esteem ko. Okay.
"Bolero ka," sabi ko.
"No, i'm just being honest. By the way what's your name?" Tanong niya.
"June Mariese, Just call me Mariese." Sabi ko.
"Samahan na kita." Sabi niya.
"Bahala ka." Sabi ko at akmang itutulak na ang cart ko pero bigla siyang nagsalita.
"By the way, i'm Adam Aquino." Pakilala niya. Nice name.
"Nice name." Puri ko. Ngumiti siya. "Thanks." Sagot niya.
"Pauwi ka na?" Tanong niya.
Tumango ako. "Bibili lang ako ng karne tapos aalis nako." Sabi ko.
"Hinatayin na kita tapos i'll give you a ride." Sabi niya.
"Huwag na, mag co-commute na lang ako." Pagtanggi ko.
"No, i insist." Sabi niya.
*
Nandito ngayon ako sa sasakyan ni Adam, mapilit kasi e. Mabait naman pala si Adam kaya hindi ko maintindihan kung bakit ayaw akong palapitin ni Grey kay Adam.
Nagkwentuhan lang kami buong biyahe, hanggang sa hindi namin namalayan na nasa harap na pala kami ng unit ni Grey. Dala-dala niya ang mga ibang pinamili ko, hindi ko naman kasi kayang dalhin lahat e. Mabuti na lang at tinulungan ako ni Adam.
Pipindutin ko na sana ang doorbell pero biglang bumukas ang pintuan.
"Oh Mariese, ba't ang taga— What the f**k!" Nagulat siya ng makita si Adam, kaagad niya akong hinila papunta sa loob at marahas na kinuha ang mga plastics na bitbit ni Adam.
"Wow, man. Why so angry?" Nakangising tanong ni Adam kay Grey.
"Back off Adam." Mapagbanta ang boses ni Grey, hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya saakin.
"I can't, at ayoko." Matigas na sabi ni Adam.
"Wala kang mapapala sakanya! Dammit!" Hindi ko maintindihan ang dalawang 'to.
"Listen Adam, labas si Mariese sa gulo natin. At huwag na huwag kang magkakamaling saktan siya dahil papatayin kita!" Pagbabanta ni Grey at sinira na ang pinto.
Hinarap niya ako. "Napaka tigas ng ulo mo Mariese! Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo!" Inis niyang sabi at nilampasan na ako at nagtungo na sa kusina.
"Grey!" Tawag ko sakanya at sumunod ako sa kanya, inilapag namin sa lamesa ang mga plastic na bitbit namin.
"Grey, hindi ko maintindihan! Mabait naman si Adam e!" Sabi ko. "At anong gulo?"
"Hindi siya mabait Mariese!" Sigaw niya.
"Mabait siya! Mabait pa nga siya kesa sayo e! Magkaiba kayo!" Sigaw ko, natigilan naman siya.
"Bahala ka, kung gusto mo sakanya ka tumira. Nandiyan lang naman siya sa kabila." Malamig niyang sabi at iniwan na ako.